Sunday, January 27, 2013

I LOVE YOU...

Bago mo basahin ang buong entry na ito, I need you to open your imagination to fully appreciate this. This is one of my visions, to create something like this, kahit simple lang. I don't know about anything when it comes to making movies or animated films or a simple flash animation,  not even good at a powerpoint presentation. So what I did is a concept of what I want to achieve.  

Hindi ito early valentine post. Hindi rin ito tumutukoy sa pag-ibig na alam kong iniisip mo ngayon! Ito ay patungkol sa adhikain na ating sinimulan. With one mission and vision, I gave to you... (drum rolls)

A Bloggers Heart...
Scene 1 
Take 1
Sequence 1
Action!!!!


FRAME 1
Frame 1:
Focus on a blank space... waiting for something to happen, then suddenly a one peso coin will appear in lower right corner of the blank space. It will stay there for sometime, then slowly moves up.  


FRAME 2
Frame 2:
From the bottom, the coin will reach the upper right corner. Rotating, undecided where to go next. As the arrow suggested, the coin will travel on the left corner of the blank space. This time the coin rolls to reach the  corner.


FRAME 3
Frame 3:
The coin will stay at the left corner of the blank space, hanging, as if it was being pulled down by a certain force, it drops then bounces back. That movement to be repeated 3 to 4 times.

FRAME 4
Frame 4:
After bouncing up and down, the coin will suddenly be caught up in the left middle side of the blank space. It will rotate in place for a few seconds... (parang gulong na gustong umarangkada)

FRAME 5
Frame 5:
The coin will moves back and forth within the blank space. Sometimes, it will disappear on one side and appears on the other side. This movement will be repeated 3 times... then suddenly caught up in the middle, the coin still rotating will turn into a red ball.

FRAME 6
Frame 6:
After the coin turns into a red ball, letter "B" will comes in rushing from left side of the space. Bumping into red ball, then the red ball will be having a heartbeat or something from within... something wants to comes out.

FRAME 7
Frame 7:
Red Ball will continue beating, letter "B" in place. Then letter "P" will come rushing from the left side of the blank space, again bumping into letter "B" and the red ball. Because of that, the red ball beats faster. 

FRAME 8
Frame 8:
The red ball continues beating, the letter "B" & "P" are in place. Then the word "PINOY" drops from above right on top of letter "P"...

FRAME 9
Frame 9:
The red ball continues beating, the letter "B" & "P" are in place. The word "PINOY" stays on top of letter "P"... then coming from below is the word "BLOGGERS". It will stays in between letter "P" and "B", vertically positioned... 

FRAME 10
Frame 10:
The red ball continues beating, the letter "B" & "P" are in place. The word "PINOY" stays on top of letter "P". The word "BLOGGERS" stays in vertical position... Then the word "OUTREACH" will appear. This time, the letters will appear one by one, making a semi circle on top of the red ball...

FRAME 11
Frame 11:
The red ball continues beating, but this time, forming a heart shape. The letter "B" & "P" are in place. The word "PINOY" stays on top of letter "P". The word "BLOGGERS" stays in vertical position... The word "OUTREACH" stays on top of the red ball... Then letter "I" shows up right above letter "P", not overlapping with the word "PINOY"... 


FRAME 12
Frame 12:
The letter "B" & "P" are in place. The word "PINOY" stays on top of letter "P". The word "BLOGGERS" stays in vertical position... The word "OUTREACH" stays on top of the red ball... Then letter "I" stays right above letter "P"... The red ball continues beating, forming a heart shape... then it comes out of the red ball. The heart shape flies besides letter "I"... Now the red ball had a heart shape opening... 


FRAME 13
Frame 13:
The letter "B" & "P" are in place. The word "PINOY" stays on top of letter "P". The word "BLOGGERS" stays in vertical position... The word "OUTREACH" stays on top of the red ball... Then letter "I" stays right above letter "P"... The heart shape stays besides letter "I"... With the red ball having a heart shape opening, an animation of cartoon sun will appear, rising from the middle right side of the blank space. 


FRAME 14
Frame 14:
The letter "B" & "P" are in place. The word "PINOY" stays on top of letter P. The word "BLOGGERS" stays in vertical position... The word "OUTREACH" stays on top of the red ball... Then letter "I" stays right above letter P... The heart shape stays besides letter "I"... ,With the red ball having a heart shape opening, an animation of cartoon sun will appears, rising from the middle right side of the blank space and stays slightly North East of the red ball. Then in a dramatic motion, the sun will cast shadow on the red ball...


LAST FRAME
Last Frame:
The letter "B" & "P" are in place. The word "PINOY" stays on top of letter "P". The word "BLOGGERS" stays in vertical position... The word "OUTREACH" stays on top of the red ball... Then letter "I" stays right above letter P... The heart shape stays besides letter "I"... The Sun stays slightly North East of the red ball enough to cast shadow forming a hollow heart shape fading in the background... and at the count of 1...2...3 everything freezes! 

Then slowly, fading all images in the background till it becomes blank again. Then PBO tagline will be flashing on the screen...

"We have a unified vision to take the blogging experience to the next level by fulfilling our mission to share our heartfelt support to the less fortunate."

Followed by credits, the usual fly up motion like in movies. Stating all the workforce behind this ad...

THE END

Now, it's ready for distribution to Channel 2, 7, TV5, 23, 13, 9 and even on TFC. A copy will be posted to all networking sites and specially on you tube. 

Spread the word, spread the news, PBO is on the loose! 

A BLOGGERS HEART...
COMING SOON!


This is just one of the many Visions of Unplog for PBO... People may take it as a joke, but as long as there are few who reads Unplog, there is hope for this small project to comes to life...  


Announcement:
For latest update on the Next PBO Event and Gathering, please visit the following:



PBO twitter account: @iHeartPBO

We are calling you and everyone out there to join us, and support us for this CAUSE!!! 

Maraming Salamat!

Thursday, January 24, 2013

Luha ng Pluma


Prologo…

Lumalalim na ang gabi! Isa-isa nang nagpapatay ng mga ilaw ang mga karatig kwarto sa loob ng isang lumang gusali, maliban sa isang silid sa pinakadulo ng pasilyo sa ika-apat na palapag. Naiilawan lamang ng isang lumang lampara na aandap-andap ang loob nito. Nagkalat ang mga gamit sa sahig, may mga basag na bote, karayom, kandila at iba pang mga kagamitan na animo pang medisina.  Tanging tunog lamang ng pagkiskis ng panulat sa kaawa-awang papel ang maririnig. Mariin, nagmamadali, walang habas ang kamay na walang awang sumusulat ng kanyang mga saloobin, hinaing at paghihirap… ang itim na tinta ay nahaluan na ng pulang likido na umaagos sa kanyang pulso…


Krinnnggggggggg!

Hindi mapakali si Popoy sa kanyang kinauupuan, malapit na ang kanilang pagsusulit ngunit hindi nya makita ang kanyang lapis. Halos baligtarin at itaktak na nya ang laman ng kanyang bag ngunit wala pa rin syang makita kahit isang lapis man lang.

“Ito ba ang hinahanap  mo?!” Si Mac, ang kakalase niyang pinakamalaki sa kanila. May katabaan itong taglay na maikukumpara mo sa isang barakong baboy na di mapakali at di hamak na mas matangkad sa kanilang lahat. Hawak-hawak ni Mac ang kanyang lapis at inihahagis palipat-lipat sa kanyang mga kamay.

”Lapis ko yan, nag-iisa na lang yan kaya ibigay mo na sa kin Mac…” mangiyak-ngiyak na wika ni Popoy.Tinangka nyang agawin ang lapis ngunit di nya maabot dahil agad itong itinaas ni Mac.

Makukuha mo lang ito kung ibibigay mo sa akin ang baon mo. Ikaw rin!! Wala kang lapis! Ang may pang-aasar pang wika ni Mac.

Nagdadalawang isip si Popoy kung ibibigay ba nya ang baon nya… “Di bale nang magutom… basta makuha ko lang lapis ko para sa pagsusulit…”

Ganyan! Madali ka naman palang kausap! Oh ayan na lapis mo… sabay malakas na binali ito at ibinigay kay Popoy… Bago tuluyang umalis si Mac, binantaan pa nya ito! At isang bigwas sa sikmura ang ibinigay nya kay Popoy bago nagmamadaling tumalikod.

Naiwan si Popoy na namimilipit sa tinamong suntok sa kanyang sikmura. Napaluhod sya sa panghihina…tahimik na lumuha…

Nanginginig ang katawan sa takot… habang mahigpit na hawak sa kanyang dalawang kamay ang putol na lapis… Sa kuyom na palad, inilabas ni Popoy ang kanyang hinagpis.     


Tik Tak To…

Popoy Payatot labas ang Kuyukot! Popoy Payatot labas ang Kuyukot! Ito ang maririnig na sigaw ng kanyang mga kaklase habang nag lalakad si Popoy sa pasilyo ng kanilang eskwelahan.

“Payatot! Takpan mo Kuyukot mo! Lampa-yatot!” May humahatak ng kanyang damit, halos masira na ang unipormeng luma na araw-araw nyang nilalabhan. May tumutulak sa kanya, may sumasabunot! Habang patuloy ang pagsigaw ng mga ito sa kanya!

Popoy Payatot! Labas ang kuyukot! Ang naririnig pa nyang pahabol na sigaw ng mga kaklase na nagtatawanan…

Yuko ang ulo, akap-akap ng mahigpit ang kanyang mga libro. Halos patakbo nyang tinungo ang tarangkahan ng kanilang eskwelahan. Wala s’yang ibang nasa isip kundi ang makaalis sa lupon ng mga estudyanteng nagkakatuwaan at walang ibang ginawa kundi sya ay paglaruan…

Lakad, takbo… gusto nyang takasan ang pangungutya ng mga kaklase.
Lakad, takbo…kahit walang kasiguruhan kung saan sya tutungo.
Lakad, takbo… habang nakatakip ang kanyang mga kamay sa kanyang tenga, di alintana ang mga nakakasalubong nya sa daan. Hanggang abutin sya nang pagod sa paglalakad at napaupo sa bangketa.

Tahimik na namang umiiyak si Popoy, walang malakas na pagtangis, tanging pagpatak lang ng luha sa kanyang mga mata ang palatandaan na ito ay naghihinagpis.

Nanginginig ang katawan sa takot… habang mahigpit na hawak sa kanyang dalawang kamay ang nilamukos na papel… Sa kuyom na palad, inilabas ni Popoy ang kanyang hinagpis.


Ding! Dong!!!   

Puta ka Popoy! Puta ka! Ahhhh….Puta kang bata ka!!!! Ito ang lumalabas sa bibig nang baklang guro ni Popoy habang patuloy sya nitong ginagahasa. Halos panawan sya ng ulirat sa pambababoy nang inakala nyang magtatanggol sa kanya. Mala-demonyong hayok sa laman ang nagpapasasa sa kanyang murang katawan.

Kung alam lang ni Popoy na ganito ang kasasapitan nya, hindi na sana sya humingi ng tulong dito. Hindi na sana sya kumatok sa pintuan ng opisina ni Ginoong Moreno para magsumbong ng kanyang kalagayan.

Hindi ka magsusumbong Popoy sa kahit sino, tandaan mo yan!!! Tatanggalin ko sa paninilbihan sa akin ang nanay mo at sisiguraduhin kong sira ang reputasyon nya na wala nang gustong magtiwala sa kanya, sa inyo! Pupulutin kayo sa kangkungan at lansangan pag nagsumbong ka! Kaya manahimik ka na lang!!!  

Umaagos sa binti ni Popoy ang dugo dahil sa napunit na laman sa kanyang likuran. Luha at sipon ay naghalo na dahil sa pahirap na kanyang natamo… Wala syang magawa, hindi kaya ng utak nyang tanggapin ang mga nangyayari sa kanya…    

Nanginginig ang katawan sa takot… habang mahigpit na hawak sa kanyang dalawang kamay ang nilamukos na papel at putol na lapis… Sa kuyom na palad, inilabas ni Popoy ang kanyang hinagpis.
     
Nag-iisa, laging malungkot, walang kasama, walang gustong makipagkaibigan. Nabalot ng tila maiitim na usok ang kabataan ni Popoy. Tuluyan na niyang isinara ang kanyang sarili sa mga taong nakapaligid sa kanya. Hanggang ang buong mundo ni Popoy ay nabalot na ng dilim…

Wala nang Popoy na makikita sa eskwelahan, wala nang Popoy na namimilipit sa daan sa bugbog na natamo sa kaklaseng si Mac, wala ng maririnig na sigawan ng pang aalipusta ang aalingawngaw sa bulwagan ng kanilang eskwelahan at higit sa lahat, wala ng Popoy na pagsasamantalahan.


Tenement…

Isang gusaling ipinatayo ng Gobyerno para sa mahihirap. Siksikan, marumi ang paligid… maya’t maya ay may nagtatapon ng tubig sa bintana. Maraming nakasampay na damit sa gilid ng pasimano… nagmukhang parang banderitas sa piyestahan ang dating magarang gusali. Iba’t –ibang tao, kanya-kanya ng pinagkakaabalahan… bawa’t isa ay may sariling mundo na ginagalawan.

Sa ikaapat na palapag ng gusali ay may isang bakanteng kwarto sa dulo ng pasilyo na kinatatakutan. Walang umuupa o yong iba na sumubok ay hindi nagtagal. Marami daw kababalaghan at katatakutan ang kanilang naranasan kaya walang tumatagal sa kwartong ito. Maliban sa isang nilalang…

Hapis ang mukha… ang mata na halos napapaligiran ng maitim na marka tanda ng kakulangan ng tulog ay nag-aapoy sa galit, buto’t balat na halos sa nipis ang kanyang katawan… Ngunit may lakas na nag-uumigting, gigil na gustong kumawala at maghiganti!
Isang piping saksi ang apat na sulok ng kwartong iyon sa krimen na magaganap.

Isang matabang batang lalaki, nakataling parang baboy na lilitsunin. May pasak ng maruming basahan sa bibig. Nanalalaki ang mata sa takot, sa gulat sa taong nasa kanyang harapan ngayon… Pinilit na kumawala ni Mac sa pagkakatali ngunit napakahigpit nito. Sinubukan nyang magpagulong-gulong sa sementong nasasapinan ng mga lumang peryodiko ngunit hindi sya makakilos.

Dahan-dahang lumapit sa kanya ang nilalang na kanina pa nagmamasid kay Mac. “Natatandaan mo pa ba ako Mac?” ang tanong nito na walang emosyon ngunit sapat upang maramdaman ang tinitimping galit.

Itinapat ng lalaki sa mukha ni Mac ang hawak nya sa kanyang kamay… “Ito Mac, natatandaan mo pa ba?” Sunod-sunod na tango ang ginawa ni Mac bilang tugon… putol na lapis… at isa-isang nagbalik sa kanyang ala-ala ang mga kasalanang ginawa… ngunit huli na para mag-sisi!

Sa isang iglap, nakatarak na sa kaliwang mata ni Mac ang kaputol ng lapis… “hmmp!! Hmmp!!! Ang daing nito habang sumisirit and dugo mula sa kanyang mata… 

Hindi pa sya nakakabawi sa sakit na nararamdaman ay muling naramdaman nyang unti-unting dinudukot ang kanyang kanang mata. Matinding pagpupumiglas ang ginawa ni Mac ngunit ang higpit ng tali ay di man lang natinag. Ilang sandali pa ay may gumugulong ng mata sa sahig.

“ahhmmp!! Hmmppp!!! Ahhhmpp!!! ang ungol ng unti-unting nawawalan ng lakas na si Mac… At hindi doon natatapos ang kanyang paghihirap.

Hawak ang isang bakal na pang dikdik ng yelo, inundayan ng saksak ng nilalang ang matabang katawan ni Mac. Sunod-sunod, walang humpay, sa bawa’t angat ng bakal ay syang pagtilamsik ng dugo ni Mac na kumakalat sa buong silid.

Nanginginig ang katawan sa galit… mahigpit ang hawak sa kapirasong bakal… at sa kuyom na palad, inihain ang paghihiganti.

Mariin, nagmamadali, walang habas ang kamay na walang awang sumusulat ng kanyang mga saloobin, hinaing at paghihirap…: Unang Kabanata!


Tambakan…

Isang bakanteng lote sa tabi ng Mataas na Paaralan ng San Vicente. Tapunan ng basura, pinaninirahan ng ibat-ibang insekto, tambayan ng mga adik sa gabi… masukal, matalahib, isang munting gubat sa siyudad na pinamumugaran ng kakaibang ahas… Ahas ng lipunan.

Nagising ang grupo ng limang kabataan sa buhos ng likido na pumapatak sa kanilang mukha. Dahil sa kalasingan at tama ng droga, wala silang lakas para bumangon. Bangag at dilat ang mata sa kawalan. Suot pa ang puting uniporme ng kanilang eskwelahan. Mistula silang buhay na patay sa kanilang kalagayan. Sa bawat buhos ng gasolina sa kanilang katawan, dagdag tama sa kanilang lutang na diwa.

Sa kakarampot na liwanag na nagmumula sa poste ng Meralco sa di kalayuan, maaaninag ang mukha ng nilalang.

Hapis ang mukha… ang mata na halos napapaligiran ng maitim na marka tanda ng kakulangan ng tulog ay nag-aapoy sa galit, buto’t balat na halos sa nipis ang kanyang katawan… Ngunit may lakas na nag-uumigting, gigil na gustong kumawala at maghiganti!

Dinukot ng nilalang sa kanyang bulsa ang nilamukos na papel at ang isang posporo. Habang sinisindihan nya ang papel, nauulinigan pa nya ang pangungutya ng limang kabataang nasa kanyang harapan, umaalingawngaw, at muling nanariwa ang nakaraan… 

Nagsimula ng magningas ang papel, tanda ng katuparan ng kanyang mga balak.

Iglap na kumalat ang apoy sa paligid, ang limang kabataan ay mabilis na nilamon ng apoy, nagpagulong-gulong silang parang alupihan na binuhusan ng asido, pakiwal-kiwal ang katawan, walang lakas para lumaban… 

Muli, narinig ng nilalang ang sigaw ng mga kabataang ito… hindi sigaw ng pangungutya at pag-alipusta kundi sigaw ng paghihirap at paghingi ng saklolo… ang tambakan ay nagmistulang maliit na impyerno, maamoy ang nasusunog na laman… ang palahaw at iyakan ay nilamon ng ingay ng mga sasakyan sa paligid at ng maingay na kantahan sa karaoke sa di kalayuan. Walang pakialam ang mga lasing at lango sa alak sa daan.

Nanginginig ang katawan sa galit… mahigpit ang hawak sa kapirasong papel… at sa kuyom na palad, inihain ang paghihiganti.

Mariin, nagmamadali, walang habas ang kamay na walang awang sumusulat ng kanyang mga saloobin, hinaing at paghihirap…: Ikalawang Kabanata!


Plaza…

Tagpuan ng mga nais maglaro, mamasyal at maglibang. Lugar kung saan halo-halo ang mga klase ng tao na makikita rito. May matandang nakaupo sa bangko na nakatingin sa malayo, wala namang tinatanaw. 

May mga naguumpukan at nagpupustahan sa larong dama. Mga kababaihan na naghuhuntahan habang pandalas ang pamamaypay. Mga kabataang nagpapasikat sa pagsirko na akala mo mga akrobat sa entablado. 

May nagtitinda ng sorbetes sa ilalim ng punong akasya. May nagtitinda rin ng lobo na makulay. Maging ang kaawa-awang sisiw na pininturahan ay di rin nakaligtas sa bentahan. 

At sa pinakasentro ng Plaza ay ang palaruang pambata. May duyan, siso, padulasan at bahay-bahayan. Napupuno ito ng tawanan at masasayang tagpo ng mga batang naglalaro dito.

Pag-sapit ng gabi, nag-iiba ang anyo ng Plaza Ibarra. Ang dating masayang tagpo ay napalitan ng manaka-nakang ingay ng mga kulisap at kuliglig. Ang mga taong kani-kanina lang na masayang nagtitipon ay unti-unting nawala na parang bula. Napalitan ng mga aninong gumagala sa dilim. Takot sa liwanag, nagkukubli sa mga sulok at gilid, kumakaway…sumusutsot.

Maging ang kalakal at bentahan ay nagbago rin. Pagsapit ng dilim, katawan, kaluluwa at laman ang ngayon nga ay nakahain. Sa tamang halaga, sa kakarampot na kita, nagkakatalo na. Maraming lihim ang Plaza Ibarra, lihim na nagkukubli sa dilim. Ngunit ngayong gabi ay kakaiba… Iba ang ihip ng hangin, maging ang mga kuliglig ay huminto sa kanilang pag-iingay. Tila napahiya sa maaring maganap maya-maya lamang.

Abala si Ginoong Moreno sa biktima nya ngayong gabi. Ito ang mga tipo nya, bata-batang, tahimik at misteryoso ang dating. Nagkasundo sila sa presyong pang sampung kilo ng bigas. At ngayon, handa nyang angkinin ang kapalit ng kwartang binitiwan.

Sa isang mabilis na kilos, swabeng swabe na gumuhit ang matalas na labaha sa lalamunan ni Ginoong Moreno. Napahawak sya sa sugat na inaagusan ng masaganang dugo. Sinubukan nyang magsalita ngunit walang lumabas na tinig sa biyak nyang lalamunan. Tanging tunog lamang ng hanging galing sa sugat sa kanyang leeg ang lumalabas dito. Parang manok na ginilitan, unti-unting nawalan ng lakas, sa mala gripong pag-agos ng dugo sa kanyang lalamunan.

Sa gitna ng dilim, kumislap ang matalim na labahang hawak ng nilalang. Handang manalasa, handang magpataw ng sugat na hihiwa sa kabuktutan ni Ginoong Moreno. Sa wasiwas ng kamay ng nilalang, katumbas nito ay ibayong sakit at parusa. Walang sinayang na sandali, ibinigay ng nilalang ang pang huling atake.

Walang buhay na tumumba si Ginoong Moreno, parang puno ng saging na tinagpas, nakahandusay, bumagsak at ini-ugoy ng pangbatang duyan.

Nanginginig ang katawan sa galit… mahigpit ang hawak sa labaha at sa kapirasong papel, pinunasan nya ang dugong nagmantsa… at sa kuyom na palad, inihain ang paghihiganti.

Mariin, nagmamadali, walang habas ang kamay na walang awang sumusulat ng kanyang mga saloobin, hinaing at paghihirap…: Ikatlong Kabanata!

Tahanan…

Isang istrukturang gawa ng tao… may dingding na gawa sa pinagtagpi-tagping karton. Bubungan na yari sa yerong butas-butas. Sahig na lumang kahoy na pinagdikit-dikit. May bintanang di-tukod at nakatali lamang, hagdanang kulang sa baytang at pintuang walang tarangkahan.

Sa loob nito ay may isang Ina na di mapakali, bakas sa mukha ang labis na paghihirap at pag-aalala. Naghihintay sa anak na halos isang lingo nang di umuuwi.

“Popoy, asan ka na… umuwi ka na anak!” Ang panaghoy ng isang Ina… Nakadungaw sa bintana, nakatingin sa malayong daan, umaasang masisilayan ang pagdating ni Popoy… ang anak na kailanman ay di na magbabalik.


Ako si Popoy…

Alam kong habang binabasa mo ito, ay alam mo na ang kwento ko at aking mga pinagdaan. Ikaw na ang humusga kong ako’y isang biktima o ako’y isang Kriminal. Wala rin namang mangyayari dahil alam kong ako’y hanggang dito na lamang… 

Sa loob ng silid na ito, ginugol ko ang mga natitirang panahon ko na maiparating ang aking kwento. Umaasang kahit dito man lang sa liham kong ito, ako ay mapansin nyo.

Lumalalim na ang gabi! Isa-isa nang nagpapatay ng mga ilaw ang mga karatig kwarto sa loob ng lumang gusaling ito, maliban sa aking silid sa pinakadulo ng pasilyo sa ika-apat na palapag. Kailangan kong magmadali habang naiilawan pa ng isang lumang lampara na aandap-andap ang lugar na ito.

Nagkalat ang mga gamit sa sahig, may mga basag na bote, karayom, kandila at iba pang mga kagamitan na animo pang medisina ngunit balewala lang sa akin ang lahat ng ito. Hindi ko na inayos, o nilinis man lang, para ano pa? Sa ilang sandali, iiwan ko rin naman ang silid na ito.

Ang tahimik na ng paligid, tanging tunog lamang ng pagkiskis ng aking panulat sa kaawa-awang papel ang maririnig. Mariin, ako’y nagmamadali, walang habas ang aking kamay na walang awang sumusulat ng aking mga saloobin, hinaing at paghihirap… ang itim na tinta ay nahaluan na ng pulang likido na umaagos sa aking pulso…

Bago ako mawalan ng lakas, nais ko humingi ng tawad, sa aking ina, at sa mga biktima ng aking panulat…

Hanggang dito na lamang ang aking kwento…

Popoy…


At tuluyang binalot ng dilim ang buong silid… Ika-apat na Kabanata!



Epilogo…

Sa isang burol, hawak ng isang naghihinagpis na ina ang lumang papel na halos gutay-gutay na. Sa paulit-ulit na pagbasa nya dito, wala syang ibang nararamdaman kundi galit at pagdadalamhati.

Mangilan-ngilang kamag-anak ang nakikiramay, ngunit ang mga kamag-aaral ni Popoy ay halos naroon lahat. Sa halip na matuwa, higit ang paghihinagpis ng inang nangungulila sa anak…

“Kayo! Kayo ang pumatay sa anak ko! Kayong lahat!!!!” Habang hawak nyang mahigpit ang papel sa tiklop na palad… “Anong ginawa nyo sa kanya… masdan nyo ang ginawa nyo kay Popoy…”  Kayo ang naglagay sa kanya sa kahong ito!!!!!!

Sa lupon ng mga batang kamag-aaral ni Popoy na nakikiramay, naroon si Mac ang matabang batang lalaki, ang tropa ng limang kabataan, at si Ginoong Moreno na di mapakali…

Isang sandali pa at nagdatingan ang mga pulis… at sa isang iglap, nabalot ng nagkikislapang ilaw ng kamera ng mga mamamahayag ang dating madilim na mundo ni Popoy.



W*A*K*A*S


Ito ang aking lahok para sa BAGSIK NG PANITIK 2013 ng Damuhan: Blog ng Pinoy, Tambayan ng Pinoy.


Friday, January 18, 2013

Millionaire's Playground

Dubai, UAE... Again...

Yes, again, 5th or sixth visit ko na yata to sa Dubai last year, end of September to first week of October. Known for its luxurious cars, buildings and structures, shopping malls, theme parks and water parks, Dubai is the 22nd most expensive city in the world and most expensive city in the middle east. 

Though hindi man ako milyonaryo, I'm so blessed to have given the chance to see a land that has been considered as a "Millionaire's Playground". My nature of work is such a blessing also, dahil may mga pagkakataon na required ako mag travel. Sama ka? At syempre, kahit trabaho ang ipinunta ko don, may oras naman para sa mga side trips at yon ang mga hindi ko pinalalampas. Ako pa! (lol)

Since I will be travelling back there sooner or later or never, hindi ko na idetalye masyado ang trip na ito. Malamang sa alamang, puro lugar sa UAE mababasa nyo dito sa Unplog in the next couple of months. At para hindi kayo maumay, hinay-hinay lang ang post na ito! Steady lang kumbaga! With the following shots, have a glimpse of Dubai...

Now, let's play! 
WHO WANTS TO BE A MILLIONARE!

Reflection... a shot while waiting for the METRO (train) Station to open... 

My Reflection, holding my tool... Nikon D90

Super M. at the Madinat... a cozy place to have a date! May sunset at boat ride
and dinning are just at the edge of the river. Have a date with me! 

A landmark turned ad board... they spend so much effort on the design

This is how the METRO station look like... anong panama ng MRT?
And FYI... this is a driver less train.

Looks familiar? Nope, not the MOA's eye... this is in Sharjah, UAE during my
birthday treat last Ocober. 

Lower portion of the building fronting the Giant Wheel!

The other side of the Giant Wheel, showing part of Sharjah's skyline...

This is the area of the Musical Fountain in front of Dubai Mall... 

One of the structure surrounding Dubai Mall Area...

And of course... the Tallest Building in the World... Burj Khalifa

Landing Pad? Looks like...

IBN Batuta Gate

IBN Batuta Mall Ceiling... intricate design eh?

IBN Batuta Shopping Mall Hallway...

And there you goes... some of the photos taken by Super M. After that... time for me to go Shopping and spend my millions! million sigh!!!!

See you in my next adventure....

Super M! 
                        

Tuesday, January 15, 2013

Backpack Series: Plastic Cup

Beware: This is a repost!
Why?
1. Dahil Sabaw utak ko ngayon.
2. Dahil nakita ko na naman si Manang sa Crossing
3. At dahil ang lakas lang maka PBO!

Ang Plastic cup na ito ay galing kay Pareng Google

Cup 1: CROSSWALK

A pedestrian crossing or crosswalk is a designated point on a road at which some means are employed to assist pedestrians wishing to cross. They are designed to keep pedestrians together where they can be seen by motorists, and where they can cross most safely across the flow of vehicular traffic. Pedestrian crossings are often found at intersections, but may also be at other points on busy roads that would otherwise be too unsafe to cross without assistance due to vehicle numbers, speed or road widths. They are generally also installed common where large numbers of pedestrians are attempting to cross (such as in shopping areas) or where vulnerable road users (such as school children) regularly cross.

The term pedestrian crossing includes a wide range of crossing provisions, both those that give priority to pedestrians, and those that assist pedestrians, but legally still prioritize road vehicles.

Pedestrian crossings, especially when combined with other features like pedestrian priority or raised surfaces, can be used as a traffic calming technique.

Road Sign: Ped Xing

So much for the technical meaning of the word but known to many, as a place where we meet people instantly, in a rush, crowded flow, barely noticing each other (A crosswalk). And here in this place, I learned the lessons of the “Plastic Cup”.

Cup 2: STOP LIGHT

Here in Metro Manila, we have the famous Crossing. It is an intersection of EDSA and Shaw Boulevard. Kung ikaw ay isang byahero, malamang alam mo ang lugar na ito. Crossing Ilalim or Crossing Ibabaw. And every day, dito ako dumadaan. One jeep ride from my dorm going to work and a not so long walk at night going home after work. Yes! Naglalakad lang po ako pauwi. Tipid na, na exercise ka pa. This is my daily routine during weekdays with the exemption kung kakain kami after work with my officemates. And this is how the story of a plastic cup goes…

Cup 3: Toothless Smile

That was a typical night after work. Again, nagkayayaan na kumain before going home. Our usual destination is Araneta Center , Kangaro Jack Steak and Grille to be exact. At syempre, dadaan kami sa Crossing. Sa gabi, iba-ibang scenario makikita mo dito. Sa gilid ng kalsada, may natutulog, sa ilalim ng fly over foot bridge, may nagtitinda ng sigarilyo at candies, may lasing na nakaupo sa gilid ng sidewalk, may kumakanta sa videoke sa karinderia at turo-turo, mga taong nagmamadali makauwi, mga taga call center na nakatambay, sasabayan pa ng tugtog ng banda na nanggagaling sa “Cuba Libre.” Pero kami, iba ang inaabangan naming makita… Si “Manang” na namamalimos sa mga sasakyan na nakahinto during red light. It is a common sight for us na makita si “Manang na naglalakad, hawak ang tungkod niya, nangangapa sa madilim nyang paligid (Oo, isang bulag si Manang) at kumakatok sa bawat bintana ng sasakyan na nakahinto. Di alintana ang panganib na dulot nito. And again, this is another night na ma-encounter namin si Manang. Malayo pa lang, nag ready na kami ng mailalagay sa hawak nyang plastic cup. Kapa dito, dukot doon, bukas ng coin purse ngunit walang barya kaming nakuha. Sige na nga, itong bente pesos na lang, One of my Officemate offered. Nang nasa tapat na namin si “Manang”, di na namin hinintay na kumatok sya sa salamin ng aming sasakyan. Ganon pa rin, ang mukha na hapis at pagod sa maghapon na pamamalimos sa Crossing. Itinapat na nya sa amin ang kanyang plastic cup at naghihintay ng ano mang aming maibibigay. Ang kalansing ng baryang kanyang inaasahan ay di nya narinig. Alam nyang hindi barya ang aming inilagay sa plastic cup nya. At dahil doon, isang napaka gandang ngiti ang ibinalik nya sa amin, at sa unang pagkakataon, we saw a toothless smile. That was one of the most beautiful smile na nakita ko. Isang nagagalak na Manang ang aming nasaksihan. Kung di ako nagkakamali, napatalon pa sya sa tuwa. Bente pesos? Para kaming napahiya at kung di lang nag green light na, sana, nadagdagan pa namin ang aming naibigay.

Para kay “Manang”, ang halagang nailagay namin sa cup nya ay isang kayamanan na. Ang bawat sentimo na naihuhulog sa kanyang plastic cup ay isang napakalaking pagpapala na para sa kanya. Di ko maiwasang tingnan ang dala kong backpack. Yes, it is heavy, coz I know everything I own and holds dear was inside. Maari ngang mahalaga ang laman ng backpack ko. Gamit ko sa trabaho ang ilan sa mga nasa loob nito. Pero kung ikukumpara sa Plastic cup ni “Manang”, walang panama ang laman ng backpack ko. Kung titimbangin ng sabay, alin sa palagay nyo ang mas mabigat? Ang backpack ko o ang plastic cup ni Manang? I hold on to my backpack because I know there are necessary things and gadgets that are inside, but Manang holds on to her plastic cup, as if her whole life was dependent on it. No, not as if, her whole life was really dependent on her plastic cup. I can still survive and live kahit mawala ang laman ng backpack ko, pero para kay Manang, for her to live and survive a day, he needs her plastic cup.

Cup 4: Overflow

The case of Manang is an eye opener for us… Marami ngayon ang gumagastos ng higit pa sa kanilang kinikita, marami ang nagsasayang ng pera sa mga bagay na di naman makabubuti sa sarili, ngunit higit na nakakapanghinayang ang mga taong may sobra-sobrang pagpapala ngunit walang kakayahang magbigay. The Act of giving comes from within; it is an urge of compassion, the byproduct of one’s desire to help others. Kahit sa ano mang panahon at pagkakataon, basta kaya mo sa ano mang paraan, di man pinansyal, tutulong at tutulong ka. It is not because of your intellectual capacity that decides whether to give or not. It is your heart. Katulad ng naramdaman namin kay Manang. May guilt at panghihinayang na yon lang ang aming naibigay, to think na ang pupuntahan naming ay isang masaganang hapunan. It’s not right because we thought so; rather we feel there’s something wrong with our giving. Our heart tells us, may kulang. 

Luke 6:38 says:

38 Give, and it will be given to you. A good measure, pressed down, shaken together and running over, will be poured into your lap. For with the measure you use, it will be measured to you.”

Kung mapadaan ka sa Crossing kaibigan, at makita mo si manang… alam mo na ang gagawin to make her smile… pero sana lang, hindi sa halagang bente pesos… because I believe, her smile is a priceless smile.

HAPPY GIVING EVERYONE!!!!!

Friday, January 11, 2013

PBO at WCCH


WCCH (White Cross Children's Home, San Juan)

1. Tapos na ba?
It’s been two days since we launch the first project of PBO pero parang hindi pa rin nag si sink in sa kin na nagawa namin yon? From day 1 (our online meeting with my fellow bloggers who spearheaded and conceptualized this group, Arvin, Gracie and Arline: miss you guys!) up to the last minute of the event was so intense. Kinakabahan ka na hindi mo mawari (sabihin mo nang exaggerated pero yon ang nararamdaman ko).

2. Yabang Mode! 
Lahat yata nagawa ko para sa proyektong ito, maliban lamang sa sumayaw at mag tumbling sa harap ng maraming tao. Acting President, model, photographer, kargador ng pinamili namin ni Arline, nagbalot ng mga gifts and loot bags, artist ng logo, naghanap ng sponsor, volunteer at nagdonate ng 1 million dyuk! (si Mr. Tripster pala yon hindi ako) ano pa ba? (Yabang ko ba?) Hayaan mo na para may maipintas na naman si Anonymous! 

3. Pressured? Yes, from all side!
Nang mag start kasi kaming mag post sa bawat blog namin about PBO, alam namin na there's no turning back. Pangalan namin at ng aming blog ang nakataya. At aaminin ko, maraming beses na kong nag attempt na magresign sa project na to. Ako ang ginawang El Presidente, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad. (ikaw? ramdam mo ba ang nararamdaman ko? Alam mo ba yong pakiramdam na someone is just watching you from the sideline at hinihintay ka na magkamali? Sakto! Yan ang pakiramdam ko- Ako na ang paranoid! lol) 

Gusto kong pauwiin si Gracie at Arvin para katuwang namin ni Arline, pero mahal ang pamasahe, baka maubos ang 1 million haha dyuk! Marami kaming natanggap na mga suggestions at comments (maraming salamat) na dina- digest namin sa pakikipagpuyatan sa tatlo kong counterpart thru skype to think na magkaka-iba kami ng Time zone. Caloocan, Mandaluyong (lamang lang ng ilang segundo sa oras sa Caloocan), No at NC. How I wish matapos na agad ang proyektong ito. 

4. No Shortcut! 
Walang shortcut ang tagumpay, tandaan mo yan! Yan ang ginawa kong motivation para magpatuloy. Para que pa na naging Super Mario ako kung ito lang eh susukuan ko? Tuloy ang laban!

5. Volunteers, anyone?
Halos mawalan na ko ng Pag-asa ng mag post ako sa FB group ng survey kung sinong gustong mag volunteer. Isa, naging dalawa, hanggang naging 8 kasama ako. May isang nag back-out, 7 na lang, sinundan pa ng isa eh di anim na lang, ang isa, sa Preparation day lang, at may isang nagconfirm na pampagulo lang dahil taga NC (haha peace Archie). Total Volunteers na nagconfirm sa survey = 3! Hindi ko isinama dito ang mga verbal na nagsabing pupunta sila sa mismong event! Asan ka Volunteer? Kung ito ang marereceived mong feedback, anong mararamdaman mo? Panghihinaan ka ba ng loob at susuko na lang? O Tuloy pa rin ang ikot ng mundo? 

The day before ng Preparation day, nagtext si Arline na dalawa lang daw kaming mamimili dahil nagback out yong isa naming kasama. Dali-dali akong nagtext sa mga possible volunteers na sasama mamili pero since medyo late na, walang nakapag commit sa dalawa kong itinext. Anyare? 

Arline: Kuya Mar kaya ba natin? 
Super Mario: Kaya yan! Malakas naman ako magbuhat! (Pinalalakas ko lang loob ni Arline lol)

6. The Event That took place! 
The worst 30 minute travel na naranasan ko. Bakit? Kasi past 2pm na nasa daan pa rin kami ng mga kasama ko. Supladong mga taxi yan! Porke ba may bitbit lang kaming dalawang malaking speaker, tatlong malaking plastics ng mga goodies, pang dekorasyon at mga give-aways, isa pang bag ng mga gamit, apat na backpacks, isang travel bag eh ayaw na magsakay!

Nakasakay nga kami, from cubao, traffic naman ang sumalubong sa amin sa kahabaan ng Boni Serrano papuntang Santolan Road. Tawag at text na ginawa ni Arline para itanong kung asan na ko. Hayyy Buhayy gusto kung paliparin ang taxi na sinakyan namin pero wala akong powers. Buti na lang after the last stop light, kunting andar, dalawang liko sa kanan, tatlong liko sa kaliwa, andon na kami sa WCCH!

And voila! 11 Volunteers ang nakita ko na kasama ni Arline. Ayos! Ang dami namin! Ang kilala ko lang eh si Arline, Zai, Joane at Empi, the rest first time kong makakadaupang palad. Pero hindi nangyari, walang pormal introduction na ako nga pala si ano, ikaw sino ka? Anong blog mo? Wala pong ganon. Deretso trabaho na para magset up ng lugar. Ang nakakatuwa, kanya-kanyang dampot ng gagawin at parang iisang tao na kumilos ang lahat ng volunteers! Ang galing di ba?    

And the Program continues, Prayer, games, games and more games, eating time, gift giving and tour of the orphanage. Nothing is more satisfying seeing the kids laugh, play & cry (yes, they are real kids, the only difference is that they don't have a family of their own). The smile in their faces? Nakakahawa, may makulit, may tahimik, may masayahin, may malambing. Lahat sila ay naghahanap ng kalinga at gabay ng isang tunay na tahanan. 

7. The Reward.
May mga bagay talaga na hindi kayang makunan ng camera. Gaano man kaganda ang SLR mo, may mga sandali at pagkakataon na masasabi mong "for your eyes only" and "for your heart alone". May mga nararamdaman tayo na hindi kayang makunan ng lente. Seeing the Little Angels sa taas ng Orphange during the tour makes me realize one thing. Na hindi hihinto ang PBO pagkatapos ng araw ng ito. It is a reward from the kids, making us realize the value of what we started. The value of helping others. It is in giving unconditionally that we received abundantly. It is by extending your arms to others, that your own burdens have been lifted from your shoulders. Ang gaan at ang sarap sa pakiramdam.

8. Goodbye Visitors!
Goodbye Visitors! Yan ang sabay-sabay na wika ng mga bata. Dalawang salita but it hits home! Bulls Eye kumbaga. Kailan naman kaya sila mag-aabang ng mga bisita na magpapasaya sa kanila? Hanggang kailan sila dudungaw sa bintana para mag-abang sa mga organisasyong handang tumulong? Hanggang kailan sila aasa? Yan ang mga tanong habang naglalakad kami papunta ng gate ng Orphanage. One last look, and we see some of the kids waved goodbye. 

9. Salamat!
Walang katapusang Pasasalamat!

Una syempre sa Diyos, for all the provisions na ibinigay nya. Sa Blessings and for giving us wisdom and guidance for this Project to be successful.

Sa bumubuo ng PBO, Organizers, Officers, volunteers, supporters (in cash & in kind), Sponsors, at sa lahat ng miyembro ng PBO FB group at mga followers ng Unplog, especially sa mga suggestions and comments and ideas, mga kapwa blogero na silently and vocally wishing & praying for the success of the first project of PBO, kayong lahat, maraming maraming salamat! 

Hindi ko akalain na hahantong sa ganitong gawain ang isang simpleng pag ba-blog lamang. Dahil sa effort ng bawa't isa, nagawa nating mapasaya kahit saglit ang mga bata (one less lonely child). Hindi lamang isa, marami po sila. And in return, higit ang sayang naranasan naming mga volunteers kanina. Na karamihan ay first time na magkita-kita. Regardless of the differences, no questions asked and everyone do their shares! 

Sa mga susunod na proyekto ng PBO, sa new sets of Officers and committees - muli po nating ibigay ang ating walang sawang pag suporta. Sana lang ay nandiyan pa rin kayo sa mga susunod na araw, linggo, buwan at taon to give your full support sa PBO. And we are calling for more volunteers to join us. 

Bilang isa sa bumuo ng PBO, salamat po sa tulong nyo at tiwalang ibinigay. I will be leaving the country sooner or later or sana hindi na lang (lol) but rest assured, kahit saan man ako makarating, my full support still goes with PBO at sa inyo. 

Muli, maraming salamat po! And more power to us! More Power to PBO! And Congratulations PBOers!

10. Memories...













































PLS! DO SUPPORT PBO ON ITS NEXT PROJECT!!! THANK YOU!!!

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...