Saturday, April 27, 2013

Life is too Short...


While having coffee this afternoon before my weekend workout, a tissue paper caught my attention. What's written there best describes the reality that life is too short to be wasted. It also describes what a coffee addict like me is all about (lol). Check this out!

Life is Short. Stay awake for it. 
Caribou Coffee

Life is Short...

Stay Awake for It...

My Cup of Coffee, Coffee of the day... 

Choco Fudge Cake, not too sweet but compliments
the bitter taste of coffee.

Caribou Coffee...

Coffee Table...

Caribou Coffee's Background:
www.cariboucoffee.com

Their Story...

Here at Caribou Coffee, we believe this to be true: that if passion, hard work and excellence go into an endeavor, the outcome will be a quality experience, and therefore rewarding.

In 1990, during an adventure through the Alaskan wilderness, our founders journeyed to the top of Sable Mountain. After a strenuous climb, they reached the summit and were rewarded with a sensational view: the boundless mountains, a clear blue sky, and a herd of caribou thundering through the valley. That was truly the "aha" moment.

The breathtaking panoramic view became the entrepreneurial vision for Caribou Coffee - a company that believes excellence is a product of hard work, and that life is too short for anything else. This vision serves as a guide as we strive to create a special experience for you here at Caribou Coffee.

Now, we invite you as our guest along this path. Enjoy a moment, or several, filled with the highest-quality coffee and our unparalleled service.

“Adventure in life is good; consistency in coffee even better.” 


Para akong coffee. Minsan sweet . Minsan bitter. Minsan cold. 

Pero kadalasan HOT!
- Bagotilyo

Enjoy your cup of coffee...
by Super M

Monday, April 22, 2013

The Death of Super Mario!

"For me, to live is Christ and to Die is gain." 
Philippians 1:21

Takot ka bang mamatay? Ang tanong na madalas ayaw nating sagutin. May iilan na matatapang o nagtatapang-tapangan na sasagot ng oo. Pero teka lang, let me rephrase the question. Handa ka na bang mamatay? Anong isasagot mo? Your time starts now....

Habang nag-iisip ka ng isasagot mo, let me share to you my death wishlist. 

I can talk freely about death, pero hindi ibig sabihin eh handa na kong mamatay. Open lang ako sa realidad na darating lahat ng tao doon. And since may oras pa ko para magplano, at kahit papano eh magka-idea kayo kung ano ang gusto kong set-up sa funeral, mga iiwanan, habilin at kung ano-ano pang mga bagay na may kinalaman sa deadz... gumawa ako ng aking listahan. 

And here it goes...

1. White Coffin: 
Hindi naman ako maselan, kahit gawa sa plywood ok lang, tapos pininturahan ng puti, matte finish dapat para hindi mag re -reflect flash ng mga camera at hindi magbounce back ang mga ilaw sa paligid. Bakit puti ang gusto ko? Dahil lahat ng dadalaw sa funeral ko eh magsusulat ng notes or signature sa white coffin. May nakaready dapat na pentel pen na permanent with black, red and green ink. Pili ka lang kung ano trip mong kulay ng panulat.

2. Picture Perfect: 
Gusto ko yong baby pic ko ang nakalagay sa ibabaw ng coffin. Yan mismong larawan sa baba... cute ko no?

Si Super M nong di pa sya kumakain ng
mushroom na pampalaki!
Para naman magka-idea yong iba kung anong itsura ni Super M nong baby pa sya. Also, it symbolizes that every ending has new beginning... paki-konek na lang hahaha.
   
3. Soundtrack:
Ito naman ang mga songs na dapat patugtugin during my funeral.
* "I will follow him" Sister Act version
* Babalik ka rin ni Gary V.
* Babay ni Yeng Constantino
* Thriller ni Michael Jackson
Ano pa ba? Baka may idadagdag ka, sabihin mo lang...

4. Seven Days of Happiness:
Bakit happiness? Ayaw ko ng malungkot... marami na kong pinagdaang malungkot na bahagi ng buhay ko kaya tama na siguro yon. Masaya naman dapat. Kaya partey partey kayong lahat habang nakahiga ako.

At bakit naman 7 days lang? I want it to be like when God Created the Heaven and Earth. Come to think of it... ang buhay natin kasi eh mai papattern mo kung pano ginawa ng Diyos ang mundo. Sa umpisa, walang porma, madilim, then there was light. Parang tayo nong nasa sinpupunan pa lang, fetus na di mawari ang itsura, hanggang unti-unting nagkakaroon ng hugis, hanggang sa masilayan mo ang liwanag... and then sunod sunod na, waters, heaven, day and night, dryland, living creatures, man in his own image and then God rested on the 7th day... Di ba ganon din naman proseso, eventually you will experience many things in this life. Marami kang matututunan, maraming magiging kaibigan, lugar na mararating, mga pangarap na matutupad. At lahat ng yan eh parte ng buhay. Pagsamasamahin natin at yon ang kabuuan ng pagiging tao mo... ang sariling mundo mo na ginagalawan at pilit na binuo. Yon nga lang, kailangan nating magpahinga... nakakapagod din naman.

One week lang dapat ang itatagal ng funeral, kaya kung busy ka sa work, maaari lamang na maglaan ng isang araw para sa akin.

5. Paano na ang Unplog?
Well, magpapatuloy ito... dahil meron namang tinatawag na "Ghost Writer". Alam mo na ang mangyayari pag di ka bumisita dito at nagiwan ng comment.

Yan lang muna, saka ko na lang dagdagan kasi inaayos ko pa ang aking "Last will and testament". Kailangang pag-isipan kong maigi kung saan ko iiwan ang aking mga ari-arian at kayamanan. (Parang meron eh no?)

So, naiisip mo na ba ang sagot sa katanungan ko sa taas? Kung ako tatanungin, hindi pa ang sagot ko! Marami pa kong gustong gawin at marating. Marami pang umaasa sa kin at higit sa lahat, hindi pa talaga ako READY!


“All things that have form eventually decay." -Orochimaru” 



See you in this life or the life after!
-Super M




Friday, April 19, 2013

Super Mario's First Series... in the UAE! Part 1

www
Weak: the feeling of being relocated again.
Wick: fueled by determination, I'm ready to set things on fire!
Week: Oh! It's been more than a week already....
by Super M!


Ang bilis no? Mahigit isang Linggo na pala ako dito sa UAE. Yey! Malapit na ko umuwi! Ilang tulog na lang... #practicelang.

Kumusta naman ang Pinas? Balita ko mainit dyan... buti nga sa inyo! Joke lang! Ingat kayo dyan sa atin. (OFW lang ang dating ah lol). Sa totoo lang, nakakamiss din kahit papano ang mga happenings dyan sa atin. Kaya gusto ko kayong kwentuhan ng napaka-boring kong pinagdaanan dito sa UAE since day one.

Simulan natin nong araw na umalis ako...

1. First time kung gamitin ang OFW Lounge... 
44th Floor? 
Lagi kasing tourist visa ang gamit ko before, ngayon working visa na- kaya pasensya na, di ko alam saan ako pipila. Pagkapasok ko, ang haba ng linya sa counter kung saan magbabayad ng Travel Tax. Pagdating ko sa counter, di ko naman pala kailangang magbayad kasi OFW na nga pala ako. Pinalabas ako uli at nagpavalidate ng OEC Certificate sa area na tinatawag na OFW Lounge! Sosyal talaga ang mga bagong bayani... may sariling lounge sa airport. Pasok ulit at deretso na sa Check-in counter. Text at tweet ang inatupag ko habang nasa pilahan. Dahil sa nagpabalik-balik ako sa OFW lounge, ilang minuto na lang eh mag close na yong boarding gate. Partida, kumain pa ko ng sandwich bago pumunta sa gate. Masama na tingin ng mga ground crew sa kin dahil ako na lang yata inaantay. Business class? Hindi po, economy lang! Text, text habang hinahanap ang seat #44, coincidence lang ba? O talagang malapit sa kin ang 44th number? #44thFloor. At may istorbo pang tumawag sa cp ko habang naghahanap ako ng upuan. Umiiyak at ma mi-miss nya daw ako! hahaha. Wag na umapela, eto oh! Towel! hahaha

2. First time kung mag stop over sa Expressway in between Abu Dhabi and Dubai.
I arrived sa Abu Dhabi airport around 1:30am na. Natraffic yata ang non stop flight na sinakyan ko kaya ang ETA na 11:45pm ay di nangyari. Ang maganda lang, hindi crowded at maiksi lang pila sa Passport Control/immigration/visa. Nagkaron lang ng bottleneck sa Eye Scan area. Eh kasi naman, puro singkit na kabayan yata kasabay ko non. Galit na yong Officer at panay ang sigaw ng Open More!!! Open More!!! Habang hawak ang eye scanner. Sir, singkit lang! Wala nang ididilat pa yan. Pero nong ako na, saglit lang! Ang bilis ko ma eye scan... advantage din ang malaki ang mata no? lol! #sad-eyes...

Paglabas ko sa arrival area, andon na ang sundo ko. Si Kuya Danny na driver na namin sa Pinas pa lang, na natransfer sa Dubai. Kumustahan, habang papunta sa parking... and voila! Ang ganda ng sasakyan namin... personal car ng boss ko ang nahiram nya... I was kinda expecting na yong company van. Ayos! Sarap ng byahe namin neto kasi almost 2 hours pa ang lalakbayin namin from Abu Dhabi papuntang Dubai.

Mainit na rin sa UAE kaya sakto ang suot kong Juan T-shirt na black at blue denim and vans snickers. (kailangan detalyado ang suot?) Stop Over sa gasoline station para magkape, courtesy of the company of course... taghirap pa si Super M!

3. First Time ko matulog halos buong maghapon!
Sleeping Super M!
And we reach Sharjah, kung saan ang accomodation namin. Time check: 4am na... No internet connection (di alam ang pw ng wifi) kaya gusto ko mang mag status ng  "Arrived" eh wala! Nganga! Ayos lang ng gamit saglit at tulog na.
zzzzzzzzzzzzzzz
Nagising ng tanghali, wala pala akong dirhams na pambili ng food, buti na lang may baon akong masarap na hopia cubes galing pa ng kalawakan. Yon muna aking nilantakan hanggang dumating ang manlilibre sa kin ng lunch. Chicken Express! Indian style fast food. Parang KFC, may coleslaw din. After lunch... tulog ulit!
zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
Madilim na nagising para sa dinner! Wala pa rin akong Dirhams, buti na lang mababait ang aking mga kasambahay. Pinakain nila ako nang masarap na hapunan. Text text sa Pinas gamit ang aking roaming number at natulog ulit!
zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz
Puro tulog ang araw na ito....

4. First Day of Work and First Birthday Party attended!
Buhay OFW
First day of Work sa main office, since wala pang action sa site. Later in the afternoon, meeting at introduction sa other team members sa site.
Received two invitations that day, from Bill (British) former project manager namin sa Morocco and a good friend of mine and a birthday party.
Later that night, pumunta sa Birthday Party ni Ms Ana. Nakalibre na naman sa Dinner. After dinner, may videoke kaso hindi ako kumanta, mahirap na, baka madiscover. ;-)

Walang masyadong activities... Ang sarap lang.

5. First Thursday as end of weekdays!
PC Power!
Finished the set-up of my high powered PC, installing autocad, photoshop, microsoft project etc and I'm all set to work 100%. Pero ngarag pa rin dahil sa time difference.Weekend na pala kinabukasan! Yeheyy!!! Ang bilis, kaka start ko lang sa work, weekend agad. Ayos!

6. First Friday as Start of our Weekend (TGIF)
Friday ang start ng weekend dito so kailangang mag-adjust.Nag grocery lang ng mga essentials at naglaba at nagluto ng aking simpleng hapunan, Pochero lang naman, joke lang yan syempre, di ko nga alam kung anong mga ingridients nyan eh. After that, gumawa ng Art interpretation para kay Kunehong Astronaut (taga kalawakan daw sya eh). At dahil dyan, di ako nakagala!

Oppssss I cut ko na muna ang kwentuhan at ako'y matutulog na! Abangan ang kaganapan ng malasing este ma - tipsy lang (palusot) si Super M!

End of part 1...

Ciao!

Wednesday, April 3, 2013

LARUAN! PBO's 2nd Outreach 2013



Ang tagal kong inisip kong anong pwede kong ibahagi sa katatapos lamang na pangalawang sabak ng mga PBO volunteers and Officers sa Bahay Ni Maria sa Calamba City. Marami nang kapwa blogero ang nakapag post na ng kani-kanilang entries. Iba-ibang experience, kanya-kanyang kwento ng mga kaganapan noong ika- 30 ng Marso taong 2013. May nagpahayag ng di pagkagusto sa naunang grupo sa amin, may nagbahagi ng kanilang karanasan sa pakikipag-usap at pagpapakain sa isang particular na lola, at maging ang mga karanasan sa mga namamahala sa Bahay ni Maria ay naitala na rin.   

Ano pa ba ang pwede kong i-share? Bakit nga ba natagalan bago ko nagawa ang entry na ito?

Dahil sa isang matinding aral na aking natutunan noong araw na iyon na may kinalaman sa LARUAN.  Marahil ay nagtataka kayo, bakit laruan? Eh wala naman tayong ipinamahagi na mga laruan sa mga lola di ba? Ganito po iyon...

Ang magandang ngiti ni Lola...
Habang abala ang lahat sa mga activities that day, nahagip ng aking kamera si Lola Corazon (87 years old ayon sa kanya) na may kapansin-pansing ngiti sa labi at ang signature nyang peace sign. Naengganyo akong lapitan sya at kausapin. Saktong naghahanda ang karamihan para sa dance number ala Gang Nam style na pwedeng lahukan ng kahit sinong lola, naisipan kong ayain si lola Corazon na sumali at makisaya. Ang sagot nya ay maikli pero malaman, ang nakapagpatahimik sa akin ng sandali.

"Para kaming laruan..."

Malumanay ang pagkakawika... payak... halos walang emosyon kung papakinggan... pero damang dama ko ang kanyang nais iparating. Para akong pinukpok ng bato sa ulo, dinapuan ng mag-asawang sampal, at sinaksak ng tagus-tagusan hanggang buto. Napahiya, nanahimik, at ramdam kung namula ang aking pisngi. Naramdaman yata ni Lola Corazon na ako'y tumahimik.... at nagpatuloy syang magkwento...

"Nakakapagod din... tapos na yong oras ko sa ganyang pagsasayaw...lipas na... matagal na naming ginagawa ito. Nong kabataan ko, pwede pa... ngayon, di na obra... matanda na... 87 na ako... dito na lang ako sa wheelchair ko..." 

Paputol putol na pahayag ni lola... and from there, napaisip ako. Pinagmasdan ko ang may kalakasan pang isang lola na sumasayaw... masaya namin syang pinapanood, pinapalakpakan... walang bahid ng pangungutya o hindi namin inisip na sila ay paglaruan. With all our sincerity and noble cause, we just want them to be happy. Mapasaya sila sa paraang alam namin... mabigyan ng kahit panandaliang aliw at maranasang sila ay may pamilya pa rin sa pamamagitan namin... but we forgot one thing... they are our audience and not the other way around. Sila ang bida, sila ang dapat pagsilbihan... but it turned out one way or another, somehow kami ang na-entertain ng mga lola.

Salamat po sa inihandog nyong awitin... 
Hindi ba dapat kayo po ang kinakantahan namin?

Salamat po dahil kahit hirap kayo, pinagbigyan nyo kami ng isang wacky pose...
Hindi ba dapat kayo po ang pinapatawa namin?

Salamat Rina, sa mga drawings mo na ipinamahagi sa amin. 
Hindi ba dapat kami ang magbibigay sayo, instead na ikaw ang magbigay sa amin?

Ang bigay todong sayaw ni Lola...
Hindi ba dapat kami po ang sumasayaw para sa inyo?

Ang mensahe ni Sister that almost brought us into tears....
Hindi po ba dapat kami ang may dalang good news para sa inyo? Pero sa mensahe na ibinahagi nyo sa amin, binigyan nyo kami ng panibagong lakas para ipagpatuloy ang aming nasimulan. Na hindi dito natatapos ang pagbibigay ng tulong ng PBO. Makakaasa po kayo na magpapatuloy kami.

Humihingi po kami ng paumanhin. Alam po naming pagod na kayo, mahina na, at patuloy na umaasa sa bawat bisitang darating... naghihintay ng bukas. Para po sa aming lahat, uulitin ko po Lola Corazon yong sinabi ko sa inyo... hindi kayo isang "laruan" lamang...

Naramdaman kong humigpit ang hawak nya sa aking braso, nilingon ko sya at muling nasilayan ang ngiting walang kapantay....

Salamat po sa inyo mga lola, na nagbigay sa amin ng aral at karanasang di namin malilimutan.

Salamat sa mga madre na namamahala sa bahay ni maria sa bukas palad na pagtanggap sa PBO.

Salamat sa lahat ng sponsors at suportang tinanggap ng event na ito.

Salamat sa mga officers and volunteers na naging kabahagi ng gawaing ito! Sana ay hindi kayo magsawa.

Salamat sa Diyos sa lahat ng provisions and guidance na ibinigay Nya  sa bawat isa. Salamat po....


Hanggang sa muli...  

 

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...