Sunday, June 30, 2013

Pamana

Nagpasalin-salin sa lahat ng henerasyon,
Tila tanikalang di malagot ng panahon.
Pamana ng lahi sa akin ay ibinunton,
Magagawa ko ba na ako’y di sumangayon?

Sa dugong nananalaytay, ito’y dumadaloy,
Bawa’t pintig ng puso ko, ay isang panaghoy.
Bakal ma’y natutunaw, pag nadarang sa apoy.  
Buhay ba’y matatapos, buhay ba’y magtutuloy?

Sa dinami-rami ng ‘yong apo at ‘yong supling,
Bakit ako pa? Ang pagsamo at aking daing!
Traydor at tusong matsing, yan ang maituturing.
Sumpang di magmamaliw, ang akin ay kapiling

Buhay ay mahalaga, ako ay dobleng ingat,
Katawang batak, ehersisyo ang nararapat.
Wasto at tamang pagkain, ang dapat at sapat,

Sa altapresyong pamana, ay aking pantapat.




Wednesday, June 26, 2013

Guess What? Guess Watch!


10:00 am

Nakakaaliw pagmasdan ang pag-ikot ng orasan… marahil ito ang dahilan kung bakit isa ito sa mga instrumentong ginagamit to put someone in a deep trance. Kaya naman halos di ko maalis ang aking paningin sa bawat pag galaw ng mga kamay ng relong hawak ko. At sa bawat pag-ikot neto ay mistulang ibinabalik ako sa nakaraan… OOPPPSSS hindi pwede! Pilit kong ginising ang sarili ko para maiwasang balikan ang nakalipas… Andito ako ngayon sa lugar na to para harapin ang bukas. Kailangan kong gawin ito para sa sarili ko. Para sa kinabukasan ko. At para sa ikauunlad ng Pilipinas (ano daw?).

10:30 am

Tatlumpong minuto na kong naghihintay. Nakakabagot kahit alam kong maaga ako ng isang oras para sa itinakda namin na pagkikita. Ganoon pa man, nangingibabaw pa rin na sana ay bumagal ang takbo ng oras at wag nang dumating ang aking katagpo. Kahit papano ay umaasang hindi matuloy ang napipintong pamamaalam.

11:00 am

Muli kong pinagmasdan ang relong hawak ko… makisig pa rin kahit ilang taon na ang nakalipas. Bakas sa mukha ng relong ito ang mga pinagdaanan namin.

Wala na ang dating kinang sa stainless steel na nakabalot dito, ngunit higit na kapansin pansin ang pagiging matibay sa kabila nang di maiwasang pagbagsak ng paulit-ulit. Ang hirap ingatan ng isang bagay na mahalaga sayo, pilit mo mang protektahan, darating sa punto na makakalingat ka. At pag dumating ang oras na yon, ang sakit! Damang dama mo ang paglagapak!

Ang mga mumunting gasgas- nagpapaalala na tao lang tayo at nasusugatan, nagkakagalos at kapag nasaktan ay di maiiwasang mag marka at mag-iwan ng bakas.

Ang mga kamay ng orasan  na walang kapaguran– patuloy sa pag-ikot, walang hinto hanggat kaya pa. Hanggat may ibubuga pa ang bateryang nakakarga. Ganon naman talaga, kakayanin, patuloy na lalaban, kakapit kahit alam mong ikaw na lang ang nag-iisang nagpupumilit na muling umikot ang mundo para sa inyong dalawa.

Ang mga numerong nakapaikot dito ay nagsusumigaw at sinasabing ilang cycle naba ang nasayang. Paikot-ikot! Walang patutunguhan. Parang isang asong pilit inaabot ang kanyang sariling buntot. Nakakapagod, nakakasawa rin naman

Ang strap na gawa rin sa stainless steel ay ayos na ayos pa sa pagkakahugpong sa bawat isa. Alam mo yon, yong parang ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Dahil alam nilang sa isang sundot lang ng karayom, maaari na silang matanggal sa isa’t isa. Isang sundot, lagot! Yong inaakala mong ubod ng tibay ay kaya palang sirain ng isang maliit na bagay lamang.

Para yatang sobrang nag-e-emote na ko sa kakatitig sa relong ito. Pagbigyan nyo na, huling hirit na to. Last look kumbaga. Isang pamamaalam sa isang bagay na matagal kong iningatan. Sabi nila para maka move on daw ang isang tao, we have to let go of all the things we hold precious at nakakapag-paalala sa inyong pinagsamahan. Parang si Gollum lang ng Lord of the Rings, he keeps holding on to the ring because he considered that his most valuable possession, his precious! Kaya naman narito ako ngayon to say goodbye to my  Guess Watch! "My Preciouuussssss" in the tone of Gollum!

11:30 am

Sa wakas, for the longest time, buo na ang desisyon ko…

Nakita ko syang pumasok sa pintuan ng restaurant kung saan ako naghihintay… nagpalinga-linga at nang makita ako ay kumaway at ngiting asong lumapit sa akin. Excited ang loko at agad naupo sa bakanteng silya sa aking harapan. Hindi man lang nag-apologize na late sya ng tatlumpong minuto. Walang paliguy-ligoy na tinanong ang kanyang pakay! “Tol! Asan na yong relo? Sa wakas ibibigay mo rin pala, pinatagal mo pa! Akin na at ng maisuot na!”

12:00 nn

Lumabas ako ng restaurant na Masaya… Malaya na akong nakahinga… sa dalawang oras na pamamalagi ko sa loob ng resto na yon eh para akong nasa bartolina na napakasikip. Daig ko pa ang isang preso na nakalaya sa kulungan at nalanghap ang sariwang hangin sa labas ng piitan. May ngiting panalo sa aking mga labi… Maaga pa naman, pwede pa akong manood ng sine at magkape. Treat ko sa sarili ko…

Time check 12:30 pm… at muli kong nasilayan ang stainless steel na relo sa aking kaliwang pulso…

******************************************************************************


Unplog's note:
Ang fiction na ito ay para sa mga hindi maka-move on! Apir! 

Hanggang sa muling pag-ikot ng orasan...
By Super M

Sunday, June 16, 2013

The Road to Ras Al Khaimah

Halos lagpas dalawang buwan na ko na wala sa Pinas. 2 months and 7 days to be exact. Ang bilis lang... di mo mamamalayan na nasa Pinas na uli ako at patambay-tambay sa mga kapehan sa tabi-tabi. Matagal pa yon, kaya wag  masyadong excited lol! 

Nga pala, I just want to share to you guys my journey to Ras Al Khaimah. Let's check the map of Mr. Google and find out where on earth is this place. 


Ras al-Khaimah (alternatively Ra'sal-Khaymah; Arabic: رأس الخيمة‎ Rā's al Ḫaima) is one of the emirates of the United Arab Emirates (UAE), on the east side of the Persian Gulf. Its name means "Top of the Tent". The emirate is in the northern part of the UAE, bordering Oman's exclave ofMusandam. It covers an area of 1,700 square km. The capital city and home of most residents is also called Ras al-Khaimah. The city has a population of 263,217 as of 2008.[1] The city has two main sections, Old Ras al-Khaimah and Nakheel, on either side of a creek. It is served by theRas al-Khaimah International Airport. It consists of a northern part (where the city of Ras al-Khaimah is situated), a large exclave in the south (nearHatta), and a few small islands in the Persian Gulf.[2]
(source: Wikipedia)

As you can see in the map, Sharjah is where my accomodation and our project is, and Dubai naman is our head office. Since Sharjah is too close to Dubai and the cost of living in Sharjah is low compared to Dubai, Sharjah has been dubbed as Dubai's Bedroom. Why? Most people working in Dubai lives in Sharjah for an obvious reasons. Gets?

At bakit naman ako napapunta ng Ras Al Khaimah, which is a little bit far from where I live and where my workplace is? Dahil ako po ay isang galaero! (Fact) Nope, may isa pa po kaming project doon na kailangang i -ocular visit (truth). 

And as the title of this post suggest, I want to share with you all the photos I took along the road to Ras Al Khaimah. Pasensya na sa mga shots dahil most of the photos were taken inside a moving car. 

1. Starting Point: Sharjah... pick up time is 9:30 am

What do you expect in a desert turned city? A lonely Tree....
Hill Top... almost! A Landscape... a touch of green...
2. Exit to Freeway... 
Saturday Morning view of the Highway...  

Series of Mosque Design can be seen along the way...
Fascinating view

Basically this is the view as we go farther away from Sharjah...

An odd design of a building in the middle of the dessert...
Another building... in the middle of the dessert...
Working in the desert...
This marks the end of the Highway and we are entering now
Ras Al Khaimah's area 


3. The Destination...


Buildings and Landscapes while entering RAK's municipality

Round About Land Mark
Al Naeem Mall... Our Destination

View from the Balcony of the Mall's Foodcourt....
This body of water serves as Float Plane Landing area.

Management Office of the Mall... souvenir shot.
Di ko na idetalye kung anong ginawa namin sa Mall...
In the near future you will see!

Nagugutom din naman ang Super Mario...

Grand Chicken Burger for Lunch...


BEWARE: COLD ZONE


4. And Back...
After a series of questioning and gathering info about the Mall, we are on our way back and hit the road again...
Exit from RAK... I shall return... definitely!

Another Mosque design... I told you!

Boundary... part of the desert! 

Cleaner view of the desert sand on this side of the road...

More sand, more and more sand out there....

Someone left this boat on the road side....
And this is the last view I remember, dahil nakatulog ang Super Mario... 

5. To Home Base...

And when I woke up.... nasa Sharjah na uli kami...

Welcome back to Sharjah's Skyline...

It takes us approximately 1 and a half hour from Sharjah to Ras Al Khaimah in a private transport. This may varies if you take a bus or public transport.


  • RAS AL KHAIMAH ROUTE NO. 115
Timings6:00 am - 11:00 pm, daily
IntervalEvery 60 minutes
DepartureSharjah (Al Jubail Bus Station)
StopsUmm Al Quwain - Union R/A
DestinationRas Al Khaimah (Al Nakheel)
Route DirectionSingle Way
FareSharjah - Umm Al Quwain, 15 Dhs
Sharjah - Ras Al Khaimah, 20 Dhs
OperatorSharjah Transport

Hope you enjoy the trip! And by the way, tomorrow June 17, 2013 (Monday), I will be travelling back there to join the kick off meeting... (meaning, project is going to start soon)

See you!
Super M

Tuesday, June 4, 2013

Breitling Vs Kiteling... The Battle of the Century! (Part 1)

In search of other beings, we, Earthlings, search deeper and deeper into the deepest part of the Universe. Little did we know that what we are looking for is just around the corner... 

And this is their battle, their fight to save their kind... will they survive or will vanish forever? Join me and discover their courage and determination to survive...







Ano ang kahihinatnan ng mga Papagayo? Sa pagsalakay ng mga halimaw, may pag-asa pa kayang sila ay mabuhay?

Abangan ang susunod na pakikipagsapalaran ng mga Papagayo...

Teaser: Abangan sa susunod na kabanata!!!



A Comic Story by:
Super M

To be continued... 

All photos are all mine and mine alone... Just saying lol

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...