Sunday, June 30, 2013

Pamana

Nagpasalin-salin sa lahat ng henerasyon,
Tila tanikalang di malagot ng panahon.
Pamana ng lahi sa akin ay ibinunton,
Magagawa ko ba na ako’y di sumangayon?

Sa dugong nananalaytay, ito’y dumadaloy,
Bawa’t pintig ng puso ko, ay isang panaghoy.
Bakal ma’y natutunaw, pag nadarang sa apoy.  
Buhay ba’y matatapos, buhay ba’y magtutuloy?

Sa dinami-rami ng ‘yong apo at ‘yong supling,
Bakit ako pa? Ang pagsamo at aking daing!
Traydor at tusong matsing, yan ang maituturing.
Sumpang di magmamaliw, ang akin ay kapiling

Buhay ay mahalaga, ako ay dobleng ingat,
Katawang batak, ehersisyo ang nararapat.
Wasto at tamang pagkain, ang dapat at sapat,

Sa altapresyong pamana, ay aking pantapat.




49 comments:

  1. wala na sumali ka pa! talo na ko hahaha. joke! mahusay :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. talo ka dyan!hahaha Ikaw ang mahusay! balato ah!

      Delete
  2. Edi ikaw na ang panalo. dyuk! Pacontest ka naman. hihihi :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. magpapakontest ako! Sasali ka ba? malaki ang premyo! hahaha

      Delete
  3. Sana pera na lang ang pamana, hindi sakit :(

    ReplyDelete
  4. Iwas-iwas din daw kase sa mako-cholesterol na pagkain pag may time, para altapresyon free ang katawan :))

    Huwaw, galing naman ng tula mo Kuya Mar. Mahusay, mahusay!

    at dahil jan, paiikutin ko na ang roleta... *ikot ikot* ganyans!

    and ang score mo ay..... WALA... sori.... ay hindi meron pala hahaha... 98.13 :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang sarap kaya kumain!

      Nahilo ako sa roleta mo hahaha

      Ang taas naman ng score na yan, may daya siguro roleta mo...

      Delete
    2. This comment has been removed by the author.

      Delete
    3. hahaha! nilaktawan daw! tampo? hahaha

      Delete
    4. hahahaha! ay nakita mo pala hahahaha!

      delete, delete, delete.... XD

      Delete
    5. delete delete ka pa dyan, nabasa ko naman hahaha

      Delete
  5. ang dami kong hihingan ng balato hi hi hi :P

    GOOD LUCK!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Isa lang mananalo Ms B! hahaha

      Thanks!

      Delete
  6. Naks. :) Congrats in advance super M! Kalalim ah.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Pao Kun dot net! hahaha

      Delete
    2. haha! walang anuman Unplog dot com! Ngayon ko lang nalaman na namamana pala yun!

      Delete
    3. Yup! Heridetary po ang high blood Pao Kun dot xxx hahaha

      Delete
    4. heh! Unplog dot xxx kaya yon! haha! Pao Kun dot Edu ako! #wholesome

      Delete
    5. Hahaha pasa ka na naman ah! Pao Kun dot sexEdu! #wholesome nga haha!

      Delete
  7. wow pati si sir mar may entry! anyway totoo ba yan sir? dapat ka
    nag mag doble ingat! at good luck sa entry na eexcite ako
    puro fav. blogger ko ang kasali

    ReplyDelete
    Replies
    1. Totoo yan, kaya dobleng ingat nga...

      Thanks MEcoy!

      Delete
  8. good luck sa entry Mar! nakaka aliw ang tema ng contest at pasok na pasok ang tula mo!

    ps may namana din akong ganyan, sana kayamanan na lang at hindi high blood namana natin no hehe :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sana Zai, kayamanan na lang nga!

      Ingat ingat din!

      Delete
  9. kitakits sa finals ah...hehehe... pito lang tayong sumali kuya mar...sana man lang kasama ako sa top 6... hindi magandang pamana 'yang alta presyon pero ok lang... naipamana rin naman sau ang john lloyd cruz na looks eh...uyyyyyyy....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pakape ka Senyor ah! Pag nanalo ka!

      Hahaha natawa ako sa pamanang looks!

      Delete
  10. goodluck sa iyo... pagnanalo kapehan ha.. hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Axl! Di ba bawal sayo ang kape? hahaha

      Delete
  11. Maganda pagkakasulat Panget. Esp yung 2nd hmmmm paragraph? lols

    ReplyDelete
  12. Goodluck sana manalo ka. Di na pwedeng sumale? haha.

    Love Quotes in Tagalog

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks! Sayang! Tapos na yong deadline, sana nakasali ka! haha

      Delete
  13. Hala, paano na ang paboritong kape kung altapresyon ay iyong katunggali?

    ReplyDelete
  14. Cheap Asics Running Shoes pain, could not help cupped the face. Tell me about your asics gel lyte iii sale past, I want to know your heart. believes he will be like one day sale, is a Paoniu master. It is not. cheap asics My body Cheap Asics Running Shoes is toxic. The tragedy appeared in the eyes of the eyes, cheap heart Cheap Asics Running Shoes with asics factory outlet the phone turned on the video, he wanted this scene recorded continuous learning.

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...