Tuesday, March 18, 2014

In Search of the Best Coffee!!!


Image from Coffee Art

Ang paghahanap ng masarap na kape ay isa sa maituturing kong Life's Adventure. Kasi ba naman, kailangan ko pa talagang dumayo sa iba't ibang panig ng kapuluan makatikim lang ng masarap na kape. May mga pagkakataon naman na sa isang liblib na lugar mo sya matitikman, yon bang kung saan di mo inaasahan ay may mainit na kape pala talagang nakalaan para sayo. Kahit pawisan ka na bago marating ang lugar, nagiging parang softdrinks ang kape na pamatid uhaw. ahhhhh thirst quenching... refreshing... gumuguhit sa lalamunan. 

Pero ang hindi lang natin alam, may mga pagkakataon din naman na di mo na kailangang lumayo. Andyan lang sa kanto, o sa kapitbahay nyo ay may masarap palang kape, di mo pa lang natutuklasan. Gaya dito sa office, one time, naubusan kami ng 3 in 1. No choice kami kundi magpa timpla sa office boy. At sa di inaasahang pangyayari, masarap ang ginawa nyang kape! Ngayon kahit may 3 in 1 na, ang hinahanap pa rin namin ay timpla ni Ariff (na di namin magaya). 

May mga ilang nagtatanong kung kailan daw ako hihinto sa pag-inom ng kape. Parang bisyo? Kailangan i-hinto? lol. Ang madalas ko lang namang sagot, eh hindi ko tiyak kung kailan. Maaring hindi, hanggang kaya pa ng lalamunan ko ang init ng kape o kahit lubugan na ako ng araw... at maging hanggang sa lamay ko ay alam kong babaha pa rin ng kape. Pero ang sigurado ako, hindi ako hihinto sa paghahanap ng masarap ng kape. Hanggang matagpuan ko ang kape na sakto sa panlasa ko... Ang KAPE na nakalaan para sa akin... Ang KAPE na bubuo sa pagkatao ko... Ang KAPEraso ng puso ko...

Image from wallpaperscraft.com

Ang corny ng post ko... Actually, gusto ko lang magkape....tara?
Super M.

Sunday, March 2, 2014

Cluttered Desk is a sign!


Guluhin mo na ang lahat, wag lang ang Desk ko!!!



Ang tanong ni Lolo Albert Einstein (RIP):

If a cluttered desk is a sign of a cluttered mind, of what, then, is an empty desk a sign?

Write your answers below...

Naguguluhan...
Super M! 

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...