Wednesday, February 27, 2013

Super Mario meets Balut Manila

It was not a perfect place to meet Ms. B of Balut Manila, but the moment and the timing is quite perfect because PBO is having a Bazaar on that day. I was kindda visualizing a canddle light dinner and having coffee afterwards under a gazebo somewhere in the Metro (lolz). Napaka formal yata ng settings! Pero alam kung may utang pa akong kape Ms B. hahaha! Pakilista lang muna !

 Matagal ko nang gustong ma meet ang Celebrity Blogger na to pero masyadong mailap at mabilis tumakbo, she Run and Keeps on Running. Pero I got Lucky on that day! O ha! Naisingit ang tatlong blogs mo! hahaha. Medyo nataranta kami lahat sa pagsulpot ng minsan lang magpakita na blogger na ito. Salamat pala sa full support sa PBO at sa Bazaar! So nice to have you around at sa effort na ibinigay mo para lang makapunta doon. 

But wait!!!! This is the best part! Ready???? 

Ms Balut gave me a GIFT! O ha? Mainggit kayo! hahaha

The Letter M that says it all....

Super Mario Jr. sitting on my laptop

Super Happy si Super M! Yeyyyy!!!! (isip bata lang hahaha)

This is HISTORY in the making! Ms. B with Super M!

But hindi po doon natatapos... may nakatapal sa likod ni Super Mario Jr. na papel with notes of Ms. B. explaining how she ends up giving me this cute little fella. 


The sweet note at the back!


And The Gorgeous Ms. B! photo! worth hanging on the dashboard of my bed!

Maraming salamat Ms. B!!! For gracing and supporting PBO Bazaar on that Special day! And of course sa GIFT! Salamat!! Sa uulitin! Dala ka uli gift ha? #abusado




Thursday, February 21, 2013

CBTL (Coffee Bean and T...L...)



Isang bukas na libro sa lahat na mahilig ako sa kape... freshly brewed coffee to be exact... langhap palang panalo na para sa akin. Kung amoy kape ka... malamang masinghot kita ng buo! lol!

Since Feb-Ibig season pa rin naman... Somehow related pa rin ang post na ito sa usaping pang-puso. At habang nagkakape ako sa Seattle's Best Megamall branch, after manood ng umaatikabong action movie "A Good Day to Die Hard" last sunday, nabuo ang entry na ito! "In-Love" sa isang grandeng "Kape." Opo, in-love ang inyong lingkod.... alam nyo yan lels! Sa KAPE....

Para kay Super Mario... may connect ang Coffee Bean & True Love (CBTL)

1. Mainit...

Masarap ang kape kapag mainit... magrereklamo ka kapag ang inihain sayo ay malamig na kape. Gusto natin yong umuusok pa sa init... pero di naman natin mainom agad agad. Weird di ba? Lalanghap langhapin mo muna ang bango ng aroma... hahaluin, tititigan. Pagkatapos, you will try a sip... hahaluin uli ng konte... hihimas-himasin ang tasa, isang kamay, maya-maya dalawang kamay naman... sip ulit... pag medyo kaya na... then drink it with gusto! 

Parang pag-ibig lang... andon yong sarap kapag mainit na pagmamahalan ang pinagsaluhan. At first, nagkakahiyaan pa muna... titigan... walang kukurap... patagalan... ang maluha talo! Pero habang tumatagal, nagiging daring na... di na magkasya sa holding hands lang... sa himas-himas, sa haplos-haplos... at dahil sa nakasanayan na ang init... naging libangan ang paglalaro ng apoy... nagliliyab... mapusok! Love with gusto!

2. Nakakapaso

Mag-ingat! Nakakapaso ang pag-inom ng kape. Wag mo kasing gagamitan ng straw! lols Naranasan mo na ba mapaso dahil sa biglaang paghigop ng kapeng mainit? Gaano ka man kadalas mapaso, di ka pa rin hihinto sa pag-inom ng masarap na kape. Uulit at uulit ka pa rin but his time, mas maingat ka na ngayon.

Ganon din sa usaping pag-ibig. Wag kang madadalang magmahal. Kung paulit-ulit ka mang nasaktan o mapaso... hindi rason yon para tumigil ka o huminto. Kung paso lang naman, eh hindi yan nakakamatay, kaya bakit mo hahayaang ang buhay mo ay tuldukam kung pwede namang lagyan ng dot dot dot, ibig sahihin, there is more to come... may kasunod pa! May karugtong, na kailangang abangan.  


3. Insomniac...

Alam mo ba na kapag tinamaan ka ng "Love Syndrome" ... para kang nakainom ng kape? Di ka makatulog sa kakaisip. Parang epekto lang ng caffeine di ba? Nakahiga, pero dilat ang diwa... pagulong-gulong sa higaan na parang bulateng binuhusan ng Zonrox. Di mapakali, minsan babangon, magpapahangin sa labas kahit di naman maalinsangan... Titingala sa langit at ngingiti na parang timang. Saka bibitawan ang napaka habang Hhayyyyyyyyyy...

Well, bakit nga ba di makatulog ang isang in-love? Kasi, pag in love ang isang tao, yong "Adrenaline Rush" ay napaka-strong... and that what makes you awake the whole night! Parang adik lang... a different type of drug called LOVE! 

4. Kaba...

Nakaka-kaba ang sobrang kape? Based on experience, di ko pa naranasan ang kabahan dahil sa nasobrahan ako sa pag-inom ng kape (immune lang-lols). Pero kapag ikaw ay nagpalpitate dahil sa kakatungga ng kape, isa lang sekreto dyan, drink a lot of H20!

Kaya pag tinamaan ka ng pana ni Kupido, kabahan ka! Malakas din ang kabog ng dibdib ng taong in-love. Alam mo yan! Exaggerated sa pag-palpitate ang puso. Kaya yong mga taong sobra ang kaba pag kaharap ang love of their life, na-to-torpedo! Ang dating madaldal ay natatameme, ang dating makulit ay namimilipit, ang dating pasaway ay naglalaway (asong ulol). Ang lahat ng yan ay dahil sa kaba. H20 din ang sagot sa problemang dulot ng kaba. Pag uminom ka ng tubig, somehow, umaayos ang pakiramdam mo. Nahihimasmasan ka. Kaya kung ako sayo parekoy, magdala ka lagi sa bag mo ng mineral water. Para sa susunod na Feb-ibig season finale ay may syota ka na... but drink moderately lang ha!

Kung di pa rin effective ang H20 therapy... try mo itong sekreto ko. Secret lang natin to ah!

Nong nasa elementarya pa lang ako, Grade 5 ako non, ako ang pinanlalaban sa mga oratorical kontest at declamation kontest na yan! (wala kasi silang choice-lol). Eh ako pa, sobrang napaka-mahiyain ko kaya! Kaya ang ginawa ni titser, para maalis yon, mula grade 1 hanggang grade 6, iniisa-isa ko yon at sa harap ng klase nila ay gawin ko yong piyesa ko. At the end of the day, mukha na kong zombie, dahil kailangan ko umiyak at tumawa sa piyesang ibinigay sa akin. Pero hindi pa yan yong sekretong malupit! Ito yon...

Sa araw ng kontest, sa back stage, bago ako tawagin ng MC, lalapit sa kin si titser na may dalang mga piso, hindi dahil uso na non ang PBO...

(Please do support PBO's first Fundraising project: Bazaar for a Cause that will happen on February 24, 2013... from 7am to 5pm at Pasig Capitol Community Church - for more details and info, please visit our website and FB page - see you there!)      

... kundi dahil ilalagay nya sa sapatos ko ang mga barya. Nakakaalis daw ng kaba kasi. Eh ako naman, bilib na bilib sa epekto nito. Pagkalagay ni titser, parang may magic! Aba nawala nga ang kaba ko! At dahil don, nakakapag-uwi din naman ng medalya. Ikaw? Bakit di mo subukan, baka mawala din ang iyong kaba... pero pagkatapos mo gamitin, paki donate sa PBO ha! deal? lols!

5. Pait...

Sa mga hindi sanay uminom ng kape... ang unang nalalasahan nila ay ang pait ng kape. Totoo naman, nong first time ko napapaitan din ako eh. Pero habang tumatagal, sumasarap na sa panlasa. Ang dating mapait ay napalitan ng masarap na pakilasa. Habang tumatagal, lalong sumasarap. But the truth is, hindi naman nawala yong pait, andon pa rin yon! Natuto lang tanggapin ng sistema mo na ang pait ay isang nature ng kape na di mo pwedeng ihiwalay.

Kung akala mo na puro tamis ang umibig, nagkakamali ka parekoy. Katulad ng kape, ang Pait ay kaakibat na ng salitang pagmamahal. Mararanasan mo at matitikman ang pait once nagmahal ka. Kasama yan, at walang exempted dyan  sa larangan ng pag-ibig. Kaya kailangang handa ka sa oras na ito ay ipatikim sayo ng tadhana. Mapapangiwi ka sa pait, masisira hilatsa ng mukha, o maduwal ka man, kailangang tibayan mo ang sikmura mo at tanggapin mo na parte yan ng pagmamahal. Nagmahal ka, natural mararanasan mo ito at natural din na kailangang tanggapin ng sistema mo na kailangan mo nang mag "MO" (muv on).

6. Malamig...

Ito ang huwag na huwag mong hahayaan sa kape... ang lumamig. Isa yang "mortal sin" para sa mga coffee drinker. Nag-order ka na lang sana ng ice coffee or Frap.

Nangyayari din sa kin ito, ang malamigan ng kape. Sa office, kumpleto kami sa kape, may brewed, may tinitimpla na Nescafe, may coffee maker din, with matching white, brown, muscovado sugar and cream. At lagi akong may isang tasang kape sa table ko, habang nagta-trabaho. Malas ko lang kung kalahati pa lang ang naiinom ko eh masasabak na ko sa tambak na trabaho at pakikipag-usap sa mga counterpart namin sa ibayong dagat. The result? Coffee gone too cold. The reasons? Out of focus... kapabayaan... busyness at marami pang iba't-ibang diversions. Sa akin lang ha, ang pag-inom ng kape is a passion. Once you sit down to drink coffee, you have to indulge yourself wholeheartedly or else you will not enjoy every moment of it. At ano sa palagay nyo ang essence ng "Coffee Break?" Detached yourself of any other activities and pay attention to your coffee. This is the right way for me.

Hindi ko sinasabing tama ako, pero alam ko na may punto ito pag inapply mo sa subject of the heart. Bakit nga ba may hiwalayan sa isang relasyon? Isang dahilan: Nanlamig. Bakit? Out of focus... kapabayaan... busyness at marami pang iba't-ibang diversions. Sa akin lang ha, love with passion. Once you enter into a relationship, you have to give yourself wholeheartedly to your better half or else you will not enjoy every moment of it. Detached yourself of any other work related activities pag magkasama kayo and pay attention to the relationship. This is the right way for me. Love with Passion... and it will remain warm and beautiful.  

Parting Words:  

Love is like coffee... 
Ang masarap na kape ay dumaan sa napakaraming proseso including grinding, and be subjected to hot water before it reaches it's best tasting estate and it's aroma. Sa pag-ibig ganon din... maraming pagdadaanan... testing, trials, and even suffering. Walang madali pag nagmahal ka, maraming sacrifices. Pero kapag nalagpasan mo lahat ng ito... masasabi kong this is "Love that can stand the test of time..." 

I'm no expert pagdating sa Pag-ibig... hindi ko rin masasabi na ako'y isang batikang mangingibig, pero masasabi kong ako ay isang hamak na manginginom ng masarap na kape....

fin.

Tuesday, February 5, 2013

BUHAY... PELIKULA

Kamusta ka kaibigan... matanong ko lang...
Ano nga ba ang kahulugan ng buhay para sayo?  

"Ang life ay parang buhay... Simple lang... kailangan mong huminga hanggat kaya pa, kumain hangga't may kakainin, pag wala na, NGANGA! Matulog nang walong oras (ideally) at sikaping magising para sa panibagong araw. Ulitin ulit mula umpisa. Yan ang sirkulo ng buhay... plain and simple! In short buhay ng TAMAD!

Sana nga ganito lang ka simple ang buhay. Walang kumplikasyon masyado, walang pressure kumbaga. Pero kung ako ang tatanungin, ito ang pananaw ko sa buhay...

Para kay Super Mario... Ang buhay ay hindi isang Pelikula... 

Shot courtesy of Jocelle

No horror sound in our most scary experience...

Huwag kang maghihintay na makarinig ng tunog na makakabog puso!No heart pounding sound when someone wants to stab us on the back or a killer awaits on the dark alley. Wala ring maririnig na queue kung kailangan mo nang sumigaw at matakot. Wala! kaya isang malaking ASA kung inaabangan mo yan. Sa buhay, magugulat ka na lang, matatakot, at maiiyak sa mga nangyayari sayo, sa paligid mo, sa pamilya mo. Aasamin mo pa nga na sana ay may "double" ka na lang, na syang sasalo sa mga mahihirap na parte ng buhay mo. O kaya naman ay nanaisin mo na sana ay may "take two" kung ikaw man ay magkamali. Hindi dito pwede ang teka lang, sandali lang, di pa ko ready! Bawal din ang OA dahil wala ka sa harap ng kamera. Everything happens real time.You may be facing the scariest situation in your life pero wag kang maghintay sa pagdating ng isang Super Hero. Ikaw ang bida, buhay mo yan, kaya galingan mo, tatagan at tibayan ang loob. Kapit lang at wag bibitaw!!   

No drum rolls on our biggest and little achievements in life...

Sa bawat tagumpay, malaki man o maliit, kadalasan, ito ay hindi ipinagyayabang. Wag kang mag-aabang na may bumagsak na confetti sa ulunan mo, o may choir sa likod mo na kakanta ng "Hallelujah! Hallelujah!". Minsan pa nga, bato ang lumilipad papunta sayo. Bakit? Dahil ang isang puno na hitik sa bunga, binabato, niyuyugyog para makuha ang bunga na inaasam. Celebrate life's achievements humbly. At the first strike of it, you can shout for joy and be glad in it. It is your own laughter and inner happiness that counts. After that, pwede ka nang magpatuloy uli at wag malunod sa tagumpay.   

No instant sad song in our loneliest moments...

Gusto mo ba may background music pa pag nalulungkot ka? Kung gusto mong bumigat lalo ang iyong pakiramdam eh di sige lang. Pero sa totoong buhay, pag dumating ka sa puntong ikaw ay masaktan at lamunin ng kalungkutan, walang instant sound track na tutugtog. Walang theme song na papailanlang sa ere the moment you experienced a painful events at sa bandang chorus ay doon palang babagsak ang iyong masaganang luha. Wala di ba? Sa pelikula lang nangyayari yon! Pagkalipas ng mga dalawang araw, ayan, magsisimula ka nang maghanap ng mga musikang babagay sa iyong nararamdamang pait! Sabi nila eh halos i-relate mo lahat ng kantang naririnig sa radyo ay patungkol sayo... Tandaan! hindi lang ikaw ang nasasaktan at nagdurusa, marami pang iba, kaya baka naman hindi para sayo ang kanta eh inangkin mo na lahat! 

No tricks & No Special Effects...

Kung galit ka, walang apoy na lalabas sa bibig mo (Dragon? insert name here lol!). Kung traffic, gustuhin mo man lumipad eh hindi pwede. Kung baha, hindi mo kayang maglakad sa ibabaw ng tubig. Kung umuulan, hindi ka pwedeng hindi mabasa na parang dahon ng gabi' na panlaing. Kung madudulas ka, hindi pwedeng mag ala "matrix" ang moves at dahan-dahang bumagsak para di masaktan. Kung may kaaway ka o kagalit, hindi pwedeng titigan mo lang eh tutumba na ang kalaban mo. Hindi pwedeng lumapit sa'yo ang isang bagay utusan mo lang gamit ang utak mo. At sobrang dami pang Cinematography Effects ang pwede mong idagdag. Pero ang lahat ng yan, ay wala sa realidad ng buhay. Mararanasan mo ang mapagod, magutom, masaktan physically. You will bleed and that's the reality. WalAng tricks, walang effects! Ganyan talaga ang buhay.    

No rewind, no fast forward, no slow motion, no pause... 

Life just keep on playing and rolling 'till our heart stops beating. Ang ibig sabihin lang, tuloy-tuloy ang buhay. Kahit anong mangyari, tuloy pa rin. Wag hihinto at susuko. Pwede namang magpahinga saglit, kumuha ng lakas at magpatuloy muli pag okay na. Ang punto dito ay yong patutunguhan mo. Huwag mabuhay sa nakaraan, wag madaliin ang bukas, Wag magpatumpik-tumpik ngayon o ipagwalang bahala ang mga kayang gawin ngayon and don't play dead para takasan lang ang problema. Isang paglalakbay ang buhay, at wag nating kalilimutan ito: Enjoy the journey, not just the destination...

No Sub-Title, No translation...

Ikaw ba yong taong madalas na di maintindihan? Mahirap spellingin? O ikaw ba ay dumaan na sa isang "misunderstanding situation"? Kung meron lang sanang sub-title or translation ang bawat galaw at arte ng bawat isa, ang dali sana ng buhay di ba? Sana nga meron, para alam ko kung bakit nag iinarte girlfriend ko, kung bakit hindi ako kinikibo ng best friend ko, kung bakit nakasimangot ka palagi... kung bakit ganito, kung bakit ganyan... sana alam ko! Para di tayo umabot sa punto ng di pagkakaintindihan! Pero hindi ganon ang buhay. Tayo ang tutuklas kung ano ang ibig sabihin at iparating ng bawa't isa sa atin... Wag ka rin namang manhid! Harap-harapan na ayaw mo pa ring pansinin! Wag ganon! Umayos ka kung ayaw mong makutusan!   

And the credits at the end...

Ito lang sa aspeto ng pelikula ako mag-aagree... the Credits. 
Meron nito ang buhay at talagang sa huli din sya lumalabas. Sadly, pag wala ka na sa mundong ibabaw. Pag tapos na ang kwento mo. Pag ikaw ay may bulak na sa ilong. At kung kailan hindi mo na maririnig ang mga magagandang kwento at karanansan nila sayo nong nabubuhay ka pa. Common scenario sa burol ang ganitong aspeto. Yong iba nga, may tribute pang ginagawa at mga parangal na ibinibigay, yon nga lang pag patay ka na. Don't forget to speak love and kindness sa family mo, sa love ones at sa marami mong kaibigan, you will never know what comes next. Baka dumating sa punto na mawalan ka ng pagkakataon. 

And lastly, I want to share one of my favorite words of wisdom from Theodore Roosevelt:

MAN IN THE ARENA...

"It is not the critic who counts, not the man who points out how the strong man stumbles, or where the doer of deeds could have done them better. The credit belongs to the man in the arena, whose face is marred by dust and sweat and blood, who strives valiantly…who knows the great enthusiasms, the great devotions, who spends himself in a worthy cause, who at the best knows in the end the triumph of high achievement, and who at the worst, if he fails, at least fails while daring greatly, so that his place shall never be with those cold and timid souls who have never known neither victory nor defeat."



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...