Sunday, March 3, 2019

I will pay a lot of MONEY!!!!




Credit to China Daily by Cai Meng



One hectic day... In a queue line while submitting my supporting documents and printed online form for my UK Visa application... 

Sa likod ko eh may isang matandang lalaki (in his 60's), suddenly shouted: “I will pay a LOT OF MONEY!!!! To whoever will help me fill up that online application form!!!!!!” While pointing at the documents I’m holding. 

Lahat ng nakapila napalingon sa kanya, (basta pera talaga ang usapan, alerto lahat lols). Nakuha nya ang aming undivided attention, at nag explain si tâtang... na nahihirapan syang mag fill up ng application form online para makakuha ng Visa sa UK. Hindi daw nya alam paano mag internet. Wala yata syang kasamang kamag-anak dito sa Muscat kaya walang tumutulong sa kanya.

Eh sa totoo lang, mahirap talaga mag fill up ng form online. Ang dami mong sasagutan, daig mo pa nag college entrance exam. 

So, ang problema ni tatang is internet... meron pa rin pala talaga na hindi pa alipin ng teknolohiya. Kaya naman kudos sayo tatang at napanatili mong maging malaya. Yon nga lang... wala kang UK Visa hahaha.

How much is a lot of money? I was tempted... I have my laptop with me and a mobile data for internet connection... to help the old man...

“FOR FREE!” Kala nyo ah, hindi po ako magpapabayad.


When I completed the processing of all my documents, I look for the old man, but he was gone... Sayang natulungan ko sana sya ng LIBRE!

Since yong Visa application Center is adjacent sa Mall, I decided na magkape muna sa Costa. I ordered my favorite coffee americano. 

Habang nag aantay sa aking kape, which is a specially crafted blend of coffee beans that are roasted to perfection, in short brewed coffee, napalingon ako sa kabilang table and there I saw the Old man with his newly printed application form, satisfied and happy. And then I notice one of the other guy in our queue earlier, was with him... COUNTING A LOT OF MONEY!! 

Sayang.... 



By SuperM... Sayang talaga lols. 











1 comment:

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...