Wednesday, April 1, 2015

Usapang Pang Mayaman...

Dalawang Usapin lang naman ang nais kong i-share:

1. Buying:
a. Perfume- Yong tipong maliit na bote ng pabango ipinipilit ni ateng saleslady na bilhin ko... kasi daw    mura kesa sa malaking bote...



b. Running Gear - I was looking at the display ng biglang lumapit si kuyang salesman... "Sir, mahal po yan, dito po yong murang mga running gears...


c. Movie Ticket - Me choosing seat number ng biglang sumabat si aleng kahera... Sir pang VIP seats po yan, mahal po dyan... dito lang po kayo sa baba pumili....  


Realization: 

Mukha akong pulubi at walang pambili hahaha! 

On a serious note, regardless of your status in life, mas maganda pa rin ang simple at praktikal na buhay. Yumaman ka man, do not change your lifestyle, no matter what. Lalo na kung di ka mayaman di ba? Pero paminsan-minsan, treat yourself occasionally... hindi na masama ang minsan hehe

2. Eating:
a. Food Trip  - Nag try akong mag dinner sa "Tribes", isang African Themed Resto sa Mall of the Emirates. Pang sosyal worker yong place, at mukhang patok sa mga puti. Since puti naman ako (putla pala) pumasok ako sa loob. Nagulat ako ng biglang bumati sa akin ang crew ng "Welcome to Africa!" Weh, di nga? Nasa Dubai kaya tayo...

To make the story short, eto lang naman inorder ko:

The soup is so, so... pwede na

The drink is not that special... parang simpleng strawberry juice lang

Salad has this after taste na medyo bitter... parang kumakain ako ng damo haha
The Steak is a disappointment... tingnan mo naman, bagsak na agad sa
 presentation pa lang, nilagyan lang ng dahon yan na yon?
I was expecting a mouth watering steak pero, asa pa more! Parang ordinary
 steak lang ito.Alam mo ba  kung magkano yang steak?
 AED230... you do the math!
Realization:

Hindi Porket Mahal eh masarap...

Kaya kung iibig ka rin lang, wag sa mahal mo para di ka masaktan... anong konek? haha


Yan ang dalawang lessons in life na natutunan ko sa sandaling pagtikim ng buhay na medyo may kamahalan. 

Till next time...

By Super M!


42 comments:

  1. Ang daming realization. Nakakarelate ako! Hehehe..
    Ang usual problem ko naman is when buying clothes, hindi pa ako nagtatanong, sinasabi na nilang wala raw akong size!

    Apir! Bet ko rin ang praktrikal!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha natawa naman ako sa walang size

      Delete
  2. hmm parang di naman ako naniwala dun. ikaw pa yayamanin ka. Lolz

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha yayamanin ka dyan... pulubi nga dating eh hahaha

      Delete
    2. nyahaha hindi ako naniniwala ☺

      Delete
  3. Kung ako pala yun baka sabihin sakin . Pano ka po nakapasok? "No pets allowed po dito" hehehhe

    Pang mayaman yung food. yaman mo ninong!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ninong!!! Ikaw mayaman eh, i treat mo pa nga ako pag-uwi ko hahaha

      Delete
  4. Pak dun sa simplicity and wag baguhin ang lifestyle kung mej afford na in life. At i-treat ang sarili evey now and then :D

    Di ko nga bet yung steak. Di sya mukhang appetizing! Buti pa yung sa Bannaple yung Hickory Steak something Php 200+ lang.. ilang ganun na yung katumbas nyang steak na yan. Hahaha.. Dito ka na lang kumain sa Pinas Kuya Mar! Lols..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga eh... ayoko na kumain don ulit hahaha

      Sige, dyan na lang sa Pinas... samahan mo ko sa food tripping haha

      Delete
  5. Agree ako ... hindi porke mahal ay maganda o masarap ... the same na hindi porke mura ay low quality .... nasa gumagamit o tumitikim pa din yan : )

    ReplyDelete
  6. haha nako tinamaan ako sa mga pasushal na items true nga siguro na social climber ako! bwahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. asusss! Mayaman ka naman ser Mac, kaya okay lang, libre naman dyan ng steak sa Doha haha

      Delete
  7. Hongmohol ng steak! Buti nalang M ka.... haha!

    Strawberry frappe ka nalang kuya Mar, kaasim nga lang. hahaha musta na jan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Anong M? hahahaha paki explain hahaha

      Ayos naman, busy sa work, musta na dyan?

      Delete
  8. The steak looks dry. Napaka discriminatory talaga ng mga salespersons. Kala mo sila ang may-ari.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dry talaga Mr tripster... hindi masarap... hahaha

      Hayaan na lang natin mga salespersons na yan... makakabawi din ako sa mga yan balang araw pag yaman ko hahaha

      Delete
  9. Nang una akong nakatikim ng magandang suweldo, nahilig akong mamili sa mga malls at mag afternoon tea sa hotels. Hindi ko kinaya ang lifestyle na ito. Sa aking pagtanda, naging masaya na akong nasa bahay lamang, nagsusuot ng mga lumang shirts and mumurahing damit ( puwera sapatos, dahil mahal po sila), at wala nang mga afternoon tea or chocolates. Simpleng buhay na lamang. Nagtatanim sa weekend, nagsusulat or natutulog. Puwede namang tikman ang luho wag nga lamang maging bilanggo.

    ReplyDelete
  10. kaloka ano:)
    I agree with you. Me rin ay lagi pili mura bilihin, but once in a while I treat.myself:)

    ReplyDelete
  11. Totoo yan, hindi porket masarap mahal. Marami-rami na din akong natry na resto na after ko kumain gusto ko ipasoli bayad ko hahaha...

    So napagkakamalan kang walang pera, sana sinampal mo ng maraming cash, joke! Haha...

    ReplyDelete
  12. I appreciate sales clerk telling where the good stuff and yet mura. At least I can compare the mamahalin and the cheapangas! :D

    I can not do the math, but it sounds so mahal. The steak looks dry and chewy. *doublethumbsdown.

    ReplyDelete
  13. naman! siempre kung iibig ako, dun na ako sa mahal ko. di na baleng di mayaman basta mabait at aalagaan ako asows! dapat ganyan Super M. tama si Pao kun buti nalang M ka hahahaha!

    ReplyDelete
  14. Bakit pa kasi na uso ang may "presyo"? haha Si Ate sales lady naman oo mura sya kasi mas kakaonti ang laman, siguro sinasave nya yung mga malalaking bote haha.

    Naks Africa in Dubai! Waka-Waka!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...