Saturday, July 27, 2013

Random Face Off!

Ang entry na ito ay may "FACE" value. Patungkol sa pagmumukha! Kaya wag na nating patagalin at magkaharapan na at nang mamukhaan na ang dapat mamukhaan.


1. Filipini:

Where you from? Yan ang tanong na madalas ko marinig lately. Syempre, Philippines ang sagot ko na may pagmamalaki. Proud Pinoy yata tayo. Pero yong reactions nong mga nagtatanong ay pare-pareho din. "Really? You don't look like a Filipini! (Filipino = Filipini; not sure kung ganyan nga spelling). Your face is different. You look like you came from other country. Na hindi naman nila matukoy kung ano. Well, blame it to these two great persons. Sila yong responsible sa confusion kung anong lahi nga ba ako! 

Ang aking ama at ina... The source of my good looks! (Wag na kumontra, entry ko to hahaha)






















2. World's ugliest woman:

Lizzie Velasquez, a girl bullied and voted the "ugliest on the Internet," gives an amazing and Godly speech. She will inspire you to trust God, accept yourself and enjoy the life that was given to you. This is a MUST see video. Para sa lahat na may mababang self steem...

Lizzie Velasquez was born with a rare disease that makes it impossible for her to gain weight. A few years ago so discovered that internet bullies cruelly voted her the "ugliest on the Internet." Rising above her tormentors she has gone on to succeed greatly in life. Watch her give an amazing and Godly speech that will literally change your life!


Ang dali nga naman para sa atin na maglagay nang "labels" sa mga taong nakikita natin sa internet. Even the nastiest labels na pwede nating itawag ay kay dali lang para sa iba, kahit ang totoo nyan ay di natin sila kilala. Dahil marami sa atin ang nagtatago sa likod nang computer monitor to hide our own physical flaws. Not knowing na ang pag atake sa physical na katangian nang isang tao, ay para mo na ring ipinagmalaki na mas pangit ka pa sa nilalait mo!

Beware! Stop Cyber Bullying!

3. Anonymous:

Pangarap ko ang mag anonymous... yong magkaron nang DP or Profile Pic na may takip sa mukha. Yong kita lang yong mata. O kaya naman ay nagtatago sa dilim, silhouette lang ang dating. Mysterious character ang gustong iparating. At ito ang mga naiisip kong gawin:

              a. Gayahin ang takip sa mukha ni Kakashi
              b. Kumuha nang poster ni JLC at itakip sa mukha
              c. Magpa-picture habang umiinom sa isang malaking tasa ng kape.  

Kung pwede lang maibalik ang kahapon, pipiliin ko ang mag anonymous. Wag mo nang itanong kung bakit.. trip ko lang, okay?

4. Love is Blind:

I lost an argument before. At bigla ko lang naalala ulit! Di maka move-on! Na naman? The argument? Justify if Love is Blind. HS ako non when my teacher in English ask me to justify the phrase. Eh syempre, di pa ko nai-inlove non. So ang basehan ko lang ay pisikal na aspeto. Regardless kung ano ang itsura nang isang tao, basta nainlove ka, yon na yon! Sa madaling sabi... "Pikit matang Pagmamahal!" Tama ba ako? 

5. Beauty and Madness:

Who will see the beauty in your life?
And who will be there to hear you when you call?
Who will see the madness in your life?
And who will be there to catch you if you fall?

May gandang kinababaliwan nang lahat. Pero di ba mas mainam na hanapin ang gandang karapat-dapat seryosohin?

Hanggang sa muli!

I'll see you all Face to Face -

By Super M.

59 comments:

  1. 1. Magkakahawig kase ang mga Malaysian, Indonesian, Thai's at Pinoy. Kaya nako-confuse yung ibang race na nakakasalamuha mo jan Kuya Mar. Pero syempre mas guwapo at magaganda ang mga Pinoy. Love your own noh! XD

    2. Babalikan ko yang video ni Lizzie. Ambagal na naman ng internets ko ngayon. Kainis lang. Pero magko-comment na rin ako about cyber bullying. Para sa akin kase, walang sino man ang may karapatan na manlait ng pisikal na kaanyuan ninoman. Baket, super perfect ba ang itsura mo? maganda or guwapo ka ba? sexy at fit ba ang katawan mo para libakin mo ng ganun-ganun na lang ang itsura ng iyong kapwa? Kung hindi naman ang sagot mo sa mga tanong ko eh, manahimik ka na lang. Shut your mouth off. Wala ka rin pinagkaiba sa taong nilalait mo. Ang mga taong ganyan ay mga attention seekers lang. Kulang sa pagmamahal ng mga magulang. Kaya they make fun of other's physical flaws. Para magpapansin. Para magpabida. Ganyans!

    3. Teka, ako ba pinariringgan mo dito? Porke ba pusang umiinom ng beer ang ang dp ko sa twitter eh may karapatan ka nang magparinig? ha? ha? ha? CHOS!!! nyahahaha! sa twitter lng naman ako anon, sa FB may pic naman ako dun kahit papaano XD

    4. Hindi ako naniniwalang bulag ang pag-ibig. Tanga pwede pa. Pero bulag? A big NO~

    5. Ayan dinaan na lang sa pagkanta ang ka-emohan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. Hindi daw pang Asian ang look ko eh, paano ba yan? hahaha
      2. Relax! Hinay hinay lang. Galit? hahaha
      3. Hahaha! Ikaw nga! tama! Isang mata lang kita sa Blogger's profile mo hahaha! Sakto!
      4. May pinaghuhugutan? haha
      5. Videoke na lang tayo!

      Delete
    2. 1. Ahahaha, so ano ka pala Kuya Mar? European? Caucasian? XD
      2. Hindi ako galit. Nagpapaliwanag lang. Iyan din kase ang pinaka hate ko sa lahat eh. Yung ginagawang katatawanan ang physical flaws ng isang tao. Ang sarap hampasin ng sagwan sa face ang mga taong mapanghusga sa pisikal na itsura. Hops, hindi ako galit. Nagpapaliwanag lng ulet :D
      3. LMAO!
      4. Slight.... ahahaha :P
      5. Naku, boses lata ako. Baka sumabog ang videoke machine sakin XD

      Delete
    3. Dito na ako makikisali, kailangan dito talaga? haha oo kailangan! hahaha!

      1. Actualy ang father's side ni Super M ay nakakuha ng Italian features while his Mother's side naman has Spanish blood! So nung pinagcombine! Poof!(cococruch?) Lumabas ang makisig na si super M!

      kuya Mar mukang nakuha mo ang sad eyes sa father mo!

      2. Agree ako kay pusa. To begin with, tao lang naman din ang naggawa ng standard ng kagandahan ng tao... in the end, it is still subjective so walang pwedeng i-set bilang pinakamaganda o pinakapanget na tao. Hanga ako kay Lizzie, by the way maganda din ang name nya, parang Selfie.

      3. Haha si Feeyeel nga, mata lang ang kita! Lagyan na ng sharingan yan! Yung tunay!

      "Kung pwede lang maibalik ang kahapon, pipiliin ko ang mag anonymous. Wag mo nang itanong kung bakit.. trip ko lang, okay?" --- Di ko na tatanungin kung bakit gusto mo mag anonymous, kasi sinagot mo na na trip mo lang. Ang tanong ko ngayon, bakit mo trip? hahaha!

      4. Para sa akin, totoo na love is blind.

      Love is Blind: ibig sabihin bulag. Paano? Pagmahal mo ang isang tao, hindi mo alintana ang antas ng kagandahan ng taong ito. Panget man sa paningin ng iba, pero pag umibig ka na, boom! Sigurado ako maganda sya sa paningin mo. Kahit ano pa man ang nakikitang kapintasan ng ibang tao sa iniibig mo, hindi mo ito nakikita. Your eyes may technically see it but your "love" sanely not - im talking about kapintasan.

      Love is blind: bulag sa katotohanan. Pag umibig ka, minsan, hindi sa tamang tao, hindi sa tamang oras at panahon, hindi sa tamang pagkakataon. Oo, alam ito ng utak mo, pero gayun pa man, hindi mo ito mapigilan dahil bulag ang pag-ibig. Ang tanging alam lang nito kadalasan ay ang magmahal. And here, im talking about pag-ibig ng "tao".

      5. Kanta ba ito? hindi ko alam. Haha!


      Delete
    4. @pusa, natawa ako sa boses lata. hahah! Ako nga boses plastik na garapon pero pinagtyagaan nila. haha

      Delete
    5. @PaoKun.net

      1. Ang tindi nang analyzation mo ah! Matutuwa ang mga magulang ko nyan hahaha! Bakit parang bigla na lang akong sumulpot? Out of Nowhere? haha adik ka!

      Oh di nga? Sad eyes din ba si Mario Verdan Sn? haha

      2. For the record, nag a-agree yata ngayon ang kuneho sa pusa! Himala hahaha
      At talagang Selfie ang naisip mo sa pangalan nya. Hmmp... malay natin, may gumamit nyan at ipangalan sa anak nya. Selfie!

      3. Tunay na Sharingan? Lagot ka! Gamitan ka ni Pusa nang ninjutsu!

      Trip ko, kasi may tinataguan ako!

      4. Love is Blind! Kaya pala na-inlove ka kay _ _ _ _ _ _ _ _! Issue!!!! hahaha

      5. Sus!!!! Alam mo yang kanta na yan! Kunyari ka pa hahaha Kakasabi mo lang sa akin eh!

      P.S - Buti naman at nadalaw ka hahaha

      P.P.S - Parang si Max lang?

      P.P.P. S- At talagang si Max na ito! Ipapadala na dyan ang letter M!

      P.P.P.P.S - M stands for Manager!

      Delete
    6. Sino yun??? _ _ _ _ _ _ _ _! wala akong maisip! Imbento ka na naman! haha!

      M stands for MAMA!

      Delete
    7. *nakitang tumatalon talon ang Kuneho* *sabay pinatid ng pusa*

      *innocent whistle*

      Hoooyyyy Pao, ano toh???? ahahaha!

      At sino kaya yang love interest ni Pao? naintriga namans ang pusa!

      *evil grin*

      Delete
  2. 1. Ang gwapo at ganda ng parents mo kawawa ka naman di ka nagmana sa kanila ha ha ha :P
    2. Agree!
    3. Pwede pa naman create ka ng ibang blog :) Wag mo lang gamitin na DP Super Mario ha!
    4. Tama ka naman. Sino bang teacher yan?
    5. at biglang gumanon? dinaan sa kanta?

    See you then basta may kape hi hi hi

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. Hahaha! Kunwari ka pa Ms B. Peyborit mo ko eh hahaha
      3. Hmmm... sige mag create ako, Luigi naman DP hahaha
      4. Hayaan na natin si Teacher, namamahinga na eh.
      5. Kantahan na lang!

      Di pa ba sapat ang face ko? hahaha

      Delete
  3. 1. Wow Mar! Kaya ka pala pogi:) may pinagmanahan. So yong magiging anak mo or maybe meron na, di ko pa nabasa about that, ay kamukha mo rin:)
    2. Ay sayang, ayaw gumana video sa phone ko. Gonna search the video in my computer later.
    Ang masasabi ko lang ay you are right. Who we are to judge God's creation?
    3. About being anonymous, dami ko pa di alam about you:) para naman hirap non. Pano mag share ng picture? Maybe kung ako, likod ng mga flowers ko:)
    Well,I believe if you want yo write something anf wanted yo be heard, then you must identify yourself:)
    4. Love is blind. ...maybe love inspite:
    5. That will be God for me and maybe he will send my hubby:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. I mean, who are we to judge....grabe talaga ako sa wrong grammar. Baka sumikat din ako sa internet nyan for my terrible english writings:)

      Delete
    2. 1. Thanks Ms Joy! Buti ka pa nag-a-agree hahaha
      2. Panoorin nyo ang video.
      3. Natawa naman ako sa likod nang flowers hahaha Mas maganda pa kayo sa mga flowers. O ha!
      4. Agree!
      5. Natagpuan nyo na hubby nyo eh

      Delete
  4. 1. Ayan, mukhang mas marami kang nakuhang feature kay motherdear...

    2. Nakakatouch talga yan si Lizzie, meron din syang article nun sa CNN.

    3. Definitely love is not blind, sabi nga ni Leo Buscaglia, love starts with physical attraction... hahaha.... gusto ko lang kumontra.. lols...

    Face to Face ba kamo? uuwi ka na kuya mar? ang mga ref magnets... pls... hehehe....

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. Talaga ba?
      2. Hanapin ko nga yang article nya sa CNN.
      3. Hindi rin, maaring hindi ka pa bulag nong makita mo sya, pero pag tagal mabubulag ka din... may gandang nakakabulag eh haha

      Ref magnets na may FACE ko gusto mo? hahaha joke!

      Delete
  5. Kakatuwa ka Panget. Loko ka din minsan sa post mo. Madami kang iniisip lately. Nasosobrahan ka na talaga sa kape.,

    ReplyDelete
    Replies
    1. Natuwa ka naman Panget. Kulang nga ako sa Kape eh! hahaha, manlibre ka naman!

      Delete
  6. di ka naman ampon di ba? hehe...joke lang, hawig naman eh pero kung sino ang mas, ask mo na lang si msB. ;)

    saw Lizzie's video on fb, hanga ako sa kanya, kaasar lang sa mga mahilig mamintas. may na-witness nga akong similar situation, pi-nost pa sa fb yun pic nung tao, tas nagtaka pa bakit daw galit na galit yun isa, sobrang kaasar lang...grrrr!

    Anon ba kamo? Pakuha ka din na hawak cam mo, yun takip na face mo, alam mo yun di ba? hehe... ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Sige pagtulungan nyo ko ni Ms B! hahaha Wag ka, peyborit ako nyan hahaha

      nagtaka pa talaga eh no? hahaha Insensitive lang.

      HAHAHA! IKR! Alam na alam ko yan! haha May nakita na kong ganyan eh! haha

      Delete
  7. kahanga-hanga ang talumpati ni Lizzie Velasquez. Taob ang mga bully!

    ReplyDelete
  8. Nakita ko na before ang video ni Lizzie..and she is amazing.. kahanga-hanga siya lalo na dun sa nabanggit mong nagatatago nga lang sa likod ng monitor screen...

    Naisip ko na ring mag-anonymous nuon (for personal and good reasons).... pero kailangang balansehin ko pa kung kailangan talaga..

    Nice to see the pictures of your parents. May pinagmanahan : )

    ReplyDelete
    Replies
    1. Amazing nga yong personality nya and how she overcome the situation.

      Tara nang mag anonymous! haha

      Thanks! haha

      Delete
  9. May 'FACE' value nga ang post na ito.
    1. Nakakasawa na ring sumagot kung saan ako galing, sa ngayon pilosopong sagot ko sa kanila...
    Where you from? From my mom's tummy!
    No! Where you born? In a hospital!
    2. At talagang may voting pa. Bakit hindi sila sumali sa World's Meanest People.
    3. Oo nga, anonymous, naisip ko din eh hindi ko naman naisip na may sisilip pala sa blog ko.
    4. Love is blind, para nga, no comment na lang.
    5. Finding beauty not outside but inside and through thick and thin.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabi sayo Sir eh, may FACE value to hahaha
      1. hahaha Pilosopo nga! Magaya nga yan!
      2. Oo nga eh, well organized sila! Ganon sila ka seryosong manlait.
      3. Hahaha, gawa na lang daw tayo nang isa pang blog sabi ni Ms B!
      4. UY may pinagdaanan! ay mag comment haha
      5. Tama ka dyan!

      Delete
    2. Re anonymous blog - buti hindi L ang initial ko kung hindi, name ng blog nating tatlo eh LBM, ang baho niyan hahaha.

      Delete
  10. 1) natawa ako nung sinabi sa akin ng kapatid ko na nagwowork sa middle east na ganun nga nila iaddress ang mga Pinoy

    2) i was very inspired sa sinabi ni lizzie ngayon ok lang kahit chubby ako :D

    3) sanay maaring ibalik ang kahapon at iguhit na muli ang nakaraan sana'y kayang kong baguhin lahat.. ahaha kumanta?

    4) dapast ang sinagot mo sa kanyan, i have 2 words for you... "who you?" ahahaha

    5) hmmmmm yung "who" na yan ay naligaw.. di pa nakakarating sa destination... na final destination ata nyahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. Oo, ganyan nga tawag nila haha
      2. Pumayat ka na nga Rix eh... Nag da diet ka ba?
      3. Ibalik ang kahapon, sandaling di mapapantayan, wag sana nating itapon, pagmamahal na tapat... haha kala mo ikaw lang ah!
      4. Tsk! bakit di ko naisip yan? haha
      5. Palagay ko nga na final destination yan! di umabot sa "Da Who" segment haha

      Delete
  11. Kala ko si Tita Lourdes si Lola. HAHA!

    ReplyDelete
    Replies
    1. kamukha ba ni Tita Lourdes mo? O nang mommy mo? hahaha Kamukha mo Lolo mo Gerard haha

      Delete
  12. wow naman may pinagmanahan talaga oh, at least naun di ko na iisipin ikaw nag nawawalang kapatid ni jlc haha

    sayang sira pa din audio ng pc nmen di ko mapanuod ung video pero for sure inspiring ung message nya
    kawawa naman sya at nabubully sya ng ganun

    well para sakin di blind ang love it's just that kapag nagmamahal ka mas nakikit amo ung kagandahan ng taong mahal mo kesa sa mga panget na quality

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka naman si JLC ang nawawala kong kapatid? Sya pala ang ampon... pinatulan? hahaha

      Ah sayang nga, you should watch it some other time.

      Well, you sounded like my teacher. She told me, love should see within, beyond what the naked eyes can't see.

      Delete
  13. 1. no doubt kaya ang gwapo mo kuya mar
    2. panalao ang speech.. very inspiring..
    3. bet ko yan maging anonymous

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. Salamat Jlo! kala mo itatanggi ko ah haha
      2. Yes! Sinabi mo pa...
      3. Tara na at mag anonymous

      Delete
  14. See you all face to face? Mala Face to Face ba ito ni Amy Perez? Hehehe :)

    Ang ganda ng iyong ina at ang gwapo ng iyong ama Mar. No stir. Parang mga artista sila sa Sampaguita pictures :)

    Mas okay nga ang gandang seseryosohin. Ganyan ang ganda ko e haha :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ano ba yong Face to Face ni Amy Perez? hehehe inosente!

      Salamat daw Zai, from the bottom of their hearts haha

      Ikaw na Zai! Ikaw na ang may lablyf! haha

      Delete
  15. Ikaw na ang hindi mukhang Pinoy... Alam na natin ngayong ang formula ng JLC looks... Ang FAB nila Tito at Tita...Parang Ta-artitz lang noong 60's ng Sampaguita pictures... hehehe

    Kaka-touch 'yung video sa number 3... So, mag-a-anon ka na ba?

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... hindi lang sila sanay sa mukha ko!

      Of course! Yan ang parents ko! Proud ako dyan hehehe

      Too late na mag anonymous! Ang saya kaya nang EB at coffee meet ups! haha

      Delete
  16. Sana nilagay mo din ang picture mo dito para naman na justify ko kung totoo nga ang sinabi nila na you don't like a FILIPINI.. lol.. pero gusto mo maging anonymous..so sige na nga..di na ko mangengeelam.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha! medyo camera shy ako eh! Next time maglalagay ako haha

      Hindi na yata pwede eh, dami ko na kilalang mga bloggers haha, pwede pa kayang bawiin? haha

      Delete
  17. Beauty and Madness ng Fra Lipo... fave ko yan kasi
    .
    .
    .
    .
    wag nyo na itanong.
    baste. wehehe

    ReplyDelete
  18. 1. Out of the picture ndi ko nakita ung pagkahawig mo sa kanila ngunit mas nangingibabaw ang pagiging mabuting tao . Sguro dun mo namana sa kanila ang magandang asal at nakasmile lang lahi
    2,pak na pak!
    3. Gusto ko din maging nonymous katulad ni ano hahahahah ni ano sir mar, hahahah

    ReplyDelete
    Replies
    1. 1. Oo naman, sobrang bait ng mga parents ko. At tama ka, laging nakangiti sila.
      2. huh? haha
      3. Nino? hahaha bawal banggitin! Anonymous nga di ba? hahaha Parang si ano sa BBM? hahaha

      Delete
  19. dito pala ang hideout mo kapanalig. pangarap ko din mag-anonymous. baka kasi magka-label na "ugliest man" hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uy Salamat idol sa dalaw!

      Uglist man ka dyan! Hindi ah! Ikaw pa hehehe

      Delete
    2. palagi na kong dadalaw dito. nakaka-aliw mag-backread at nakakatuwa magpakain ng isda :))

      Delete
  20. Kuya mar ang ganda at pogi naman nila mama at papa.. char naki mama at naki papa talaga lol

    Gusto ko tuloy umuwi at halungkatin ang lumang baul nila mama haha, wala kasi akong pics ng parents ko na luma. Kainggit.

    Mukha nga silang artista nuong kapanahunan nila Susan Roces at Eddie Gutierrez, di nakapagtatakang nag artista din si John Lloyd diba nasa lahi e ;)

    Nainspire ako sa message ni Lizzie at inimagine ko talaga kung ako ang nasa kalagayan nya, siempre ang sakit isipin. Matagal din syang nakabangon at pilit nilabanan ng buong tapang ang mga paninira sa kanya. Habang pinapakinggan ko sya ay unti unti kong di napapansin ang kanyang panlabas na kaanyuan, mas tumatak at mas nangibabaw ang kanyang pagkaintelihente at ganda ng kalooban, thumbs up!

    Tama ka dun mas mainam na hanapin ang gandang karapatdapat seryusuhin.. explain mo to ha NeXT time kung bakit ahehehe joke.

    ReplyDelete
  21. CSTO Collective Security Council meeting Putin in Moscow on the ugg same day, said the situation in the Christian Louboutin Bois Dore world Bags Louis Vuitton today is discount nike jordans undergoing rapid cheap jordans change, the ugg pas cher old problems continue to intensify, and new problems emerging, the world's security system is changing. This requires the discount christian louboutin CSTO member states to take Discount Louis Vuitton collective coordinated action christian louboutin to uggs on sale safeguard the security of Member States and regions.Putin ugg australia said CSTO will establish humanitarian center system, the first humanitarian center will be Christian Louboutin Daffodile set cheap christian louboutin up next year in christian louboutin remise 50% Armenia, uggs outlet after the formation ugg boots of similar institutions in Kyrgyzstan will.Putin also expressed concern about Air Jordan 11 Gamma Blue the situation in Afghanistan. He said the extremist Cheap Louis Vuitton Handbags organization "Islamic State" Cheap LV Handbags militants had infiltrated into Afghanistan, and christian louboutin shoes there is the possibility Discount LV Handbags to expand in Central Asia. CSTO member states should take pre-emptive measures to eliminate ugg soldes the cheap nike jordan shoes threat, wholesale jordan shoes we must strengthen supervision of Tajikistan and Afghanistan border.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...