Saturday, July 27, 2013

Random Face Off!

Ang entry na ito ay may "FACE" value. Patungkol sa pagmumukha! Kaya wag na nating patagalin at magkaharapan na at nang mamukhaan na ang dapat mamukhaan.


1. Filipini:

Where you from? Yan ang tanong na madalas ko marinig lately. Syempre, Philippines ang sagot ko na may pagmamalaki. Proud Pinoy yata tayo. Pero yong reactions nong mga nagtatanong ay pare-pareho din. "Really? You don't look like a Filipini! (Filipino = Filipini; not sure kung ganyan nga spelling). Your face is different. You look like you came from other country. Na hindi naman nila matukoy kung ano. Well, blame it to these two great persons. Sila yong responsible sa confusion kung anong lahi nga ba ako! 

Ang aking ama at ina... The source of my good looks! (Wag na kumontra, entry ko to hahaha)






















2. World's ugliest woman:

Lizzie Velasquez, a girl bullied and voted the "ugliest on the Internet," gives an amazing and Godly speech. She will inspire you to trust God, accept yourself and enjoy the life that was given to you. This is a MUST see video. Para sa lahat na may mababang self steem...

Lizzie Velasquez was born with a rare disease that makes it impossible for her to gain weight. A few years ago so discovered that internet bullies cruelly voted her the "ugliest on the Internet." Rising above her tormentors she has gone on to succeed greatly in life. Watch her give an amazing and Godly speech that will literally change your life!


Ang dali nga naman para sa atin na maglagay nang "labels" sa mga taong nakikita natin sa internet. Even the nastiest labels na pwede nating itawag ay kay dali lang para sa iba, kahit ang totoo nyan ay di natin sila kilala. Dahil marami sa atin ang nagtatago sa likod nang computer monitor to hide our own physical flaws. Not knowing na ang pag atake sa physical na katangian nang isang tao, ay para mo na ring ipinagmalaki na mas pangit ka pa sa nilalait mo!

Beware! Stop Cyber Bullying!

3. Anonymous:

Pangarap ko ang mag anonymous... yong magkaron nang DP or Profile Pic na may takip sa mukha. Yong kita lang yong mata. O kaya naman ay nagtatago sa dilim, silhouette lang ang dating. Mysterious character ang gustong iparating. At ito ang mga naiisip kong gawin:

              a. Gayahin ang takip sa mukha ni Kakashi
              b. Kumuha nang poster ni JLC at itakip sa mukha
              c. Magpa-picture habang umiinom sa isang malaking tasa ng kape.  

Kung pwede lang maibalik ang kahapon, pipiliin ko ang mag anonymous. Wag mo nang itanong kung bakit.. trip ko lang, okay?

4. Love is Blind:

I lost an argument before. At bigla ko lang naalala ulit! Di maka move-on! Na naman? The argument? Justify if Love is Blind. HS ako non when my teacher in English ask me to justify the phrase. Eh syempre, di pa ko nai-inlove non. So ang basehan ko lang ay pisikal na aspeto. Regardless kung ano ang itsura nang isang tao, basta nainlove ka, yon na yon! Sa madaling sabi... "Pikit matang Pagmamahal!" Tama ba ako? 

5. Beauty and Madness:

Who will see the beauty in your life?
And who will be there to hear you when you call?
Who will see the madness in your life?
And who will be there to catch you if you fall?

May gandang kinababaliwan nang lahat. Pero di ba mas mainam na hanapin ang gandang karapat-dapat seryosohin?

Hanggang sa muli!

I'll see you all Face to Face -

By Super M.

Saturday, July 20, 2013

Ako Ay May Tanong...

Credit goes to the owner of this image


MAY TANONG AKO!

"Bakit may mga tanong na di maisatinig? 
Sadya bang kay hirap bigkasin? 
Daig mo pa ang may busal sa bibig, 
inalis ang kalayaang isa bukambibig.

Bakit may mga sagot na mahirap unawain? 
Simple lang naman at payak ang ibig sabihin. 
Bakit di mahagip ng utak at linawin?

Bakit may mga tanong na mahirap sagutin? 
Sadya bang mas madali ang magsinungaling? 
O ayaw mo lang makasakit ng damdamin?

Bakit may mga sagot na di tugma sa tanong? 
Baka naman di naintindihan o sadyang tanga lang. 
Ayaw bang tukuyin o umiiwas lamang? 

Bakit may mga tanong na di pwedeng itanong? 
Katotohanan ba ay ikukubli na lang? 
O baka naman wala kang karapatan?

Bakit may mga sagot na ayaw mong marinig? 
Takot ka bang tamaan at masaktan? 
Daig mo pa ang isang duwag, nasaan na ang iyong tapang?

May tanong, syempre may sagot
Kapag may sagot, syempre may nagtanong
Pero pwede bang hindi sumagot kapag may nagtanong?
O pwede bang magtanong kahit walang makuhang sagot?

Magulo ba? Ganito na lang...

MAY TANONG AKO , MAY SAGOT KA BA?   


Naguguluhan,
Super M

Friday, July 19, 2013

Fish Market!


Suki! Suki! Ang sigaw nang isang tindero ng isda. 

Galunggong? Bisugo? Tilapia? Sariwa yan suki! Bili na. Mataman ko siyang tinitigan at nagpatuloy sa aking pamimili.

Sa kabila naman ay may sumisigaw ng pusit, hipon at tulingan! Kabi-kabila ang mga nagtatawaran. Nambabarat at humihirit ng dagdag na isang pirasong isda sa kaniyang binili.

Bente isang kilo! Wala na bang bawas? Kinse na lang! Bigay ko sayo ng trenta dalawang kilo? Maglalagay ang tindero ng ilang pirasong lumahan sa kulay asul na plastic bag. Habang ako'y nag-iisip pa at tila tulala. Sige na nga! Bigyan mo ko ng dalawang kilo. 

Linis suki? Lima lang... Hindi na, sayang ang lima ko! Ako na lang maglilinis... Inikot ko ang aking paningin sa loob ng fish market. As usual magulo at malansa. Maingay na parang mga bubuyog ang nangyayaring bentahan at kalakalan. 

Suki suki! Babalik ka! Ang pahabol ko pang narinig habang palabas ako ng Fish Market. Medyo marami rami rin akong nabili doon ah. Dalawang plastic na kulay blue ang aking bitbit. May Hipon, pusit, lumahan at blue crabs. Ano naman gagawin ko sa mga ito? 

Tila sagot sa aking tanong ang biglang humarang sa aking daraanan. Pechay Pare? Bibili ka? Meron din kaming kangkong at sitaw. Talong? Masarap sa bagoong! 

Di ko namalayan na nakarating na pala ako sa Gulayan. Isang Gusali na may mga arko sa paligid na di mo aakalaing mga gulay at prutas pala ang mabibili sa loob. Nagpalinga linga ako kung anong pwedeng pang sahog dito sa binili ko. At yon na! Dinumog na ko nga mga tinderong gustong makabenta. Halos mabuo na nila ang mga gulay sa kantang "bahay kubo."

Akala ko di na ko makakalabas nang buhay doon sa loob. Ibang klase din ang amoy nang mga nagtitinda dahil sa pawis. Sobrang init pa naman! Isang malallim na buntong hininga ang aking pinakawalan. Fresh air!

Ang inaasahang Fresh air ay hindi umabot! Kinapos at di nakarating sa aking naghihintay na matangos na ilong. Napalitan nang amoy karne nang baka. Ah, ito pala ang slaughter house nang mga kaawa-awang cow! Akala yata nang mga matador na ito ay bibili ako... Pang bulalo pare? Pang Papaitan ba? Laman loob? Bagong katay, mainit pa!

Parang creepy naman kung mag alok ang mga ito. Umandar bigla ang aking imahinasyon sa mga kwentong pwedeng mabuo ng utak kong kakarampot na nakaprogram na yata sa madudugong eksena ng buhay. 

Kailangan ko nang makauwi! Tumitindi na ang sikat nang haring araw. Walang patawad pa naman kung sumikat at magsabog nang init ang araw dito. Daig mo pa ang nasa pugon. 

Pasa-load! Pasa-load pare!

Huh? Pasa-load? Napaisip tuloy ako kung meron pa bang credits ang aking cellphone. 

Habang binabaybay ko ang mga liko-likong eskinita pabalik sa tinitirhan ko, I smiled and I realized one thing.

"Masarap din palang pakinggan ang ating wika kapag banyaga ang nagsalita." 
        
Palengke


Ang hindi magmahal sa sariling wika, ay higit pa sa amoy nang malansang isda!

By Super M

Wednesday, July 10, 2013

Find A Way or Fade Away?

Credit goes to the owner of this image.
100 LIST OF ANYTHING THAT FADES AWAY:

Motivation | Pain | Injuries | Partner | Shoes | Lust | Memories | Beauty | People | Good Things | Material Things | Promises | Daylight | Strength | Music | Skills | Eye Sight | Knowledge | Pilipinas | Colors | Fog/Mist |  Smile | Fame | Wealth | Stars | Life | Happiness | Rainbow | Health | Smoke | Scars | Perfume | Sound | Fart |  Enthusiasm | Determination | Energy | Jealousy | Mistakes | Appeal | Appetite | Drama | Teleserye | Sleepiness | Anger | Picture | Shadow | Stain | Bubbles | Twilight | Hotness | Dawn | Dreams | Imaginations |   Candle | Tears | Echo | Rain | Ink | Courage | Cigarette | Batteries | Feelings | Pencil | Ice | Faith | Hair |  Coldness | Sensation | Snow/ iceberg | Eagerness | Procrastination | Wave | Kindness | Wickedness |  Naphthalene or paradichlorobenzene aka Mothball | Self Steem | Fireworks | Sprain | Alcohol | Virginity |  Ignition | Hope | Speed | Flowers | Glow | Acceleration | Earthquake | Sweat | Freedom | Mimosa Pudica |  Victory | Nebula | Acute Viral Nasopharyngitis | Proxima Centauri | Vengeful Spirit | Big and Overwhelming Abscess | Lipid | Froth | Soap or Detergent

Find a way or Fade Away?

This came from a tweet of Inong of http://www.kumonoy.com. Find a way or fade away? Ano nga ba? Isang simpleng tanong pero hinatak ang aking curiosidad at kamalayan sa mas malalim na pag-iisip. Hindi ba madalas na nalalagay tayo sa mga alanganing sitwasyon ng ating buhay at hindi natin alam ang ating gagawin?

Yong iba, pilit na hahanapan ng solusyon, sila yong mga team "Find A Way". Matatapang na mandirigma na gagawin lahat mapagtagumpayan lamang ang labang kinakaharap.

Yong iba naman, bumigay na at hinayaang lamunin sila ng karimlan... sila yong mga kasapi ng team "Fade Away". They are always considered as the weakest link. Pero ano nga ba? Fading away ba ay isang marka ng kahinaan?  

At first, my vote goes to Finding a way. Sabi ko nga sa tweet ko kay Inong... Fade away has a negative connotation. Yong parang sumuko ka na at pinaubaya mo na lang sa kapalaran kung anong mangyayari. You didn't even bother to give it a try. O kaya ay bigyan mo man lang sana ng tinatawag na "Good Fight" ang mahirap na sitwasyon. Mas pinili mo na lang na maglaho into thin air para makaiwas o iwasan ang labang kinakaharap.

Pero habang tumatagal, napagtanto ko na "Fading away" is not bad at all. In fact, balak ko syang i-apply in some cases of my daily routine. The other side of "Fades Away" gives you more time to regain something that was lost during the fight. At may mga bagay na sadyang lumilipas o kumukupas kasabay ng pagdaloy ng panahon. At wala tayong magagawa para pigilan ito. Yong masaksihan mo ang isang bagay na nag-fe - fade away? Malungkot, masakit, pero pag nagawa mo... mas matapang ka pa sa mga lupon ng team "Find A Way". It takes courage to accept the fact that something good is temporal. They will fade away sooner or later... right in front of our very eyes. Tanggapin ang katotohanan... harapin ang bukas... lasapin ang sakit at pait ng pagkawala... pero tandaan, ang sakit at pait ay hindi rin pang matagalan.

The good news? Pain is included in our list of things that fades a way. Lilipas din yan at ang sugat ay maghihilom... (Aray Naku!)

The list of 100 items of the things that fades away na nasa taas ay nabuo in collaboration with Pao Kun of TIABP http://www.paokun.net and Arvin of http://www.archiviner.com Dahil silang dalawa ay mapagpatol sa tweet ko about 5 random things that fades away. Ang nangyare? Dugtungan portion hanggang umabot sa isandaan ang list!

At ito ang limang paborito ko out of 100 sa listahan ng mga bagay bagay that Fades Away.

1. Smile - I'm wearing the smile you gave me... Bagay ba?

2. Perfume - Recently watched the movie with the same title. It is about preserving a smell of a woman (preventing it from fading away). Panoorin nyo!

3. Fart - Farting used in a musical... Read this from Cabinet of Curiosities - a book of trivia

4. Pencil - Dahil gusto ko ang components ng isang lapis. Lead, wood and rubber/eraser. Three very different character in one masterpiece. Nabasa ko sa FB "If you are not my Pencil to write my Happiness, at least be my eraser to remove my sadness." Sakto sa Pencil! No more no less!

5. Fireworks - Isa sa mga paborito kong kodakan... mahirap kasi. Amazing fireworks display is a good example of things that fades away. Pagkatapos mo ma amaze, it will be gone forever, leaving you in the verge of longing for more!

Now, it's time for me to cast my final vote... Find a way or Fade away?

Hmmmm.... Fire Away!!!!!!

By Super M


Sunday, July 7, 2013

What's the Point?

Maraming kababalaghan ang mundo na pilit na tinutuklas ng mga tao. Pilit na inaarok ang kalalimang taglay ng mga bagay-bagay. Pilit inaalam ang mga pangyayaring wala naman silang kinalaman. In short, may pag ka *uzi (usisero) ang nature ng mga tao ever since the world began. Ngunit may mga bagay at mga nangyayaring hindi na dapat pa pinakikialamanan. Gaya neto...

Ano nga bang pinupunto ko? Ito lang naman... ang punto por punto na di ko maintindihan... (Pakialamero?)

Sketch Number 1... 
You're my peace of mind... in this crazy world!

#1. What's the point kung ganito ang suot mo at magpapa kodak ka? Walang silbi ang sigaw ng  isang Kodakero ng isang mapagpalang SMILE!!!! Wacky na lang! Wacky!! Kung ang mukha mo ay may takip?

#2. What's the point ng isang group picture, kung lahat kayo ay ganito ang suot? Itim na balute at mata lang ang exposed? Pahirapan sa pagkakakilanlan. Kailangan, laging may caption.. From L-R, itimized natin kung sino sino sila.   

#3. What's the point na biniyayaan ka nang magandang mukha kung itatago mo lamang? Hindi ba nakakapanghinayang? At swerte ang mga lalaking mabibigyan ng pribelihiyong "For Your eyes only"  

#4. What's the point nang pagpapaganda ng katawan kung ibabalot mo rin naman... Sayang ang pagod, sayang ang effort. 

#5 What's the point kung ang mamahalin mong damit ay papatungan mo rin lang ng itim na tela? Sinong makakakita kung hindi mo ipaparada.

Pero anong magagawa ko, kung sa bansang hapon ay maraming Ninjas!

Sketch Number 2...
You're my crazy thought... in this lonely place!

What's the point? This is exactly my point! If you have it flaunt it! Boys Kalma! Sketch lang yan! 

Sketch Number 1 and Sketch Number 2



















Spot the difference! Ang makakita, at makatama nang sagot, may premyo! eh di may tama ka!  

Note: Wag magtaka kung walang pang ibabang bahagi ang mga larawang iginuhit... dahil sila ay may lahing  manananggal. (Palusot lang... hindi talaga marunong haha)



What's the point ng pamamaalam, Kung babalik rin naman?! See you guys!

By Super M

Wednesday, July 3, 2013

Ang Nais Ko!

Dalandan...

Isang kilo nga... Siguro naman ay sobra-sobra na to! Sige lang, balat dito, talop doon... Isa, dalawa, tatlo... Hanggang sa makarami! Piga ng piga habang nakatapat sa electric fan ang mukha. Sige lang, balat dito, talop doon... Dinaig pa ang Ascorbic Acid sa vitamin C na aking naipon. Pero alam mo bang hindi ako magtitimpla ng dalandan juice?

Tiger Balm...

Sige ang amoy, singhot na parang adik! Pahid sa ilong, pahid sa talukap ng mata, sa noo, at isama mo na rin ang eye-bags. Umaalingasaw ang amoy matanda sa loob ng kwarto. Wag kang mag-alala, wala akong sakit, wala rin akong sipon at hindi masakit ang aking ulo.

Sibuyas...

Sige pa! Tadtad! Halos maubos na ang malalaking sibuyas sa kusina. Ang sangkalang kahoy ay napapaigtad sa bawat paglapat ng talim ng kutsilyo sa mukha nito. Ang amoy ng sibuyas ay nakarating na sa kabilang baranggay. Subalit, ngunit, datapuwa't hindi ako mag-gigisa at wala akong balak magluto ng kare-kareng sibuyas.

Ang Nais ko...

Ang nais ko lang ay umiyak... umiyak ng umiyak! Bakit ganon? Gusto pa ng emosyon mo, pero wala nang mailabas na katas ang katawan mo. Wala ka nang maiiyak, wala nang mailuha ang iyong mga mata... hanggang ang maiwan na lang ay mga pag-hibik sa hating-gabi... Tuyong pagtangis!


This post is sponsored by:

TEARS NATURALE II... ARTIFICIAL TEARS
Gawa ng Alcon
If symptoms Persist... Consult your Doctor!

Hanggang sa susunod na pagpatak ng luha...

By Super M.

  
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...