Saturday, October 25, 2014

Hunger Game!

One hungry night, na walang makain sa accomodation dahil hindi nakapag grocery, I decided to eat outside. Since nakakasawa na ang common fast food like mcdo, pizza hut, kfc etc... Naisipan kong mag try ng ibang restaurant. Yong ibang putahe naman, para maiba ang lasa... ikot-ikot, lakad-lakad, tingin-tingin... pili ng medyo maganda naman at mukhang malinis na kainan... hanggang eto na... nakapili din sa wakas dahil gutom na gutom na si Super Mario...

Madinat Zayed Restaurant




Di na kinaya ni Super M na maglakad pa para maghanap ng iba kaya dito na lang! Saka wala namang ibang mapagpilian sa area na ito, choosy pa ba ako eh ginusto ko to at gutom na talaga ako... Sa malapitan, visible from the sidewalk ang food preparation area at makikita mo at maaamoy nilutluto nila...Marketing strategy kunyari...

Prep Area ng Restaurant
Visible din sa labas ang  glass display na ito ng mga kawawang manok, na pinaiinitan ng hindi uling, instead, may mga horizontal pipes na nagbubuga ng apoy (parang dragon lang) na syang dahan dahang lumuluto sa mga tinuhog na manok (in short - lechong manok version ng Pinas)

Roasted Chicken
Let's go inside kung patok sa panlasa nyo ang interior ng restaurant na ito... 
Ayan ang mga kalahi ko na kumakain din... ang kaibahan ko lang mas mabango ako sa kanila lol!
 Malinis naman at maayos at may second floor pa pero hindi ko na sinilip ang taas dahi gutom na ako. Pumili na lang ako ng pwesto sa sulok para walang makakita sa akin hehehe (tago mode). Pero medyo malas yata kasi nakatapat sa table ko ang lumang aircon na ito...

hinahanap ko remote ng aircon na ito pero mukhang wala haha
 FYI, si Super M po ay ayaw na direktang natatamaan ng hanging galing sa aircon (maarte lang)... kaya bad trip ako sa pwesto na ito... Habang nag aantay lapitan ng nag-iisang waiter yata, naghanap na lang ako ng instagram worthy... pero wala kahit ang ilaw nila ay hindi papasa sa lamp series ko sa Instagram (yabang). Wala man lang chandelier, at naghanap talaga ako hehe. 
ito lang naman ang ilaw nila sa ceiling... :( sad face ordinaryong ilaw lang
 Sa wakas naabutan din ng menu... pero sa gutom o dahil wala akong kilala sa pagkain, yong chicken sa labas na lang inorder ko... roasted chicken combo! Makakakain na rin... yesss!!



Ito ang cover ng menu! Don't judge the book by its cover! Pang piyesta ang main photo di ba?
 Pero bago kumain, may seremonyas pa pala na dapat gawin. Mandatory, kailangan maghugas ng kamay! O ha! Bawal kumain ng hindi naghuhugas ng kamay... 

hugas hugas din bago kumain
At ito ang matindi... kokon bond ang tissue! Sosyal! so after maghugas, kuha ka lang ng papel pamunas

Sa bukid walang papel.... dalawang rim pa yan ha!
Pagkatapos maghugas, balik pwesto na para antayin ang pagkaing inorder ko... nakakakaba! Baka hindi pasok sa aking panlasa... and one by one... eto na mga pagkain! (excited)

Ang Mutton Soup, na mukhang pinaghugasan ng medyas!
Salad na may nilagang green chilli

curry sauce (left) at garlic sauce yata (right)

Fried Rice/Briyani
Half Roasted Chicken Tender Juicy


That's it! Let's eat! Nabigla yata ako sa dami ng kanin! But wait, there's more!!!

Pagkuha ko ng kanin, may hidden treasure pala na nakabaon sa ilalim! Another chicken! Ang saya! parang paraffle lang... nakajackpot ako ng rice na may palaman na chicken. Yong ibang table tiningnan ko kung meron ding chicken kanin nila, aba wala! Ako lang meron! haha

Kung alam ko lang, kanin na lang sana inorder ko!

Syempre una kong tinikman ang sabaw ng medyas... aba! Masarap! Lalo na pag pinigaan mo ng lemon! Eh unli ang soup nila, so nakadalawa ako... ang pang refil nila ay plastic na pitsel... na hindi ko nakodakan dahil sa gutom!

Fresh naman ang salad na nakakagana din na kailangang isasaw sa sauce. At ang rice, malasa! May ingredients na napahalo dahil sa chicken na palaman. But the best ang chicken! Maikukumpara sa Max's Chicken ng Pinas! Malinamnam at halos kumalas na ang laman sa buto! Lasang uulit ulitin! Matharap ang Pangarap! 

Ang ending kung nagustuhan ko ba ang pagkain? Kayo na lang humusga!!!! 

Simot Sarap!!!!
Sulit ang pagkain sa halagang abot kaya!

18 Dirhams plus 2 dirhams Soda = 20 Dirhams (AED)

Hanggang sa muling tag-gutom!!!

Burppp!!!!
Super M!

Friday, October 24, 2014

My First Doodle

unplog's doodle

My first but not my last....

I'm back for good!!!! See you all here!!!!

Doodling my way back to blogging.... and it feels good!!!


Ciao!
Super M!

Friday, July 25, 2014

GhostBombs Vs Goosebumps... The Voice Kids PH

Ang entry na ito ay napapanahon at malaman... hitik na hitik sa impormasyon at kaalaman... mas mahalaga pa ito sa mga issues na kinakasangkutan ng ating bayan, mas dapat pang pagtuunan ng pansin kesa sa mga nawawala at nagbabagsakang mga eroplano... ito po ay may kinalaman sa "Pandaigdigang Kapayapaan".

GhostBombs

VS

Goosebumps

Isang mainit na Friday at syempre rest day ko at walang magawa kaya tinapos kong panoorin ang semi finals episode ng TVKPH. Eh kaso wala pa rin akong magawa kaya naisipan kong mag scroll sa comment section, just to check kung sino ba ang favorite young artist ng mga commenters. Medyo di ko nagustuhan sa umpisa yong mga nababasa ko kasi may mga haters at ang daming nag-aaway.

So scroll... scroll... down... down... hanggang mabasa ko ito....  (note... wala po akong binago sa palitan ng komento ng mga sangkot dito... )

Lacuzclyne Arceo: Ghostbombs….

Nawala ang aking pagkaantok ng mabasa ko ito... nagisip ako kung ano ba ibig iparating ni Ate Arceo... buti na lang may concern citizen na nag reply.... si Kuya Alex.

Alex Martinez: Baka goosebumps

Ah goosebumps pala ang sinasabi ni Ate Arceo... malinaw na sana sa akin ang lahat at mag move on na sana ako sa pag scroll down sa ibang comments kaso rumesbak si Ate Arceo...

Lacuzclyne Arceo: +Alex Martinez ah ganun…so ikaw kaya ang I bumps quh..pki mo qng yan opinion quh… Neknek moh…

Hala! Nagalit si Ate kay Kuya... lagot ka Kuya Alex, i bumps ka daw nya!  and since gentleman naman si Kuya Alex, nagpaliwanag naman sya kung bakit..

Alex Martinez: ayaw ko na mag correct kasi inaaway pa ako--pero ate goosebumps naman kasi talaga ang tama. It’s not an opinion--wrong terms have to be made right--wag lang po masasaktan dahil pinoy naman tayo e.

Oo nga naman ate... Peace!!! Eh kaso umepal pa si Mendova... nakisawsaw sa issue ng ghostbombs vs goosebumps! Kinampihan si Ate...

Mendova Rolando: +Alex Martinez walang kwenta yan dapat hindi pinapansin yan… ganyan talaga uso na cell phone NGAUN…hahaha div ah nun NGAYON ang talagang correct spelling…..hahaha basta kay LYCA ako boboto…..hindi sa maling spelling, wahhh

Yon naman pala Kuya Alex, wrong spelling lang naman pala... tanggap ko na sana ang explanation ni Mendova. Ready na talaga akong mag move on sa pagbabasa ng ibang comments kaso eto na naman si Ate... ayaw paawat! 

Lacuzclyne Arceo: +Alex Martinez anong mali ang spelling…guh ganito uanpag tumatayo amg balahibo..kinkilabotan..

At biglang nagtayuan ang aking mga buhok... nanlamig at natigilan... ito kaya ang tinatawag na "Ghostbombs or Goosebumps?"

VOTE NOW!!!!!

Kita Kits sa Finals...
By Super M!


Monday, July 14, 2014

Bon Appétit

Masarap na libangan ang kumain... agree?

So enjoy my Random Food Shots... sabay kuha ng plato at kutsara't tinidor!!!

Yogurt actually... when you dig in, you will be treated with mixed fruits,
with cashew nut toppings. 
NYF (New York Fries) Nacho Flavor Fries with green pepper extra toppings
and of course the unhealthy hotdog... unhealthy talaga lol

Potato Wedges of Figaro's Pizza

Seafood Pizza (Figaro's Pizza) Not bad!!! 


Shrimp Appetizer at Chopsticks

This is actually Roast Chicken... more on the presentation side from Chopsticks 
But nothing beats halo-halo during summer!!!!! 
Mouth watering eh????

Ciao!
Super M...







Friday, July 11, 2014

Her name is Lucy...


Suporta naman dyan mga kaibigan, kapamilya at kapuso... 


PBO (Pinoy Bloggers Outreach) once again will have a Fundraising event on August 17, 2014. This is through special movie screening featuring the film "Lucy". 


Ang isang ticket ay katumbas ng isang estudyante ng SPED (Special Education) ang matutulungan mo. Na -enjoy mo na ang movie, nakatulong ka pa. Kung wala ka namang oras para manood, tulong na lang po sana. At kung meron po kayong kilala na pwedeng mag sponsor sa gawain na ito, ipagbigay alam po lamang sa amin. 


Sa bumubuo ng PBO, key people, members, volunteers and supporters, muli ko po kayong inaanyayahan na lumahok sa event na ito. Ang tagumpay ng mga nakaraang activities ay dahil sa inyo... kung wala kayo, wala rin po ang PBO. Sana magkita-kita po tayong muli.... 


Maraming Salamat!!!


See our official poster below for more details...







To see more of our previous outreaches and charitable events, check our website:




Salamat po uli ng maraming marami...
Super M...

Tuesday, May 13, 2014

Invited, Inviteas, Invitees!



Wala!

Wala na talagang nakaalala sa akin... (insert sad face with matching luha)

Wala na talaga akong nare-receive na proper invitation for the the past one year. Hindi counted yong official work related dinner or lunch out. Ang ibig kong sabihin eh yong maimbitahan ka sa isang party, eb, coffee, movie, dinner, outing, hiking, etc... O ayain ako makipag-date! (nakaka miss din pala) Bakasyon Grande ang kailangan!

FB lang ang palaging hindi nakakalimot mag imbita. Eto ang sampol para maniwala kayo:

The other day, Juan invited me to play Monster Legends, Hit it Rich! Casino Slot, Dragon City, Farm Heroes Saga, Words of Wonder at marami pang iba. Kaso busy ako at di nakapaglaro kahit isa sa mga nabanggit. Nong isang linggo naman, Pedro invited me to like his new Page Rakrakan Blues! Hindi ko naman napuntahan kasi nga nag overtime ako sa work. 

Hindi lang sa FB, may mangilan-ngilan din naman na nagpapadala ng invitation thru email. May isang consistent sender na ang pangalan eh Anonymous na madalas magpadala ng mga invitation to follow his link. Pag click ko naman sa link, either virus lang ang laman or porn site. Hayyy...Nakaka frustrate di ba? 

Sa palagay nyo? May matinong invitation kaya ako na matatanggap for the next five days? Hindi ako mapalagay... aasa pa ba ako? 

Asa pa!!!

Naghihintay sayo...
Super M!

Tuesday, April 29, 2014

Keyboard Shortcut!






I found this in my docs archive and I forgot where I got this file. Anyway... I believe it's worth sharing and hope it will help you one way or another.

Share! Share! Share!

Keyboard Shorcuts (Microsoft Windows)
1. CTRL+C (Copy)
2. CTRL+X (Cut)
3. CTRL+V (Paste)
4. CTRL+Z (Undo)
5. DELETE (Delete)
6. SHIFT+DELETE (Delete the selected item permanently without placing the item in the Recycle Bin)
7. CTRL while dragging an item (Copy the selected item)
8. CTRL+SHIFT while dragging an item (Create a shortcut to the selected item)
9. F2 key (Rename the selected item)
10. CTRL+RIGHT ARROW (Move the insertion point to the beginning of the next word)
11. CTRL+LEFT ARROW (Move the insertion point to the beginning of the previous word)
12. CTRL+DOWN ARROW (Move the insertion point to the beginning of the next paragraph)
13. CTRL+UP ARROW (Move the insertion point to the beginning of the previous paragraph)
14. CTRL+SHIFT with any of the arrow keys (Highlight a block of text)
SHIFT with any of the arrow keys (Select more than one item in a window or on the desktop, or select text in a document)
15. CTRL+A (Select all)
16. F3 key (Search for a file or a folder)
17. ALT+ENTER (View the properties for the selected item)
18. ALT+F4 (Close the active item, or quit the active program)
19. ALT+ENTER (Display the properties of the selected object)
20. ALT+SPACEBAR (Open the shortcut menu for the active window)
21. CTRL+F4 (Close the active document in programs that enable you to have multiple documents opensimultaneou sly)
22. ALT+TAB (Switch between the open items)
23. ALT+ESC (Cycle through items in the order that they had been opened)
24. F6 key (Cycle through the screen elements in a window or on the desktop)
25. F4 key (Display the Address bar list in My Computer or Windows Explorer)
26. SHIFT+F10 (Display the shortcut menu for the selected item)
27. ALT+SPACEBAR (Display the System menu for the active window)
28. CTRL+ESC (Display the Start menu)
29. ALT+Underlined letter in a menu name (Display the corresponding menu) Underlined letter in a command name on an open menu (Perform the corresponding command)
30. F10 key (Activate the menu bar in the active program)
31. RIGHT ARROW (Open the next menu to the right, or open a submenu)
32. LEFT ARROW (Open the next menu to the left, or close a submenu)
33. F5 key (Update the active window)
34. BACKSPACE (View the folder onelevel up in My Computer or Windows Explorer)
35. ESC (Cancel the current task)
36. SHIFT when you insert a CD-ROMinto the CD-ROM drive (Prevent the CD-ROM from automatically playing)

Dialog Box - Keyboard Shortcuts
1. CTRL+TAB (Move forward through the tabs)
2. CTRL+SHIFT+TAB (Move backward through the tabs)
3. TAB (Move forward through the options)
4. SHIFT+TAB (Move backward through the options)
5. ALT+Underlined letter (Perform the corresponding command or select the corresponding option)
6. ENTER (Perform the command for the active option or button)
7. SPACEBAR (Select or clear the check box if the active option is a check box)
8. Arrow keys (Select a button if the active option is a group of option buttons)
9. F1 key (Display Help)
10. F4 key (Display the items in the active list)
11. BACKSPACE (Open a folder one level up if a folder is selected in the Save As or Open dialog box)

Microsoft Natural Keyboard Shortcuts
1. Windows Logo (Display or hide the Start menu)
2. Windows Logo+BREAK (Display the System Properties dialog box)
3. Windows Logo+D (Display the desktop)
4. Windows Logo+M (Minimize all of the windows)
5. Windows Logo+SHIFT+M (Restorethe minimized windows)
6. Windows Logo+E (Open My Computer)
7. Windows Logo+F (Search for a file or a folder)
8. CTRL+Windows Logo+F (Search for computers)
9. Windows Logo+F1 (Display Windows Help)
10. Windows Logo+ L (Lock the keyboard)
11. Windows Logo+R (Open the Run dialog box)
12. Windows Logo+U (Open Utility Manager)
13. Accessibility Keyboard Shortcuts
14. Right SHIFT for eight seconds (Switch FilterKeys either on or off)
15. Left ALT+left SHIFT+PRINT SCREEN (Switch High Contrast either on or off)
16. Left ALT+left SHIFT+NUM LOCK (Switch the MouseKeys either on or off)
17. SHIFT five times (Switch the StickyKeys either on or off)
18. NUM LOCK for five seconds (Switch the ToggleKeys either on or off)
19. Windows Logo +U (Open Utility Manager)
20. Windows Explorer Keyboard Shortcuts
21. END (Display the bottom of the active window)
22. HOME (Display the top of the active window)
23. NUM LOCK+Asterisk sign (*) (Display all of the subfolders that are under the selected folder)
24. NUM LOCK+Plus sign (+) (Display the contents of the selected folder)
25. NUM LOCK+Minus sign (-) (Collapse the selected folder)
26. LEFT ARROW (Collapse the current selection if it is expanded, or select the parent folder)
27. RIGHT ARROW (Display the current selection if it is collapsed, or select the first subfolder)

Shortcut Keys for Character Map
After you double-click a character on the grid of characters, you can move through the grid by using the keyboard shortcuts:
1. RIGHT ARROW (Move to the rightor to the beginning of the next line)
2. LEFT ARROW (Move to the left orto the end of the previous line)
3. UP ARROW (Move up one row)
4. DOWN ARROW (Move down one row)
5. PAGE UP (Move up one screen at a time)
6. PAGE DOWN (Move down one screen at a time)
7. HOME (Move to the beginning of the line)
8. END (Move to the end of the line)
9. CTRL+HOME (Move to the first character)
10. CTRL+END (Move to the last character)
11. SPACEBAR (Switch between Enlarged and Normal mode when a character is selected)

Microsoft Management Console (MMC)
Main Window Keyboard Shortcuts

1. CTRL+O (Open a saved console)
2. CTRL+N (Open a new console)
3. CTRL+S (Save the open console)
4. CTRL+M (Add or remove a console item)
5. CTRL+W (Open a new window)
6. F5 key (Update the content of all console windows)
7. ALT+SPACEBAR (Display the MMC window menu)
8. ALT+F4 (Close the console)
9. ALT+A (Display the Action menu)
10. ALT+V (Display the View menu)
11. ALT+F (Display the File menu)
12. ALT+O (Display the Favorites menu)

MMC Console Window Keyboard Shortcuts
1. CTRL+P (Print the current page or active pane)
2. ALT+Minus sign (-) (Display the window menu for the active console window)
3. SHIFT+F10 (Display the Action shortcut menu for the selected item)
4. F1 key (Open the Help topic, if any, for the selected item)
5. F5 key (Update the content of all console windows)
6. CTRL+F10 (Maximize the active console window)
7. CTRL+F5 (Restore the active console window)
8. ALT+ENTER (Display the Properties dialog box, if any, for theselected item)
9. F2 key (Rename the selected item)
10. CTRL+F4 (Close the active console window. When a console has only one console window, this shortcut closes the console)

Remote Desktop Connection Navigation
1. CTRL+ALT+END (Open the Microsoft Windows NT Security dialog box)
2. ALT+PAGE UP (Switch between programs from left to right)
3. ALT+PAGE DOWN (Switch between programs from right to left)
4. ALT+INSERT (Cycle through the programs in most recently used order)
5. ALT+HOME (Display the Start menu)
6. CTRL+ALT+BREAK (Switch the client computer between a window and a full screen)
7. ALT+DELETE (Display the Windows menu)
8. CTRL+ALT+Minus sign (-) (Place a snapshot of the active window in the client on the Terminal server clipboard and provide the same functionality as pressing PRINT SCREEN on a local computer.)
9. CTRL+ALT+Plus sign (+) (Place asnapshot of the entire client window area on the Terminal server clipboardand provide the same functionality aspressing ALT+PRINT SCREEN on a local computer.)

Microsoft Internet Explorer Keyboard Shortcuts
1. CTRL+B (Open the Organize Favorites dialog box)
2. CTRL+E (Open the Search bar)
3. CTRL+F (Start the Find utility)
4. CTRL+H (Open the History bar)
5. CTRL+I (Open the Favorites bar)
6. CTRL+L (Open the Open dialog box)
7. CTRL+N (Start another instance of the browser with the same Web address)
8. CTRL+O (Open the Open dialog box,the same as CTRL+L)
9. CTRL+P (Open the Print dialog box)
10. CTRL+R (Update the current Web )

I'm having a keyboard seizure!
Super M! 



Tuesday, April 8, 2014

Cooking Lessons!

Mayong's Resto!
The House of Finest Lutong Bahay...

Paalala... hindi po ito Food Blog ng Unplog hahaha

Hindi ako marunong magluto since birth! (Sino ba naman ang ipinanganak na marunong ng magluto?) Given na yan... although mahilig ako kumain at lantakan ang luto ng iba. Pero mula ng mapadpad ako dito sa lupain ng mga Disyerto na ngayon ay tinayuan na ng mga naggagandahang gusali at establisyemento, no choice ako kundi harapin ang hamon ng kusina. Otherwise, dilat ang aking magagandang malulungkot na mga  mata sa gutom. Pwede naman akong kumain sa mga fast food chain at foodcourt sa mga mall pero magastos. Besides, nakakasawa din. Iba pa rin kasi yong lutong bahay. To make the story short... nag try akong magluto. At syempre dapat yong mga paborito ko. Yon nga lang... lutong hindi mawari. Sa unang subok eh di ko alam kung edible ba sya. Pero habang tumatagal, nakaka-challenge din pala magluto. And slowly, medyo nakakatsamba na rin sa tulong ng youtube.com and google.com. Salamat mga parekoy...

And here are the Cookings; the lessons to follow:

Syempre, dapat Rice muna mauna... I'm a rice person eh... Extra Rice pa!!!!
My Fried Rice Version
 
Ginatang Pusit with Talong
Corned Beef with Patatas... Yum!!!! Sus, napakadali lang pala neto haha

Ginisang Mongo with Spinach.. wala kasing dahon ng ano nga yon? 
Ginatang Crabs... medyo kinapos sa gata... sa susunod na attempt
lulunurin ko sya sa gata, Promise!!!! 
This is my pinakbet... oo pinakbet yan, di lang masyadong halata! lol
Garlic Shrimp... kala ko mahirap.. surprisingly madali lang pala, O ako lang
ba nahihirapan? haha
Ginatang Manok!!!! Ginatan na naman? Peyborit eh! Bakit ba haha
With Spinach ulit kasi walang dahon ng sili na makita! San ba meron dito
sa UAE?
Sinigang na Salmon! O ha! May sabaw naman!

Nilagang Mamoy!!! Yes! meron ditong pork! 

My Omellet! The Best for breakfast! Bakit may strawberries?
Wala lang... trip lang okay? 
My Breakfast Combo! Adobong talong at daing! May libreng soup!

Nakalimutan ko tawag dito... Fried Crabs na may oyster sauce
na may corn starch at garlic at spring onions at Sesame Oil ... Basta!!


Buttered Shrimp!! Di ko alam kung ano kaibahan nyan
sa may garlic shrimp pero magkamag-anak ang lasa! 
Misua Soup with Patola! Libreng soup! Malasa na, malaman pa!
No MSG 100%

That's all Folks!!! Ilan lamang yan sa mga lutong bahay, kaya dalaw na sa Mayong's Resto... May libreng sabaw at pa-autograph sa Master Chef!!!! 

Sa gustong malaman ang eksaktong recipe... i click lang ang www.youtube.com at www.google.com!!! 

Para sa iba madali lang ang mga lutuin na yan... pero para sa akin, napakalaking achievement ko na maka produce ng mga yan hahaha... hanggang sa muli!

CIAO!!!

The Chef Master!
Super M #felingero!






Tuesday, March 18, 2014

In Search of the Best Coffee!!!


Image from Coffee Art

Ang paghahanap ng masarap na kape ay isa sa maituturing kong Life's Adventure. Kasi ba naman, kailangan ko pa talagang dumayo sa iba't ibang panig ng kapuluan makatikim lang ng masarap na kape. May mga pagkakataon naman na sa isang liblib na lugar mo sya matitikman, yon bang kung saan di mo inaasahan ay may mainit na kape pala talagang nakalaan para sayo. Kahit pawisan ka na bago marating ang lugar, nagiging parang softdrinks ang kape na pamatid uhaw. ahhhhh thirst quenching... refreshing... gumuguhit sa lalamunan. 

Pero ang hindi lang natin alam, may mga pagkakataon din naman na di mo na kailangang lumayo. Andyan lang sa kanto, o sa kapitbahay nyo ay may masarap palang kape, di mo pa lang natutuklasan. Gaya dito sa office, one time, naubusan kami ng 3 in 1. No choice kami kundi magpa timpla sa office boy. At sa di inaasahang pangyayari, masarap ang ginawa nyang kape! Ngayon kahit may 3 in 1 na, ang hinahanap pa rin namin ay timpla ni Ariff (na di namin magaya). 

May mga ilang nagtatanong kung kailan daw ako hihinto sa pag-inom ng kape. Parang bisyo? Kailangan i-hinto? lol. Ang madalas ko lang namang sagot, eh hindi ko tiyak kung kailan. Maaring hindi, hanggang kaya pa ng lalamunan ko ang init ng kape o kahit lubugan na ako ng araw... at maging hanggang sa lamay ko ay alam kong babaha pa rin ng kape. Pero ang sigurado ako, hindi ako hihinto sa paghahanap ng masarap ng kape. Hanggang matagpuan ko ang kape na sakto sa panlasa ko... Ang KAPE na nakalaan para sa akin... Ang KAPE na bubuo sa pagkatao ko... Ang KAPEraso ng puso ko...

Image from wallpaperscraft.com

Ang corny ng post ko... Actually, gusto ko lang magkape....tara?
Super M.

Sunday, March 2, 2014

Cluttered Desk is a sign!


Guluhin mo na ang lahat, wag lang ang Desk ko!!!



Ang tanong ni Lolo Albert Einstein (RIP):

If a cluttered desk is a sign of a cluttered mind, of what, then, is an empty desk a sign?

Write your answers below...

Naguguluhan...
Super M! 

Sunday, February 16, 2014

Expectation Vs Reality

Ini -expect nyo siguro eh busy ako sa work kaya walang bago dito sa unplog no? Pero ang realidad eh pagala-gala lang ako dito sa UAE hahaha Anyway, let's discuss this never ending passion about expectation and reality.

Expectation vs Reality.... kailangan nga bang paglabanin? Saang team ka aayon? Ikaw ba yong tipo ng tao na laging na me -meet ang mga expectations sa buhay? Or kagaya ka ng mga illustrations na ito....



hitmewithbrokenleave.deviantart.com


lovemymudsy.deviantart.com

Inilalarawan ng larawang ito ang larawan ng totoong Valentines Day ko hahaha Nganga! Anong bago? Mayaman na ko... bakit? hahaha Joke lang! 

philosophyunhinged.blogspot.com
Well, since love month naman, pagpasensyahan nyo na kung puro patungkol sa relationship ang mga illustration sa taas. Let's continue...

Kung naabot mo na ang mga expectations mo sa buhay, eh di well and good. I'm happy for you. At kung ikaw naman ay nararanasan ang hapdi at pait ng realidad ng buhay, dalawa lang ang maipapayo ko:

1. Reality Bites - Oo, nangangagat yan. At pag nakagat ka masakit! Minsan kasi we are creating a world of pure imaginations... our fantasies and the dream of a perfect life... and a perfect partner. Nabuhay na lang sa pagtingala sa langit at umasang one day ay dadarating ang "SWERTE!" Hayahay ang buhay! At pag hindi nangyari, malalaman mo na lang na napag-iwanan ka na, na duguan at luhaan. Madali ang mabuhay, ang hindi madali ay kung paano mabuhay ng tama at makamit ang mga gusto mong mangyari sa buhay mo. Hayy buhay. Hindi ganon ka simple ang lahat! 

Read this:

If you want to have something, desire to be with a special someone, wish to travel places, or aim to reach a dream, YOU have to WANT it badly and WORK HARD for it. Because time just slips away. And without knowing, the shoes you've always wanted to buy weren't there anymore, your one true love got married to someone else, or you have grown old to land on your dream job or your ultimate destination. So if you believe in "good things come to those who wait", think again. (extracted from Jocelle's FB status)

Totoo naman di ba? Kailangan nating magising sa katotohan and that's what you call...

2. Reality Check - Wake up my friend... Let reality be reality. Tama na ang pagkukunwari, tama na ang pagtatamad-tamaran. Wag mabuhay ng puro pag-aalinlangan. We have to go out there...to the real world! Get out of your box! Marami sa atin kasi ang ayaw lumabas at harapin ang realidad ng buhay... bakit? Dahil sa TAKOT!

Read this:

“People are afraid of themselves, of their own reality; their feelings most of all. People talk about how great love is, but that’s bull$#it. Love hurts. Feelings are disturbing. People are taught that pain is evil and dangerous. How can they deal with love if they’re afraid to feel? Pain is meant to wake us up. People try to hide their pain. But they’re wrong. Pain is something to carry, like a radio. You feel your strength in the experience of pain. It’s all in how you carry it. That’s what matters. Pain is a feeling. Your feelings are a part of you. Your own REALITY. If you feel ashamed of them, and hide them, you’re letting society destroy your reality. You should stand up for your right to feel your pain.” ― Jim Morrison


Sabay sabay nating harapin ang realidad ng buhay...
Super M


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...