Sunday, March 31, 2013

I Love You! The Animated Version!!!!


“Excellence is to do a common thing 
in an uncommon way.” 
Booker T. Washington (1856-1915);

Vision > Concept > Sketch/Draw > Share > Support > Complete

Dito nagsimula ang lahat... sa simpleng entry na may titulong I LOVE YOU!  Pag may time ka, pwede mong balikan kung paano ko ginawa ang konsepto ng animation. 

Salamat kay Zion of www.unsayuso.com na nagvolunteer na gawin ang animation. Sobrang tuwa ko nong kontakin nya ako para mag offer ng tulong. Maraming maraming salamat. Ikaw na Zion! Ang galing mo!

Salamat din kay Pao of To infinity and beyond! Pangkalawakan! for the sound effects! May future ka sa video editing!hahaha. You're the best! (O ayan, ibinalik ko sayo, quits na tayo lol)

And now ladies and gentlemen, ang video na pantapat sa VLOG ni Kulapitot at Telalahbells! Unplog brings you the PBO Animation!




Feel free to used it as a sign of support sa Pinoy Bloggers Outreach! At pwede rin pong i share para sa "Global Awareness" (Kung maka global si Super M! hahaha) Salamat po!


Saturday, March 23, 2013

THE LONELY FROG!

Sample Photo na Emo
Sample Lines na Emo:

"Isn't it weird, when the only thing I can think about is you ? 

When every time I close my eyes, I see you. When everything I do and everyone I see, reminds me of you.

Isn't it weird when I can't get you out of my head.

When I can't stop having flashback's about what happened on that day.

Or, about the fact that I'm falling for you, and you don't even like me.

Isnt It Weird ? "

"Lover of Sadness"

At ang Emong Palaka...

Before we begin the experiment, mas bagay yata itong topic ko sa hanggang ngayon eh hindi pa nakikilalang si "Frog Prince" ng PBO Group BBM. Pakilala ka na dude! Or else sasabihin ko sa kanila na ikaw ay isang.... ???

Pwede rin namang ang post na ito ay mapunta sa blog ni Cheenee ng Kwentong Palaka dahil sa bida  sa kwentong ito.... Si Emong Palaka.

Emo? Let's dissect this lonely frog shall we?!

Naitatago ba ang kalungkutan?

Hear all the frogs in the field... maiingay yan lalo na pag bagong ulan... or if it's about to rain. Laking probinsya ako kaya alam ko. I grew up in a place surrounded by different sounds of nature. And when I was a kid, I will ask this question, "Nalulungkot ba ang palaka???" It seems there's always a big party na nagaganap sa kanilang pag-iingay. Or maybe, it is the other way around? Yon kaya ang paraan nila ng paglalabas ng kalungkutan? Ng ka-emo-han?

Ang tao kaya ganon din? Iisipin mo ba na kung sino pa yong maingay, ay sya pa ang may mabigat na pinagdadaanan? O baka naman behind the happy mask, is a face of a lonely man. Masaya ka sa harap ng ibang tao... maingay... magulo... pero pag nag-iisa ka na lang... kumusta ka naman?

Maari ngang itago ang kalungkutan, pero naniniwala ako na ito ay panandalian lamang. Kahit gaano ka kagaling magtago at mag pretend na masaya ka... sooner or later someone will notice. Yong maskara na isinusuot mo araw-araw, darating ang panahon na it will wear down and exposed your true feelings...

A not so distant ago... someone told me... "You have a smiling face... lagi kang nakangiti! But you know what? You have a lonely eyes." Bigla akong na-conscious, totoo kaya?

Simula noon, parang natakot na ko tumingin ng matagal sa mata ng iba... kahit sa sa sarili kong repleksyon sa salamin.... (emo no? lol)

Nakakamatay ba ang Kalungkutan?

Oo naman!

Sadness is Dangerous! *insert blinking red light here*

Meron akong kwento tungkol dyan...

Kwentong Palaka...

One day isang araw, habang naglalaro ang magkaibigang si keropee at kermit ay bigla silang nahulog sa isang bangang malalim. At kahit anong gawin nilang talon ay di nila maabot ang bunganga ng banga. Hanggang sa sumuko na ang dalawa sa kakatalon at naghintay na lamang kung anong kapalaran ang nag-aabang sa kanila. Dumaan ang mga oras at wala pa ring tulong ang dumating. Lungkot na lungkot itong si Kero at matamlay na naghihintay at umaasa. Samantalang kabaligtaran naman ni Kermi na may pakanta-kanta pa at palaging masaya. Lumipas pa ang ilang araw na wala pa ring tulong ang dumating. At ang kalungkutan ni Kero ay lumala. Ganunpaman, si Kermi ay nagpatuloy sa kanyang masayang attitude. Walang sandali na sinayang si Kermi upang maging masaya. Hanggang isang araw, nagising na lang si Kermi na wala ng buhay si Kero. Namatay syang malungkot at di na nasilayan ang bukas.

Kahit mag-isa na lang si Kermi, hindi naging hadlang ito upang hindi ipagpatuloy ang pagiging masayahin. Pero pagkalipas lang ng ilang araw, pumanaw na rin Si Kermi.

Moral Lesson??? If you have a choice... DIE HAPPY! Kung alam mong mamamatay ka na next week, why spend the rest of your life in sadness?  Tandaan, pangit mamatay ng malungkot! Patay ka na nga, pangit ka pa... pano na? Mahihirapan ang make-up artist na ayusin ang nalukot mong mukha. Die Gracefully ika nga. Paano ba yon? I don't know, di pa ko namamatay eh joke! lol

Nakakahawa ba ang kalungkutan?

Yes na Yes ang sagot dyan.

At kagaya ng emong palaka, defensive mechanism din nila na mag -camouflage sa kanilang environment. And some frogs have the ability to change colors depende kung anong kulay ng paligid nila. So, if you are surrounded with sad, depressed people, most likely na mahawa ka sa kanila.

* Nasubukan mo na ba na mapaligiran ng mga taong puro ka-emo-han? Sooner or later, emo ka na rin. 
* Naranasan mo na ba na may nanghingi sayo ng advise, pero sa halip na makapagbigay ka ng magandang   payo eh nakihagulhol ka na rin? Ang masaklap, dinaig mo pa sa pag-iyak yong taong may problema. 

Kaya kung mahina ka, aba'y kailangan mong dumistansya muna and gather resources para di mahawaan. Ikaw dapat ang makahawa ng kasiyahan sa taong may kalungkutan and not the other way around. Baon ka ng maraming SAYA!

May gamot ba sa kalungkutan?

Wala!!! Kasi hindi naman sakit ang kalungkutan na kailangang gamutin. Normal lang na makaramdam ng kalungkutan, as normal as sweating in a hot condition. Emotional response ito sa mga pinagdadaanan nating masaklap at mapait na karanasan. Hindi mo kailangang pigilan or else, sasabog kang katulad ng palaka!

Alam mo ba yong kwento ng palakang sumabog ang tyan dahil sa kayabangan? Dahil gusto nyang ipagyabang na sya ang pinakamalaki, pinuno nya ng pinuno ng hangin ang kanyang tiyan hanggang sa pumutok.

May mga tao kasing pigil ng pigil sa kanilang kalungkutan kahit alam naman natin na may pinagdadaan. Katulad ng palakang mayabang, ang iba ay nagmamalaki rin na hindi sila nalulungkot, hanggang sa puntong sila ay sumabog na rin.  

Huwag malungkot kung wala mang gamot sa kalungkutan... The good News is pwede itong ma resolved sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang.

1. Makihalubilo sa masayahing tao
2. Magbakasyon sa lugar na mare-relax hindi lang katawan, higit ang isipan
3. I- pamper ang sarili (may kilala akong babae na todo shopping pag malungkot)
4. Ikaw na magdugtong kung ano pa pwedeng gawin para kahit papano eh maibsan ang ka-emo-han!


Emo ka ba today? Don't kill yourself! KILL THAT LONELY FROG!



Tuesday, March 12, 2013

Backpack Series: Pre-Departure!

Nalalapit na naman ang muling byahe ni Super M at ang kanyang backpack. Ngayon pa lang eh excited na si backpack dahil first time nyang makabyahe (bago kasi). Katulad ng nakaraang taon, mahaba-haba ang byaheng ito. Ma-mi miss ko ang mga EB's at mga new found friends ko dito sa blogosphere, kahit ang totoo eh gusto na nila akong umalis at mawala sa kanilang landas (lol).

At sa mga ganitong byahe, marami akong natututunan patungkol sa buhay-buhay at pakikibaka ng mga tinaguriang "Bagong Bayani" o OFW. Masasabi kong para na rin akong kabilang sa kanila (Semi-OFW lol) sa madalas kong byahe sa abroad na may kinalaman sa aking trabaho. 

Ano sa palagay nyo ang nature of work ni Super Mario? (Hanggang dito may guessing game hahaha)
              1. Piloto
              2. Messenger ng kumpanya at madalas eh sa abroad ang delivery
              3. Walang Trabaho, Jet Setter lang talaga!
              4. Plumber
              5. Construction Worker
              6. None of the above

Maging ang kalakaran sa Airport ay nakasanayan ko na rin. Kaya naman here are the following tips para mapadali at maiwasan ang hassle and bustle sa loob ng airport:

1. Travel Light:
Madalas nating marinig to, pero sa ating mga Pinoy, anong light-light... hala sige! Bitbit kung anong pwedeng bitbitin. Kaya hindi tayo magkandaugaga sa mga dalahin. Naglalakihang mga balikbayan boxes na kung ano-ano ang laman. Ganon talaga tayong mga Pinoy eh, mahilig tayong mamigay ng pasalubong (Pero iba ako, hindi ako namimigay ng pasalubong, lol sorry po). Ok lang yan, as long as kayang i-check in baggage at hindi ka over weight o magkaroon ng excess baggage, sige lang!

At kung sa hand carry naman, two pcs are allowed pero not more than 7 kilos (depende sa airline). Laptop are exempted sa mga timbangan kaya hindi na dumadaan sa kilohan.

Kung ma overweight ka, madali lang naman ang paraan, tawagin kung andyan pa ang naghatid sayo. Kung wala na at nakaalis na o kaya naman ay walang naghahatid sayo sa airport gaya ko, itong susunod ang gawin mo.

Buksan ang maleta, piliin ang mga mahalagang gamit lamang... I-unload mga gamit na sa tingin mo eh makaka survive ka kahit wala yon,  Tipunin ang mga extrang damit at gamit na inilabas sa maleta, iwan sa basuruhan at hayaang ma-amaze na pag-agawan ng mga ground crew sa airport! (base sa totoong karanasan)

2. Wear Comfortable Clothes
Sa malayuang byahe.. the best pa rin na kumportable ka. Hindi baleng luma ang suot mo, basta masarap at magaan sa pakiramdam, ok na.

Payong kaibigan lamang... check the weather condition of your country of destination prior to your flight. Ito ay para malaman kung swak ba ang suot mo sayong pupuntahan. Baka naman umuulan ng niyebe sa iyong pupuntahan eh wala ka man lang jacket! O kaya naman eh balot na balot ka at sapin sapin ang suot na damit eh sa disyerto pala ang iyong destinasyon. Mga ganyang scenario na kailangang alamin mo bago sumakay ng eroplano.

3. Wear Light Slip-on Shoes
Bakit nga ba? Para mapadali ang buhay mo sa loob ng airport. Basically minimum of two airports and dadaanan mo. Airport of your depature and Airport of your arrival. At sa dalawang ito, dadaan ka sa body scanner which means kailangang magtanggal ka ng sapatos. If Connecting flights ka, hindi lang dalawa, you will need to pass three airports, kaya kung de-sintas ang suot mo, good luck sa pagtanggal at pag tatali nito.

Kung slip-on shoes, madaling hubarin at madaling isuot muli. Kaya para mapabilis ang iyong galaw sa airport, consider this tip.

Yan ay ilan lamang sa mga kailangang tandaan... marami pang tips pero sa susunod na lang.

Usapang Boarding Gate (Collections): 

1. Balikbayan Pinay: hay salamat... makakabalik na rin sa lugar na malamig. Ang init dito sa Pilipinas... (medyo malakas ang pagkakasabi, napalingon sa kanya mga katabi ang gave her the "look" na pamatay, if you know what I mean)

2. I open my laptop to check my sched kasi usually sabak agad sa work pagdating sa country of destination... 
Man at my back said to her wife: sayang dinala ko sana laptop ko,
Wife: Mayabang ka kasi! Pa laptop laptop ka pa! (she said it with emphasis on the "mayabang" almost close to my ear)
Me: Bilang makulit, inilabas ko pa ipad ko! (Mayabang pala ah!) And wait for the reactions.... 
The Man and wife: *dead silence* *cricket sound* 

3. At the Body Scanner: Isang Pinoy na ayaw tanggalin ang mga gold nyang suot sa katawan! Imagine all the bling-blings na suot nya, necklace to bracelet and earings. Naninilaw at ayaw nyang tanggalin for some reasons na hindi ko na inalam (The result, traffic sa scanner)

4. A balikbayan Pinoy shouted: Ang daming pinoy oh! Look! (Malamang sa Alamang! NAIA ito eh, natural maraming Pinoy dito kabayan!)

Masarap bumiyahe, mahirap na masarap maranasan ang buhay sa ibang bansa, lalo't higit sa mga full time OFW na nagsasakripisyo para sa pamilya at sa bayan. Tinaguriang bagong bayani pero walang red carpet treatment sa Airport at walang magarbong pagsalubong. Sa halip, kikil kaliwat kanan ang sasalubong sa kanila mula sa kapwa Pilipino rin, at ang kakarampot na naipon para sa Pamilya ay mababawasan pa. Tama nga si Eros Atalia... Kung ang OFW ay tinaguriang bagong bayani, bakit walang nakalibing na OFW sa Libingan ng mga Bayani? Bakit nga ba?

It's More Fun in the Philippines!!!! 



Wednesday, March 6, 2013

One More Chance - The Popoy's Chronicles!


“No, you don't know what it's like
When nothing feels all right
You don't know what it's like
To be like me
To be hurt
To feel lost
To be left out in the dark
To be kicked when you're down
To feel like you've been pushed around
To be on the edge of breaking down
And no one's there to save you
No, you don't know what it's like
Welcome to my life” 

Welcome to Popoy's World... Luha Ng Pluma

Ang kwento na nagkamit ng Ikalimang Karangalan sa BNP 2013 (Bagsik Ng Panitik ng Damuhan A Munting Pakulo Literary Contest). At para sa mga nag-komento, ang kwentong ito ay madugo, bloody, psycho-ish, brutal, blood & gore, morbid, sensitive, gruesome, very dark, may patayan, may gahasaan, horror/ gore story, karumal-dumal, nakakatakot, nakakaawa, nakakagimbal, mabangis at nakakakilabot. 

The life and story of Popoy tackles the very essence of Bullying... in any form there is. Verbal, Psychological, Physical abused, deprived of any helps he can get. Mahina, walang laban, at ang naguumapaw na paghihinagpis na hindi nagkaroon ng tinig.

Ang sabi nga ni Inong (isang estudyante) ng Kumonoy :

Ilang Popoy ba ang pumasok sa paaralan at lumabas na yurak ang pagkatao, hindi nag iisa si Popoy sa mundong ito hanggat may Mac, limang estudeyante at G. Moreno. Maraming nangyayari sa pagpasok sa paaralan, mga bagay na hindi nakikita ng mga sinasasandalan sa labasan....papaano makikita ang mga ito, kung may busal ang mga biktima sa paglabas ng mga ito? Kulang ang lakas ng paningin, pang-amoy, pandinig at pakiramdam upang malaman ang mga sekretong dinadala ng mga "Popoy". 

A message na ma-realized ng marami hopefully through his sufferings na hindi nag-iisa si Popoy. Patawad Popoy sa sobrang pahirap na naranasan mo... At salamat sa karangalan na ibinigay mo! Makakaasa ka na susuportahan ng Unplog any drive against "Bullying!" Para sayo "Popoy"... ang karangalang ito!

Salamat sa mga hurado na nagustuhan ang akdang ito at salamat kay Bino ng Damuhan sa pagkakataong ibinigay para makasali sa kontest na ito. Salamat sa mga nagkomento at nagbasa... hanggang sa muli, hanggang sa susunod na BNP!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...