Saturday, September 21, 2019

Coin Doodle


Finish Product

Raw Materials



Thank you sa sponsors na nag-donate ng ilan sa mga coins na napasama sa coin doodle na ito... Sa mga nais mag donate, please do contact me for another coin project!

Ciao!
Super M

Thursday, May 16, 2019

Available but Out of Stock!




(Ang kwentong naka bullet points)

1. I run out of medicine, my HB maintenance, kaka extend dito sa UK.

2. Kahapon, I try to buy it over the counter. With me is an empty box of that medicine, the xforge! Pangalan palang pangmalakasan na. High tech!

3. Over the counter, the pharmacist check the medicine and told me I need to provide doctor’s prescription. In short, bigo! Kailangan ko magpunta sa clinic. He’s so kind na binigyan nya pa ko ng referral kung saan may walk-in clinic na malapit sa place of work ko.

4. Bago ako umalis tinanong ko si koyang pharmacist kung available yong gamot ko. After checking sa system nila, sabi nya AVAILABLE daw.

5. The following day, kanina yon of course, punta ako sa clinic, £50 daw para sa prescription, mahal ah! Kinunan ako ng bp, mataas daw yon pero kalmado si doc so hindi ako nabahala, unlike yong sa dubai hahaha mas nagpanic pa sa kin si doctora. The same medicine since AVAILABLE naman daw pala don sa pharmacy na napagtanungan ko.

6. I’ve never been this excited na nakakuha ako ng prescription! Di ako nakapagtrabaho maayos sa excitement. OA lang...

7. After office hour, 10 mins walk to London Bridge station, take Jubilee line, then final destination Stratford station! Bilis no? Bullet train yan! 😂

8. Deretso na ko sa Pharmacy, na itago na lang natin sa pangalang Boots, boots nga yata totoong pangalan ng pharmacy. 🤔🤔🤔

9. Excited ako na hawak hawak prescription na binilot kong parang diploma, di kasi nagbigay man lang si doc ng sobre, £50 binayad ko ah. Kaso absent si koyang pharmacist, si ateng pharmacist nag assist sa akin, at sinuring mabuti ang prescription! Baka daw dinoctor ko ang doctor’s prescription. Doctor na dinoctor pa. Judgmental si ateng pharmacist.

10. After a not so long staring contest with the prescription, nagtype na si ateng pharmacist sa POS nila, but to her surprise and to my dismay, OUT OF STOCK daw medicine ko!

11. I explained to her about koyang pharmacist na sinabi sa akin na AVAILABLE yong medicine ko kahapon lang, ngayon ubos agad? Ang daming may HB dito sa stratford ah! And when I say I explained, I explained a lot! Tahimik akong tao pero nagiging madaldal ako pag ganitong pinaasa ako, napaderetso tuloy english ko in british accent hahaha

12. And here you go, the lady pharmacist told me, that Yes sir, your medicine is AVAILABLE BUT OUT OF STOCK!

Ending: High blood pressure went up to the roof!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...