![]() |
Image from Google |
Mabigat man sa loob, hayaan mong ipagpatuloy ko pa ang kwentong ito. Para sayo ang karugtong na ito... Oo ikaw na matagal ng nilimot ng tadhana.
Let's Dream On....
Bagsak ang balikat... pawis at luha ay may halong dugo... literal na masakit ang mga binti... I can barely walk at nagpaltos na yata pati mga kalyo sa aking mga paa (exaggerated?). Kung ang unang gabi sa nirentahan kong kwarto eh pinakamahabang gabi... ang nagdaang maghapon naman ang pinakamahabang araw para sa kin.
Lumangitngit ang spring ng kama kong bakal ng pabagsak akong humiga sa pagod. And everything went black. Knock out, tulog agad. Hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakatulog, nagising lang ako sa tawag ni Ex-GF. Excited syang makipagkita dahil weekend at walang pasok. Kahit gusto kong magpahinga, no choice, or else di ako patatahimikin ng UST Tigress.
Here's the plan: Sundo sa kanila, punta sa mall, kain sa mc do (sabay kapa sa wallet), hatid sa bahay nila, mag stay lang ng ilang oras sa kanila, tapos uwi na ko. (Oo! ganyan lang routine namin, parang di ka naniniwala? lol)
Habang binabaybay ng driver (ng jeep) ang kahabaan ng Quezon Ave, panay ang tingin sa amin ng ibang pasahero. Tingin na nagsasabing di kami bagay. Sa ganda ba naman ng kasama ko... eh kasi naman hindi ako gwapo(panget ka lang) lol. Joke lang yan, at ito na nga, pumara na kami sa harap ng subdivision nila. To make the trip short, (fast forward) nasa loob na kami ng bahay nila agad-agad, (bilis no? Excited?)
Habang naghahanda si Ex-GF, NG MERIENDA! Take note merienda, naisipan kung dumalaw sa banyo nila dahil sa tawag ng kalikasan... walang akong ka-idi- idea na i was in for a surprise of a lifetime. Malaki ang banyo nila, maliligaw ka pag di mo kabisado haha. Eto na nga, pagbukas ko ng pintuan... ako'y natulala! Nanigas! Di makagalaw! Para akong natuklaw ng ahas! Dahil sa aking nakita! Bumulaga sa aking harapan ang nanay nya, in her naked glory! As in, all in! Nakita ko ang di dapat makita! At hindi kaaya-aya ang tanawin! Awkwardness to the highest level.
Lumangitngit ang spring ng kama kong bakal ng pabagsak akong humiga sa pagod. And everything went black. Knock out, tulog agad. Hindi ko na alam kung gaano katagal akong nakatulog, nagising lang ako sa tawag ni Ex-GF. Excited syang makipagkita dahil weekend at walang pasok. Kahit gusto kong magpahinga, no choice, or else di ako patatahimikin ng UST Tigress.
Here's the plan: Sundo sa kanila, punta sa mall, kain sa mc do (sabay kapa sa wallet), hatid sa bahay nila, mag stay lang ng ilang oras sa kanila, tapos uwi na ko. (Oo! ganyan lang routine namin, parang di ka naniniwala? lol)
Habang binabaybay ng driver (ng jeep) ang kahabaan ng Quezon Ave, panay ang tingin sa amin ng ibang pasahero. Tingin na nagsasabing di kami bagay. Sa ganda ba naman ng kasama ko... eh kasi naman hindi ako gwapo
Habang naghahanda si Ex-GF, NG MERIENDA! Take note merienda, naisipan kung dumalaw sa banyo nila dahil sa tawag ng kalikasan... walang akong ka-idi- idea na i was in for a surprise of a lifetime. Malaki ang banyo nila, maliligaw ka pag di mo kabisado haha. Eto na nga, pagbukas ko ng pintuan... ako'y natulala! Nanigas! Di makagalaw! Para akong natuklaw ng ahas! Dahil sa aking nakita! Bumulaga sa aking harapan ang nanay nya, in her naked glory! As in, all in! Nakita ko ang di dapat makita! At hindi kaaya-aya ang tanawin! Awkwardness to the highest level.
Kung meron akong pinakamahabang gabi at pinakamahabang araw, ito naman ang pinakamabilis na sandali. Dali dali akong lumabas at nagpaalam na agad kay Ex-GF kahit masarap ang MERIENDA!
Palagay ko, di na ko makakabalik sa bahay nila! Palagay mo?
Lulugo-lugo akong umuwi. Panay ang sabi ko ng "Happy Thoughts" Happy Thoughts" baka sakaling mawala ang imaheng nakaukilkil sa aking isipan. Back to barracks! May oras pa para magpahinga.
At for the first time, naabutan ko si room mate na nasa kwarto namin. Medyo payat na mama na may goatee, may matapang na mata na medyo lubog at maitim ang paligid na parang pasa (laging puyat?) At may tattoo sa kaliwang braso na dragon. Medyo kulot ang buhok (salot?) at halatang batak ang katawan sa trabaho. Hindi ako maka concentrate sa usap namin dahil may baril na nakasabit sa dingding malapit sa higaan nya at ibat-ibang size ng kutsilyo sa tabi nya. Kinakabahan man ay di ako nagpahalata... Masyado ng maraming kagulat-gulat na pangyayari sa araw na ito. Baka pag ako'y nag usisa ay matagpuan ang bangkay ko sa kanal.
Sa palagay mo... (di ka mapalagay?) ano ang trabaho ni room mate?
1. Security Guard
2. Bouncer
3. Holdaper (special target - Dunkin Donuts Outlet sa may Welcome Rotonda to be exact - Pipe Dream part 1)
Maayos naman akong nakatulog ng gabing iyon, dahil marahil ay pagod pa ang aking katawan at isipan. Maaga pa rin akong nagising, at talagang babalik ako sa trabaho ko. Wala naman akong ibang pagkakakitaan kung hihinto ako di ba? Inilagay ko na lang sa isip ko na mas maraming may mabigat na sitwasyon kumpara sa akin. Kaya ko to! 3 in 1 Flashlight! Here I come!
Bihis ulit ng corporate attire! (magbe-benta lang naman ng flashlight lol). Paalis na ko ng magtanong si Room mate... "Brad, saan ka nagta-trabaho? Sa Bangko?" Wow! Mukhang taga banko pala attire ko... pwede na rin!
Honest naman ako, sabi ko sa Sales ako... nagbebenta ng Flashlight, sabay labas ko ng 3 in 1 flashlight product namin. Ang masaklap, tinawanan ba naman ako! Gusto kong bunutin yong baril nya sa dingding at paulanan sya ng bala ng walang humpay! Ang gandang umpisa neto... umaga pa lang wasak na ang araw ko!
Pagdating ko sa warehouse, konti na lang kaming bumalik! Ayos, walang masyadong kumpetensya sa bentahan... pero ibang produkto na raw ang ibebenta namin... Ano naman kaya? Kinakabahan ako... okay na ako sa flashlight :(
Itutuloy...
Abangan ang pagpapatuloy ng pakikipagsapalaran ni...
Super M!