Saturday, July 20, 2013

Ako Ay May Tanong...

Credit goes to the owner of this image


MAY TANONG AKO!

"Bakit may mga tanong na di maisatinig? 
Sadya bang kay hirap bigkasin? 
Daig mo pa ang may busal sa bibig, 
inalis ang kalayaang isa bukambibig.

Bakit may mga sagot na mahirap unawain? 
Simple lang naman at payak ang ibig sabihin. 
Bakit di mahagip ng utak at linawin?

Bakit may mga tanong na mahirap sagutin? 
Sadya bang mas madali ang magsinungaling? 
O ayaw mo lang makasakit ng damdamin?

Bakit may mga sagot na di tugma sa tanong? 
Baka naman di naintindihan o sadyang tanga lang. 
Ayaw bang tukuyin o umiiwas lamang? 

Bakit may mga tanong na di pwedeng itanong? 
Katotohanan ba ay ikukubli na lang? 
O baka naman wala kang karapatan?

Bakit may mga sagot na ayaw mong marinig? 
Takot ka bang tamaan at masaktan? 
Daig mo pa ang isang duwag, nasaan na ang iyong tapang?

May tanong, syempre may sagot
Kapag may sagot, syempre may nagtanong
Pero pwede bang hindi sumagot kapag may nagtanong?
O pwede bang magtanong kahit walang makuhang sagot?

Magulo ba? Ganito na lang...

MAY TANONG AKO , MAY SAGOT KA BA?   


Naguguluhan,
Super M

68 comments:

  1. ganda naman ng poem na to sir mar, at agree naman ako
    mas madali magsinungaliong kesa sumagot ng totoo1
    proven and tested na yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, mas madali bang magsinungaling? sabagay, easy way out but there's a consequence.

      Delete
  2. Pinagiisip mo ko, di ko alam kung ano itatanong ko at isasagot;)
    Anyway, nice composition:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha thanks ms joy! Sorry naman, nahirapan ka hahaha

      Delete
  3. Mr. Riddler ikaw ba yans?

    Masyado naman mind boggling tong tula mo Kuya Mar, kaya bigla din tuloy akong napaisip. Hmmm...

    Bakit may mga tanong na mahirap sagutin?
    Sadya bang mas madali ang magsinungaling?
    O ayaw mo lang makasakit ng damdamin?

    --> Kadalasan ganyan ako. Mas pinipili ko na lng minsan manahimik at huwag sagutin ang tanong kase feeling ko talaga may masasaktan at masasaktan akong tao, kapag sinagot ko yung certain question na iyon. Kaya I'll zip my mouth na lang.

    Bakit may mga tanong na di pwedeng itanong?
    Katotohanan ba ay ikukubli na lang?
    O baka naman wala kang karapatan?

    --> Kase nga very confidential. Sige ka, mamaya nyan bigla ka na lng itumba jan sa may kanto XD

    Bakit may mga sagot na ayaw mong marinig?
    Takot ka bang tamaan at masaktan?
    Daig mo pa ang isang duwag, nasaan na ang iyong tapang?

    --> Kase nga, Truth hurts; So when you ask for it make sure that you can handle it.

    Sumakit ulo ko hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Galing ah! Sinagutan mo yong tatlong katanungan! Hahaha bakit di mo sinagutan yong iba? Hahaha

      Para lalong sumakit ulo mo! Joke! Haha

      Delete
  4. Sapul sa unang stanza! Haha. Torpe na mahiyain pa! XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Talaga ser Gord? Di halata ah! Haha

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete
    3. hahaha! wag ka maniwala jan!

      Delete
    4. Wag daw ako maniwala ser Gord! Gatong to si Pao Kun hahaha

      Delete
  5. ganyan talaga hehehehe

    napaisip tuloy ako sa tula... di ko alam kung ano itatanong o isasagot ko hehehe

    sabagay minsan ganyan talaga.... minsan gusto mong itanong pero di mo magawa....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama ka, ganyan talaga ang buay! Gusto mong magtanong pero di mo magawa dahil alam mong di mo maggugustuhan ang sagot haha

      Delete
  6. MAY TANONG AKO!
    [[ano?]]


    "Bakit may mga tanong na di maisatinig?
    Sadya bang kay hirap bigkasin?
    Daig mo pa ang may busal sa bibig,
    inalis ang kalayaang isa bukambibig.

    [[natatakot kasi tayo malaman ang sagot]]


    Bakit may mga sagot na mahirap unawain?
    Simple lang naman at payak ang ibig sabihin.
    Bakit di mahagip ng utak at linawin?

    [[close minded siguro. Ito yung sagot sa tanong natin na may sariling sagot naman talaga tayo]]


    Bakit may mga tanong na mahirap sagutin?
    Sadya bang mas madali ang magsinungaling?
    O ayaw mo lang makasakit ng damdamin?

    [[Minsan ganon na nga, ayaw makasakit ng damdamin. Or minsan naman sadayang hindi lang alam ang sagot. hahaha exam?]]


    Bakit may mga sagot na di tugma sa tanong?
    Baka naman di naintindihan o sadyang tanga lang.
    Ayaw bang tukuyin o umiiwas lamang?

    [[yan ang sabi ng teacher namin dati sa philosophy hahaha! Kung minsan naman, ayaw lang ng topic, change topic agad!]]


    Bakit may mga tanong na di pwedeng itanong?
    Katotohanan ba ay ikukubli na lang?
    O baka naman wala kang karapatan?

    [[May mga tanong din kasi na nakakasakit ng damdamin.]]


    Bakit may mga sagot na ayaw mong marinig?
    Takot ka bang tamaan at masaktan?
    Daig mo pa ang isang duwag, nasaan na ang iyong tapang?

    [[may mga sagot lang talagang kay hirap tanggpin, ang hirap tanggaPAIN. haha!]]


    May tanong, syempre may sagot
    Kapag may sagot, syempre may nagtanong
    Pero pwede bang hindi sumagot kapag may nagtanong?
    O pwede bang magtanong kahit walang makuhang sagot?
    [[pwede naman, pa-showbiz!]]


    Magulo ba? Ganito na lang...

    MAY TANONG AKO , MAY SAGOT KA BA?

    [[Ano bang tanong mo? Baka may sagot ako]]

    ReplyDelete
    Replies
    1. MAY TANONG AKO!
      [[ano?]] - ayan sa baba, sinagutan mo nga eh! hahaha


      "Bakit may mga tanong na di maisatinig?
      Sadya bang kay hirap bigkasin?
      Daig mo pa ang may busal sa bibig,
      inalis ang kalayaang isa bukambibig.

      [[natatakot kasi tayo malaman ang sagot]]- Talaga ba? -pano kung favorable pala sayo ang sagot sayang naman haha


      Bakit may mga sagot na mahirap unawain?
      Simple lang naman at payak ang ibig sabihin.
      Bakit di mahagip ng utak at linawin?

      [[close minded siguro. Ito yung sagot sa tanong natin na may sariling sagot naman talaga tayo]] - Tatanong tanong may sariling sagot naman, pag hindi yon ang isinagot, nganga! Bitter? haha


      Bakit may mga tanong na mahirap sagutin?
      Sadya bang mas madali ang magsinungaling?
      O ayaw mo lang makasakit ng damdamin?

      [[Minsan ganon na nga, ayaw makasakit ng damdamin. Or minsan naman sadayang hindi lang alam ang sagot. hahaha exam?]]- Speaking of Exam, papanoorin ko na yang movie with the same title... tamang tama, No questions yong exam don, baka makakuha ako ng sagot hahaha


      Bakit may mga sagot na di tugma sa tanong?
      Baka naman di naintindihan o sadyang tanga lang.
      Ayaw bang tukuyin o umiiwas lamang?

      [[yan ang sabi ng teacher namin dati sa philosophy hahaha! Kung minsan naman, ayaw lang ng topic, change topic agad!]]- Parang ganito: Tanong - Maganda ba?| Sagot - maputi...


      Bakit may mga tanong na di pwedeng itanong?
      Katotohanan ba ay ikukubli na lang?
      O baka naman wala kang karapatan?

      [[May mga tanong din kasi na nakakasakit ng damdamin.]] Parang ganito: Mayaman ka ba? Sagot: ???? hahaha


      Bakit may mga sagot na ayaw mong marinig?
      Takot ka bang tamaan at masaktan?
      Daig mo pa ang isang duwag, nasaan na ang iyong tapang?

      [[may mga sagot lang talagang kay hirap tanggpin, ang hirap tanggaPAIN. haha!]] - Di ko kayang tanggaPAIN! hahaha


      May tanong, syempre may sagot
      Kapag may sagot, syempre may nagtanong
      Pero pwede bang hindi sumagot kapag may nagtanong?
      O pwede bang magtanong kahit walang makuhang sagot?
      [[pwede naman, pa-showbiz!]] - wow! matharap ang pangarap! Anong latha?


      Magulo ba? Ganito na lang...

      MAY TANONG AKO , MAY SAGOT KA BA?

      [[Ano bang tanong mo? Baka may sagot ako]] - Kamukha ko ba talaga si JLC? Sumagot ka nang maayos! hmmp! hahaha tinakot!

      Delete
    2. Nakaka aliw talagang basahin ang diskusyon nyong mag-ama :D

      *drops dung bomb*

      Delete
    3. Uy! Mag-ama ka dyan! Hahaha iba tatay nyan ni Pao Kun! Haha

      Delete
    4. Mr. Tripster kayo ba yan? ha ha ha

      Delete
  7. mahirap sagutin?
    - kasi di nag-aral...

    di pwedeng itanong?
    - kasi kelangan ang tanong ay relevant sa topic

    -ayaw marinig?
    - kasi di masasgot o kaya di alam kung pano sasabihin in english.. hahaha

    -ayans-- gumagawa kasi ko ng quarterly examas ng mga bagets ko... more more tanong, scrap ng tanong, gawa ng tanong.. nakakapagod din magtanong ah! hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Buhay teacher! Naks! Mahirap ka bang magpa exam mam Kat? hahaha

      Delete
    2. ... ang hirap sagutin ng tanong mo na yan kuya mar.... as in... :( feeling ko nga, spoon-feeding na ang gingawa ko sa kanila, pero mababa pa din ang nakukuha ng iba....

      Delete
  8. Manong Mar, your entry prompted me to write my last blog entry.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, manong? Nag comment nga ko don, naisip ko na somehow related post natin kasi parehong tanong hahaha

      My previous post naman is about fish, kapareho naman ni ms Joy na fish din...

      Ang galing!!! haha

      Delete
    2. Ang sisisihin ko sa paggamit ng Manong ay si Pao. Dahil mas matanda ako sa kanya pero hindi niya ako tinawag na Kuya. Pero pag nagkwekwento siya, Kuya ang tawag niya sayo. Kaya inisip ko na malaki ang agwat natin sa edad kaya may termino ng pagrespeto sa una ng iyong pangalan. Pero kung di ka komportable sa Manong, na nagdedefeat ng purpose ng paggamit ko noon, iibahin ko na lang. Depende sa suwestiyon mo. Ayan, bigla tuloy ako nagpaliwanag.

      At oo, related nga yung post natin. May mga panahon na ang blogospero ay parang karinderya para sa akin. Dun ako kumukuha ng isusulat. Lalo na't naubusan ako ng ideya.

      Delete
    3. hahaha, ayoko nang manong... kuya na lang! although alam kong pareho lang meaning non! Mas komportable ako sa kuya hahaha

      Ah ganon pala yon... sige nga, makapag check sa ibang karinderia baka may bagong putahe hahaha

      Salamat! Eh ano pala itatawag ko sayo?

      Delete
    4. Jollibee. Tawagin mo akong Jollibee. LOL

      Seriously though, kung ano-ano tawag sa akin depende sa kung saan akong lugar nadedestino at kung anong pakay ko sa lugar. So wala ako masyadong preference sa pangalan.

      Malayong malayo nga ba agwat ng edad natin? Mahirap maging basehan yang Pao na yan. :P Color blind e. Haha. (Oo Pao, sa pangungusap na ito, may tahasang akong diskriminasyon sa color blind. Partikular sayo.)

      Delete
    5. Jabee na lang itatawag ko sayo! LOL para maiksi lang! Maaalala kita pag nakakita ako ng Jollibee store! Kaso wala yata dito sa UAE, meron ba? Let me check!

      Oo malayong malayo,hahaha eh ano ba edad mo na? Hindi ka naman siguro kaedaran nyang si Pao Kun? hahaha natawa ako sa tahasang diskriminasyon, d rin ba maka recognize ng age ang color blind? Siguro tingin sa kin ni kuneho eh kulay gray (kulay matanda hahaha), hindi kaya? lagot sa kin yan! hahaha

      Delete
    6. Hindi ko ka-edad si Pao. Yan ang sigurado ako. Matagal na akong manggagawa bago pa grumadweyt ang colorblind :P

      For sure, hindi niya pa nababasa ang convo na ito :P

      Delete
  9. Depende sa tanung yan Panget. Minsan silence means so much. It doesnt mean pag di mo sinagot it automatically means YES. Me mga tipong na bilaokan ka pala kaya tagal sumagot, wala ng load, lumubog yung keypad, nabasag yung touch screen, nakagat yung dila, indi ma process ng isip kasi Rusiian language yung tanung.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha Disaster naman ang mga dahilan mo Panget! hmmp! Russian ka dyan! hahaha

      Delete
  10. Now I am thinking... Ano kaya ang pinakamahirap na tanong for you o tanong na ayaw mong sagutin? hmmmnnnn...

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku Senyor! di ko sasagutin yan hahaha

      Delete
  11. ayaw ko na maghirap na sagutin tanong mo kuya Mar tutal eh sinagot naman na ni Pao lahat eh hehe... eto na lang tanong ko sayo.. sagutin mo ah!.. kelan ang eksaktong uwi mo dito sa pinas? ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. naku! di pa ko sigurado kung kelan eksaktong date nang uwi ko hahaha saka na kita sagutin ha?

      Delete
  12. Ang daming tanong, magdagdag na lang ako. Totoo bang cute ka raw? Narinig ko lang po ito.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo po! hahaha

      wala man lang pagtanggi eh no? haha

      Delete
    2. Sinagot ko na yan sayo ng personal Jonathan - HINDI sya cute sinungaling yung nag-tip sayo nyan. Waha ha ha Peace Super M! :P

      Delete
    3. aha! Ikaw pala Ms B ang nagkakalat na cute ako hahahaha

      Delete
    4. Ambisyoso ka lol! Peyborit? ha ha ha :P

      Delete
  13. minsan yung tanong, sinasagot ng tanong din. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. tama ka dyan parekoy! Ang tanong, masasagot ba ng isang tanong ang tanong? Ang daming tanong hahaha

      Delete
  14. ang daming tanong, buti na lang sinagot na ni Pao. :)
    sa sunod, isa-isa lang ha 'manong' Mar. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Manong ka dyan hahaha Yes Manang, sa susunod isa na lang hahaha

      Delete
  15. "Bakit may mga sagot na di tugma sa tanong?
    Baka naman di naintindihan o sadyang tanga lang.
    Ayaw bang tukuyin o umiiwas lamang?
    "

    SAGOT: Pinoy yan yung pag laging lisya ang tanong.

    Sampol:
    TANONG: Anong oras ka dadating?
    SAGOT: Mamaya (lol oras ba yun?)

    TANONG: Saan ka pupunta?
    SAGOT: Dyan lang (o di ba!)

    Puro lisya di ba? Ang masaklap pa yung nagtanong ka, sasagutin ka rin ng tanong.
    Sampol:
    TANONG: Pupunta ka ba sa palengke?
    SAGOT: Bakit? (sagot ba yun? lol)

    Pinoy na pinoy di ba? ha ha ha


    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama! hahaha Pinoy na pinoy! Ganyan tayo eh! hahaha

      Delete
  16. Minsan tanong mo sagot mo at sagot mo tanomg mo ah ewan lols

    ReplyDelete
    Replies
    1. ang hirap nyan no? kaasar lang! Tanong mo sagot mo! hahaha kausap sarili?

      Delete
  17. Nakakahilo naman ito. Lagyan mo nalang ng tandang pananong. Charot

    ReplyDelete
  18. Marami talagang katanungan ang hanggang ngayon ay walang malinaw na kasagutan. Maaari rin namang ang sagot sa tanong na ito ay hindi mo lang mtanggap kaya patuloy pa rin sa paghahanap ng sagot

    ReplyDelete
    Replies
    1. yong tanong na alam mo na yong sagot... tama ka dyan!

      Delete
  19. Ang tulang ito parang quiz, daming tanong LOL.

    ReplyDelete
  20. Replies
    1. Payak na tanong... malalim na sagot ang hanap haha! Nadali mo!

      Delete
  21. May sagot ako, may tanong ka ba? lol

    ReplyDelete
  22. CSTO Collective Security Council meeting Putin in Moscow on the ugg same day, said the situation in the Christian Louboutin Bois Dore world Bags Louis Vuitton today is discount nike jordans undergoing rapid cheap jordans change, the ugg pas cher old problems continue to intensify, and new problems emerging, the world's security system is changing. This requires the discount christian louboutin CSTO member states to take Discount Louis Vuitton collective coordinated action christian louboutin to uggs on sale safeguard the security of Member States and regions.Putin ugg australia said CSTO will establish humanitarian center system, the first humanitarian center will be Christian Louboutin Daffodile set cheap christian louboutin up next year in christian louboutin remise 50% Armenia, uggs outlet after the formation ugg boots of similar institutions in Kyrgyzstan will.Putin also expressed concern about Air Jordan 11 Gamma Blue the situation in Afghanistan. He said the extremist Cheap Louis Vuitton Handbags organization "Islamic State" Cheap LV Handbags militants had infiltrated into Afghanistan, and christian louboutin shoes there is the possibility Discount LV Handbags to expand in Central Asia. CSTO member states should take pre-emptive measures to eliminate ugg soldes the cheap nike jordan shoes threat, wholesale jordan shoes we must strengthen supervision of Tajikistan and Afghanistan border.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...