Sunday, August 11, 2013

Pipe Dream... Part 2


Photo Credit here

"Ang magandang simula ay hindi nangangahulugan na maganda rin ang katapusan... at ang pangit na simula ay hindi basehan nang hindi magandang pagtatapos... ang mahalaga ay ang mga bagay na gagawin mo sa pagitan nang simula at wakas... mga bagay na magdadala sayo sa katuparan nang isang pangarap."

Teka lang... kung hindi mo pa nabasa o binasa ang Pipe Dream... Part 1, pakibasa muna bago mo ituloy ang balak mong pagbabasa nang part 2. (Ang daming basa)

Book 1 part 2... Naks may ganyan? hahaha Part 2 lang po walang book! Feelingero lang. 

Saan ba ko huminto? Ah sa may Welcome Rotonda, sa Dunkin Donuts, holdapan at butas na monay (donuts)... Let's continue!

So yon nga, at natuloy ang balak kung pagre-resign sa Dunkin Donuts. Bakit kailangan kong mag resign sa DD? Hindi dahil sa isinulat ko sa papel, kundi dahil sa mga kadahilanang ito:

1. Kailangan ko nang medyo sosyal na trabaho, yong hindi crew, para naman di nakakahiya kay ex GF na taga Uste. 
2. Lumalaki ang pangangailangang pinansyal dahil ulet kay ex GF na taga Uste at syempre ulirang anak ako (di ba Nay?)
3. Ayoko na nang amoy donuts.
4. And last but not the least... para makaiwas na mapagbintangang kasabwat nang mga holdaper! hahaha.

And so I left and continue my journey... deeper and deeper into the wild forest of the City. Manila Bulletin ang aking karamay nang mga panahong ito. Katulong si ex GF sa pag scroll nang mga vacancy sa dyario, hanap, kaliwa at kanan sa Classified Ads. And Bingo! Wanted:_________. Bakit blanko? Wala kasing specific na positions, for sorting daw pagdating doon, magba-base daw sa qualifications at kung anong Degree of Education narating. Sounds Good! At eto pa, Please come in your business attire. Feels Good! So eto na, tinawagan ko, tanong-tanong kung pano pumunta at kung ano-ano pang other requirements ang kailangan.

Araw nang interview, todo porma si Super M, naka long sleeves na white, black slacks, black leather shoes at naka-kurbata pa nang dark gray na may slanting stripes na light gray and white sa katanghaliang tapat! Nakasampay lang sa aking balikat ang semi-formal na coat, just in case malamig aircon sa office. Naiimagine nyo ba? Poging-pogi! (Hindi po yan joke hahaha). Hindi ko alintana ang tagaktak ng pawis at basang kili-kili. Ang tanging layunin lang ay matanggap at magkaroon nang bagong trabaho. 

Pagdating doon, medyo nadis-appoint ako kasi para syang warehouse! Hindi pala parang, warehouse talaga. Maraming boxes, maraming tao, may foreigner, may pinoy, may chinese. At pila-pila ang delivery trucks! At kapansin-pansin ang bell sa gitna. Yong katamtamang laki nang kampana na inilagay sa gitna ng warehouse. Yong old school na bell, yong may lawit (lawit talaga?) na may tali. Paminsan-minsan may nag be-bell at nagpapalakpakan ang mga tao na parang nanalo sila sa lotto! Kala ko nga kalembang para sa breaktime yon, hindi pala. (I will expalin later bakit may ganyan)  

Interview portion na, at take note, ang dami naming aplikante! Pero kapansin-pansin na ang bilis-bilis lang nang interview. Parang lahat yata pasado. Natuwa ako nang slight kasi mukhang maraming vacancy at siguradong matatanggap ako. At tama kayo! Natanggap nga ako. Pinababalik kami lahat, yes lahat nang applikante eh natanggap, limampu yata kaming lahat na nag-apply. Konti lang no?  

Umuwi akong masaya, syempre! Ito na yata ang katuparan nang aking mga pangarap. Yahooo! Tawag kay ex GF para sabihin ang magandang balita! Wrong move! I-treat ko daw sya dahil may trabaho na akong bago! Patay na, mababawasan pa ang allowance ko. Di bale, babawian ko na lang sya after namin kumain! Sya naman kakainin ko! (joke!) (insert evil grin here) lol.

Later that day, naghanap na ko nang malilipatan na malapit sa place of work. Since wala talaga akong pang rent nang apartment, o condo unit, napadpad ako sa area nang Sampaloc. Bed spacer! Ito lang ang kaya nang bulsa, so be it. Choosy pa ba ko? Mula sa main road, papasok pa sa eskinitang pasikot-sikot, hanggang makarating sa dikit-dikit na bahayan. Yong parang makikita mo sa Header ng Blog ni Senyor Iskwater, ganong bahayan. Halos magkabungguan na ang balikat nang makakasalubong mo sa kitid nang daan.  And tadaaa! Ito? Ito ang kwarto na titirhan ko? Kwarto ba to? Isang maliit na silid, kahoy na tagpi-tagpi ang ang ding-ding na may pinturang asul (at least favorite color ko). Dalawang kama na gawa sa bakal na parang matetetano ka sa kalawang. Na pinatungan nang manipis na foam, isang unan at  sa taas neto ay may maliit na cabinet na gawa sa plywood. Kakaiba ang amoy. Parang galing sa nakulob na damit na di natuyo sa araw. Mainit, isang electric fan na maingay ang tunog na pag aagawan pa namin ni Room mate. Ukopado na yong isang kama, so dito ako sa kabila malamang.

First night, who said first night is the night to remember? Worst night of my life ko yata ito... di naman masyado. Ang hirap lang matulog. Malamok, wala akong kulambo. Pag nagkumot naman ako, mainit. At ang tatalino pa ng mga hinayupak na lamok na uhaw sa dugo. Kada ikot nong electricfan, inaatake nila parte nang katawan ko na di nahahanginan! At ramdam ko pa rin ang bakal na frame sa aking likuran. Ganito pala yong feeling nang pork chop na iniihaw. Kulang na lang may apoy sa ilalim ng kama. At  may sound effects pa. Lumalangit-ngit kada bibiling ako sa kaliwa at sa kanan. Panigurado, may guhit-guhit ang likod ko kinabukasan. Medyo lumamig lang ang paligid nang bumuhos ang ulan ng gabing iyon. At akoy nakatulog din sa wakas. 

So the night was over, only to be waken up by the splash of water. Tubig ba kamo? Tama, tubig baha! Kaya pala, kaya pala kinakalawang ang mga bakal na frame ng kamang ito ay dahil sa tubig baha. Hindi naman lagpas tuhod ang tubig. mga lagpas lang nang bukong bukong. Kaya pagbaba mo sa kama, tubig baha na ang maapakan mo. Okay lang sana kung tubig lang eh!!!!! Eh kaso meron pa! Meron pang iba na lumulutang, inaanod-anod, at sumasayaw-sayaw sa ibabaw nang tubig! Sinipat-sipat ko pang mabuti baka mali ako! Pero anak nang pitong kabayo, TAE nga! TAE!!!


Itutuloy ko pa ba? Gusto nyo pa bang malaman karugtong, kung anong nangyare sa aking Pipe Dream? Sige kayo, di nyo malalaman kung anong nakasulat sa papel! (nanakot pa hahaha) 
By Super M

51 comments:

  1. parang ung apartments sa ilalim ng tulay ung naiimagine ko na tinuluyan mo. at ewan ko kung namiss ko pero wala yatang nabanggit kung anong trabaho un. baka parang electrolux hehehe :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wala pang nabanggit kung anong trabaho, hahaha sa susunod pa malalaman.

      Delete
  2. Aba umiinsert kana ng punchline ah hehe at kakaibang kainan pa ang naiisip ko lol erase erase!

    Eww sa tae, thumbs up sa todo pormang interview at pagkatanggap sa bagong tabaho, pero ano nga ba ang naging trabaho mo at bakit andami nyo, construction worker?

    Hay, kaaliw naman magbasa nitong mala serye mong talambuhay hehe. nakakawala ng pagod after a long day at work :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha ano bang naiisip mo?

      Abangan natin sa susunod na kabanata!

      Salamat idol!

      Delete
  3. Magaling ang pagkuwento kasi nga hango sa buhay mo, mas maganda yan kung harapang isasalaysay with all the punchlines. Hindi ko aakalain na may ganito kang nakaraan, souces of inspiration and motivation to suceed. Sali mo sa kuwento kung bakit ex na lang si gf. Tsaka wala ba yung fan sa sahig, buti hindi ka nakuryente. Pati pala baha, naebak, binigyan mo sana ng tissue paper :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kitain mo kasi ako para kwentuhan kita hahaha

      Oo, yan talaga purpose neto, hindi madali bago narating ang kinalalagyan ko ngayon.

      Wala, nakapatong naman yon fan sa tabla. Yon pala purpose non haha

      Delete
    2. Super M masarap invite yang si Jonathan kahit Tarlac sinusugod nyan at dun umiinom ng Royal True Orange LOL :P

      Delete
    3. Aba, may side comment ang celebrity blogger. Susugod talaga ako, kahit pa nasaan kayo. One day, I took a plane, asked helped from a police officer, looked for my friend's house with the police as my driver and found my friend.

      Delete
  4. Nangiti naman ako dun sa lumulutang-lutang... may ganun?,hehe... (what a looooonnng dragging night siguro :)

    Mas gusgustuhin ko siguro yong experience ko sa inupahan ko sa Sta. Mesa...Nakatulog naman ako ng isang gabi kaso the next day, namumula na ang buo kong katawan dahil sa kati ...May mga surot pala sa kawartong iyon! (At kinailangan kong maligo sa kumukulong tubig para mawala ang kati) ...... Hindi na ako muling nagbalik pa sa kwartong iyon :(

    ReplyDelete
    Replies
    1. longest night nga yon hahaha

      Awww! Makati nga yan! Pugad nang surot ang napasukan mo hahaha

      Delete
  5. idol tlga kitang feature writer... naiimagine ko lahat habang binabasa ko to... oo, pati yung tae.. of all ikabibitin parts, sa tae pa tlga....bwahaha.....pero sige, go lang..wag mo kami ibitin....sa tae! hahaha....

    ReplyDelete
  6. Dapat may picture na nakalongsleeves with necktie!

    Pati parequest naman super M! Pakipahabain yung istorya ng kainan. hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Picture ka dyan! Wala! hahaha

      At interesado ka sa kainan! Basta talaga kainan di ka pahuhuli eh no? hahaha

      Delete
    2. Kala ko dapat may pic yung lumulutang na ebs ha ha ha!

      Hoy batang kuneho anong kainan ang pinapahaba mo dyan ha??? LOL. Kumain ka na lang ng nutella at pancake na nadaganan ng isang tonelandang cheese!

      Delete
  7. sobrang nakakatawa 'to kapogi. gusto ko yung feeling na binabato mo sa reader, na parang ako mismo ang nakakaranas. kowntinyu please! ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kapogi!!! salamat naman at nagustuhan mo hahaha

      Delete
  8. Next na agad!! Haha gustong gusto ko ng malaman kung ano ang work mo noon at ngayon. Para naman maitama ko na yung akala ko na secret agent ka. Haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Excited? hahaha

      Oo nga pala! Ang hula mo dati ay secret agent. Abang-abang lang nang kasunod para malaman. ;)

      Delete
  9. haha nice ang kulit mo pala sir mar kala ko ee pasmile smile ka lang haha
    nagiginginterisante pang lalo ahh, ganda mo magkwento navivisualize ko haha
    more more more

    ReplyDelete
    Replies
    1. makulit ba ako? hahaha natawa ako sa pasmile smile lang haha

      More? more praktis!

      Delete
  10. hahaha! yang ang reaksyon ko habang binabasa ang mga misadventures mo! sana wala ng mas masaklap pa kesa sa karanasan mong pumasok na baha with bonus na pupu haha! looking forward to parts 3 and more! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha we'll see Zai, kung may mas masakplap pa!

      Delete
  11. SO bakit nga nagpapalakpakan pag nagbe-bell? Ituloy na 'yan kung ayaw mong masaktan!
    Ano na nga update kay GF na taga-UST? Bilis, kwento pa!

    Salamat naman sa mention! hehehe...

    Ambaho ng ending!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Demanding ka ngayon Senyor ah! Wait lang!

      Walang anuman! hehehe

      Nangamoy ba? hahaha

      Delete
  12. Sobra kakatawa ko dito sa entry na eto. Grabe:)))
    Nabitin lang ako. Sana mas mahaba pa.
    Ako pag nag sulat ng story ko, napapaiyak mga readers. Buti dito naman napapatawa mo readers. Suits me well, dahil naiiyak din ako magbasa ng life story ko:)

    Dapat may kasunod agad ha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, buti naman napatawa ko kayo.

      Oo nga Ms Joy, kaka touch ang mga kwento nyo.

      Delete
  13. Ung pipe kembot mo pinaghalong drama at comedy , wats next? Suspense nmn sir mar hahaha , nu kaya ung trabaho , un ang aabangan ko

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, sige yong suspense horror naman!

      Abangan!

      Delete
  14. Replies
    1. Salamat sa pagdalaw dito sa aking lungga...

      Delete
  15. La pa bang kasunod? Need to smile this day:)

    ReplyDelete
  16. Woooooh katol pa XD

    Nabasa ko na din ung part 1, dito na lungs ako magko-kowments. Nakaka aliw naman pala ang mga kagila-gilalas na pakikipagsapalaran mo sa magulo, mainit at mausok na lungsod ng Maynila Kuya Mar. At napansin ko lungs, laging espesyal mention si ex-GF. Na curious namans tuloy ako kung sino sya ahehihihihi :D

    Dali part 3 na please? mejo mabantot ang ending nitong part 2 eh *evil grin*

    ReplyDelete
  17. Natawa ako sa last part! Ang saklap lang.

    Yung asul na kwarto, parang yan yung naging boarding house ko dati! Haha.

    ReplyDelete
  18. Yan! Yan exactly ang reason bakit ako nag back-out sa pagka college dito sa Manila dahil sa bed space hu hu hu. Di ko kayang matulog at gumising na may kasamang di ko kilala napa paranoid ako :(

    Pero hindi naman ganyan ka-worse yung titirhan ko dapat. Ka-horror naman yung kalawang at tae LOL.

    O sya nasan na ang kadugtong ng kwentong ebs? ha ha ha

    ReplyDelete
  19. shit (literal) impyerno naman yang napagdaanan mo sa bahay na yan... pero sige ituloy mo pa kuya

    ReplyDelete
  20. CSTO Collective Security Council meeting Putin in Moscow on the ugg same day, said the situation in the Christian Louboutin Bois Dore world Bags Louis Vuitton today is discount nike jordans undergoing rapid cheap jordans change, the ugg pas cher old problems continue to intensify, and new problems emerging, the world's security system is changing. This requires the discount christian louboutin CSTO member states to take Discount Louis Vuitton collective coordinated action christian louboutin to uggs on sale safeguard the security of Member States and regions.Putin ugg australia said CSTO will establish humanitarian center system, the first humanitarian center will be Christian Louboutin Daffodile set cheap christian louboutin up next year in christian louboutin remise 50% Armenia, uggs outlet after the formation ugg boots of similar institutions in Kyrgyzstan will.Putin also expressed concern about Air Jordan 11 Gamma Blue the situation in Afghanistan. He said the extremist Cheap Louis Vuitton Handbags organization "Islamic State" Cheap LV Handbags militants had infiltrated into Afghanistan, and christian louboutin shoes there is the possibility Discount LV Handbags to expand in Central Asia. CSTO member states should take pre-emptive measures to eliminate ugg soldes the cheap nike jordan shoes threat, wholesale jordan shoes we must strengthen supervision of Tajikistan and Afghanistan border.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...