Monday, August 19, 2013

Instant Coffee Break

Power Shut down sa Caravan Office namin kanina... just saying. Masaya lang ako kasi feeling rest day. Hindi makapag trabaho dahil nakadepende sa kuryente ang halos lahat nang bagay dito sa mundo. Which is a good thing kasi makakapagpahinga ako. Kaso, panandaliang aliw lamang ang nangyari... Ilang minuto pa lamang ang nakakalipas eh nag shoot up na ang temperature sa apat na sulok ng kwarto ko. The result? Pinagpawisan na naman ako ng butil-butil. Kaya ang ginawa ko para malamigan eh ito:

My Third... 

Instant Coffee  Break!

So, para malamigan, kailangan ko magkape. Yong mainit na kape. Looks Family ba? Empi of Kol Me Empi and Jun of Life and Spices  hahaha Kasi po tinatawanan ako ng dalawang panget na yan habang tumatagaktak ang pawis ko sa init eh umiinom ako ng mainit at napakasarap na  kapeng barako sa Caleruaga. Bakit ba? Wala namang rules na bawal uminom nang kape pag pinapawisan ka ah.

So inulit ko sya kanina, ang kaibahan lang eh sa Starbucks ako nagkape para medyo alam mo na. At ito ang napagtripan kong inumin at kainin! 


Kailangang buong tasa muna ang ipakita...


Tapos, medyo I zoom mo ang camera mo sa bandang taas ng mug...

Tapos i-focus mo ang camera mo sa ibabaw ng mug na kita na ang buong laman... 
Napansin mo ba ang special effect na gusto kong ipakita sa tatlong larawan? Kung hindi mo napansin, bahala ka hindi ko sasabihin! lels (tawa ni Otep of Libre lang ang Mangarap)

At ito ang kapartner nyan, ang masarap na cheese croissants, na napasobra yata ang init sa microwave dahil napaso ako sa unang kagat! (takaw kasi haha)

Masarap, mainit... sa unang kagat (Parang title nang ewan na movie)
Natapos ko nang inumin ang kape at lantakan ang croissants na ito ng mapatigil ako at mapaisip. Bigla kong na miss ang mga nakakapehan at naka-umpugang tasa ko sa mga coffeshop sa Pinas (bloggers and non-bloggers). Musta na kaya sila? Sana naaalala rin nila ako habang umiinom sila nang mainit at masarap na kape.....

Hanggang sa muling paghigop...
By Super M 

82 comments:

  1. ito humihinga pa at nakikibaka sa baha sa pilipinas nyahahahaha... di naman ako basta basta lulubog, may built-in akong salbabida lolz

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha built-in talaga? Ingat kayo dyan Rix! Puro baha nakikita ko sa FB at news!

      Delete
  2. Hayaan mo at mag kakape rin tayo pag tayo ay nagkita at ako naman ang gagawa ng posting tungkol sa kape. Kailangan talagang magpapicture ng tasa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. sabi mo yan ah! aasahan ko yang kapehan natin hahaha

      Oo, kailangang magpa-picture ng tasa.

      Delete
  3. Naku ang daming nakaka-relate ngayon dito. Daming nagkakape sa loob nga lang ng bahay at baha everywhere. Nowhere to go and stay put ang peg ngayon dito :( Sarap ng croissant tulo laway ako. San kaya may delivery nyan ngayon? But baka yung bangkang gagamitin sa pag deliver sakin eh hiramin sa rescue... wag na nga... kawawa naman ang mga kababayan natin ngayon Super M :(

    San na yung Part 3 ng Pipe Dream a.k.a ebs post?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga, kawawa naman ang mga apektado ng baha... laging baha nakikita ko sa news! Ingat kayo dyan! Nakakaguilty din naman, ako pakape kape lang dito sa starbucks habang binabaha ang mga kababayan natin

      Tinatapos ko pa yong part 3 wait lang hahaha

      Delete
  4. Ano kaya ang gusto mong ifocus?....hmmm.. sabagay, di mo nga pala sasabihin...(haha, slow ako ngayon...dati pa pala )... Anyway, sarap magkape dyan kaso hindi kasarapan ang presyo, joke lang -- hehe)
    Awesome break! Sarap!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha di ko sasabihin, pero pag pinilit ako baka sabihin ko din hahaha

      Naku sir Ric, kayang kaya mo ang presyo ikaw pa!

      Delete
  5. Excuse me?? ang init naman talaga kaya, so napakape ka.. hahah, kakamiss yung moments nateng tatlo. Uwi ka na panget!

    Anu ba gusto mo ipahiwatug sa 3 piktyurs? o Nagiingit ka alng?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Excuse me din! tinikman ko kaya ang kape ko at nasarapan ka! hahaha Malapit na ko umuwi pamget kaya mag-ready na kayo haha

      Oo, iniinggit kita haha

      Delete
    2. May banda pa? Samahan mo na rin ng lechon! Saka red carpet! hahaha

      Delete
  6. 1. Masarap ang mainit na kape.
    2. Gusto ko yung barako.
    3. Masyado akong natatamisan sa mukha ng kape mo diyan sa overpriced na coffee shop.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. Agree
      2. Gusto ko din, ubos na nga yong pabaon ni Ycos sa kin na kapeng barako.. calling Ycos hahaha
      3. matamis talaga ser hahaha at pag nagkita tayo eh dapat sa overpriced din na coffe shop tayo mag kape! haha

      Delete
    2. 1. There's a place I know that serves the best cappuccino :)
      2. Ayan e kung magkikita pa nga tayo. Haha.

      Delete
    3. 1. Ah talaga? Sige! Saan yan?
      2. Parang ayaw mo makipagkita ah hahaha

      Delete
    4. ahahaha.. lagi ako sa cafe de lipa... pano kita papadalhan ng kape jan?! hehehe.. in spirit muna?...hahahaha

      Delete
    5. @yccos -Sige, pwede na yang in spirit hahaha

      Delete
  7. Bakit third?

    Anog yung gusto mo ipakita?

    Okay naman kami dito, lagi pa rin akong nagkakape. ;) Ikaw ba jan? Pakisabi sa pinuno ng UAE ipahakot ang ulan dito papunta jan. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kasi pang third lang sya...

      Kitang kita naman ah? Na Iniinggit lang kita, hahaha

      Ah buti ka pa, madalas magkape... ayos lang naman dito... mainit pa rin. Sige ipapahakot ko na ang ulan dyan papunta dito. haha

      Delete
    2. Tingin ko alam ko kung bakit... 1st is home, 2nd is work, 3rd is Coffeeshop! ;)

      Delete
  8. Dahil di ko mahulaan talaga, pinakain ko nalang ang mga isda mo jan sa nuvali!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat hahaha, suko na agad? tsk tsk!

      Delete
    2. @Pao - binaha din yang part ng Nuvali sa Sta. Rosa diba?

      *pokes Kuya Mar*
      XD

      Delete
    3. Ay hindi ko sure Pusa! Parang di naman. State of Calamity daw sa Calamba pero di naman ramdam. Siguro sa ibang part lang.

      Delete
    4. Okay lang bahain ang Nuvali, para mabawasan ang mga sugapang isda doon hahaha

      *pokes back Feeyeel sa mata* hahaha

      Delete
  9. Nang inggit! Hahaha mishew sir mar!

    ReplyDelete
  10. Tama, hindi naman bawal uminom ng mainit na kape pag pinagpapawisan hahaha...

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha! yon! may nag-a-agree sa kin hahaha

      Delete
  11. Pawis na nga inom pa ng mainit na kape, yan ba ang bagong slimming diet ngayon? Haha.

    Hindi ko rin makuha yung special effects. Ang mahaaaaaaal kasi ng kape. XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, dobleng pampapawis! yan ang bago ngayon!

      Na distract sa mahal na kape hahaha

      Delete
  12. ganda ng pagkaka kuha ah hehehe

    tagal ko ng di nagkakape..... milk na kasi ako ngayon hehehe

    nakaka miss din ang mag coffee -- lalo na kung may ka partner...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat!

      Kape na may gatas pwede naman sir Jon hahaha

      Uyyy, lumalablayf! haha

      Delete
  13. Totoo.. kailangan na ng technology ngayon sa lahat ng bagay.. kahit nga paghinga minsan eh.. hehehe..

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha Oo nga, di na makakilos pag nawala na ang teknolohiya! Tama ka dyan!

      Delete
  14. sarap nung kape parang ice cream nung ni-focus haha.

    matakaw ako sa croissants, fave kong breakfast yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kape tayo Miss Gracie! Pag-uwi mo hahaha

      Fave ko rin ang croissants! Partner din sa kape.

      Delete
    2. Mahiyain ako sa personal kuya Mar pero sige pwede tayo magkape basta uuwi ka rin ha hehe

      Delete
  15. naglaway ako sa caramel macchiatto..... huhuhu.. wala pang sweldo...lol

    kape ang bumubuhay sakin ngayong panahon ng bagyo. kape sa umaga, bibisita sa mga nasalanta, kape sa hapon, babalik sa harap ng computer, kape sa madaling araw.. napapanic ako sa ganitong weather.. at oo, nagpapapalpitate na ko kakakape... pero gusto ko pa din.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dalaw dalaw din sa coffee shop paminsan-minsa hahaha

      Ayos yan! Kape everyday! Kape all the way!

      Delete
  16. ayun oh!! kape-kape!! tamang tama sa malamig na panahon... anu nga ba ang dapat mong ipakita sa tatlong larawan na yun?!!

    Anyway mabuti naman kami, sana ikaw din!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayos din naman Axl! Kape kape lang din dito, haha

      Delete
    2. ithda may kinalaman sa videography. Yung effect na parang vision mo yung lens ng camera. And based don sa 3 pics... Pinapakita don yung effect na iinom yung tao sa mug. :)

      Delete
  17. isa ako sa sang ayon sa pg inom ng kape kahit mainit! para extra hot haha :)

    ang ganda naman ng mug dyan, uwian mo naman kami Mar! nainggit ako sa tatlong picture ng mug at hindi sa laman na kape hehe :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. yes! Agree! Para extra hot! haha

      Sure Zai! One mug na kasing ganda mo! :)

      Delete
  18. uu naalala kita kuya Mar... naalala ko din yung nagkape tayo sa nuvali kahit super init..haha!.. yey uuwi na sya ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, nakaka miss nga yong nuvali food trip natin! Uulitin natin yon, kaso di pa ko uuwi! :( nalungkot hahaha

      Delete
  19. Promise patikimin mo ko nyan pag nagkita kita tayo mga bloggers sa Pinas ha? :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sure Miss Joy! Kita kits tayo at matitikman mo yan hahaha

      Delete
  20. maayos naman kami hehehe. ingat lagi ha. at ung questionnaire pasubmit na oi! lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, sige, isubmit ko bukas, rest day ko naman kaya matatapos ko na sagutan, ang hirap naman kasi hahaha!

      Delete
  21. "Napansin mo ba ang special effect na gusto kong ipakita sa tatlong larawan?"

    _Not sure....pero feeling ko ako yung uminom ng kape dahil sa sequence ng pics. :P
    nice post....be safe (yes, feeling close)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Good Answer! hahaha

      Thanks! (yan, close na tayo)

      Delete
    2. Tama. Galing naunahan ako! Hindi kasi ako nakapag blog hop! #competitive. hahaha :)

      Delete
    3. @Pao Kun: weh? di mo naman nahulaan eh hahaha Kunyari pa to!

      Delete
  22. Waaah, gusto ko ng Kaappeee!!! tamang tama yan ngayon sa malamig at mabagyong panahon dito sa Pinas :)) Di pa rin ganun kabuti ang weather ngayon dito, saglit lng sisilip ang araw tapos uulan na namans!

    *sabay nilagyan ng chili powder ang kape ni Kuya Mar*
    *kunwari walang nakakita*
    *evil grin*

    ReplyDelete
    Replies
    1. Papuntahin mo na kasi dito yang ulan ng madiligan naman ang Disyerto dito! hahaha

      Coffee with chili flavor? hahaha

      Delete
    2. Sensitive daw ang skin ni Bagyong Maring. Baka ma sunburn daw siya sa disyerto XD

      Delete
    3. Ang arte nyang si Maring ah! hahaha

      Delete
  23. kape tinigilan ko na yan dahil nagkakahyepr acidity ako pag nag kakape haha
    pero kung ganyan kape din lang naman ee go go go ako dyan!
    lakas mo mang ingit sir mar

    ReplyDelete
  24. gusto na ayaw ko ang kapeng barako.. may nagpapa-alala lang ng hindi magandang kwento. hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. aha! Ikwento na yan over a cup of kapeng barako!

      Delete
  25. I drink coffee kahit summer at I eat ice cream kahit winter.

    Hindi generous ng whip cream ang Starbucks dyan. ...at kung crunchy pa ang crust ng croissant, di yan sa microwave na reheat, sa toaster oven. Soggy kasi ang any bread basta sa microwave.

    Inggit ako. I want a cup of coffee with a generous amount of whip cream on top and a drizzle of caramel and 2 warm croissant too. *sigh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Coffee drinker in the house! Nice to know na nagkakape din kayo kahit summer!

      Tara na at mag kape with warm croissants! haha

      Delete
  26. Coffee ba 'ka mo? well... alam na... adik din ako and just like you, walang pinipiling panahon...

    sanay na kaming magkape rito na wala ka... hehehe...

    WE MISS YOU!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ah sanay pala ah! hahaha

      We miss you all din!

      Delete
  27. CSTO Collective Security Council meeting Putin in Moscow on the ugg same day, said the situation in the Christian Louboutin Bois Dore world Bags Louis Vuitton today is discount nike jordans undergoing rapid cheap jordans change, the ugg pas cher old problems continue to intensify, and new problems emerging, the world's security system is changing. This requires the discount christian louboutin CSTO member states to take Discount Louis Vuitton collective coordinated action christian louboutin to uggs on sale safeguard the security of Member States and regions.Putin ugg australia said CSTO will establish humanitarian center system, the first humanitarian center will be Christian Louboutin Daffodile set cheap christian louboutin up next year in christian louboutin remise 50% Armenia, uggs outlet after the formation ugg boots of similar institutions in Kyrgyzstan will.Putin also expressed concern about Air Jordan 11 Gamma Blue the situation in Afghanistan. He said the extremist Cheap Louis Vuitton Handbags organization "Islamic State" Cheap LV Handbags militants had infiltrated into Afghanistan, and christian louboutin shoes there is the possibility Discount LV Handbags to expand in Central Asia. CSTO member states should take pre-emptive measures to eliminate ugg soldes the cheap nike jordan shoes threat, wholesale jordan shoes we must strengthen supervision of Tajikistan and Afghanistan border.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...