Saturday, November 16, 2013

Why do Birds...

Minsan isang araw sa site, yong bukas pa ang magkabilang bahagi ng outer walls ng Mall, ay malayang nakakalipad ang mga ibon hanggang sa loob mismo ng construction site. Malaya silang naghahabulan at kapag napagod ay dadapo sa mga bakal na sumusuporta sa lumang bahagi ng building at nagdudugtong naman sa bagong bahagi nito.   

Ang saya nilang pagmasdan, ginawa nilang tambayan ang bahaging ito ng construction site. Nakadagdag saya sa maalikabok, maingay at magulong activities na nagaganap araw-araw. Dadapo, lilipad kung saan saan, di alintana anumang kaguluhang nagaganap sa ibaba. 

Para sa akin, ito ang tanawing inaabangan ko sa tuwing gagawin ko ang site visit para sa daily report. Pero sa paglipas ng mga araw, unti-unting nasasarahan ang bukas na bahaging ito ng Mall. Unti-unting naikakabit ang mga metal cladding na syang bubuo at kalaunan ay tuluyang magsasara ang lugar na ito. At sa bawat araw na dumadaan, nababawasan rin ang mga ibong malayang nakakalipad dito. Unti-unti ring nababawasan ang saya na dulot ng mga mumunting nilalang na ito sa bawat araw na dumadaan.

Hanggang tuluyang mailagay ang huling piyesa at ngayon nga ay sarado na ang bahaging ito. Nilamon ng kadiliman ang lugar, subalit panandalian lamang. Isa-isang nagsabog ng liwanag ang naglalakihang floodlights na syang magsisilbing liwanag sa bawat sulok. Iginala ko ang aking paningin, hindi ako sanay na nakasara na at mistulang isang malaking kulungan ang lugar na ito. May hinahanap akong pamilyar na tanawin na ngayon ay wala na... ang mga ibon.

Wala sa hinagap na makikita ko pa silang muli... hanggang noong isang araw bago pumasok ang weekend, nakita ko ang isa sa mga ibon sa loob mismo ng construction site. Pero may kakaiba sa kanya. Malungkot, at di man lang lumipad ng aking lapitan... 


Ang dating masayang ibon, ngayon ay tila hapong hapo at walang kakayahang lumipad... Hindi man lang inalinta ang presensya ko ng lapitan ko sya... umusod lang ng konti sa comportableng pagkaka dapo nya sa kapirasong kahoy at magbigay daan para makunan ko sya ng litrato.


Alam ko may mali... may hindi magandang nangyari sa ibon na ito... hindi kaya nabali ang pakpak? Nasugatan? Maraming posibleng maging dahilan... anuman yon...isa lang ang sigurado... may dinaramdam ang ibon na ito. Maaring nalulungkot sa pagkawala ng kanyang mga kasamahan... pwede din naman na naligaw at di matukoy ang daan palabas ng gusali...  Sa isang banda... parang naka relay ako sa ibong ito... ganito rin pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw... LOST.... 

  

Gusto ko sana syang tulungan... itaboy papunta sa labasan... dahil sigurado akong delikado ang lagay nya sa magulong aktibidades ng construction. Ngunit ayaw nyang tuminag sa kanyang kinalalagyan. Hindi kaya may hinihintay ang ibon na ito? Kaya ayaw nyang umalis dahil ito ang kanilang tagpuan? Wag ka na umasa, kawawang ibon, hindi na darating yon! Trust me, I know! (based from experience) 

At talagang ayaw nyang umalis, kaya ang ginawa ko, inutusan ko ang isang minion sa site, na ilabas ang ibon na ito at hayaang malayang lumipad.... maranasan muli ang maging malaya at maka move on sa pang i indyan sa kanya, kung sino man inaantay ng ibon na ito.

Mabigat man sa dibdib eh kailangan ko ng umalis ng mga oras na yon at bumalik na sa aking opisina. Subalit kahit anong tutok ko sa trabaho eh naiisip ko pa rin ang kawawang ibon... kaya ang ginawa ko, bumalik ako sa site during breaktime para kumustahin ang ibon.... 

Naabutan ko ang mga minions sa kanilang masarap na tanghalian.. "BIRD CURRY" 

Be kind to minions animals...
By Super M



Wednesday, November 13, 2013

Priorities!

Important VS Urgent! 

Anong uunahin ko?

Meron bang importante na hindi urgent...

At urgent na hindi naman importante?

Eh di ba, pag importante kailangan unahin at kaya nga sya urgent kasi importante!

Kung lahat eh importante at lahat ay kailangang madaliin, aba! Teka lang! Isa-isa lang!

Eto ang sayo! **kagebunshin-no-jutsu** ^+¥=~>€\][


Prioritize the priority!
By Super M  :(

Sunday, November 10, 2013

Too Sexy!

Define Sexy?

In slang definition (Free Online Dict), it is highly appealing or interesting; attractive... and this is the very definition of the building below, when I first laid my eyes on it. Sexy! See for yourself!

The Building: The Tallest Twisted Tower in the World!

Cayan Tower, known as Infinity Tower prior to its inauguration, is a 306 metres (1,004 ft), 80 story skyscraper in Dubai, United Arab Emirates by Cayan Real Estate Investment and Development. The tower is designed by Skidmore, Owings and Merrill SOM architectural group, the same group who built the Burj Khalifa also in Dubai and Trump Tower in Chicago. Upon its opening on 10 June 2013, the tower has become world's tallest high rise building with a twist of 90 degrees. (source: wikipedia)

Location: Dubai Marina, Dubai, UAE

The Twisted Pictures!

Let's do the Twist!

Too Sexy!

Stand out!


The sun playing a trick on it!

An Icon!

Me and Cayan Tower...
Para-paraan para mapicturan ang sarili with Cayan Tower at the background.

Me Again!

Can't take my eyes of you!
Definitely, I will comeback here... to take another shots at night and enjoy the nightlife around it...

Ikaw? Sexy ka ba?
By Super M

PS: This post is dedicated to DB... a special request!

Saturday, November 2, 2013

My Magic 10 IG Sunset Photos!

Para sa akin, ang paglubog ng araw ang isa sa pinaka magandang pagmasdang tanawin. Nakaupo sa pangdalawahang bangko kasama ang mahal mo, magkadaupang palad kayong sabay na pinagmamasdan ang paglubog ng haring araw... At kahit na lumipas pa ang mahabang panahon, kahit pa pumuti na ang buhok nyo, at maging kalansay na lang ang natitirang magkahugpong sa inyong katawan, ang dapit hapon ay patuloy na darating upang magsabog ng napakagandang kulay sa kalangitan. 

Magical di ba? Ma-drama! 

Anyway, here's the deal! I collected my personal pick ng mga sunset na nakunan ko sa bawat lugar na aking napupuntahan and posted them in my Instagram account. Enjoy!

Sunset #10:

Sharjah, UAE

Sunset # 9
MOA Seaside

Sunset # 8
Sharjah Dubai Road Trip, UAE

Sunset # 7
Parking Lot, Morocco Mall, Morocco

Sunset # 6
La Corniche Morocco

Sunset # 5
Sagada, Mountain Province

Sunset # 4
Morocco Mall Under -construction, Morocco

Sunset # 3
Dubai Bridge, UAE

Sunset # 2
Anawangin Trip, Zambales

Sunset # 1
Golden Sunset Resort, Batangas


High resolution of the above pics are available if you want a copy, of course hindi libre! hahaha Pakapehin mo lang ako okay na! 

So ano pa hinihintay mo? Grab your camera, kahit Point and shoot or Phone cam pa yan, and give your best shot of the sunset in your area!

Looking forward for another lonely sunset alone....
By Super M

PS: Follow me on Instagram: @mar_verdan


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...