Saturday, January 26, 2019

HILIK


  1. Joke...

Boknoy: Uyyy ang lakas mong maghilik kagabi hahaha! Abot hanggang kapitbahay!!! 

Boyong: Wehhh! Hindi kaya! Hindi ako naghihilik no!! Ang tahimik ko kaya pag natutulog!

Boknoy: Hahaha! Pano mo naman nalaman na tahimik ka matulog eh tulog ka nga di ba?

Boyong: Basta! Alam ko tahimik ako matulog! Hindi ako naghihilik! Imbento ka! Hahaha

  1. Dare...

Boknoy: O sige, ganito na lang, kung talagang gusto mo malaman na hindi ka nga naghihilik, may ipapagawa ako sayo.

Boyong: Ano naman yan? Puro ka kalokohan...

Boknoy: Hindi to kalokohan, madali lang to! Kayang kaya mong gawin! O ano game?

Boyong: Sige na nga! Game! O ano na gagawin ko?

Boknoy: Voice recording!!!! Itabi mo sa pagtulog ang voice recorder at paniguradong magkakaalaman na kung talagang naghihilik ka o hindi! Since wala kang kasama sa kwarto mo, walang ibang hilik na mare-record kaya wala kang alibi! Walang dayaan ah!

Boyong: Sus! Yan lang pala eh! Sige! Mamayang gabi na agad! Gagawin ko yan tapos kinabukasan, sabay nating pakinggan!

  1. Result... Kinaumagahan

Boyong: Boknoy!!!! Heto na ang result! Hindi ko pa pinakinggan yan at lalong hindi yan edited no! Para may element of surprise!

Boknoy: Sure ka ba dyan??? Let's hear it!!!! 

Boyong: Teka lang! Excited ka. Asan na ang pusta? Sa walang hilik o sa may hilik!!!! Ilagay na dito sa lata!

Boknoy: So ready na? Push the play button!!!!

Excited na pinangkinggan ang recording... Walang nagsasalita habang hinihintay ang unang tunog na maririnig sa voice recorder...

.....
....
....

At ang dalawa ay kinilabutan......

END


SuperM: Ikaw naghihilik ka ba? Tara, i -record natin............

2 comments:

  1. Ang aga naman nitong horror story for Valentine's season! Hahahaha.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...