Tuesday, October 29, 2013

Pipe Dream... Part 4


Image from Google
"Ang magandang simula ay hindi nangangahulugan na maganda rin ang katapusan... at ang pangit na simula ay hindi basehan nang hindi magandang pagtatapos... ang mahalaga ay ang mga bagay na gagawin mo sa pagitan nang simula at wakas... mga bagay na magdadala sayo sa katuparan nang isang pangarap."


Mabigat man sa loob, hayaan mong ipagpatuloy ko pa ang kwentong ito. Para sayo ang karugtong na ito... Oo ikaw na matagal ng nilimot ng tadhana.

Let's Dream On....

Bagsak ang balikat... pawis at luha ay may halong dugo... literal na masakit ang mga binti... I can barely walk at nagpaltos na yata pati mga kalyo sa aking mga paa (exaggerated?). Kung ang unang gabi sa nirentahan kong kwarto eh pinakamahabang gabi... ang nagdaang maghapon naman ang pinakamahabang araw para sa kin.

Lumangitngit ang spring ng kama kong bakal ng pabagsak akong humiga sa pagod. And everything went black. Knock out, tulog agad. Hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakatulog, nagising lang ako sa tawag ni Ex-GF. Excited syang makipagkita dahil weekend at walang pasok. Kahit gusto kong magpahinga, no choice, or else di ako patatahimikin ng UST Tigress.

Here's the plan: Sundo sa kanila, punta sa mall, kain sa mc do (sabay kapa sa wallet), hatid sa bahay nila, mag stay lang ng ilang oras sa kanila, tapos uwi na ko. (Oo! ganyan lang routine namin, parang di ka naniniwala? lol)

Habang binabaybay ng driver (ng jeep) ang kahabaan ng Quezon Ave, panay ang tingin sa amin ng ibang pasahero. Tingin na nagsasabing di kami bagay. Sa ganda ba naman ng kasama ko... eh kasi naman hindi ako gwapo (panget ka lang) lol. Joke lang yan, at ito na nga, pumara na kami sa harap ng subdivision nila. To make the trip short, (fast forward) nasa loob na kami ng bahay nila agad-agad, (bilis no? Excited?)

Habang naghahanda si Ex-GF, NG MERIENDA! Take note merienda, naisipan kung dumalaw sa banyo nila dahil sa tawag ng kalikasan... walang akong ka-idi- idea na i was in for a surprise of a lifetime. Malaki ang banyo nila, maliligaw ka pag di mo kabisado haha. Eto na nga, pagbukas ko ng pintuan... ako'y natulala! Nanigas! Di makagalaw! Para akong natuklaw ng ahas! Dahil sa aking nakita! Bumulaga sa aking harapan ang nanay nya, in her naked glory! As in, all in! Nakita ko ang di dapat makita! At hindi kaaya-aya ang tanawin! Awkwardness to the highest level.

Kung meron akong pinakamahabang gabi at pinakamahabang araw, ito naman ang pinakamabilis na sandali. Dali dali akong lumabas at nagpaalam na agad kay Ex-GF kahit masarap ang MERIENDA!

Palagay ko, di na ko makakabalik sa bahay nila! Palagay mo?

Lulugo-lugo akong umuwi. Panay ang sabi ko ng "Happy Thoughts" Happy Thoughts" baka sakaling mawala ang imaheng nakaukilkil sa aking isipan. Back to barracks! May oras pa para magpahinga.

At for the first time, naabutan ko si room mate na nasa kwarto namin. Medyo payat na mama na may goatee, may matapang na mata na medyo lubog at maitim ang paligid na parang pasa (laging puyat?) At may tattoo sa kaliwang braso na dragon. Medyo kulot ang buhok (salot?) at halatang batak ang katawan sa trabaho.  Hindi ako maka concentrate sa usap namin dahil may baril na nakasabit sa dingding malapit sa higaan nya at ibat-ibang size ng kutsilyo sa tabi nya. Kinakabahan man ay di ako nagpahalata... Masyado ng maraming kagulat-gulat na pangyayari sa araw na ito. Baka pag ako'y nag usisa ay matagpuan ang bangkay ko sa kanal.

Sa palagay mo... (di ka mapalagay?) ano ang trabaho ni room mate?

1. Security Guard
2. Bouncer
3. Holdaper (special target - Dunkin Donuts Outlet sa may Welcome Rotonda to be exact - Pipe Dream part 1)

Maayos naman akong nakatulog ng gabing iyon, dahil marahil ay pagod pa ang aking katawan at isipan. Maaga pa rin akong nagising, at talagang babalik ako sa trabaho ko. Wala naman akong ibang pagkakakitaan kung hihinto ako di ba? Inilagay ko na lang sa isip ko na mas maraming may mabigat na sitwasyon kumpara sa akin. Kaya ko to! 3 in 1 Flashlight! Here I come!

Bihis ulit ng corporate attire! (magbe-benta lang naman ng flashlight lol). Paalis na ko ng magtanong si Room mate... "Brad, saan ka nagta-trabaho? Sa Bangko?" Wow! Mukhang taga banko pala attire ko... pwede na rin!

Honest naman ako, sabi ko sa Sales ako... nagbebenta ng Flashlight, sabay labas ko ng 3 in 1 flashlight product namin. Ang masaklap, tinawanan ba naman ako! Gusto kong bunutin yong baril nya sa dingding at paulanan sya ng bala ng walang humpay! Ang gandang umpisa neto... umaga pa lang wasak na ang araw ko!

Pagdating ko sa warehouse, konti na lang kaming bumalik! Ayos, walang masyadong kumpetensya sa bentahan... pero ibang produkto na raw ang ibebenta namin... Ano naman kaya? Kinakabahan ako... okay na ako sa flashlight :(

Itutuloy...

Abangan ang pagpapatuloy ng pakikipagsapalaran ni...   
Super M!



Saturday, October 5, 2013

Safety Shoes!


Safety is our guarantee!


Pasalampak akong naupo sa pang-isahang upuan sa loob ng kwarto ko. Ito ang isa sa mga araw na sukdulan ang init sa construction site at sa tuwing uuwi ako ay halos ubos na ang aking lakas. Ilang galong tubig kaya ang aking naipawis sa buong maghapon?

Dahan-dahan kong hinubad ang sapatos ko na syang dahilan kung bakit nadagdagan ang pahirap ko ng araw na iyon. Narinig ko pa ang malakas na buntong hininga ng aking mga paa ng tuluyang mahubad ang pares ng sapin. Sa buong maghapon, tila sinasakal ang mga paang walang kalaban laban sa loob ng isang madilim na piitan. 

Masakit! Lapnos! Mapula! Tuklap ang balat! Yan lang naman ang itsura ng aking paa sa araw na ito. Isang buong araw ng parusa at pasakit na aking tinitiis. Bakit? Dahil kailangan!

Ang sapatos na ito ay proteksyon! Oo, tama! Isang proteksyon sa mas malalang sakuna. Isang paraan ng proteksyon sa anumang pwedeng mangyari sa construction site. Maaari kang mabagsakan sa paa ng mga mabibigat na hollow blocks, bakal at kahoy. O di kaya naman ay mapako ka sa mga nakausling matutulis na bagay. Ang sapatos na ito ay ginawa to withstand those outside forces. Ito ay gawa sa matibay at makapal na goma at may bakal sa dulo kaya ito ay binansagang "steel toe". 

May mga bagay kasi na pwedeng mangyari, maaring mangyari o di kaya naman ay pwedeng hindi rin mangyari pero mainam na ito ay suot mo para sigurado. Anu't ano man, kailangan ko itong isuot! 

Sa senaryong aking binanggit, narealize ko lang ito:

THERE ARE THINGS IN LIFE THAT WILL PROTECT US FROM THE OUTSIDE, BUT THAT SAME PROTECTION WILL KILL US FROM THE INSIDE.      

We are busy building our fortress that will protect us from our enemies, but that same fortress will soon be our grave.

Para lang itong safety shoes ko. Masakit sa paa, mabigat at namamaltos na at naglalakihan ang aking mga kalyo. Pati yata mga kuko ko sa paa ay malapit nang matigok. Astig lang sa panglabas tingnan. Safe na safe nga ang aking mga paa, pero sa loob naman ay unti-unting pinapatay anumang buhay  na alipunga na naninirahan doon.

One day, I will buy new safety shoes at ibabalato ko na lang ito sa sinumang may gusto. Ikaw? Baka gusto mo ng safety shoes ko?

Sasapatusin kita...
By Super M!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...