Saturday, October 5, 2013

Safety Shoes!


Safety is our guarantee!


Pasalampak akong naupo sa pang-isahang upuan sa loob ng kwarto ko. Ito ang isa sa mga araw na sukdulan ang init sa construction site at sa tuwing uuwi ako ay halos ubos na ang aking lakas. Ilang galong tubig kaya ang aking naipawis sa buong maghapon?

Dahan-dahan kong hinubad ang sapatos ko na syang dahilan kung bakit nadagdagan ang pahirap ko ng araw na iyon. Narinig ko pa ang malakas na buntong hininga ng aking mga paa ng tuluyang mahubad ang pares ng sapin. Sa buong maghapon, tila sinasakal ang mga paang walang kalaban laban sa loob ng isang madilim na piitan. 

Masakit! Lapnos! Mapula! Tuklap ang balat! Yan lang naman ang itsura ng aking paa sa araw na ito. Isang buong araw ng parusa at pasakit na aking tinitiis. Bakit? Dahil kailangan!

Ang sapatos na ito ay proteksyon! Oo, tama! Isang proteksyon sa mas malalang sakuna. Isang paraan ng proteksyon sa anumang pwedeng mangyari sa construction site. Maaari kang mabagsakan sa paa ng mga mabibigat na hollow blocks, bakal at kahoy. O di kaya naman ay mapako ka sa mga nakausling matutulis na bagay. Ang sapatos na ito ay ginawa to withstand those outside forces. Ito ay gawa sa matibay at makapal na goma at may bakal sa dulo kaya ito ay binansagang "steel toe". 

May mga bagay kasi na pwedeng mangyari, maaring mangyari o di kaya naman ay pwedeng hindi rin mangyari pero mainam na ito ay suot mo para sigurado. Anu't ano man, kailangan ko itong isuot! 

Sa senaryong aking binanggit, narealize ko lang ito:

THERE ARE THINGS IN LIFE THAT WILL PROTECT US FROM THE OUTSIDE, BUT THAT SAME PROTECTION WILL KILL US FROM THE INSIDE.      

We are busy building our fortress that will protect us from our enemies, but that same fortress will soon be our grave.

Para lang itong safety shoes ko. Masakit sa paa, mabigat at namamaltos na at naglalakihan ang aking mga kalyo. Pati yata mga kuko ko sa paa ay malapit nang matigok. Astig lang sa panglabas tingnan. Safe na safe nga ang aking mga paa, pero sa loob naman ay unti-unting pinapatay anumang buhay  na alipunga na naninirahan doon.

One day, I will buy new safety shoes at ibabalato ko na lang ito sa sinumang may gusto. Ikaw? Baka gusto mo ng safety shoes ko?

Sasapatusin kita...
By Super M!

49 comments:

  1. so in other words, pag wala kang "safety shoes" you'll be in great danger pero pag meron naman, you'll still be in danger. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Exactly! hahaha pili ka na lang kung ano gusto mo, yong danger na pwedeng hindi mangyari o yong clear and present danger dahil sa suot mo.

      Delete
  2. No No choice talaga ano. Pamper your feet na lang ng foot spa:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Feet pala. Dalawa nga pala paa mo:)

      Delete
    2. Sige nga Ms Joy, ma try nga yang spa para sa paa! hahaha

      Delete
  3. Mabuti na lang at papatayin niyang sapatos mo yung alipunga. Baka naman gusto mong ipa raffle yan para sa mga pamangkin mo this Christmas o di kaya i donate for PBO. Lagyan mo nga lang ng photo mo, para naman mabili kaagad. Malay mo mayroong may shoe fetish sa mga bibili, ma in lababo sa iyo, he,he,he.

    Good realization, madaming examples diyan. Halimbawa yung brief, biili tayo ng mas maliit na size para mukha tayong malaki pero iipitin niyan ang itlogs, ha,ha,ha. Di na tayo makakaproduce. Siya, tama na toh, hahaba na naman... Ang comment ko.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pag tripan daw ba ang sapatos ko. Anong gagawin nila sa sapatos kung may shoe fetish sila? #justasking hahaha

      Hanep sa example! hahaha naisip mo talaga yan!

      Delete
  4. Ang agad pumasok sa isip ko dito is yung mga di mo akalain na mga bagay or tao na lubos mong pinagkakatiwalaan is yun pa ung magpapahamak sa'yo. You're just too busy building up your external defence, not knowing something is brewing up within the things or people so closed to you. Tama ba Kuya Mar?

    The saddest thing about betrayal is that, it never comes from your enemies.

    #random #mema

    ReplyDelete
    Replies
    1. gud jab Feyel!

      Sobrang sakit naman nyang example mo! Tagus tagusan! haha

      Delete
  5. hmmm mag pa footspa ka kuya Mar, tapos sama mo ako... dali na.... lolz

    ReplyDelete
    Replies
    1. pano ba mag pa foot spa? hahaha

      Delete
    2. meron mga ganun sa mga spa... sabihin mo lang foot spa, mas maganda kapag 1 oras para mas marelax ang mga paa mo... tapos yung iba nga kasama pedicure ganyan. try mo nakakarelax lolz...

      Delete
    3. Sige i ta try ko nga yan pag-uwi ko hahaha

      Delete
  6. Siguro nga, kailangan natin ng minor inconveniences para na rin sa sariling protection natin. Endure the pain for greater gain.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama sir ric, better be safe than sorry. Kung kaya namang tiisin ang konting sakit para maging safe.

      Delete
  7. gusto ko ng safety shoes... now na! hehe

    ReplyDelete
  8. Dat safety shoes saksi sa hardwork at determination mo kuya mar, ramdam ko ung sinabi mong KAILANGAN!

    Kaya pla sabi ko bkit amoy paa dito sa blog nyayaya!

    Kuya mar pag uwi mo sagot ko pangspa mo

    ReplyDelete
    Replies
    1. nangamoy ba hanggang dyan? hahaha

      Naku! Naka print screen na to! Huntingin kita pag-uwi ko para libre mo ko ng spa! haha

      Delete
  9. pa-foot spa at paraffin na! tapos pa-reflex na din.. hehehe...

    at ang sabi nga nila, hirap muna bago sarap..lols...ayan, pag andito kana sa pinas, tsinelas all you want.... spa everyday all day too.. sama ako...bwahahahaha..

    ReplyDelete
    Replies
    1. ano yang paraffin at pa-reflex? haha

      Tara! Libre tayo ni Josh hahaha

      Delete
  10. haha natawa ako sa comment na amoy paa blog mo... hahaha Josh kaw na! kaw na may sex vid scandal w Deo hahaha, mamaya mabisita nga kita.

    Anyway, pabalik balik lang ako dito magbabasa, pero walang maikomento. Hay!

    Teka subukan ko hehe. Para sa akin ang "safety shoes" ay pwedeng ihalintulad sa isang mabuting kaibigan. Ang mabuting kaibigan karamay mo sa maraming bagay, kakampi mo sa maraming unos, kaagapay mo sa tagumpay diba. Ngunit ang kaibigan ay hindi maituturing na mabuti o matalik kung di rin ka lamang mapapagsabihan ng "sasapatusin kita dyan e". May mga stupidities kasi tayo minsan e, Sila lamang ang may lakas ng Loob pagsabihan tayo para marealize natin ang ating mga weaknesses.

    Gandang gabi idol!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha! Kulit nyan ni Josh! Bumawi naman, lilibre nya ko ng footspa! haha

      Yan ba ang walang maikoment? Ang eh galing galing ng paghahalintulad mo!

      Good Morning Idol!

      Delete
  11. malayo sa sapatos mo ang comment ko, kahit napansin ko ang tatak nya "CAT" mayaman kana talaga kuya mar.. at alam kong malapit lang tayo, kaya kelan mo ko ililibre sa isang kapehan..:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. pag "CAT" mayaman agad? hahaha

      Oo nga, magkalapit lang tayo! Tara na magkape! I text mo kasi ako! hahaha

      Delete
  12. hahay hanggang ngayon hinihingian parin ako ng mga kasamahan ko ng safety shoes baka kasi daw di ko pa napaprocess sa lady boss namin.. hahay...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Mag issue na ng safety shoes! Penge din isa! hahaha

      Delete
  13. No thanks! I'm fine with my running shoes :)

    Sapatusin kita dyan eh - yung stiletto lolz :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, Ano kaya Ms B, i try mong safety shoes gamitin sa pagtakbo mo! hahaha

      Aray naman! Masakit yan! haha

      Delete
  14. CSTO Collective Security Council meeting Putin in Moscow on the ugg same day, said the situation in the Christian Louboutin Bois Dore world Bags Louis Vuitton today is discount nike jordans undergoing rapid cheap jordans change, the ugg pas cher old problems continue to intensify, and new problems emerging, the world's security system is changing. This requires the discount christian louboutin CSTO member states to take Discount Louis Vuitton collective coordinated action christian louboutin to uggs on sale safeguard the security of Member States and regions.Putin ugg australia said CSTO will establish humanitarian center system, the first humanitarian center will be Christian Louboutin Daffodile set cheap christian louboutin up next year in christian louboutin remise 50% Armenia, uggs outlet after the formation ugg boots of similar institutions in Kyrgyzstan will.Putin also expressed concern about Air Jordan 11 Gamma Blue the situation in Afghanistan. He said the extremist Cheap Louis Vuitton Handbags organization "Islamic State" Cheap LV Handbags militants had infiltrated into Afghanistan, and christian louboutin shoes there is the possibility Discount LV Handbags to expand in Central Asia. CSTO member states should take pre-emptive measures to eliminate ugg soldes the cheap nike jordan shoes threat, wholesale jordan shoes we must strengthen supervision of Tajikistan and Afghanistan border.

    ReplyDelete
  15. You do not have to save so much money but a little everyday and by the month's end you have a reasonable amount.It helps also to Christian Louboutin Shoes Australia Outlet cut back on your costs and get rid of unnecessary spending.When the Slim flip-flops were released in 2006,they became an instant success,snapped up by Cheap Christian Louboutin Shoes Australia women all over the world.With a thinner foot bed and strap,they were ideal for girls and women to pair with shorts,skirts,dresses and pants.Havaianas christian louboutin shoes australia sale have become the most popular women's flip-flops in the world,with celebrities such as Gwen Stefani,Christina Aguilera,Sienna Miller,and Hilary christian louboutin shoes uk sale Duff sporting them in all Christian Louboutin Australia Outlet shades.Because Havaianas are available in a multitude of colours including fuchsia,turquoise and lemon yellow,they go well with Christian Louboutin Canada Outlet any outfit,from casual to more formal.Of course,Havaianas also come in basic colours for those who like their footwear cheap christian louboutin shoes a little more subtle:black,brown and gray flip-flops are always available.In 2009,Havaianas proved there cheap christian louboutin shoes uk was more to the company than basic men's,women's andchildren's flip-flops sandals.The Espaco Havaianas store opened in Sao Paulo,selling new styles Cheap Christian Louboutin Australia of Havaianas flip-flops,customizable Havaianas,sneakers,bags,and more.With over two billion pairs of Havaianas sold christian louboutin shoes usa sale since 1962,it's obvious the company is still going strong.It's only a matter of time until the christian louboutin usa sale next gotta-have-it style is released by Havaianas,whose comfortable and durable footwear has Christian Louboutin Shoes UK Sale become a wardrobe essential worldwide.Something all of us have to appreciate is that toe nail fungi is real and 1,000,000's of people around the worlds are affected by it.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...