Friday, July 25, 2014

GhostBombs Vs Goosebumps... The Voice Kids PH

Ang entry na ito ay napapanahon at malaman... hitik na hitik sa impormasyon at kaalaman... mas mahalaga pa ito sa mga issues na kinakasangkutan ng ating bayan, mas dapat pang pagtuunan ng pansin kesa sa mga nawawala at nagbabagsakang mga eroplano... ito po ay may kinalaman sa "Pandaigdigang Kapayapaan".

GhostBombs

VS

Goosebumps

Isang mainit na Friday at syempre rest day ko at walang magawa kaya tinapos kong panoorin ang semi finals episode ng TVKPH. Eh kaso wala pa rin akong magawa kaya naisipan kong mag scroll sa comment section, just to check kung sino ba ang favorite young artist ng mga commenters. Medyo di ko nagustuhan sa umpisa yong mga nababasa ko kasi may mga haters at ang daming nag-aaway.

So scroll... scroll... down... down... hanggang mabasa ko ito....  (note... wala po akong binago sa palitan ng komento ng mga sangkot dito... )

Lacuzclyne Arceo: Ghostbombs….

Nawala ang aking pagkaantok ng mabasa ko ito... nagisip ako kung ano ba ibig iparating ni Ate Arceo... buti na lang may concern citizen na nag reply.... si Kuya Alex.

Alex Martinez: Baka goosebumps

Ah goosebumps pala ang sinasabi ni Ate Arceo... malinaw na sana sa akin ang lahat at mag move on na sana ako sa pag scroll down sa ibang comments kaso rumesbak si Ate Arceo...

Lacuzclyne Arceo: +Alex Martinez ah ganun…so ikaw kaya ang I bumps quh..pki mo qng yan opinion quh… Neknek moh…

Hala! Nagalit si Ate kay Kuya... lagot ka Kuya Alex, i bumps ka daw nya!  and since gentleman naman si Kuya Alex, nagpaliwanag naman sya kung bakit..

Alex Martinez: ayaw ko na mag correct kasi inaaway pa ako--pero ate goosebumps naman kasi talaga ang tama. It’s not an opinion--wrong terms have to be made right--wag lang po masasaktan dahil pinoy naman tayo e.

Oo nga naman ate... Peace!!! Eh kaso umepal pa si Mendova... nakisawsaw sa issue ng ghostbombs vs goosebumps! Kinampihan si Ate...

Mendova Rolando: +Alex Martinez walang kwenta yan dapat hindi pinapansin yan… ganyan talaga uso na cell phone NGAUN…hahaha div ah nun NGAYON ang talagang correct spelling…..hahaha basta kay LYCA ako boboto…..hindi sa maling spelling, wahhh

Yon naman pala Kuya Alex, wrong spelling lang naman pala... tanggap ko na sana ang explanation ni Mendova. Ready na talaga akong mag move on sa pagbabasa ng ibang comments kaso eto na naman si Ate... ayaw paawat! 

Lacuzclyne Arceo: +Alex Martinez anong mali ang spelling…guh ganito uanpag tumatayo amg balahibo..kinkilabotan..

At biglang nagtayuan ang aking mga buhok... nanlamig at natigilan... ito kaya ang tinatawag na "Ghostbombs or Goosebumps?"

VOTE NOW!!!!!

Kita Kits sa Finals...
By Super M!


Monday, July 14, 2014

Bon Appétit

Masarap na libangan ang kumain... agree?

So enjoy my Random Food Shots... sabay kuha ng plato at kutsara't tinidor!!!

Yogurt actually... when you dig in, you will be treated with mixed fruits,
with cashew nut toppings. 
NYF (New York Fries) Nacho Flavor Fries with green pepper extra toppings
and of course the unhealthy hotdog... unhealthy talaga lol

Potato Wedges of Figaro's Pizza

Seafood Pizza (Figaro's Pizza) Not bad!!! 


Shrimp Appetizer at Chopsticks

This is actually Roast Chicken... more on the presentation side from Chopsticks 
But nothing beats halo-halo during summer!!!!! 
Mouth watering eh????

Ciao!
Super M...







Friday, July 11, 2014

Her name is Lucy...


Suporta naman dyan mga kaibigan, kapamilya at kapuso... 


PBO (Pinoy Bloggers Outreach) once again will have a Fundraising event on August 17, 2014. This is through special movie screening featuring the film "Lucy". 


Ang isang ticket ay katumbas ng isang estudyante ng SPED (Special Education) ang matutulungan mo. Na -enjoy mo na ang movie, nakatulong ka pa. Kung wala ka namang oras para manood, tulong na lang po sana. At kung meron po kayong kilala na pwedeng mag sponsor sa gawain na ito, ipagbigay alam po lamang sa amin. 


Sa bumubuo ng PBO, key people, members, volunteers and supporters, muli ko po kayong inaanyayahan na lumahok sa event na ito. Ang tagumpay ng mga nakaraang activities ay dahil sa inyo... kung wala kayo, wala rin po ang PBO. Sana magkita-kita po tayong muli.... 


Maraming Salamat!!!


See our official poster below for more details...







To see more of our previous outreaches and charitable events, check our website:




Salamat po uli ng maraming marami...
Super M...
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...