Saturday, April 21, 2012

44th Floor... E2




“Do I believe in the supernatural? Oh yes, certainly. I can't believe, I can't accept that you die and that's the end. Physically maybe it is a fact. But there's something about the mind that's more than that.” Terence Fisher

My faith leads me to believe only in two things: The Power of God and the works of evil. Knowing God’s power gave me the strength to face anything, even the darkest of the hour. For I hold on to this promise: 



Psalm 23: 4 “Even though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil, for you are with me; your rod and your staff, they comfort me.”



Warning: This story is not for the faint-hearted.

At yon marahil ang aking pagkakamali...


12:30 am… 


Isinalpak ko sa tenga ko ang headset ng aking ipod, todo ang volume ng awiting madalas gamitin sa mga bar at pub. At nagsimula na ako sa binding session ko sa mga papel… Itinuon ko ang aking buong attention sa aking ginagawa, sabayan pa ng pakikinig ng malakas na musika. Kailangang matapos ko ito bago mag alas tres! Nasa tamang order na ang mga bubutasan ko na papel, ready na ang front cover, acetate at spring binder. Gamay ko na ang gawaing ito kaya naman organisado kong inilatag ang lahat ng kailangan ko. This is going to be smooth and I will finish it in no time… Pilit kong iwinaksi ang pakiramdam na may nanonood sa aking kilos at galaw… yong pakiramdam na may mga matang nakatingin sayo ngunit di mo alam kung nasaan… I will just ignore it… baka sakaling mawala ang kakaibang atmosphere na bumabalot sa apat na sulok ng kwartong ito… 

Yon ang akala ko… the moment na makapagbutas ako ng isang set ng mga pahina ng papel… biglang sumambulat ang mga print-outs ko na kanina lang ay maayos na nakapatong sa aking table! Animo hinipan ng malakas na hangin at nagliparan ang mga papel sa kisame at kung saan-saan! Pinagpawisan ako ng malapot…Air Check… Impossibleng magkaroon ng malakas na hangin dito sa loob… tanging ang banayad na buga ng hanging naggagaling sa aircon lang ang aking nararamdaman. Sinilip ko rin ang mga bintana... sarado lahat!

Nakipagsabayan ang malakas na kabog ng aking dibdib sa tunog ng aking ipod sa aking tenga… habang nagbabagsakan ang mga papel na parang malalaking confetti na isinaboy, biglang napalitan ang tunog sa aking ipod… akala mo galing sa feedback ng mikropono!. Napangiwi ako sa sakit ng tenga at dali-daling tinanggal ang headset! Halos mabingi ako sa lakas… ang matining tunog ay naririnig ko pa rin na parang isang echo… na gustong makalabas mula sa tenga ko.

Kakaiba ang epekto nito… mistulang naging slow motion ang lahat… ang pagbagsak ng papel… ang tunog ng wall clock at ang aking pag galaw… napakapit ako sa filing cabinet sa aking tabi… nanlalambot ang aking tuhod na naupo sa isang swivel chair… 

1:00 am… 

Nang mahimasmasan… iginala ko ang aking paningin… nagkalat ang papel sa bawat sulok ng silid. Naloko na… uuwi na lang ba ako o magsisimula na naman ako sa umpisa?… Naalala ko ang presentation na gagawin namin… Pano na? Kaya ko bang iwan to ng ganito na lang? Malalagot ako sa aming boss pag nagkataon, worst come to worst… baka mawalan ako ng trabaho… Naglalaban ang takot sa aking kalooban… takot sa kababalaghang nagaganap sa floor na ito at takot na mawalan ako ng trabaho pag nagkataon… Isang desisyon ang nabuo sa aking isipan….Bahala na si Batman! 

Sinimulan kong pulutin ang mga nagkalat na papel… mangiyak-ngiyak ako sa isiping i-aarange ko na naman uli ito page by page… pulot dito, pulot doon, pulot sa kaliwa, pulot sa kanan… hanggang sa maipon ko na lahat ng papel… luminga-linga pa ko baka may naiwan… tama! May isa pang papel na naiwan… kakaiba ito dahil napadikit yata sa pinto ng pantry… teka, blangkong papel lang to na marahil ay napasama lang… akmang itatapon ko na ng mapansin kong may malabong bakat ng kamay sa likurang bahagi ng papel… hugis kamay… marahil ay napakapit ang maruming kamay ng isang tao sa papel na ito… muli kong sinuri at tama ako sa aking naiisip… kamay ng bata… Bata? Tuwing pasko lang nagdadala ng mga bata ang mga tao dito sa office… April pa lang ngayon, malayo pa ang pasko! At ang bakat sa papel ay sariwa pa...

Ayoko ng mag-isip! Ayoko ng mag-analisa ng mga nangyayari ngayon! Kung hindi, masisiraan ako ng katinuan sa kakahanap ng sagot sa mga tanong ko! Trabaho lang Bryan! Trabaho lang!!! Or else, pupulutin ka sa kangkongan! Lakas-lakasan kong turan sa aking sarili...

2:00 am… 

Matapos kong ayusin ang pagkakasunod-sunod ng pahina ng mga papel, kumuha ako ng mga makakapal na libro at lumang directory at ipinatong ko sa ibabaw ng inayos kong papel… Mahirap na maulit ang nangyari kanina… hindi ko na rin pinag kaabalahang mag sound trip sa aking ipod na isang pagkakamali ko… Ngayon, maririnig ko na ang bawat kaluskos at galaw na nangyayari sa aking paligid. 

Maingat na umusad ang bawat minuto… nabalot ng pakiramdaman ang paligid… ipinagpatuloy ko ang naantala kong trabaho ng may pagmamadali. 

Halos lagpas na sa kalahati ang aking nagagawa… time check… pasado alas dos na ng madaling araw… naalala ko ang sinabi ni manong guard… kailangan di ako abutan ng alas tres… bakit kaya? Wag ng mag-isip ng sagot! Galaw-galaw ng matapos na to! 

Literal na nakikipaghabulan ako sa oras… palakas ng palakas ang tunog ng orasan na nakasabit sa ding-ding! Tik-tak, tik-tak, tik-tak! At halos kasabay rin ng tunog ng puncher na bumubutas sa mga papel! Tik-tak, tik-tak, tik-tak! Nag-uunahan… Nagtatagisan... 

2:30 am… 

Hay salamat, natapos rin, all set for tomorrow’s presentation. Ligpit ng kalat, off ng computer, unplugged all power outlets, and turned off the lights. That's the routine and in a swift motion, nagawa ko ang lahat ng ito ng may pagmamadali… 

Nang I- off ko na ang last switch ng ilaw, parang may naaninag na naman akong anino… binuhay ko uli ang ilaw, wala… turn-off ko uli, meron na naman akong napansin. Tatlong beses kong inulit ito at walang sablay, meron nga, anino ng isang bata na makikita lang in between light and darkness…darkness and light... it's like the shadow has been trapped in between...I know this is hard to believe… at walang maniniwala sa aking nakikita ngayon (ikaw? maniniwala ka ba?)… maingat at dahan-dahan kong isinara ang pinto. 

When I’m about to close the door, may narinig ako na parang may tunog ng wiper na gumagalaw para malinis ang salamin ng isang sasakyan. Tapos biglang parang hinihiwang salamin ang biglang pumailanlang sa buong silid! Salitan ang tunog ng nagpupunas at ang nakaka-ngilong tunog ng kinukuskos na salamin... itong taas ng floor na to? Wala naman sigurong magnanakaw na dadaan sa bintana ng building… ano to, mission impossible lang? 

Hindi talaga ako mapapalagay hanggat hindi ko alam kung saan ang ingay na yon, binuhay ko lang ang ilaw sa front desk at saka pumasok ako muli sa loob ng office para tingnan kung saan galing ang tunog. Hindi naman ako nabigo at nakita ko ang isang matandang lalaki na naglilinis ng salamin sa labas ng building. Medyo tinted ang salamin sa floor na ito kaya di ko maaninag mukha ng matandang naglilinis, medyo nalula ako (nasa 44th floor kaya kami) kasi naka harness lang ang matanda habang nakaupo sa tablang kahoy na natatalian ng lubid. Lumang lubid at halos butas- butas na overall ang suot nya. Naaninag ko rin ang halos mabura nang nakasulat sa kupas nyang damit… “Maintenance”… Ang tanging visible lang ay ang paghagod ng pang linis na dumadampi sa salamin. Dahan-dahan, ngunit may diin na lumilikha ng ingay. 

Sa ganitong oras ba nagpapalinis ang building management ng exterior glass ng building?… Hindi ba delikado to? Besides, hindi naman makikita ang dumi sa gabi

Pilit kong inaaninag ang mukha ng matanda… ngunit wala akong makita, madilim sa labas… tumigil sa paglilinis ang matanda… napansin siguro na nakatingin ako sa dako nya… ngayon ramdam ko, ako naman ang sinusuri ng matanda looking thru behind the glass… dahan-dahan akong umatras… lalo na ng makita ko ang bukas palad nyang dalawang kamay na bakat sa salamin… pinupunasan para maaninag ako ng malinaw… hindi ko na hinintay na makilala pa ako ng matanda ng lubusan... Umatras ako dahil sa pangambang makilala nya ako... 

Walang lingon likod akong lumabas ng opisina. Pagka lock ko ng pinto, dali-dali kong pinindot and down button ng elevator...

… 7… 8 … 9 … 10 … 11 … 12…. 14…. 

Kainip-inip ang pagpapalit ng numero ng bawat floor level sa digital na indicator. Nananalangin ako na sana, hindi ko masakyan yong bumukas na elevator kanina na may sirang ilaw. Sa taltlong elevators, dalawa ang halos magkasabay na gumagalaw papuntang 44th floor, paakyat kung saan ako naghihintay… at isa doon yong elevator na iniiwasan ko… 

Palipat lipat ang aking pansin sa dako ng corridor papuntang CR at sa dako ng pintuan ng aming opisina… Pakiramdam ko may mangyayari na di maganda pag inabutan ako ng alas tres, either coming from the corridor on my right or coming from our office on my left... pero dapat ko ring bantayan ang elevator sa aking harapan... 

Di ako mapakali habang naghihintay sa mabagal na pag-akyat ng elevator… tila isang karera ang aking pinapanood… sa pagpapalit-palit ng numero sa floor indicator, halos sabay na umaakyat ang dalawang elevators… napayuko ako para di ko makita kung aling elevator ang mauuna… ang lakas ng kabog ng aking dibdib… umaasang ibang elevator ang magbubukas ng pinto para sa akin… hanggang marinig ko na naman ang pamilyar na tunog… Ting!!! Alam na! Ito ang elevator na iniiwasan ko… Huminga ako ng malalim na tila gusto ko ng wag ibuga...

2:40 am… 

Wala akong choice kundi sumakay sa elevator na ito. Ayoko naman abutan ng alas tres dito sa paghihintay… may pag-aalinlangan akong pumasok… tumunog ang sensor at marahang nagsara ang pintuan sa aking likuran… 

5 minuto na ang nakakalipas ngunit halos hindi ko maramdaman na bumababa na ang elevator. Marahan at biglang umalog ng konti… bumababa na ang elevator pero ang kakaibang pakiramdam ay di mawala sa kin. Parang nakadikit na di ko malaman. Alam kong may mali, dahil ito ang elevator na tinitigan ko ilang oras na ang nakalipas. At tama ako, may kakaiba nga. Nagulat ako ng biglang tumigil ang elevator... salamat naman at may kasama na ko dito sa loob...Pag bukas ng pinto, dilim at banayad na hampas ng malamig na hangin ang sumalubong sa kin. Ang taong inaasahan kong sasakay ay wala... at tila wala pang tenants ang floor na ito... Maalikabok at puro agiw ang lobby nito... may isang parang pulpito yata na nasa isang sulok na ginagawang station ng mga guwardya. Agad agad kung pinindot ang closed button ngunit hindi gumagalaw ang pinto. Nakabukas lang na tila may hinihintay na pumasok! Pinindot ko uli ng mabilis ang closed button ngunit di pa rin natinag ang pinto… Eto na naman! Nagsisimula na namang gumapang ang kilabot sa aking katawan... marahil kung hindi kulot ang buhok ko, nagtayuan na ito lahat dahil sa kilabot sa nagbabadyang mangyayari na naman.... 

Since ayaw sumara ng pinto, kailangan ko na yatang pindutin ang emergency button to alarm the main lobby guard sa ground floor... When I'm about to do that... Napansin ko ang nasa floor indicator sa taas... nag-bi-blink na tila nagpapapansin!... at namutla na ako ng tuluyan sa aking nakita kung nasaan akong floor!

44th FLOOR | 3:00 am...


|  |  |



32 comments:

  1. at madaling araw ko to binasa! 3am to be exact. kinikilatbutan ako habang itinatype ko to! dalang-dala ako ng kwento. grabe parang ung tower sa ayala makati, may nagmumulto dun. naalala ko dahil sa kwento mo. nakakatakot!!!!

    ReplyDelete
  2. @Bino, tara, ghost hunting tayo hehehe

    ReplyDelete
  3. Wehh, naranasan ko 'to sa unang work ko. Yun may kumakabog sa kabilang room at akala ko dun pa yun boss kaya dedma lang ako, anyway, maaga pa yun, mga past 6pm pa lang kaya di ko pinansin. Dinig ko taguktok ng heels sa paglalakad, bukas ng drawer, files na binagsak sa table, dedma talaga dahil akala ko may tao pa. At nainis ata sa 'kin ang multo dahil dedma ko, sinilip nya ko sa taas sa may sulok, tas sumitsit sya sa 'kin, tumaas ata lahat ng balahibo ko, takbo ko sa pinto at nagtinginan lahat yun mga tao pa sa labas. Oo, dami pa tao sa labas, MIS room sa 'min katabi ng director's office, at sa director's office may nagmulto, yun labas eh open space kung saan eh andun karamihan ng employees. Hays, katakot na experience, ayoko na maranasan kaya di na ako nagpapa-late sa office kung ala din lang kasama, dedma ang work. Hehe...

    At may same experience din ako sa elevator, iba office, iba building naman, tumigil at nag-open din sa floor na alang nag-occupy, wahhh, nakakaloka!! Kaya ako ay isang dambuhalang matatakutin, kase nakakaramdam talaga ko at kinukontra ko na lang sa isip at nagdarasal.

    At nag-aya ka pa talaga kay Bino ng ghost hunting, weehhhhh, good luck sa inyo!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sensya naman at napahaba ang comment ko, halos kapareho kase talaga ng kwento mo ang naranasan ko. Fiction ba yan o true story?

      Delete
  4. gawd tangahaling tapat ngapon pero kinikilabutan ako. grabe lang. feel na feel ko yung elevator moment. waaah katakot.

    ReplyDelete
  5. Kala ko patatagalin mo talaga. Pinipilit kitang ipost ang kasunod kasi naalala ko yung 5th floor ng dati naming officr. Ganyan n ganyan. Biglang hihinto dun tapos wala namang sasakay, tas salamin pa ang tapat ng elevator. Navivisualize ko tuloy. Erase erase.

    Feeling ko yung maintenance mumu din yun.

    ReplyDelete
  6. @TPW... yup series of true events na binuo ko into one story

    @superjaid... salamat sa pagbasa nito sa tanghaling tapat... hehe

    @T.R. more? more practice!!! hahaha

    ReplyDelete
  7. sabi ko na e di pa ito tapos kasi naman nabitin na naman ako. lakas ng epekto saken nito, hindi talaga ako nag elevator kanina sa work panggabi kasi ako ayoko baka magstop o kaya may tumabi saken na matanda na di ko alam san papunta waaahh. hindi na rin ako nanalamin sa window glass dun at baka nandun si manong silipin ako. pero aabangan ko pa rin karugtong nito idol, hegsayting!

    ReplyDelete
  8. Wow Glen talaga? marami ka palang thrilling experience hehe same tayo mukhang lapitin din ako nyek, gustong gusto ko ang kwentong kababalaghan, manood ng horror movies o ghost hunting sa youtube mag isa at gustong-gusto ko din ang magpunta sa mga haunted houses pero natatakot din naman ako paminsan minsan hehe

    ReplyDelete
  9. amputik ka... ok na eh nasa climax na bigla na lamang.. ayun bitin grabe ang lupet mo.. ikaw na ang may horror series kahit sobrang aga pa ng nov...
    tsk tsk...
    btw naranasan ko din yan pero sa ortigas nga lang.. hahaha
    sana ko na lang kwento..

    ReplyDelete
  10. @AXL.. eh di paabutin natin hanggang November haha..joke.. last na yong susunod

    ReplyDelete
  11. E2 hapon ko na to binasa at ayun parin ang kabog! Mahusay

    ReplyDelete
  12. oh my god! hindi ko napigilan hindi mag-comment tumayo talaga balahibo ko! promise.. walang wala pala yung naransan ko sa bohol sa naranasan mo dito sa 44th floor! hindi ko kakayanin to!

    ReplyDelete
  13. Time check 10:23PM kinilabutan ako. Patay ang ilaw, gabi. whahahaha. grabe tumayo ang balahibo ko. May kasunod paba to?

    ReplyDelete
  14. Can I just say what a relief to uncover someone who actually understands what they're talking about over the internet. You certainly know how to bring a problem to light and make it important. A lot more people need to read this and understand this side of the story. It's surprising you are not more
    popular since you certainly have the gift.

    Feel free to visit my webpage workouts to increase vertical

    ReplyDelete
  15. When someone writes an piece of writing he/she retains
    the thought of a user in his/her brain that how a user can understand it.
    So that's why this article is perfect. Thanks!

    My web site - exercises for vertical leap

    ReplyDelete
  16. Heya i'm for the primary time here. I found this board and I in finding It truly useful & it helped me out much. I'm hoping to provide something again and help others such
    as you helped me.

    Visit my page - http://www.niwawriters.net/

    ReplyDelete
  17. Hi colleagues, good post and pleasant arguments commented here,
    I am really enjoying by these.

    Feel free to visit my webpage - http://www.iggplay.com/

    ReplyDelete
  18. Magnificent beat ! I wish to apprentice while
    you amend your site, how could i subscribe for a weblog web site?
    The account helped me a appropriate deal. I have been a little
    bit acquainted of this your broadcast provided shiny transparent concept

    My site exercises for vertical jump

    ReplyDelete
  19. Wow, awesome blog layout! How long have you been blogging for?
    you make blogging look easy. The overall look of your site is magnificent, as well as the content!


    Feel free to visit my web blog - itpings.com

    ReplyDelete
  20. It's really a nice and useful piece of information. I am happy that you simply shared this useful information with us. Please stay us informed like this. Thank you for sharing.

    Also visit my website http://poznane.pl/community/pg/profile/DaniloBre

    ReplyDelete
  21. Very nice post. I just stumbled upon your blog and wished to say that I've really enjoyed surfing around your blog posts. In any case I will be subscribing on your feed and I'm hoping you
    write once more very soon!

    Also visit my weblog :: workouts for vertical

    ReplyDelete
  22. Hey there! I just wanted to ask if you ever have any issues with hackers?

    My last blog (wordpress) was hacked and I ended up losing
    a few months of hard work due to no backup. Do you have any methods
    to prevent hackers?

    Also visit my weblog ... workouts To increase Vertical leap

    ReplyDelete
  23. I'm gone to inform my little brother, that he should also go to see this webpage on regular basis to obtain updated from newest news.

    Review my web site ... http://osceola-now.com

    ReplyDelete
  24. For most recent news you have to pay a quick visit internet and on internet I found this web page as a
    finest web page for most up-to-date updates.

    Feel free to visit my website :: amaderjagat.com

    ReplyDelete
  25. hello!,I love your writing so much! share we be in contact more approximately your post on AOL?
    I require a specialist on this area to unravel my problem.

    Maybe that's you! Looking forward to look you.

    Also visit my web page - workouts to increase vertical jump

    ReplyDelete
  26. at andito na si ate Arline! Kumpleto na ang founders! :D

    Grabe. Binitin mo pa ko sa 3AM na yan!

    Napaka usisero kasi e. hayy. Bryan ano ba!

    ReplyDelete
    Replies
    1. At talagang hinanap mo mgafounders hahaha!

      Close kayo ni Bryan? Hahaha

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...