Minsan isang araw sa site, yong bukas pa ang magkabilang bahagi ng outer walls ng Mall, ay malayang nakakalipad ang mga ibon hanggang sa loob mismo ng construction site. Malaya silang naghahabulan at kapag napagod ay dadapo sa mga bakal na sumusuporta sa lumang bahagi ng building at nagdudugtong naman sa bagong bahagi nito.
Ang saya nilang pagmasdan, ginawa nilang tambayan ang bahaging ito ng construction site. Nakadagdag saya sa maalikabok, maingay at magulong activities na nagaganap araw-araw. Dadapo, lilipad kung saan saan, di alintana anumang kaguluhang nagaganap sa ibaba.
Para sa akin, ito ang tanawing inaabangan ko sa tuwing gagawin ko ang site visit para sa daily report. Pero sa paglipas ng mga araw, unti-unting nasasarahan ang bukas na bahaging ito ng Mall. Unti-unting naikakabit ang mga metal cladding na syang bubuo at kalaunan ay tuluyang magsasara ang lugar na ito. At sa bawat araw na dumadaan, nababawasan rin ang mga ibong malayang nakakalipad dito. Unti-unti ring nababawasan ang saya na dulot ng mga mumunting nilalang na ito sa bawat araw na dumadaan.
Hanggang tuluyang mailagay ang huling piyesa at ngayon nga ay sarado na ang bahaging ito. Nilamon ng kadiliman ang lugar, subalit panandalian lamang. Isa-isang nagsabog ng liwanag ang naglalakihang floodlights na syang magsisilbing liwanag sa bawat sulok. Iginala ko ang aking paningin, hindi ako sanay na nakasara na at mistulang isang malaking kulungan ang lugar na ito. May hinahanap akong pamilyar na tanawin na ngayon ay wala na... ang mga ibon.
Wala sa hinagap na makikita ko pa silang muli... hanggang noong isang araw bago pumasok ang weekend, nakita ko ang isa sa mga ibon sa loob mismo ng construction site. Pero may kakaiba sa kanya. Malungkot, at di man lang lumipad ng aking lapitan...
Ang dating masayang ibon, ngayon ay tila hapong hapo at walang kakayahang lumipad... Hindi man lang inalinta ang presensya ko ng lapitan ko sya... umusod lang ng konti sa comportableng pagkaka dapo nya sa kapirasong kahoy at magbigay daan para makunan ko sya ng litrato.
Alam ko may mali... may hindi magandang nangyari sa ibon na ito... hindi kaya nabali ang pakpak? Nasugatan? Maraming posibleng maging dahilan... anuman yon...isa lang ang sigurado... may dinaramdam ang ibon na ito. Maaring nalulungkot sa pagkawala ng kanyang mga kasamahan... pwede din naman na naligaw at di matukoy ang daan palabas ng gusali... Sa isang banda... parang naka relay ako sa ibong ito... ganito rin pakiramdam ko nitong mga nakaraang araw... LOST....
Gusto ko sana syang tulungan... itaboy papunta sa labasan... dahil sigurado akong delikado ang lagay nya sa magulong aktibidades ng construction. Ngunit ayaw nyang tuminag sa kanyang kinalalagyan. Hindi kaya may hinihintay ang ibon na ito? Kaya ayaw nyang umalis dahil ito ang kanilang tagpuan? Wag ka na umasa, kawawang ibon, hindi na darating yon! Trust me, I know! (based from experience)
At talagang ayaw nyang umalis, kaya ang ginawa ko, inutusan ko ang isang minion sa site, na ilabas ang ibon na ito at hayaang malayang lumipad.... maranasan muli ang maging malaya at maka move on sa pang i indyan sa kanya, kung sino man inaantay ng ibon na ito.
Mabigat man sa dibdib eh kailangan ko ng umalis ng mga oras na yon at bumalik na sa aking opisina. Subalit kahit anong tutok ko sa trabaho eh naiisip ko pa rin ang kawawang ibon... kaya ang ginawa ko, bumalik ako sa site during breaktime para kumustahin ang ibon....
Naabutan ko ang mga minions sa kanilang masarap na tanghalian.. "BIRD CURRY"
Be kind to minions animals...
By Super M