Kamusta ka kaibigan... matanong ko lang...
Ano nga ba ang kahulugan ng buhay para sayo?
"Ang life ay parang buhay... Simple lang... kailangan mong huminga hanggat kaya pa, kumain hangga't may kakainin, pag wala na, NGANGA! Matulog nang walong oras (ideally) at sikaping magising para sa panibagong araw. Ulitin ulit mula umpisa. Yan ang sirkulo ng buhay... plain and simple! In short buhay ng TAMAD!
Sana nga ganito lang ka simple ang buhay. Walang kumplikasyon masyado, walang pressure kumbaga. Pero kung ako ang tatanungin, ito ang pananaw ko sa buhay...
Para kay Super Mario... Ang buhay ay hindi isang Pelikula...
![]() |
Shot courtesy of Jocelle |
No horror sound in our most scary experience...
Huwag kang maghihintay na makarinig ng tunog na makakabog puso!No heart pounding sound when someone wants to stab us on the back or a killer awaits on the dark alley. Wala ring maririnig na queue kung kailangan mo nang sumigaw at matakot. Wala! kaya isang malaking ASA kung inaabangan mo yan. Sa buhay, magugulat ka na lang, matatakot, at maiiyak sa mga nangyayari sayo, sa paligid mo, sa pamilya mo. Aasamin mo pa nga na sana ay may "double" ka na lang, na syang sasalo sa mga mahihirap na parte ng buhay mo. O kaya naman ay nanaisin mo na sana ay may "take two" kung ikaw man ay magkamali. Hindi dito pwede ang teka lang, sandali lang, di pa ko ready! Bawal din ang OA dahil wala ka sa harap ng kamera. Everything happens real time.You may be facing the scariest situation in your life pero wag kang maghintay sa pagdating ng isang Super Hero. Ikaw ang bida, buhay mo yan, kaya galingan mo, tatagan at tibayan ang loob. Kapit lang at wag bibitaw!!
No drum rolls on our biggest and little achievements in life...
Sa bawat tagumpay, malaki man o maliit, kadalasan, ito ay hindi ipinagyayabang. Wag kang mag-aabang na may bumagsak na confetti sa ulunan mo, o may choir sa likod mo na kakanta ng "Hallelujah! Hallelujah!". Minsan pa nga, bato ang lumilipad papunta sayo. Bakit? Dahil ang isang puno na hitik sa bunga, binabato, niyuyugyog para makuha ang bunga na inaasam. Celebrate life's achievements humbly. At the first strike of it, you can shout for joy and be glad in it. It is your own laughter and inner happiness that counts. After that, pwede ka nang magpatuloy uli at wag malunod sa tagumpay.
No instant sad song in our loneliest moments...
Gusto mo ba may background music pa pag nalulungkot ka? Kung gusto mong bumigat lalo ang iyong pakiramdam eh di sige lang. Pero sa totoong buhay, pag dumating ka sa puntong ikaw ay masaktan at lamunin ng kalungkutan, walang instant sound track na tutugtog. Walang theme song na papailanlang sa ere the moment you experienced a painful events at sa bandang chorus ay doon palang babagsak ang iyong masaganang luha. Wala di ba? Sa pelikula lang nangyayari yon! Pagkalipas ng mga dalawang araw, ayan, magsisimula ka nang maghanap ng mga musikang babagay sa iyong nararamdamang pait! Sabi nila eh halos i-relate mo lahat ng kantang naririnig sa radyo ay patungkol sayo... Tandaan! hindi lang ikaw ang nasasaktan at nagdurusa, marami pang iba, kaya baka naman hindi para sayo ang kanta eh inangkin mo na lahat!
No tricks & No Special Effects...
Kung galit ka, walang apoy na lalabas sa bibig mo (Dragon? insert name here lol!). Kung traffic, gustuhin mo man lumipad eh hindi pwede. Kung baha, hindi mo kayang maglakad sa ibabaw ng tubig. Kung umuulan, hindi ka pwedeng hindi mabasa na parang dahon ng gabi' na panlaing. Kung madudulas ka, hindi pwedeng mag ala "matrix" ang moves at dahan-dahang bumagsak para di masaktan. Kung may kaaway ka o kagalit, hindi pwedeng titigan mo lang eh tutumba na ang kalaban mo. Hindi pwedeng lumapit sa'yo ang isang bagay utusan mo lang gamit ang utak mo. At sobrang dami pang Cinematography Effects ang pwede mong idagdag. Pero ang lahat ng yan, ay wala sa realidad ng buhay. Mararanasan mo ang mapagod, magutom, masaktan physically. You will bleed and that's the reality. WalAng tricks, walang effects! Ganyan talaga ang buhay.
No rewind, no fast forward, no slow motion, no pause...
Life just keep on playing and rolling 'till our heart stops beating. Ang ibig sabihin lang, tuloy-tuloy ang buhay. Kahit anong mangyari, tuloy pa rin. Wag hihinto at susuko. Pwede namang magpahinga saglit, kumuha ng lakas at magpatuloy muli pag okay na. Ang punto dito ay yong patutunguhan mo. Huwag mabuhay sa nakaraan, wag madaliin ang bukas, Wag magpatumpik-tumpik ngayon o ipagwalang bahala ang mga kayang gawin ngayon and don't play dead para takasan lang ang problema. Isang paglalakbay ang buhay, at wag nating kalilimutan ito: Enjoy the journey, not just the destination...
No Sub-Title, No translation...
Ikaw ba yong taong madalas na di maintindihan? Mahirap spellingin? O ikaw ba ay dumaan na sa isang "misunderstanding situation"? Kung meron lang sanang sub-title or translation ang bawat galaw at arte ng bawat isa, ang dali sana ng buhay di ba? Sana nga meron, para alam ko kung bakit nag iinarte girlfriend ko, kung bakit hindi ako kinikibo ng best friend ko, kung bakit nakasimangot ka palagi... kung bakit ganito, kung bakit ganyan... sana alam ko! Para di tayo umabot sa punto ng di pagkakaintindihan! Pero hindi ganon ang buhay. Tayo ang tutuklas kung ano ang ibig sabihin at iparating ng bawa't isa sa atin... Wag ka rin namang manhid! Harap-harapan na ayaw mo pa ring pansinin! Wag ganon! Umayos ka kung ayaw mong makutusan!
And the credits at the end...
Ito lang sa aspeto ng pelikula ako mag-aagree... the Credits.
Meron nito ang buhay at talagang sa huli din sya lumalabas. Sadly, pag wala ka na sa mundong ibabaw. Pag tapos na ang kwento mo. Pag ikaw ay may bulak na sa ilong. At kung kailan hindi mo na maririnig ang mga magagandang kwento at karanansan nila sayo nong nabubuhay ka pa. Common scenario sa burol ang ganitong aspeto. Yong iba nga, may tribute pang ginagawa at mga parangal na ibinibigay, yon nga lang pag patay ka na. Don't forget to speak love and kindness sa family mo, sa love ones at sa marami mong kaibigan, you will never know what comes next. Baka dumating sa punto na mawalan ka ng pagkakataon.
And lastly, I want to share one of my favorite words of wisdom from Theodore Roosevelt:
MAN IN THE ARENA...
"It is not the critic who counts, not the man who points out how the strong man stumbles, or where the doer of deeds could have done them better. The credit belongs to the man in the arena, whose face is marred by dust and sweat and blood, who strives valiantly…who knows the great enthusiasms, the great devotions, who spends himself in a worthy cause, who at the best knows in the end the triumph of high achievement, and who at the worst, if he fails, at least fails while daring greatly, so that his place shall never be with those cold and timid souls who have never known neither victory nor defeat."
Haaaaaayyyy life... clear ang difference ng Buhay at Pelikula sa post na ito...
ReplyDeleteTotoo naman, malayung-malayo ang totoong buhay sa palikula.... Kaya nga mahilig talaga ang tao sa pelikula kasi isang make believe moments ang naibibigay ng mga ito.
Soo morbid nga pero I really hate death, tama ka na people only recognize our existence pag tegi-bells na tayo... sad truth...
Hate mo pala ang death... Morbid nga but inevitable, lahat tayo dadating don... Ganon talaga ang buhay!
Deletekung pwede lang madaan sa take two , cut at pack-up ang buhay, matagal ko ng ginawa. pero may mga pagkakataon pa ring itama ang lahat. dahil tulad ng pelikula, totoo ang happy ending .
ReplyDeleteButi ka pa may happy ending... ako wala pa!
DeleteKainis. Balik ako dito. Hahahah Super Mario. brrrr!
ReplyDeleteAnong problema? hahahaha
Deleteweee, gnyan nga lang talaga siguro ang life >:)
ReplyDeleteparang buhay? hahaha McDo ko JLo, asan na?
Deleteeh kuya paano yung love story? ahahahaha.
ReplyDeleteLove Story ba gusto mo? hahaha... sige gawan natin haha
Deletepush ahahahaha.
DeleteSad story sakin kuya Mar! :)
DeleteLove story na sad ang ending... na may guess the object gamit ang instagram hahahaha
DeletePwede na ba sa inyo yon Rix and Pao? hahaha
hala bakit may guess the object pa? ahahaha
DeleteNa late ka lang ng saglit nung Monday eh ganyan ka na? juk!
ReplyDeleteNakakasawa minsan life kuya Mar. paulit ulit lang. sleep work sleep work..
I need nagbabagang LOVE..lol
Si Ira na kasi! hahaha! Tapos isasama mo sya sa EB natin! ;) Tapos si moi ipadala mo sakanya, kahit ikaw di na sumama. JK! hahahaha!
DeleteSizzling love pala gusto mo eh... nasa hot plate hahaha
DeleteWow, si Pao, luma Lala! hahaha
At sino si Ira? at si moi? hmmmm
Pwede ba ko mag subadmin dito? madalas ko yung ginagawa sa blog ni kuya Emps. Hahahaha!
DeleteSige, pwede naman! hahaha
DeleteGanyan talaga ang buhay, parang pelikula. Expect the unexpected sa dulo. Minsan happy minsan naman malungkot. Kaya dapat ready ka parati na sumabay sa agos ng buhay. Fight lang ng fight, no matter what.
ReplyDeleteYun oh!
Parang may twist ang plot ng kwento ganon ba? Pagdating sa ending eh iba sa inaasahan mo hahaha
Deleteat tsaka may bida at kontrabida
ReplyDeleteYan ang nakakapagpganda ng kwento... ang kontrabida! Boring ang buhay pag wala nyan hahaha
DeleteHahahah ako gusto ko may instant music pag nalulungkot! Emo emo sa sulok. Pero ako pag nalulungkot ayaw ko mapag-isa. Gusto ko may kausap.
ReplyDeleteNapatawa ako sa Dragon! Susumbong kita. hahahaha!
Hayyy sa credits. :|
***
Totoo talagang hindi parang movie ang buhay ng tao. Hindi lahat may happy ending, bagaman may ibang nakakatamasa ng sarap ng buhay. Maswerte sila, pinagpala.
***
Kuya Mar, napakain ko na ang fish mo dito. Takaw lungs. Hahaha! Parang nasa Nuvali ako. Pakainin mo din ang rabbit ko pag balik mo sa blog ko pag meron na kong bagong post! :D
Ang hilig-hilig mo sa malungkot! At nandadamay ka pa, ayaw mag-isa hahaha
DeleteAt bakit ka natawa sa Dragon? Bumubuga naman talaga ng apoy ang dragon ah, talaga to! Iba na naman nasa isip! hahaha
Nagtry akong pakainin Rabbit mo... ayaw kumain! ang tamad lungs! hahaha
buhay buhay buhay
ReplyDeletenapaka komplikado pero simple
napaka masalimuot pero masaya
napaka hirap pero maganda
sana nga ayy isa na lng pelikula ang lahat
pero hindi isa lang ang sigurado ko
di man ito perpekto masarap pa ding mabuhay
oops buhay ng tamad ako sa naun haha
Tama! Kahit anong dumating, towards the end of the day... masarap pa rin mabuhay. And we should be thankful for this life.
DeleteAno ang buhay para sa akin? Maihahambing ko ito sa isang MUSIKA. Eto ang nabasa ko:
ReplyDelete"Ang BUHAY ay parang musika, kinakailangan pang i-tune in mo nang maayos para maganda at kaaya-ayang pakinggan. Ang buhay ay ganoon din, kailangan mo rin itong ayusin para maganda ang simulain. Marahil karamihan sa atin nagdadalawang isip, kung ano kaya ang magandang bukas na darating? o ano kaya ang mangyayari sa hinaharap?. Ang BUHAY ay parang "String" nang gitara, minsan maputol, at hindi tatagal mapapalitan din ito, at ito ay magsisimula na naman nang panibagong tuno. Ang BUHAY ang ganon rin, minsan nasa taas ka, minsan naman na baba ka, minsan masaya ka, minsan naman may problema ka, minsan naman ay nakapagbigay ka nang saya. Pero sa kabila ng lahat, dahil dito marami tayong natututunan sa ating mga karanasan at ito'y palagi nating pinapraktis at pinaghahandaan."
O diba? Agree akong hindi sya parang pelikula, pero isang musika.
Ang isang pagkakahalintulad nila ay yung isang nabanggit mo sa taas na yung "credits" sa katapusan, sa totoong buhay at sa mga ordinaryong tao, ang mga ito ay hindi binibigyan pansin. Ang realidad, kung sino ang nakikita ng taong nagperform, umakto o nagsagawa, sila yung mga bida. Sila yung binibigyang-pugay ng nakakararami. Ang mga taong nasa likod ng mga pelikula at musika, iilan lang ba ang nakakaalam at may gustong alamin kung sino sino sila? Wala, maliban nalang kung sikat at magaling ka.
Gayunpaman, ang buhay ay magpapatuloy kahit ano pang mangyari. Sabi nga sa tv, "The show must go on" palitan natin ito ng "Life must go on..."
Nice one Gracie! Bagong version ito ng pananaw sa buhay...
DeleteAgree din ako sa credits na sinabi mo... halos lahat ng tao, pagkatapos ng palabas, wala ng pakialam sa credits... tayuan na agad at kanya-kanyang alisan na habang tumataas ang mga pangalan ng nagpagod sa Pelikula... hay buhay!!!
Life must go on talaga no matter what!
ganyan talaga ang buhay.... minsan kumplikado din....
ReplyDeletepara naman sa akin ang buhay ay parang telenobela... laging may kontrabida hehehehe
Ang isang magandang kwento ay hindi nawawalan ng kontrabida... pag walang conflict, boring ang palabas hhehehe
DeleteGrabe ang wisdom dito sa post mo. I loved every details. Awakening, the truth, but in a funny way.
ReplyDeleteI really like your insights.
God bless you dear:)
Thank you Ms Joy! God bless you also!
Deletepero di ba ang sabi din nila ang buhay ay di lang basta pelikula, para din itong isang pampaseherong jeep, kung saan madami ka makikita,makikilala,mararamdam at mararanasan...
ReplyDeleteBuhay jeepney... Pasada ng buhay!
DeleteSabi nga nila, Movie is the exaggeration of Life. Sa pelikula, masasabi lamang na naging matagumpay ang pagkakagawa kung pumatok sa takilya at kapag tumabo ng limpak-limpak na salapi. Sa Buhay, mahirap masabing namumuhay nang matiwasay at may kapayapaan. Mahirap hanapin yung point of satisfaction and contentment para sa ibang tao. Napaisip tuloy ako, gugustuhin ko kayang mapanood ang sariling pelikula ng buhay ko pagdating ng panahon?
ReplyDeleteThat's the sad reality... quality of life is based on the size of your bank account... It's not all about money... there are more important factors that will determine the quality of life we deserve.
DeleteGiven the chance? Ayoko mapanood pelikula ng buhay ko...
Salamat pala sa pagdalaw dito sa Unplog...
I adore your humor in this post. hay buhay tlga! kaya mas gusto ko rin ma nuod ng movie sa house nalang kc mas feel na feel ko...honestly some of the movie are relatable and attainable naman.....we just have to a little sacrifice to have that happy ending na laging gusto natin:)
ReplyDeleteGusto ko rin yang happy ending!!!
Deleteindeed...dahil ang pelikula ang hango sa totoong buhay..mas na-enhance lang..mas naa-attached lang tayo sa pelikula dahil dun madalas naachieve naten yung mga gusto nateng mangyari sa takbo ng isang story at madalas happy ang ending kung saan yun naman talaga ang gusto nateng mangyari kahit sa totoong buhay..
ReplyDeletevery nice reflection kuya Mar :)
Thanks Arline!
Deletewell said, well said...
ReplyDeletepero pwede bang may remote? haist!
Kung pwede lang sana no? Pwedeng kontrolin ang takbo ng buhay...
Deletewala bang superlike button dito...
ReplyDeletepero pakiramdam ko mas cool pag may special effects ang buhay. whahaha .. yung may apoy pag nagagalit. kahit sa isip lang . ibig sabihin buhay pa ang emosyon . nagana pa ang utak. hehhe
apir para sa sobrang astig na post!
Apir idol! hahaha
DeleteAyos ah, nagustuhan mo talaga ang may special effects hahaha
Hay buhay, ewan ko ba sa iba na binatay na yata sa mga teleserye at pelikulang madrama ang itatakbo ng kanilang buhay, lalo sa pag-ibig. Sa buhay naman ay bigla ka na lang gugulatin, bulaga! At tinatamad akong magkabisa ng iskrip.
ReplyDeletetama ka dyan... kinikilig sa love story ng mga bida sa teleserye, at ginawang standards na ang character at itsura ng mga bida para sa sariling love story...
DeleteTamad din akong magkabisa ng skript... mas okay pa ang impromptu
Ang buhay para sa akin ay isang malaking blangkong papel na binigay sayo simula ng pagkasilang mo. Walang nakasulat, pawang ikaw ang guguhit ng mga larawan sa bawat espasyo na siya ring pupunan mo ng mga titik..salita na siyang bubuod sa bawat kwento na hinarap/haharapin mo at may mga pagkakataon din na mabibigyan ang ibang mga tao sa paligid mo na maging "guest author" sa papel na binigay sayo.
ReplyDeletePagkatapos basahin ang akda, ang buhay nga ay isang pelikula!
Mahusay!
I always remember you na all smiles, parang hindi seryosong tao, pero pag nagsulat ka, ang lalim! As in pano mo nahuhukay ang mga ganitong posts? Haha. Galing ng comparison mo, and I couldn't agree more. Lahat totoo. Though minsan, ang saya siguro kung may background music and special effects sa totoong buhay, haha. At sana yun credits e malaman ko bago ko mamatay. Ay teka, ayoko pa mamatay ah, haha.
ReplyDeleteTama naman yan! Hindi pelikula ang buhay na anytime pwede kang sumigaw ng "cut" kung kailan na ayaw mo na o di kaya ay "action" kung gusto mo na magsimula ulit. Hindi rin scripted ang buhay na anytime pwede mo baguhin ang mga nangyayari sayo. Diba???
ReplyDeleteEnjoy life the way it is...
Gгeetings from Los аngeles! I'm bored to tears at work so I decided to check out your site on my iphone during lunch break. I really like the info you provide here and can't wait to
ReplyDeletetake a lοоκ when I get hоme. I'm shocked at how fast your blog loaded on my cell phone .. I'm not evеn uѕіng WIFI,
just 3G .. Anyhoω, awesome sitе!
Ηere іs my ωebраge :: Chemietoilette
My page > Chemietoilette
coach outlet
ReplyDeletecoach factory outlet online
abercrombie and fitch outlet
louboutin
michael kors outlet
coach outlet online
polo ralph lauren
coach factory outlet
abercrombie outlet
kobe 8
celine handbags
hollister outlet
michael kors bags
jordan 3 retro
louis vuitton handbags
fitflop outlet
burberry bags
pandora rings
fake watches
true religion jeans
insanity workout
coach outlet
louis vuitton
louis vuitton
hollister kids
louis vuitton handbags
ray-ban sunglasses
coach factory outlet
cheap oakley sunglasses
toms promo code
christian louboutin sale
timberland boots
cheap toms shoes
kate spade
oakley outlet
20150626xiong
canada goose sale
ReplyDeletenike roshe run women
the north face outlet
coach factory outlet
bottega veneta handbags
christian louboutin shoes
michael kors uk
reebok outlet
nike tn
jimmy choo outlet
cheap jordan shoes
nike air max
coach outlet
nike free flyknit 3.0
ralph lauren uk
fitflops sale clearance
birkenstock outlet
kate spade bags
omega replica watches
nike store uk
cheap nfl jerseys
michael kors handbags outlet
burberry handbags
nike air force
canada goose uk
prada sunglasses
cheap oakley sunglasses
michael kors handbags
ugg outlet
jordan pas cher
ralph lauren uk
abercrombie kids
louis vuitton outlet
nike free flyknit 3.0
michael kors outlet
2016713yuanyuan
tiffany jewelry
ReplyDeletehttp://www.uggoutlet.uk
ray ban sunglasses outlet
air jordan retro
jordan retro
yeezy shoes
fitflops sale
nike huarache sale
jordan shoes on sale
nike huarache
cheap jordans online
michael kors outlet
jordan retro
cheap oakleys
nmd adidas store
michael kors factory outlet
adidas stan smith
michael kors outlet
michael kors handbags
cheap rolex watches
adidas stan smith shoes
ReplyDeletenike air zoom
michael kors purses
hogan outlet online
http://www.yeezyboost350.uk
michael kors outlet
http://www.kobeshoes.uk
adidas superstar
http://www.airjordanretro.uk
adidas nmd
ray ban sunglasses
ReplyDeletereebok shoes
michael kors outlet online
pittsburgh steelers jersey
ecco shoes
instyler max 2
oakley sunglasses
ugg outlet
cheap jordans
seahawks jersey
reebok outlet
ReplyDeletecheap jordan shoes
ralph lauren
cheap oakley sunglasses
cheap mlb jerseys
giants jersey
ralph lauren
michael kors handbags wholesale
coach factory outlet
nike tn
20170417alice0589
chrome hearts
ReplyDeletehogan outlet online
lebron shoes
yeezy shoes
yeezy boost 350
fitflops
cheap jordans
jordan shoes
roshe run
kobe 9
love shayari
ReplyDeleteadidas yeezy boost
ReplyDeletekate spade outlet online
pandora charms sale
adidas superstars
michael kors outlet online
canada goose
nike free 5.0
jordan shoes for sale
coach outlet canada
kate spade outlet online
20180914yuanyuan
Your blog was always neat and clean and also informative. Visit for
ReplyDeleteServer Management
GBWhatsApp App
ReplyDeleteWhatsApp Plus apk
ReplyDeletekobe 9
ReplyDeleteoff white jordan 1
hermes
jordan 1 off white
golden goose
golden goose sneakers
off white jordan 1
yeezy boost 350
kd 10
giannis shoes
The Cheap Real Yeezys's sole, as mentioned earlier, comes white - with portions of it showing of at the very front and back ends of the shoe. It is quite a thick sole, by the way. For a tying mechanism, the Cheap Yeezys employs both a shoe-thread/hole mechanism and a 'flap' mechanism.
ReplyDeleteCoach Outlet Online is one of the best fashion Coach Bags Outlet in the world. Michael Kors Bags Outlet is known for its best quality Michael Kors Purse Outlet that are usually used by actresses and also rich people. The price of Coach Outlet Store Online is also not cheap, means that it is really expensive. One of the best features of this thing is the sturdiness of the MK Outlet. Coach Bags Clearance have really high quality and they are made of high quality raw materials.