Thursday, December 5, 2013

Smile or Smell?

from 1389blog.com

Netong mga nakaraang araw, ang hirap ngumiti! Mas maraming rason para sumimangot at magmukmok. Mas maraming pangyayaring hindi nakakatuwa na naging dahilan para humaba ang yong mukha. Sa ganitong pagkakataon, ang hirap humugot ng isang pilit na ngiti kahit sandali lang. (*insert sad face here*)

Pero ang masaklap... hindi ka na nga makangiti... hindi ka pa rin makahinga! Bakit? Dahil sa amoy na di ko mawari. Isang amoy na banyaga sa aking maselang ilong... Pero kahit ikaw naman siguro, magrereklamo ka rin... 

Mula pagbaba sa elevator ng flat namin, pagmamalasin ka, umagang umaga, makakasabay mo eh may kakaibang amoy na... (habol ang hininga paglabas ng elevator)... pagsakay ng taxi... ibang klaseng amoy pa rin na nanggagaling sa tsuper... ang hirap magpigil ng paghinga... sinubukan kong sa bibig humigop at bumuga ng hangin, pero nakakatakot na baka malasahan ko ang kakaibang amoy na paikot-ikot lang sa loob ng taxi at paulit ulit na ibinuga ng aircon. 

Pagdating ko sa Office... para akong naka droga! Mas matindi pa yata ang tama at para akong lutang sa pagkahilo. Di pa ko nakakarecover, may papasok na bisita sa aking napakagulong opisina na ang lakas din ng tama sa kili-kili. Ngayon, tanungin mo ko bakit palaging may air freshener sa tabi ng table ko.... sa oras na makalabas ang panauhing pandangal... katakot takot na spray ang magaganap sa apat na sulok ng kwarto ko... 

Di ba? Ang sikip sa dibdib... hindi ko maexplain ang amoy... basta, masangsang!

Kaya wag mo kong sisihin kung bakit sira ang araw ko... kung bakit di maipinta ang mukha ko ngayon. Kung bakit di ako makangiti... Pasensya na... napuruhan lang!

Ikaw ba... kaya mong ngumiti kapag mabaho ang iyong naaamoy? Sa pagkakaalam ko, wala ring emoticons na ganyan, katulad ng paghahanap ko ng emoticons ng pinaghalong "sad face and wink." Kindat na malungkot ang mukha. Try mo! Saka mo itry din ang pag ngiti ng nakaamoy ng mabaho... 

Ngayon, matatawag ba akong isang "racist" kung tinutuligsa ko ang isang partikular na lahi dahil sa amoy? Ano sa palagay mo? Ito ba ay issue ng hygiene or lahi lahi lang? I don't think so!

Okay Fine! Tawagin nyo na kong racist! Pero utang na loob, maligo naman sana sila!!!    


Wearing a Gas Mask painted with a smile on it.... Peace!
By Super M!

70 comments:

  1. hahaha.

    Is it sa kinakain nila that is why medyo strong ang amoy ng pawis nila?

    ReplyDelete
    Replies
    1. baka nga sa kinakain nila, kasi iba ibang spices gamit nila

      Delete
  2. Replies
    1. tawa tawa rin ms joy pag may time haha

      Delete
  3. if you can't beat them, join them Kuya Mar XD

    smile
    ^__^

    ReplyDelete
  4. grabe , may experience ako sa ganiyan na may nag-approach sa aking isang somewhat Arabian looking person here in the Philippines , grabe talaga ang amoy niya , hindi ko na-take , nagsuka talaga ako after nun promise ha ha ha ...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Naku ser! Di ka pwede dito, masusuka ka palagi hahaha

      Delete
  5. Natawa na rin ako pero totoo yan kasi ganyan din lagi kwento ng papa ko na nasa Bahrain. And he's been there for years. Anyway, konting tiis pa kapatid. Uuwi ka rin. Miss yow!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang tagal ko na nag titiis hahaha

      Oo nga, uuwi rin ako, and kita kits tayo!

      Delete
  6. Di ka naman racist panget kasi wala ka namang race na nabanggit.. lols. So this Yuletide Season, give give din ng pabango, deodorant or better yet, air freshener. lols!

    ReplyDelete
    Replies
    1. gusto mo magbanggit ako ng race? hahaha Sponsoran mo panget, ipadala mo dito, ipapamahagi ko sa kanila haha

      Delete
  7. Must be the spices and herbs put on their food.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yup kuya palaboy, cumin ang tawag dun sa amoy putok na spice na main ingredient lagi ng mga food nila.

      Kaya kuya mar pagkatapos mo silang turuang maligo regularly turuan mo rin silang kumain ng ibang food para mabango na ulit ang environment mo dyan hehehe and di ka racist. Dont worry

      Delete
    2. @OP: may nabasa nga akong ganon, mga food na nakakapag palakas ng body odor, something like that. So ang culprit ay ang mga kinakain nila hahaha

      @Jaid: Cumin pala tawag don sa powder like thingy na nilalagay nila sa food. Pero madalang talaga sila maligo, tapos panay lang ang spray ng pabango, na mas lalong nakapag pa amoy sa kanila, may kinalaman din ang hygiene hahaha

      Delete
  8. isa kang smellist! charot! hahaha.. in addition to jun's gifts' suggestions, may i add, gas mask... lels.... Merry Christmas Kuya Mar! Namamasko po :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. smellist? taga amoy? hahaha

      Tawad muna hahaha

      Delete
  9. Mayroon kaming katrabahong ganyan before. Sa una, nahirapan ako pero after some time sanay na rin. Pero isa lang yan, ikaw eh napapalibutan. Mayroon naman kasing mga taong sensitive sa amoy, isa ka na duon. Wala kang magagawa, the best is, masasanay ka rin.

    Makuwento ko lang. May dalawang Pinay sa Singapore. Sumakay sila ng elevator nang may pumasok na Indian. Sabi ng isang Pinay, "Ang baho noh!" ang sagot ng bumbay, "Day-off ninyo?" kaya ingat ingat po lamang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. ayaw ko masanay sa amoy hahaha

      Oo nga, lalo na dito, nakakaintindi sila at nagsasalita ng tagalog... pag nagkukwentuhan ang iba dito eh gumagamit ng code pag amoy na pinag uusapan hahaha

      Delete
  10. buhusan sila ng tubig. tara. hehhee
    siguro ung amoy very normal na sakanila kasi immune na sila dun.

    ReplyDelete
    Replies
    1. baka hindi kayanin ng tubig lang hahaha

      Delete
  11. Hahaha...wala akong masabi...

    (parang di ko rin yata kakayanin ang araw-araw na ganitong sitwasyon)
    smile o smell? ----> smile na lang . ..

    ReplyDelete
  12. Hindi ka racist. "Smellist" ka LOL

    (dumaan to check kong malware infected ka - ganyan ka kalakas sakin eh :P)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, smellist! Smilest?

      Yes, malware infected ako yesterday... naks! lakas ko naman talaga sayo ms B #peyborit! hahaha

      Delete
  13. Hahaha.. simula pa lang ng post mo nag-iisip na ako paano ka kukumbusihin na maging positive.. pero hindi kita masisisi kung araw-araw mo ba naman nakakasalamuha ang ganyang amoy.. eh kung ako nga lang sa bus eh nararanasan ko yan.. 30 minutes ride, eh gusto ko na murahin yung sumakay.. hahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... 30 minutes lang? Naku dito, baka napamura ka na hahaha

      Delete
  14. hmmmmm pwede bang or ang piliin hihihi gitna lang ako hihihi...

    ReplyDelete
    Replies
    1. di maka-smile, di maka-smell? hmmp! sige na nga, pwede na ang or! hahaha

      Delete
  15. hindi lang mahirap magsaya, kundi mahirap mabuhay kung may masangsang na amoy! dala ka lagi ng ambi pure tapos patago mag spray, baka matakpan pa ang odor :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha patago ba mag spray? sana nga matakpan

      Delete
  16. relate much meron din ganyan sa office hahaha
    anyway smile smile ala jlc no matter what
    magagalit si rina,.. rita ba un of rina?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hala, meron din dyan? hahaha

      Lagot ka, kinalimutan mo pangalan ng gf mo hahaha

      Delete
  17. Migraine-trigger mga yan... Ugh! Spicy food, bad hygiene, strong perfumes and it's part of their culture kaya proud sila dyan. Lipat kana idol hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. lipat na ko dyan sa banda sa inyo, meron ba dyan vacancy? hahaha

      Delete
  18. Replies
    1. matagal pa hahaha! Naligaw ka yata dito sa unplog? hahaha!

      Delete
  19. na experience rin namin 2 dito sa office:) My Team knw me well na walang hiya lol or di takot so if we have a new member of the Team at galing sa lahi ng C...kc may amoy din sila ako ang pang tapat..hahaha. I make friend muna then while doing the training I used it as example..haha ganito lagi ako...like going to work, first YOU need to take a bath and brush your teeth like with our work, you can do it the same time, do it one by one...first you shower and you brush your teeth...hahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahahahaha! natawa naman ako dyan sa example mo! in a subtle way ah!

      Delete
  20. CSTO Collective Security Council meeting Putin in Moscow on the ugg same day, said the situation in the Christian Louboutin Bois Dore world Bags Louis Vuitton today is discount nike jordans undergoing rapid cheap jordans change, the ugg pas cher old problems continue to intensify, and new problems emerging, the world's security system is changing. This requires the discount christian louboutin CSTO member states to take Discount Louis Vuitton collective coordinated action christian louboutin to uggs on sale safeguard the security of Member States and regions.Putin ugg australia said CSTO will establish humanitarian center system, the first humanitarian center will be Christian Louboutin Daffodile set cheap christian louboutin up next year in christian louboutin remise 50% Armenia, uggs outlet after the formation ugg boots of similar institutions in Kyrgyzstan will.Putin also expressed concern about Air Jordan 11 Gamma Blue the situation in Afghanistan. He said the extremist Cheap Louis Vuitton Handbags organization "Islamic State" Cheap LV Handbags militants had infiltrated into Afghanistan, and christian louboutin shoes there is the possibility Discount LV Handbags to expand in Central Asia. CSTO member states should take pre-emptive measures to eliminate ugg soldes the cheap nike jordan shoes threat, wholesale jordan shoes we must strengthen supervision of Tajikistan and Afghanistan border.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...