Saturday, October 25, 2014

Hunger Game!

One hungry night, na walang makain sa accomodation dahil hindi nakapag grocery, I decided to eat outside. Since nakakasawa na ang common fast food like mcdo, pizza hut, kfc etc... Naisipan kong mag try ng ibang restaurant. Yong ibang putahe naman, para maiba ang lasa... ikot-ikot, lakad-lakad, tingin-tingin... pili ng medyo maganda naman at mukhang malinis na kainan... hanggang eto na... nakapili din sa wakas dahil gutom na gutom na si Super Mario...

Madinat Zayed Restaurant




Di na kinaya ni Super M na maglakad pa para maghanap ng iba kaya dito na lang! Saka wala namang ibang mapagpilian sa area na ito, choosy pa ba ako eh ginusto ko to at gutom na talaga ako... Sa malapitan, visible from the sidewalk ang food preparation area at makikita mo at maaamoy nilutluto nila...Marketing strategy kunyari...

Prep Area ng Restaurant
Visible din sa labas ang  glass display na ito ng mga kawawang manok, na pinaiinitan ng hindi uling, instead, may mga horizontal pipes na nagbubuga ng apoy (parang dragon lang) na syang dahan dahang lumuluto sa mga tinuhog na manok (in short - lechong manok version ng Pinas)

Roasted Chicken
Let's go inside kung patok sa panlasa nyo ang interior ng restaurant na ito... 
Ayan ang mga kalahi ko na kumakain din... ang kaibahan ko lang mas mabango ako sa kanila lol!
 Malinis naman at maayos at may second floor pa pero hindi ko na sinilip ang taas dahi gutom na ako. Pumili na lang ako ng pwesto sa sulok para walang makakita sa akin hehehe (tago mode). Pero medyo malas yata kasi nakatapat sa table ko ang lumang aircon na ito...

hinahanap ko remote ng aircon na ito pero mukhang wala haha
 FYI, si Super M po ay ayaw na direktang natatamaan ng hanging galing sa aircon (maarte lang)... kaya bad trip ako sa pwesto na ito... Habang nag aantay lapitan ng nag-iisang waiter yata, naghanap na lang ako ng instagram worthy... pero wala kahit ang ilaw nila ay hindi papasa sa lamp series ko sa Instagram (yabang). Wala man lang chandelier, at naghanap talaga ako hehe. 
ito lang naman ang ilaw nila sa ceiling... :( sad face ordinaryong ilaw lang
 Sa wakas naabutan din ng menu... pero sa gutom o dahil wala akong kilala sa pagkain, yong chicken sa labas na lang inorder ko... roasted chicken combo! Makakakain na rin... yesss!!



Ito ang cover ng menu! Don't judge the book by its cover! Pang piyesta ang main photo di ba?
 Pero bago kumain, may seremonyas pa pala na dapat gawin. Mandatory, kailangan maghugas ng kamay! O ha! Bawal kumain ng hindi naghuhugas ng kamay... 

hugas hugas din bago kumain
At ito ang matindi... kokon bond ang tissue! Sosyal! so after maghugas, kuha ka lang ng papel pamunas

Sa bukid walang papel.... dalawang rim pa yan ha!
Pagkatapos maghugas, balik pwesto na para antayin ang pagkaing inorder ko... nakakakaba! Baka hindi pasok sa aking panlasa... and one by one... eto na mga pagkain! (excited)

Ang Mutton Soup, na mukhang pinaghugasan ng medyas!
Salad na may nilagang green chilli

curry sauce (left) at garlic sauce yata (right)

Fried Rice/Briyani
Half Roasted Chicken Tender Juicy


That's it! Let's eat! Nabigla yata ako sa dami ng kanin! But wait, there's more!!!

Pagkuha ko ng kanin, may hidden treasure pala na nakabaon sa ilalim! Another chicken! Ang saya! parang paraffle lang... nakajackpot ako ng rice na may palaman na chicken. Yong ibang table tiningnan ko kung meron ding chicken kanin nila, aba wala! Ako lang meron! haha

Kung alam ko lang, kanin na lang sana inorder ko!

Syempre una kong tinikman ang sabaw ng medyas... aba! Masarap! Lalo na pag pinigaan mo ng lemon! Eh unli ang soup nila, so nakadalawa ako... ang pang refil nila ay plastic na pitsel... na hindi ko nakodakan dahil sa gutom!

Fresh naman ang salad na nakakagana din na kailangang isasaw sa sauce. At ang rice, malasa! May ingredients na napahalo dahil sa chicken na palaman. But the best ang chicken! Maikukumpara sa Max's Chicken ng Pinas! Malinamnam at halos kumalas na ang laman sa buto! Lasang uulit ulitin! Matharap ang Pangarap! 

Ang ending kung nagustuhan ko ba ang pagkain? Kayo na lang humusga!!!! 

Simot Sarap!!!!
Sulit ang pagkain sa halagang abot kaya!

18 Dirhams plus 2 dirhams Soda = 20 Dirhams (AED)

Hanggang sa muling tag-gutom!!!

Burppp!!!!
Super M!

Friday, October 24, 2014

My First Doodle

unplog's doodle

My first but not my last....

I'm back for good!!!! See you all here!!!!

Doodling my way back to blogging.... and it feels good!!!


Ciao!
Super M!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...