Wednesday, April 1, 2015

Usapang Pang Mayaman...

Dalawang Usapin lang naman ang nais kong i-share:

1. Buying:
a. Perfume- Yong tipong maliit na bote ng pabango ipinipilit ni ateng saleslady na bilhin ko... kasi daw    mura kesa sa malaking bote...



b. Running Gear - I was looking at the display ng biglang lumapit si kuyang salesman... "Sir, mahal po yan, dito po yong murang mga running gears...


c. Movie Ticket - Me choosing seat number ng biglang sumabat si aleng kahera... Sir pang VIP seats po yan, mahal po dyan... dito lang po kayo sa baba pumili....  


Realization: 

Mukha akong pulubi at walang pambili hahaha! 

On a serious note, regardless of your status in life, mas maganda pa rin ang simple at praktikal na buhay. Yumaman ka man, do not change your lifestyle, no matter what. Lalo na kung di ka mayaman di ba? Pero paminsan-minsan, treat yourself occasionally... hindi na masama ang minsan hehe

2. Eating:
a. Food Trip  - Nag try akong mag dinner sa "Tribes", isang African Themed Resto sa Mall of the Emirates. Pang sosyal worker yong place, at mukhang patok sa mga puti. Since puti naman ako (putla pala) pumasok ako sa loob. Nagulat ako ng biglang bumati sa akin ang crew ng "Welcome to Africa!" Weh, di nga? Nasa Dubai kaya tayo...

To make the story short, eto lang naman inorder ko:

The soup is so, so... pwede na

The drink is not that special... parang simpleng strawberry juice lang

Salad has this after taste na medyo bitter... parang kumakain ako ng damo haha
The Steak is a disappointment... tingnan mo naman, bagsak na agad sa
 presentation pa lang, nilagyan lang ng dahon yan na yon?
I was expecting a mouth watering steak pero, asa pa more! Parang ordinary
 steak lang ito.Alam mo ba  kung magkano yang steak?
 AED230... you do the math!
Realization:

Hindi Porket Mahal eh masarap...

Kaya kung iibig ka rin lang, wag sa mahal mo para di ka masaktan... anong konek? haha


Yan ang dalawang lessons in life na natutunan ko sa sandaling pagtikim ng buhay na medyo may kamahalan. 

Till next time...

By Super M!


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...