Tuesday, May 13, 2014

Invited, Inviteas, Invitees!



Wala!

Wala na talagang nakaalala sa akin... (insert sad face with matching luha)

Wala na talaga akong nare-receive na proper invitation for the the past one year. Hindi counted yong official work related dinner or lunch out. Ang ibig kong sabihin eh yong maimbitahan ka sa isang party, eb, coffee, movie, dinner, outing, hiking, etc... O ayain ako makipag-date! (nakaka miss din pala) Bakasyon Grande ang kailangan!

FB lang ang palaging hindi nakakalimot mag imbita. Eto ang sampol para maniwala kayo:

The other day, Juan invited me to play Monster Legends, Hit it Rich! Casino Slot, Dragon City, Farm Heroes Saga, Words of Wonder at marami pang iba. Kaso busy ako at di nakapaglaro kahit isa sa mga nabanggit. Nong isang linggo naman, Pedro invited me to like his new Page Rakrakan Blues! Hindi ko naman napuntahan kasi nga nag overtime ako sa work. 

Hindi lang sa FB, may mangilan-ngilan din naman na nagpapadala ng invitation thru email. May isang consistent sender na ang pangalan eh Anonymous na madalas magpadala ng mga invitation to follow his link. Pag click ko naman sa link, either virus lang ang laman or porn site. Hayyy...Nakaka frustrate di ba? 

Sa palagay nyo? May matinong invitation kaya ako na matatanggap for the next five days? Hindi ako mapalagay... aasa pa ba ako? 

Asa pa!!!

Naghihintay sayo...
Super M!
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...