Ang entry na ito ay napapanahon at malaman... hitik na hitik sa impormasyon at kaalaman... mas mahalaga pa ito sa mga issues na kinakasangkutan ng ating bayan, mas dapat pang pagtuunan ng pansin kesa sa mga nawawala at nagbabagsakang mga eroplano... ito po ay may kinalaman sa "Pandaigdigang Kapayapaan".
![]() |
GhostBombs |
VS
![]() |
Goosebumps |
Isang mainit na Friday at syempre rest day ko at walang magawa kaya tinapos kong panoorin ang semi finals episode ng TVKPH. Eh kaso wala pa rin akong magawa kaya naisipan kong mag scroll sa comment section, just to check kung sino ba ang favorite young artist ng mga commenters. Medyo di ko nagustuhan sa umpisa yong mga nababasa ko kasi may mga haters at ang daming nag-aaway.
So scroll... scroll... down... down... hanggang mabasa ko ito.... (note... wala po akong binago sa palitan ng komento ng mga sangkot dito... )
Lacuzclyne Arceo: Ghostbombs….
Nawala ang aking pagkaantok ng mabasa ko ito... nagisip ako kung ano ba ibig iparating ni Ate Arceo... buti na lang may concern citizen na nag reply.... si Kuya Alex.
Alex Martinez: Baka goosebumps
Ah goosebumps pala ang sinasabi ni Ate Arceo... malinaw na sana sa akin ang lahat at mag move on na sana ako sa pag scroll down sa ibang comments kaso rumesbak si Ate Arceo...
Lacuzclyne Arceo: +Alex Martinez ah ganun…so ikaw kaya ang I bumps quh..pki mo qng yan opinion quh… Neknek moh…
Hala! Nagalit si Ate kay Kuya... lagot ka Kuya Alex, i bumps ka daw nya! and since gentleman naman si Kuya Alex, nagpaliwanag naman sya kung bakit..
Alex Martinez: ayaw ko na mag correct kasi inaaway pa ako--pero ate goosebumps naman kasi talaga ang tama. It’s not an opinion--wrong terms have to be made right--wag lang po masasaktan dahil pinoy naman tayo e.
Oo nga naman ate... Peace!!! Eh kaso umepal pa si Mendova... nakisawsaw sa issue ng ghostbombs vs goosebumps! Kinampihan si Ate...
Mendova Rolando: +Alex Martinez walang kwenta yan dapat hindi pinapansin yan… ganyan talaga uso na cell phone NGAUN…hahaha div ah nun NGAYON ang talagang correct spelling…..hahaha basta kay LYCA ako boboto…..hindi sa maling spelling, wahhh
Yon naman pala Kuya Alex, wrong spelling lang naman pala... tanggap ko na sana ang explanation ni Mendova. Ready na talaga akong mag move on sa pagbabasa ng ibang comments kaso eto na naman si Ate... ayaw paawat!
Lacuzclyne Arceo: +Alex Martinez anong mali ang spelling…guh ganito uanpag tumatayo amg balahibo..kinkilabotan..
At biglang nagtayuan ang aking mga buhok... nanlamig at natigilan... ito kaya ang tinatawag na "Ghostbombs or Goosebumps?"
VOTE NOW!!!!!
Kita Kits sa Finals...
By Super M!