Wednesday, July 3, 2013

Ang Nais Ko!

Dalandan...

Isang kilo nga... Siguro naman ay sobra-sobra na to! Sige lang, balat dito, talop doon... Isa, dalawa, tatlo... Hanggang sa makarami! Piga ng piga habang nakatapat sa electric fan ang mukha. Sige lang, balat dito, talop doon... Dinaig pa ang Ascorbic Acid sa vitamin C na aking naipon. Pero alam mo bang hindi ako magtitimpla ng dalandan juice?

Tiger Balm...

Sige ang amoy, singhot na parang adik! Pahid sa ilong, pahid sa talukap ng mata, sa noo, at isama mo na rin ang eye-bags. Umaalingasaw ang amoy matanda sa loob ng kwarto. Wag kang mag-alala, wala akong sakit, wala rin akong sipon at hindi masakit ang aking ulo.

Sibuyas...

Sige pa! Tadtad! Halos maubos na ang malalaking sibuyas sa kusina. Ang sangkalang kahoy ay napapaigtad sa bawat paglapat ng talim ng kutsilyo sa mukha nito. Ang amoy ng sibuyas ay nakarating na sa kabilang baranggay. Subalit, ngunit, datapuwa't hindi ako mag-gigisa at wala akong balak magluto ng kare-kareng sibuyas.

Ang Nais ko...

Ang nais ko lang ay umiyak... umiyak ng umiyak! Bakit ganon? Gusto pa ng emosyon mo, pero wala nang mailabas na katas ang katawan mo. Wala ka nang maiiyak, wala nang mailuha ang iyong mga mata... hanggang ang maiwan na lang ay mga pag-hibik sa hating-gabi... Tuyong pagtangis!


This post is sponsored by:

TEARS NATURALE II... ARTIFICIAL TEARS
Gawa ng Alcon
If symptoms Persist... Consult your Doctor!

Hanggang sa susunod na pagpatak ng luha...

By Super M.

  

45 comments:

  1. Huh? Anuraw? May artificial tears talaga? kulit lang!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo! Hahaha, napulot ko lang yang box sa drawer ko sa office. May artificial tears pala, sagot sa mga di maiyak hahaha

      Delete
  2. ...pero pag nag-fail ang "If symptoms Persist... Consult your Doctor!" eh pwede din namang "If symptoms Persist... insult your Doctor!" nyahahahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! Yeah! Insult your doctor! Or pwede ring pa check up na lang sa adik para lumabas ang saltik! Hahaha

      Delete
    2. nyahaha pwede! ano na lang kaya ang assessment nyan? scary!! ahaha

      Delete
    3. tohmooo!baka kung ano na lang mai-prescribe nyan, wala pa naman lisensya yan ahaha.

      Delete
  3. If symptoms Persist... INSULT your Doctor!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uy panget! Gaya gaya kay Rix? Hahaha

      Delete
  4. hehe auz yan wla kayang side effect. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yon lang! Baka ang side effecy nito ay unlimited tears! Haha

      Delete
  5. Hahaha natawa naman ako sa post mo na ito, sorry ha if i find this funny kahit alam kong emong emo kana dyan. Tumigil kana sa kaka-emo hehe di ikaw yan Super M!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hay salamat! May natawa rin sa post na ito! Hahaha fiction lang ito! Ginawan ko lang ng kwento yong box ng artificial tears! Hahaha

      Delete
  6. Sa pagkakaalam ko, hindi naman iyakin si Super M ah.

    Baket ganito ang tema mo ngayon dito Kuya Mar? ang galing galing mong mag advice about moving on, tapos ikaw itong di maka move on? enebeyen!!! XD

    Kape na nga lng tayo!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi nga iyakin si super M kaya nga gusto nya maiyak! Hahaha

      Moving on agad pag may iyakan portion? Hahaha nag po promote lang ako nong tears naturale! Ang kasagutan sa mga taong di maiyak! Haha

      Kape na lang tayo! Habang lumuluha sa init ng kape! Haha

      Delete
    2. Ahahaha! ang gulo mo Kuya Mar XD

      Wala naman atang available na Naturale dito sa Pinas. Baka jan lng sa UAE meron nyans.

      At anu nga pala ung nilalaro nyo sa twitter?

      Delete
    3. hindi ah, behave nga ako hahaha!

      Wala ba? magbe benta ako dyan! Marami yata nangangailangan ng artificial tears dyan hahaha

      Ah yon? Naglilista lang kami ng 100 things that fades away hahaha

      Delete
  7. Replies
    1. Yes JLo! May ganyan! Subukan mo mga tips sa taas kung pano maiyak! Hahaha

      Delete
  8. very helpful yang artificial tears pag naka contact lens ka at dry ang mata.

    i want dalandan too. tagal ko ng di nakakain yan.

    ReplyDelete
    Replies
    1. marami palang gamit yang artificial tears...

      Hanap na ng dalandan!

      Delete
  9. anu ulet? hmm dala ba yan ng homesickness?
    emo-baliw mode ka sir? at katas ng katawan talaga ang term?
    haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha! ito ang nagagawa ng mainit na panahon sa gitna ng disyerto!

      natutuyuan ng katas sa katawan hahaha (Katas talaga sir Mecoy! lol)

      Delete
  10. Replies
    1. talaga? Para saan ba talaga yan Artificial Tears na yan? hahaha

      Delete
  11. Penge nmn nian para pede na me sumabak sa aktingan

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo, kailangan mo to! Celebrity Blogger ka na eh! Artista? haha

      Delete
  12. adik ka!!! grabe tawa ko sa post mo ha ha ha

    pero totoo bang mahilig ka sa sibuyas? kasi sabi nila pag mahilig daw sa sibuyas ano daw... :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha Tawa ka dyan!

      Oo, mahilig ako sa sibuyas... bakit? Kung ano man yang iniisip mo... baka tama ka! hahaha

      Delete
    2. pag mahilig ka daw sa sibuyas... BUMBAY ka!
      Indiano ka pala ha! HA HA HA :P

      Delete
    3. ay oo! Napagkakamalan akong kalahi nila dito! hahaha

      Delete
  13. Puwede siyang concept for a commercial, sasabikin ka muna then tungkol pala sa fake na luha. Hindi ko kailangan kasi mabilis akong maiyak. Iyakin lungs! ( Kanino ko ba nakuha itong lungs lungs na yan, kay fiel ba?)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yon din ang naiisip kong concept nong ginawa ko to hahaha

      Mababaw ang luha ni ser jonathan... Uso nga yang lungs na yan... wala bang liver? lol

      Delete
  14. Hula ko eh panglubricate ito ng contact lens. Or pangrelieve ng dry eyes? Or gamit ng artista?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Palagay ko din, mas tama itong pang relieve ng dry eyes... pag natuyuan na ng katas (kulit ko sa katas) ang mata.

      Delete
  15. :-) pag ubos na ang luha dahil iisang bagay lang ang iniiyakan, kelangan na yang artificial tears churva. Akin na supermario.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hmmm, may pinagdadaanan si Ms Phioxee... sige bibigyan kita haha

      Delete
  16. wait..what?! artificial tears? seriously? hehehe.. feeling ko ginawa to para sa mga artista.. wala akong ibang maisip na pwedeng maging silbi nito eh bukod sa mga artista hehe...

    ReplyDelete
    Replies
    1. para sa artista at mukhang artista, para sa emotero at emotera hahaha

      Delete
  17. CSTO Collective Security Council meeting Putin in Moscow on the ugg same day, said the situation in the Christian Louboutin Bois Dore world Bags Louis Vuitton today is discount nike jordans undergoing rapid cheap jordans change, the ugg pas cher old problems continue to intensify, and new problems emerging, the world's security system is changing. This requires the discount christian louboutin CSTO member states to take Discount Louis Vuitton collective coordinated action christian louboutin to uggs on sale safeguard the security of Member States and regions.Putin ugg australia said CSTO will establish humanitarian center system, the first humanitarian center will be Christian Louboutin Daffodile set cheap christian louboutin up next year in christian louboutin remise 50% Armenia, uggs outlet after the formation ugg boots of similar institutions in Kyrgyzstan will.Putin also expressed concern about Air Jordan 11 Gamma Blue the situation in Afghanistan. He said the extremist Cheap Louis Vuitton Handbags organization "Islamic State" Cheap LV Handbags militants had infiltrated into Afghanistan, and christian louboutin shoes there is the possibility Discount LV Handbags to expand in Central Asia. CSTO member states should take pre-emptive measures to eliminate ugg soldes the cheap nike jordan shoes threat, wholesale jordan shoes we must strengthen supervision of Tajikistan and Afghanistan border.

    ReplyDelete
  18. Sister has her mother, but many years ago my mother left. timberland homme pas cher the next timberland femme pas cher second she suddenly looked up, and saw the tears of cheap. Laughed, chaussure timberland pas cher she remembered timberland homme pas cher as a child of their own mother's love. But this smile is just one second, timberland homme pas cher motionless, timberland homme pas cher said my name is Gu. Sister, do you have a mother. cheap gently asked.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...