Tuesday, October 29, 2013

Pipe Dream... Part 4


Image from Google
"Ang magandang simula ay hindi nangangahulugan na maganda rin ang katapusan... at ang pangit na simula ay hindi basehan nang hindi magandang pagtatapos... ang mahalaga ay ang mga bagay na gagawin mo sa pagitan nang simula at wakas... mga bagay na magdadala sayo sa katuparan nang isang pangarap."


Mabigat man sa loob, hayaan mong ipagpatuloy ko pa ang kwentong ito. Para sayo ang karugtong na ito... Oo ikaw na matagal ng nilimot ng tadhana.

Let's Dream On....

Bagsak ang balikat... pawis at luha ay may halong dugo... literal na masakit ang mga binti... I can barely walk at nagpaltos na yata pati mga kalyo sa aking mga paa (exaggerated?). Kung ang unang gabi sa nirentahan kong kwarto eh pinakamahabang gabi... ang nagdaang maghapon naman ang pinakamahabang araw para sa kin.

Lumangitngit ang spring ng kama kong bakal ng pabagsak akong humiga sa pagod. And everything went black. Knock out, tulog agad. Hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakatulog, nagising lang ako sa tawag ni Ex-GF. Excited syang makipagkita dahil weekend at walang pasok. Kahit gusto kong magpahinga, no choice, or else di ako patatahimikin ng UST Tigress.

Here's the plan: Sundo sa kanila, punta sa mall, kain sa mc do (sabay kapa sa wallet), hatid sa bahay nila, mag stay lang ng ilang oras sa kanila, tapos uwi na ko. (Oo! ganyan lang routine namin, parang di ka naniniwala? lol)

Habang binabaybay ng driver (ng jeep) ang kahabaan ng Quezon Ave, panay ang tingin sa amin ng ibang pasahero. Tingin na nagsasabing di kami bagay. Sa ganda ba naman ng kasama ko... eh kasi naman hindi ako gwapo (panget ka lang) lol. Joke lang yan, at ito na nga, pumara na kami sa harap ng subdivision nila. To make the trip short, (fast forward) nasa loob na kami ng bahay nila agad-agad, (bilis no? Excited?)

Habang naghahanda si Ex-GF, NG MERIENDA! Take note merienda, naisipan kung dumalaw sa banyo nila dahil sa tawag ng kalikasan... walang akong ka-idi- idea na i was in for a surprise of a lifetime. Malaki ang banyo nila, maliligaw ka pag di mo kabisado haha. Eto na nga, pagbukas ko ng pintuan... ako'y natulala! Nanigas! Di makagalaw! Para akong natuklaw ng ahas! Dahil sa aking nakita! Bumulaga sa aking harapan ang nanay nya, in her naked glory! As in, all in! Nakita ko ang di dapat makita! At hindi kaaya-aya ang tanawin! Awkwardness to the highest level.

Kung meron akong pinakamahabang gabi at pinakamahabang araw, ito naman ang pinakamabilis na sandali. Dali dali akong lumabas at nagpaalam na agad kay Ex-GF kahit masarap ang MERIENDA!

Palagay ko, di na ko makakabalik sa bahay nila! Palagay mo?

Lulugo-lugo akong umuwi. Panay ang sabi ko ng "Happy Thoughts" Happy Thoughts" baka sakaling mawala ang imaheng nakaukilkil sa aking isipan. Back to barracks! May oras pa para magpahinga.

At for the first time, naabutan ko si room mate na nasa kwarto namin. Medyo payat na mama na may goatee, may matapang na mata na medyo lubog at maitim ang paligid na parang pasa (laging puyat?) At may tattoo sa kaliwang braso na dragon. Medyo kulot ang buhok (salot?) at halatang batak ang katawan sa trabaho.  Hindi ako maka concentrate sa usap namin dahil may baril na nakasabit sa dingding malapit sa higaan nya at ibat-ibang size ng kutsilyo sa tabi nya. Kinakabahan man ay di ako nagpahalata... Masyado ng maraming kagulat-gulat na pangyayari sa araw na ito. Baka pag ako'y nag usisa ay matagpuan ang bangkay ko sa kanal.

Sa palagay mo... (di ka mapalagay?) ano ang trabaho ni room mate?

1. Security Guard
2. Bouncer
3. Holdaper (special target - Dunkin Donuts Outlet sa may Welcome Rotonda to be exact - Pipe Dream part 1)

Maayos naman akong nakatulog ng gabing iyon, dahil marahil ay pagod pa ang aking katawan at isipan. Maaga pa rin akong nagising, at talagang babalik ako sa trabaho ko. Wala naman akong ibang pagkakakitaan kung hihinto ako di ba? Inilagay ko na lang sa isip ko na mas maraming may mabigat na sitwasyon kumpara sa akin. Kaya ko to! 3 in 1 Flashlight! Here I come!

Bihis ulit ng corporate attire! (magbe-benta lang naman ng flashlight lol). Paalis na ko ng magtanong si Room mate... "Brad, saan ka nagta-trabaho? Sa Bangko?" Wow! Mukhang taga banko pala attire ko... pwede na rin!

Honest naman ako, sabi ko sa Sales ako... nagbebenta ng Flashlight, sabay labas ko ng 3 in 1 flashlight product namin. Ang masaklap, tinawanan ba naman ako! Gusto kong bunutin yong baril nya sa dingding at paulanan sya ng bala ng walang humpay! Ang gandang umpisa neto... umaga pa lang wasak na ang araw ko!

Pagdating ko sa warehouse, konti na lang kaming bumalik! Ayos, walang masyadong kumpetensya sa bentahan... pero ibang produkto na raw ang ibebenta namin... Ano naman kaya? Kinakabahan ako... okay na ako sa flashlight :(

Itutuloy...

Abangan ang pagpapatuloy ng pakikipagsapalaran ni...   
Super M!



26 comments:

  1. nakakalokang 3 in 1 flashlight ayaw lubayan si super m!
    kumusta naman si roommie, kung ako yun, nasapak ko yun nung tinawanan ako..haha.. ay wait, may baril pala...

    kainis ah.. kuya mar pansin ko, ang hilig mo mambitin..lols..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sa next part iba na! Wala na yong flashlight hahaha

      Hindi ka mabibitin sa kasunod haha

      Delete
  2. oh my... da best ang awkward moment sa ex-future mother in law...

    ano na naman kaya ang bentahan? hmmmnnnn

    ReplyDelete
    Replies
    1. Unforgetable yon Senyor! Hahaha

      Ano nga kaya ang ibebenta ko? Hmmmm din! Haha

      Delete
  3. Kakatuwa magbasa ng life story mo:) keep it up. Aabangan ko:)

    ReplyDelete
  4. nakakabitin naman! haha!

    hmmm, baka nga pulis yon! Or killer, or magnanakaw, kaya tinatanong kung sa bangko ka nagtatrabaho. hahaha!

    Parang di ako mapakali sa nakita mo, after non ano? Parang shortcut naman masyado! haha!

    Next na! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Bitin ba? Di bale, may kasunod pa naman hahaha

      Hmmm, pwede rin! Pero mali hula mo! Hahaha

      Aba! Gusto pa detalyado? At parang gusto mo paidescribe ko in full details with vivid colors ang aking nakita! Hahaha

      Yup! Next na nga! :P

      Yes! Next na nga! :P

      Delete
  5. nakakabitin naman! haha!

    hmmm, baka nga pulis yon! Or killer, or magnanakaw, kaya tinatanong kung sa bangko ka nagtatrabaho. hahaha!

    Parang di ako mapakali sa nakita mo, after non ano? Parang shortcut naman masyado! haha!

    Next na! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Please see above reply! Hahaha

      #paulit-ulit #pinatulan

      Delete
  6. Napa OMG talaga ako ng nabasa na hubad na nanay ng iyong hot ex-gf ang tumambad sa banyo haha! Di man lang kasi marunong mag lock ng pinto, baka plinano nya yon ng makita mo sya hehe :)

    Aliw tong Pipe Dream series mo Mar! Pag umabot to ng part 100 pwede ng book :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Natawa naman ako dito sa comment mo! Pero baka nga sinadya no? Hahaha

      Naku! Hindi ito aabot ng 100 hahaha

      Delete
  7. Taray may bulaga factor ang peg ng part na to! Sir mar imishew

    ReplyDelete
  8. CSTO Collective Security Council meeting Putin in Moscow on the ugg same day, said the situation in the Christian Louboutin Bois Dore world Bags Louis Vuitton today is discount nike jordans undergoing rapid cheap jordans change, the ugg pas cher old problems continue to intensify, and new problems emerging, the world's security system is changing. This requires the discount christian louboutin CSTO member states to take Discount Louis Vuitton collective coordinated action christian louboutin to uggs on sale safeguard the security of Member States and regions.Putin ugg australia said CSTO will establish humanitarian center system, the first humanitarian center will be Christian Louboutin Daffodile set cheap christian louboutin up next year in christian louboutin remise 50% Armenia, uggs outlet after the formation ugg boots of similar institutions in Kyrgyzstan will.Putin also expressed concern about Air Jordan 11 Gamma Blue the situation in Afghanistan. He said the extremist Cheap Louis Vuitton Handbags organization "Islamic State" Cheap LV Handbags militants had infiltrated into Afghanistan, and christian louboutin shoes there is the possibility Discount LV Handbags to expand in Central Asia. CSTO member states should take pre-emptive measures to eliminate ugg soldes the cheap nike jordan shoes threat, wholesale jordan shoes we must strengthen supervision of Tajikistan and Afghanistan border.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...