Saturday, May 25, 2013

THE TRUTH IS...

THE TRUTH IS... I don't like coffee and doughnut! LIAR!

Truth and nothing but the truth… yes, gusto mo bang  malaman ang katotohanan? Sa mundong ating ginagalawan, lahat tayo eh naghahanap ng sagot sa milyon milyong katanungan na bumabagabag sa atin. Whether it’s about God, hope, dreams, career, life, death, happiness, faith, good, evil, family, etc. But when the truth hits us straight in the face, are you brave enough to accept it? Kasi aminado tayo sa katotohanang... The TRUTH HURTS! Paano mo haharapin na ikaw pala ay isang ampon? O di kaya naman ay iniwan ka ng iyong better half dahil nakakita na sya ng iba? (talagang ito ang example? lol)

ACCEPTANCE! Big word huh! And to do that, kailangan mong malaman ang buong katotohan sa likod ng mga kaganapan… Para maging katanggap-tanggap at malaya tayong maka move on hindi ba? Ang hirap kasi sa panahon ngayon, nauuso ang mga taong feelingero, assumero at paasa. May malaking role silang ginagampanan on how we ACCEPT the TRUTH. Pampagulo ika nga!  

Feelingero: n; is a slang word for someone who feel like something/someone he is not or believes that he is like something/someone (acting acting lagi pag may time)

Assumero: n; is a slang word for someone who always assumes. Sila yong mga taong tamang hinala, laging nag aakala na sila ang pinag-uusapan at pinatatamaan sa mga umpukan at maging sa status sa twitter or sa FB at kahit sa instagram din minsan (lol) (assume assume na lang lagi? Usap usap din para malinawan)

Paasa: n; may kinalaman sa taong assumero. Sila yong mahilig mambitin. Mga taong bigay motibo pero bandang huli ay biglang bawi! Sila yong mga taong gustong gustong igisa ng buhay ng mga taong pinaasa at umasa at hanggang ngayon ay umaasa pa rin lol. Pero ingat din, kasi baka naman nag assume ka lang? Di kaya? Hmmm? Pwede di ba?

So, habang nasa toilet ako kanina at nakaupo sa trono at di ma-tae (pasintabi sa mga kumakain), naisip ko lang itong mga scenario na may kinalaman sa moment of truth.

1. Huwag maging bulag sa katotohanan na ang mga nakikita mo sa FB (facebook) na nag-gagandahang photos ng mga lugar at kainan na napuntahan ay basehan na, na maayos ang kalagayan nila at puro pasarap lang lalo na sa mga kagaya naming OFW… THE TRUTH is… kahit mahirap ang buhay ng malayo sa bayang sinilangan, kahit man lang sa FB ay may maipakitang maganda para sa pamilya at maibsan ang pag-aalala. Balato nyo na sa amin to... hwag agad manghusga at huwag maiinggit, dahil sa likod ng mga larawang ito, hindi nyo alam ang mga pinagdadaaanan namin sa trabaho, pag-uwi sa bahay at mga panahon na gusto na naming umuwi… Huwag maging assumero sa mga nakikita sa FB… makontento na lamang at maging Masaya para sa amin. Ok ba?

2. Hindi lahat ng mga nababasa mo sa twitter ay patungkol sayo… hindi lang ikaw ang followers nya. Kung puro rants at ka-emohan naman nababasa mo sa timeline nya, respeto na lang kaibigan… time line nya yon at kung di mo gusto, hit the unfollow button. Ganon lang ka-simple. Hindi lahat ay nagpapansin lang, huwag agad agad kasuhan ng pagiging Feelingero lang… THE TRUTH is…  hindi natin alam ang kanilang pinagdadaanan. We are entitled of our own opinion, pero hanggat di mo alam ang katotohan, mas makakabuti pa na sarilinin mo na lang muna ang opinion mo.

3. Sabi nong officemate ko, Paasa daw ako? Hindi kaya! (lol)... THE TRUTH is, friendly lang talaga ako at mabait (pag tulog). Sadyang may mga tao lang na naipagkakamali ang closeness to something else. Di ba? Diba? Pause ng matagal…. comments? suggestions? violent reactions? 

4. Kung madalas man akong manlibre, kumain sa labas, manood ng sine, mag travel at kung ano-ano pa, HINDI PO AKO MAYAMAN… THE TRUTH is… MAHIRAP KA LANG! hahaha (JOKE!!!) Aantayin ko reaction dito nong isang blogger na kilala ko hahaha

Disclaimer: This is a work of fiction. Names, characters, places and incidents are products of my imagination or are used fictitiously.   Any resemblance to actual events or locales or persons, living or dead, is entirely coincidental.


Madali namang intindihin di ba? Kaya wag maging Feelingero/a, Assumero/a at Paasa.

by:
Super M
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...