Sunday, November 25, 2012

Project Piso...


Piso, may halaga ka pa ba?


Nitong mga nakaraang buwan… dalawang coffee mugs na ang napupuno ko ng piso. Kada-uwi ko from work, nakasanayan ko na, na maghagilap ng piso sa aking bulsa at ilagay sa mug. Sa umpisa, parang wala lang, hanggang kalaunan ay naging challenge sa kin na kailangang mapuno ko ang mug. Sa mga sukli sa tindahan, groceries at kainan, inaasam ko na sana ay may baryang piso. May pagkakataon pa nga na hindi ko sya gagastusin kahit nanghihingi ang kahera kung may dalawa o tatlong piso ako sa bulsa, para lang may maiuwi at maihulog. At para bang may kakaibang saya na marinig mo ang kalansing ng barya.


Kung si Manong Taxi Driver ay walang pakialam sa halaga ng pisong barya na kailangan ko… dahil lahat ng taxi driver ay hindi marunong magsukli ng tama, para sa akin at higit sa ibang kapos… ito ay napakahalaga. Bakit sa ibang bansa, pag sumakay ako ng taxi, nagsusukli kahit sa huling sentimo? Dito sa Pilipinas ay kakaiba. Only in the Philippines na naman ba? Yeah right! More Fun in the Philippines!


Ngayon, tuloy pa rin ang pag-iipon ko ng piso. Ngunit may malaki akong problema na nais isangguni sa inyo. Ano naman ang gagawin ko sa mga pisong ito? Nasimulan ko na rin lang ang mangulekta nito, might as well used it sa mas kapaki-pakinabang na bagay. 



Hindi ko kayo hihingan ng piso (marami akong pera –dyuk!). Gusto ko lang hingan kayo ng idea kung anong gagawin ko sa Piso. Ayaw ko naman syang ipamigay sa pasko. Baka mabutas sobre. Lalo naman sa mga inaanak ko, baka sabihin naman nila kuripot ang kanilang Ninong Mar (di nga ba? Lol). Ayaw ko rin naman mamigay ng limos sa kalsada at baka ako dumugin. Ayaw ko naman na ipang-tip sa restaurant at baka ibato sa kin pabalik. Hindi naman ako nag ji-jeep at bus… minsan lang (hehe) So ano nga ba? Kung kayo ay may sariling proyekto at may pag-gagamitan kayo ng mga pisong ito, hayaan nyong maging katuwang ninyo ang project kong ito. Hindi man ito malaking halaga, naniniwala ako na ang pinagsama-samang maliit na tulong ay malaki ang magagawa.

Project Piso ni Super Mario! Ano, paano, para kanino? Hindi naman siguro kalabisan ang aking hiling, from the brilliant minds of my fellow bloggers! More Power sa inyo, More Piso para sa akin!

At tingnan natin kung hanggang saan makakarating ang naipon kong mga piso!
 
Salamat!

52 comments:

  1. padala mo sakin kasama yung mug! dyuk (credits to Archiev) :P

    aside from "Pondo ng Pinoy" mag-iisip pa ko balik na lang ako tulog muna. tagal mo magpadala ng kape :P magkasunod na naman blogs natin sa pag-roll ha ha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga, naka base ako sa comment sa post mo, oha! First time ko mauna! haha

      Saka na yang kape... matulog ka na ng makabalik ka na sa race track haha at isama mo ko sa takbuhan!

      Sige antayin ko other suggestion mo! Salamat!

      Delete
  2. Oist, wag mo itago yan mga piso na yan, bawat pisong itinatago mo eh doble (ata) ang gastos ng gobyerno para I-manufacture yan, ihulog mo na lang sa bangko at yun katumbas na halaga ang gamitin mo sa proyekto mo. May mga friends ako na nagkokolekta ng 5 at 10 peso coins pero sa halip na bigyan ko sila, ginagastos at ipinapasahe ko na lang, kunwari ala akong nakukuha na ganon, hehe.

    Sabi ko matutulog na ako at bukas na ang blog-hopping, napadaan at napa-comment pa dito dahil sa piso mo. Bukas na ulit, magko-comment pa ko sa itinagong abs...hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ah ganon ba? Salamat sa advise, Sorry naman government! ahaha

      Madaya ka ah... pero malaki na kasi yong 5 at 10 peso coin hahaha

      Wag ka na mag comment don hahaha... makita mo pa yong abs ko haha!

      Delete
    2. Tama si Ate Tal dito, isa sa problema ng BSP ngayon ang maling pagiimpok ng barya dahil hindi nga nagagamit ng maayos at hindi naisisirkulo ng tama ang mga dapat sanang ginagamit sa pang-araw araw! Sobrang guilty ko rin dito kasi dito sa bahay may jar kami na lalagyan ng barya, at kapag pinapapalit na namin sa bangko may halong leksyon si Miss Teller ng bangko haha.

      Delete
    3. agree ako ky tal! ikaw talaga mario, super ka talaga. hahaha. that's hoarding/ bad yan. hahaha

      Delete
  3. Find a home for the the homeless children and give the money to them:) Then you are saving treasure in heaven:)

    ReplyDelete
  4. i love this idea... ma try nga din ako nmn 1000 everyday ... chos!

    ReplyDelete
    Replies
    1. sige ipon ka 1000, tapos ibigay mo sa kin, babaryahin ko na puro piso haha

      Delete
  5. Bawat piso ay mahalaga.... kapag pinagsama o dumami malaking bagay na rin.... iilan na lang ang nakakagawa niya...

    ang huling taong alam kong gumagawa niyan lolo ko... dami niyang naipon na piso... sa alkansya na kawayan...

    pero bilib ako sayo kasi sa mug mo nilalagay hehehe ^_^ ---- pero maganda yan.... at isang magandang project ang naiisip mo...

    Hanga ako sayo kasi... imbes na personal na bagay ang paggagamitan mo eh isang proyekto ang naisip mo...

    Siguro, ialay sa mga bata.... pambili ng laruan.... o mamigay ka ng alkansya at lagyan mo ng barya sa loob... ang gagawin ng mga bata... ipagpapatuloy nila ang pagpuno sa alkansya...

    pag napuno... saka nila gastusin... un naka help ka na... at naturuan mo pa silang mag ipon hehehe... un lang naisip ko hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe okies... sana marami ka pang maipon na piso... ^^

      aaminin ko -- di ko pa naranasan ang mag ipon ng piso... nasubukan pero sandali lang... ginastos ko din hehehe

      kaya hanga ako sayo pre ^_^

      Delete
  6. Find a perfect charity for that:) perfect for the christmas! para more blessings!

    ReplyDelete
  7. Pang bili ko ng Hermes na bag!

    Or better yet, bili mo ng konting grocery tapos bigay mo sa pamilyang walang bahay..yung nasa kalsada lang on Christmas day..para maging special naman at masaya kahit paano :)

    This is a great idea Mar :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat ZaiZai... Saka ka na bumili ng hermes bag, unahin muna natin.groceris hehe

      Delete
  8. 1. Ihanda mo yan sa bangong taon at ihagis pagsalubong. Happy New year. lol dyuk!

    2. Ipapalit mo sa BSP ng tig- 5 cent para dumami ang coins mo. The more the merrier. lol

    3. Ihagis sa perya.

    4. Gawa ka ng Piso Wall o Iframe mo at idikit sa wall ng bahay nyo, sa ceiling, kusina, sala, bathroom. Ganyan. hanggang sa makagawa ng ng Piso haus. lol o kaya gawin mong tiles. astig iba? lol

    5. Gawin mo na parang mosaic sa lamesa, upuan o sa wall, tapos kulayan mo.

    Di ko na ilagay yung idonate kasi nasabi na nila :)

    Yan lima yang kapakipakinabang na suggestions ko ah. lol dyuk!

    Ui, ang nice ng ginagawa mong pag-iipon ng piso :)

    ReplyDelete
  9. Bigla akong napaisip... Napakarami palang pwedeng gawin sa piso haha

    Uy! Mag ipon ka rin dyan ng dollars tapos ibigay mo sa kin... Yong bill ah, sawa na ko sa coins haha

    ReplyDelete
  10. Oo dami ko pa ngang naiisip na kapakipakinabang. dyuk. lol

    6. Punta ka National Bookstore Mag ipit ka ng piso sa libro. Tadaan mo yung piso ah. Kulayan mo o lagyan mo ng palatadaan. Kung sino ang magbalik sayo ng piso nayun sya na ang soul mate. lol

    7. Ihagis mo sa wishing well

    8. Gawin mong pogs. Pero yung mukha ni rizal gawin mong mukha ni Super Mar (You)

    9. Tunawin tapos gawing isang imahe. Gawin mong statwa mo. Kasing laki ng liberty. lol

    10. Gawing spada. yah! Si super mario mayspada na. astig.

    Syak! dami kong naiisip. Isip pa ko ng sampu para bente na. lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. aba! at talagang dinagdagan mo pa haha

      Delete
    2. Haha, nababaliw ako sa mga kalokohan netong si Arvin!

      Delete
  11. para maiba naman, pwede mong paikutin ang Barya! sa pamamagitan ng isang negosyo, isang maliit na negosyo na hindi mangangailangan ng malaking kapital. Malay natin sa pamamagitan ng mga baryang iyan makabuo ka ng isang negosyo na magiging patok sa masa.

    Ngayon super Mario pinakamagandang gawin sa mga yan ay ipapalit muna sa bangko o kaya i deposit habang wala kapang naiisip!

    Goodluck sa napakaraming piso!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa idea, mag-iisip pa ko haha

      At tama ka, kailangan ihulog ko na o papalitan ng buo haha

      Delete
  12. ihulog mo dun sa coin dozer sa Quantum o kaya sa Timezone! HAHAHA! wala lang, bigla lang pumasok sa utak ko. haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku! Si Gabo at Gideon lang mag-enjoy nyan hahaha

      Delete
  13. nalala ko yung ginawa ng kapatid ko..gumawa sya ng maliit na barbell using piso coins!

    ReplyDelete
    Replies
    1. at ilang piso naman nagamit nya? Magandang idea rin yan, para di na pupunta sa gym haha

      Delete
  14. Ahh.. ihulog mo dun sa mga alkansya sa mga cashier sa dept. store! o kaya sa bulsa ko, dyuk! Ay nauuso ang dyuk na yan dahil kay Arvin.. In fairness, yun about sa taxi, nun minsan napadpad ako sa Marikina, yung mga taxi drivers dun nagsusukli sila, nagulat ako at na-amaze, haha.. at wala rin sila daya daya sa metro..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa bulsa mo na lang hahaha dyuk! Pauso yan si Arvin eh hahaha... wag mo lang do doblehin at masagwa pakinggan haha

      Galing naman ng taxi sa Marikina, kailan kaya sil mapapadpad dito sa Kamaynilaan?

      Delete
  15. Dirty yan hehe. Gamitin nalang natin para sa outreach na wish ko ngayong Pasko :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dirty nga... itapon na lang natin haha

      Sige, punta ako sa bahay mo para alamin kung ano yang outreach mo ngayong Pasko... papupuntahin mo ba ko dyan free two-way air fare? Ok lang sa kin hahaha

      Delete
    2. Hehe ang kulit. Tara pag-usapan natin. Kidding aside, magkano ba lahat yang piso mo at papalitan ko? then bili natin ng goods for the kids this x'mas.. tawagin natin itong outreach na "Project Piso".

      Delete
    3. Sige, pwedeng pwde. Let's call it Project Piso... Wag mo na palitan, dagdagan na lang natin, this is our initial funds kumbaga... Then sa mga gustong maging kabahagi ng Project Piso na gustong tumulong in any form, ipunin natin hanggang sa dumating yong time na ipamahagi na natin...

      Delete
    4. Yesss, maraming salamat Santa hehe.

      Delete
  16. well first of all ung piso eeh madalas matake forgranted ng mga taong may kaya peo sa mga taong kapos parang ginot na kung ituring yan diba?
    anyways pede mo yan i abot sa mga nangangaroling haha
    peo seriously madame mapupuntahann yan you can keep it you'll never know kelan mo magagamit. or pwede mo i donate sa church oh sa orphanage mas makakasuguro ka sa pupuntahna nayn doon, meon din mga donation cans na nakakalat sa mga dept. store pwede mo dun na lng i spend haha

    ReplyDelete
  17. ako naman limam piso. hahaha. pag uwi ko hahanap din ako ng limam piso sa wallet ko. pero ang madaling magastos lalo nah tuwing nagpapark, limampiso agad nagagamit para sa parking boy.

    so suggestion ko ipamigay mo super mario. paano pat naging super mario ka diba.

    ReplyDelete
  18. ipapalit mo sa bangko then yung pera ibili mo ng school supplies then bigay mo kay ms n. para maibigay nya sa mga bata. haha =D

    ReplyDelete
  19. Ibili mo ng lapis then donate mo yung lapis sa pens of hope. pwede rin papalit mo sa bangko tapos ipangbili mo ng regalo para sa pasko. Nasa SAgada ka na ba?

    ReplyDelete
  20. Sir Mario, new reader po at ang Project piso na iyan ay malaki ang maitutulong sa AKIN. Lol, hindi sa akin pero sa mga walang pang noche buena sa darating na Pasko. Kung may mga NGO na matino at mabuti ang hangarin ay maaaring makinabang sa piso ni Sir. Pwede rin sir na gumawa tayo ng museum ng piso. Estatwang gawa sa piso, mural na puro piso, paintings na puro piso or flooring na piso ang tinatapakan. Joke, pero hanga ako Sir sa pag-iipon niyo. Kung makaipon man ako, sa estudyanteng tulad ko na nagpa-part time lang sa trabaho ay malaking bagay na itong ipon na ganito, pautang! :D

    Kapag naipon talaga Sir, mas malaki ang magagawa. Kapag Bagong Taon eh isaboy sa bahay para swerte. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. dami mo sinabi uutang ka lang pala! hahaha, wala ng sir, masyado namang pormal

      salamat sa pagbisita sa unplog... at sa mga suggestions mong dami kong tawa!

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...