Saturday, August 24, 2013

Pipe Dream... Part 3

Credit to the owner of this Photo

"Ang magandang simula ay hindi nangangahulugan na maganda rin ang katapusan... at ang pangit na simula ay hindi basehan nang hindi magandang pagtatapos... ang mahalaga ay ang mga bagay na gagawin mo sa pagitan nang simula at wakas... mga bagay na magdadala sayo sa katuparan nang isang pangarap."

Para sa mga naghihintay ng kasunod nang Pipe Dream... malugod ko pong inihahandog sa inyo ang part 3! 

Medyo hindi naging maganda ang ending nong part 2 dahil nilangaw ito, una dahil mangilan ngilan lang ang nagbasa, pangalawa, dahil nag amoy ebak ang last part. Pagpasensyahan nyo na po. Babawi na lang ako dito sa part 3.

Ang pagpapatuloy...

First day ko sa bagong work and I'm so excited. Maraming naglalaro sa aking isipan kung anong klase ba ang work na ibibigay sa amin. Naiimagine ko din kung anong itsura ng magiging work station ko. May computer kaya o laptop? may drawers? Malaki kaya ang aking table? I was kinda daydreaming habang sakay ng dyip. Pinaghalong kaba at excitement ang aking nararamdaman ng mga oras na iyon. Magkakaalamanan maya maya lamang.

And so everyone who was hired that day ay nagkakatipon sa loob nang warehouse. Doon daw i-aanounce ang schedule at nature nang work namin. Again habang naghihintay sa HR, narinig ko na naman ang kalembang ng kampana at kasunod ay ang masigabong palakpakan. Ano ba kasi yon? Hindi naman sya scheduled bell, kundi randomly na pag may dumating eh kakalampagin ang kampana. 

Sa wakas, dumating din ang matagal naming hinihintay, ang pag-aanunsyo ng aming magiging kinabukasan. Sa hinaba haba ng sinabi nong HR, isa lang ang naintindihan ko. SALES! Sales, benta, tinda. Magbebenta o magtitinda daw kami. Hindi lang basta tinda, ilalako mo sya. Umalis nga ako sa pagtitinda ng donuts, sa pagtitinda pa rin ang bagsak ko.

Hindi naman sa minamaliit ko ang pagtitinda, marami ang yumaman sa pagtitinda. Sipag at tiyaga, baon ang matamis na dila, marami ang nagtatagumpay sa larangang ito. At itong ito rin ang pananalita na ginamit ko para subukang magtindang muli, but this time, ibang klase na ang aking itinitinda... ang aking katawan! Joke!

Nahati kami sa apat na grupo at nagbigay ng isang team leader na hahawak sa bawat grupo. Pagkatapos ng mabilisang pagpapakilala sa bawat isa, agad-agad na kaming sumakay sa mga jeep na nakaparada sa labas ng warehouse. Kaya pala maraming nakaparadang jeep doon sa harap. Ang buong akala ko ay may terminal don ng jeep. Maraming namamatay sa maling akala. Ukupado na ang kalahati ng jeep ng mga naglalakihang boxes, at ang kalahati ay kaming mga sales representative daw ang uupo. At habang lulan ng pampasaherong jeep na ngayon ay private na dahil isinara ang pintuang stainless sa pasukan, unti-unti ng naglalaho ang pangarap ng isang magarang opisina.

Katabi ang mga malalaking box sa masikip na dyipni, nagsimula ng mag explain ang team leader namin. Inilabas ang sampol na ititinda o tamang sabihin na ilalako namin. "Flashlight na 3 in 1" Hindi ko na matandaan ang iba pang features ng flashlight na yan. Basta ang alam ko, yan ang ititinda namin for this particular day. Finally, we reach our destination... Sa isang mataong lugar sa Quezon City. Kanya kanya na silang baba, bitbit ang sales kit at ilang mga panindang flashlight. Hesitant akong bumaba, malayo ang tinatakbo ng utak ko ng mga oras na iyon.

Ito ba ang klase ng trabaho na pinasok ko? Nagtapos ako sa colegio para magtinda ng flashlight? Nahihiya ako sa sarili ko, sa parents ko, sa mga kapatid ko, sa mga kakilala ko. Pano pag katok ko sa bawat pintuan ng bahay ay kakilala ko pala ang nakatira? Buti sana kung house and lot ang ititinda ko, o kaya kotse, or condo unit, pero hindi eh, flashlight ito. Flashlight na 3 in 1. Yan ang mga salit-salitang naglalaro sa utak ko. Hindi pa sana ako baba kundi lang ako tinawag na nong team leader namin.  

At nagkanya kanya na kaming pasok sa mga sanga-sangang kalsada, kumakatok sa bawat bahay, kumakausap sa mga tambay, pinapasok kahit anong sangay na madaanan. Kailangang may maibenta dahil kung hindi, wala kang porsyentong maiuuwi. Yes, tama kayo sa nabasa nyo. Walang fix na sahod, kailangan mong makabenta para sa kakarampot na bahagi ng iyong napagbentahan.

Pagod, masakit ang paa sa kakalakad, ang balikat ay bagsak na sa kahon-kahong pasan. Para sa kin, isang malaking achievement ang maka-survive sa unang araw na yon... at sa pagbalik sa warehouse na aming pinanggalingan... isang masayang kalembang ang pumukaw sa aking pagal na kaisipan.

Ang pagkalembang ay tanda na ikaw ang top seller sa araw na yon. Na nai-dispatch mo lahat ang iyong paninda at humigit ka pa sa quota na itinakda. Isang karapatang ibinigay sa mga taga-pagtinda na makakabenta ng malaki. Ang humataw sa bell na nasa gitna! Yon pala yon. Ngunit hindi naitaas ang aking kumpiyansa sa sariling magbenta sa kaalamang ito. Ang gusto ko lamang ay makauwi at makapahinga.

Pero ano nga ba ang uuwian ko? Makakapag pahinga ba ko sa inuupahan kong kwarto? Sa isiping yan, kahit sino ay hindi rin magiging excited na umuwi para magpahinga.

Bukas, babalik pa ba ako? Kaya ko pa ba? May lakas pa bang natitira sa akin at kapal ng mukha para magtinda?

At isang larawan ang nakikita ko, ang papel kung saan isinulat ko ang aking pangarap, ay nagmistulang nilamukos na...

Itutuloy...

Sa gitna ng kawalan ng pag-asa, kapit lang...
By Super M



51 comments:

  1. Ay bat ganun.. Frustrating naman tong parteng to kuya Mar, nag expect kasi akong baka construction worker napasukan mo sa sales pala lol. In fairness, bagay yung porma mo dun pero kidding aside dapat sinabi talaga sa inyo ano mmagiging work nyo. Tsk tsk, masasabi kong isa itong estratehiya ng panlilinlang ng kapwa. Alam kasi nila, marami ang gustong magkaroon ng trabaho kaya kahit ano at kahit mahirap go lang ang Pinoy, yun ang akala nila! Hay... abang nalang ako ng part 4 baka masaya na ulit ang kwento mo.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Deceiving tactics nga, Syempre andon ka na so marami kaming gustong mag try. Sometimes we end up accepting it na lang, kesa walang ginagawa. Baka sakali...

      Delete
  2. Ayy ganon pala. Door to door! At ano yung 3in1 na flash light? 1. ilaw. ano yung 2nd and 3rd na features?

    Nakakabitin naman ito! Wait ko to bukas. Bukas agad? haha! Ano nga kaya ang gagawin ni super M? uuwi ba sya? or tutuloy bukas ulit sa warehouse? at ano naman yung nakasulat sa papel na yon? ABANGAN SA MGA SUSUNOD PANG KABANATA SA ISTORYANG PINAMAGATANG PIPE DREAM!

    Kuya Mar nasayo pa ba yung papel na yon?

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo D to D!

      1. Ilaw
      2. Siren
      3. Alarm Clock

      Abangan ang susunod na kabanata hahaha... Wala na sa kin yong papel! Nawala na haha

      Delete
  3. Sinabi mo ba agad sa Ex GF mo kung ano yung nature ng trabaho mo? Anong sabi nya?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Abangan sa susunod na kabanata! haha

      Delete
  4. Nakaka-awa naman yung experience mo ngunit... baha ha ha ha sakit ng tyan ko katatawa habang ini-imagine ko si Super M naglalako ng flashlight na 3 in 1 (Ang sama ko sensya na!) baha ha ha ha lalo akong natawa sa tanong ni Pao Pong kung ano yung 2 other features nung flashlight BAHA HA HA HA :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baha? hahaha Baha pa rin ba dyan sa inyo? haha

      Interesado si Pao Kun sa Flashlight hahaha

      Delete
  5. Alam mo kuya mar nung pumunta ako ng manila gusto ko tlga mging merchandiser hihihi ,
    Kung nalagay ka man sa ganung sitwasyon may ibig sabhin yun,

    Sometimes ang isang pangarap ay may sanga sangang pagdadaanan ... Hihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ah talaga? Tama ka, may natutunan naman ako sa sitwasyong yan!

      Correct, sanga-sangang daan that leads to something hahaha

      Abangan!

      Delete
  6. Lahat yata tayo dadaan sa mga pagsubok at kakapit kung kakailanganin. Kaya nga dapat itinuturo sa mga kabataan na blessings ang makapag-aral. Sabi mo nga, nag kolehiyo ka pero sa pagtitinda ng flashlight ka napunta, ehi simula lang naman yan. The flashlight gave you the light, kaya ka nagsumikap at nasa kalagayan mo ngayon. Ang dalawang features ng flashlight: pampukpok ng ulo kapag may kawatan o kaaway at pampasok sa puwit para maging alitaptap, ha,ha,ha.

    Gusto mo palang magbenta ng katawan, hindi mo sinabi sa akin para ikaw ang pambato ko sa aking bahay aliwan, ha,ha,ha. Ser, gusto ninyo ba ng superM, yan po, bago yan, sariwa, super M ( insert mo na lang kung ano yung M mo: malaki, mataba, malusog, malakas...)

    (Malungkot ako ngayon kaya puro ka-ek-ekan ang laman ng aking comment, sensya na!)

    ReplyDelete
    Replies
    1. y sad ser jo?!

      tawa ko nang tawa dito habang nagbabasa. pano nga ba i-a-upsell si kuya mar?! hehehe...

      Delete
    2. Yccos, gawin natin itong chat room at pag tsimisan natin si Super M, ha,ha,ha. Na miss ko lang Pinas, so sad ako, tagal pa ng five months, waahhh!!!

      Ikaw naman tinawag mo siyang mamang tubero, may naisip na naman akong trabaho, he,he,he.

      Delete
    3. Another side of yours sir Jonathan. Palabiro ka rin pala. Kakatuwa:)

      Delete
    4. Ayan sumali pa si Ms. Joy, hindi na toh lalangawin, marami nang comments eh, ha,ha,ha. Sana naman hindi ako ma-block sa blog na ito.

      Delete
    5. Mabilis lang ang panahon sir jo :) mag-be-ber na nga oh! Hindi tayo iba-block ni llyodi... mawawalan sya ng pansklab... Hihihihi...

      Delete
    6. malungkot din sana ako pero nawili ako sa comment mo sir Jo, hahaha winner!

      Delete
    7. At ibenenta si Super M! ha ha ha

      Jonathan ikaw ba yan? Sige malungkot ka pa. Nakaaliw ka pala pag nalulungkot ka ha ha ha

      Delete
    8. Wow! Wala akong kamalay-malay... nagkakabentahan na pala dito hahaha

      Delete
  7. Nakaka pagod nga ang experience mo dito Mar, biglaan ang mga pangyayari! At siguro na miss mo mag tinda na lang ng donuts kesa sa 3 in 1 flashlight, kasi ang donut pwede kainin pag nagutom ka hehe.

    Sa part 4 kaya kakalembang para sa iyo Mar? O move on na sa ibang trabaho? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sinabi mo pa, mas gusto ko na magtinda ng donuts! hahaha

      Abangan natin sa susunod na kabanata...

      Delete
  8. Ang sakit naman sa puson ng kwento mo Kuya Mar... Nakakabitin... May dugong sales ka rin naman pala... Apir!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, Oo naman from selling donuts to flashlight hahaha

      Delete
  9. naimagine ko si lloydi nagtitinda ng flashlight! aynaku....

    feeling ko di na bumalik si kuya mar...

    anobayan...ako na naggawa ng kwento...asan an yung part 4! mamang tubero, pakidugtungan ng happy thoughts ang kwento... kabitin..

    ReplyDelete
    Replies
    1. buti nga sana kung si Lloydi, maraming bibili hahaha

      Abangan na lang natin sa susunod!

      Delete
  10. galing mo mag kwento sir mar navivisualize ko talaga sa isip ko!
    nice hirap ng trabaho mo nun ahh, di biro ung mag lako
    nakaka bitin naman eto daig pa ang telenobela sa suspense ehh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Telenobela naman to si MEcoy hahaha, oo mahirap pero marangal naman. Yon naman ang mahalaga di ba?

      Delete
  11. Mahirap nga work na yan. Kahit ako di ko rin linya mag tinda. Mahiyain ako. I tried to sell fish from house to house before to earn money to support my three kids. Lako ng isda sa init ng araw or ulan. Pero lagi lang akong nababarat at nalulugi. Nanakawan pa ng isang timbang isda. Tapos, mga bastos pa mga lalaki. Palagi pag mag nadadaan ako na nag inuman, nangbabastos sila. Ako na lang ng ang bibilhim nila. Natakot na tuloy ako mag tinda. So doon nag end ang aking pagtitinda :)
    Anyway, that is a part of my life. At least ngayon I have apermanent job. And so are you Mar. But, I love knowing you more through your stories. Nakakalibang:) Baka matuto akong mag kape na rin dahil sa yo:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. I can imagine your hardship sa paglalako ng isda, parang pareho lang din, magkaiba lang tayo ng produkto. Mahirap sa puntong inyong nabanggit...

      Yes, good for us dahil we end up na maayos ang naging trabaho natin.

      Tara na! Kape na tayo Ms Joy hahaha

      Delete
  12. Waah, grabe din pala ang hirap na dinanas mo dati Kuya Mar >_<

    Naiimagine ko sa'yo ung commercial nung 90's na nagdo-door to door lalaki tapos may dalang vacuum cleaner ahehihihi :D yung may theme song na, "I'm gonna knock on your door, ring on your bell..." yan ganyans XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parang Electrolux ba yan? hahaha.. May bell din nga naman!

      Delete
  13. Nakakadepress naman to kuya mar. Di ko ata kakayanin yung ganitong trabaho. Maiiyak na lang siguro ako sa isang tabi kapag ganito yung nangyari sa akin. Hahahaha ang hina ko lang.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, wala naman sa itsura mo ang mahina!

      Delete
  14. Woah. So based sa mga comments, true to life 'to? Grabe ser, ang dami mo na palang naranasan.

    Naalala ko dati na may 3-in-1 flashlight kami, haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. may 3-in-1 kang flashlight? baka nabentahan kita dati hahaha

      Delete
  15. hayop! sobrang nakakatawa na mga nangyayari. di ko mapigilan mapahalakhak mag-isa. naranasan ko na rin yan. hindi pala. na'sa half way palang ako sumuko na. nung sinabi sa opisinang magtitinda kami ng "vetsin" sabi ko sa gitna ng orientation na mag-c-cr lang ako sabay diretso uwi na hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha grabe naman yan kapogi! Vetsin? naalala ko yan, yong sachet sachet na nakalagay sa hila-hilang box na may gulong hahaha

      Delete
    2. mismo! ang classic may banner kayong isusuot sa ulo hahaha. napikyur ko yung sarili ko kaya nag-back out agad.

      Delete
  16. CSTO Collective Security Council meeting Putin in Moscow on the ugg same day, said the situation in the Christian Louboutin Bois Dore world Bags Louis Vuitton today is discount nike jordans undergoing rapid cheap jordans change, the ugg pas cher old problems continue to intensify, and new problems emerging, the world's security system is changing. This requires the discount christian louboutin CSTO member states to take Discount Louis Vuitton collective coordinated action christian louboutin to uggs on sale safeguard the security of Member States and regions.Putin ugg australia said CSTO will establish humanitarian center system, the first humanitarian center will be Christian Louboutin Daffodile set cheap christian louboutin up next year in christian louboutin remise 50% Armenia, uggs outlet after the formation ugg boots of similar institutions in Kyrgyzstan will.Putin also expressed concern about Air Jordan 11 Gamma Blue the situation in Afghanistan. He said the extremist Cheap Louis Vuitton Handbags organization "Islamic State" Cheap LV Handbags militants had infiltrated into Afghanistan, and christian louboutin shoes there is the possibility Discount LV Handbags to expand in Central Asia. CSTO member states should take pre-emptive measures to eliminate ugg soldes the cheap nike jordan shoes threat, wholesale jordan shoes we must strengthen supervision of Tajikistan and Afghanistan border.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...