Wednesday, June 26, 2013

Guess What? Guess Watch!


10:00 am

Nakakaaliw pagmasdan ang pag-ikot ng orasan… marahil ito ang dahilan kung bakit isa ito sa mga instrumentong ginagamit to put someone in a deep trance. Kaya naman halos di ko maalis ang aking paningin sa bawat pag galaw ng mga kamay ng relong hawak ko. At sa bawat pag-ikot neto ay mistulang ibinabalik ako sa nakaraan… OOPPPSSS hindi pwede! Pilit kong ginising ang sarili ko para maiwasang balikan ang nakalipas… Andito ako ngayon sa lugar na to para harapin ang bukas. Kailangan kong gawin ito para sa sarili ko. Para sa kinabukasan ko. At para sa ikauunlad ng Pilipinas (ano daw?).

10:30 am

Tatlumpong minuto na kong naghihintay. Nakakabagot kahit alam kong maaga ako ng isang oras para sa itinakda namin na pagkikita. Ganoon pa man, nangingibabaw pa rin na sana ay bumagal ang takbo ng oras at wag nang dumating ang aking katagpo. Kahit papano ay umaasang hindi matuloy ang napipintong pamamaalam.

11:00 am

Muli kong pinagmasdan ang relong hawak ko… makisig pa rin kahit ilang taon na ang nakalipas. Bakas sa mukha ng relong ito ang mga pinagdaanan namin.

Wala na ang dating kinang sa stainless steel na nakabalot dito, ngunit higit na kapansin pansin ang pagiging matibay sa kabila nang di maiwasang pagbagsak ng paulit-ulit. Ang hirap ingatan ng isang bagay na mahalaga sayo, pilit mo mang protektahan, darating sa punto na makakalingat ka. At pag dumating ang oras na yon, ang sakit! Damang dama mo ang paglagapak!

Ang mga mumunting gasgas- nagpapaalala na tao lang tayo at nasusugatan, nagkakagalos at kapag nasaktan ay di maiiwasang mag marka at mag-iwan ng bakas.

Ang mga kamay ng orasan  na walang kapaguran– patuloy sa pag-ikot, walang hinto hanggat kaya pa. Hanggat may ibubuga pa ang bateryang nakakarga. Ganon naman talaga, kakayanin, patuloy na lalaban, kakapit kahit alam mong ikaw na lang ang nag-iisang nagpupumilit na muling umikot ang mundo para sa inyong dalawa.

Ang mga numerong nakapaikot dito ay nagsusumigaw at sinasabing ilang cycle naba ang nasayang. Paikot-ikot! Walang patutunguhan. Parang isang asong pilit inaabot ang kanyang sariling buntot. Nakakapagod, nakakasawa rin naman

Ang strap na gawa rin sa stainless steel ay ayos na ayos pa sa pagkakahugpong sa bawat isa. Alam mo yon, yong parang ayaw nilang maghiwa-hiwalay. Dahil alam nilang sa isang sundot lang ng karayom, maaari na silang matanggal sa isa’t isa. Isang sundot, lagot! Yong inaakala mong ubod ng tibay ay kaya palang sirain ng isang maliit na bagay lamang.

Para yatang sobrang nag-e-emote na ko sa kakatitig sa relong ito. Pagbigyan nyo na, huling hirit na to. Last look kumbaga. Isang pamamaalam sa isang bagay na matagal kong iningatan. Sabi nila para maka move on daw ang isang tao, we have to let go of all the things we hold precious at nakakapag-paalala sa inyong pinagsamahan. Parang si Gollum lang ng Lord of the Rings, he keeps holding on to the ring because he considered that his most valuable possession, his precious! Kaya naman narito ako ngayon to say goodbye to my  Guess Watch! "My Preciouuussssss" in the tone of Gollum!

11:30 am

Sa wakas, for the longest time, buo na ang desisyon ko…

Nakita ko syang pumasok sa pintuan ng restaurant kung saan ako naghihintay… nagpalinga-linga at nang makita ako ay kumaway at ngiting asong lumapit sa akin. Excited ang loko at agad naupo sa bakanteng silya sa aking harapan. Hindi man lang nag-apologize na late sya ng tatlumpong minuto. Walang paliguy-ligoy na tinanong ang kanyang pakay! “Tol! Asan na yong relo? Sa wakas ibibigay mo rin pala, pinatagal mo pa! Akin na at ng maisuot na!”

12:00 nn

Lumabas ako ng restaurant na Masaya… Malaya na akong nakahinga… sa dalawang oras na pamamalagi ko sa loob ng resto na yon eh para akong nasa bartolina na napakasikip. Daig ko pa ang isang preso na nakalaya sa kulungan at nalanghap ang sariwang hangin sa labas ng piitan. May ngiting panalo sa aking mga labi… Maaga pa naman, pwede pa akong manood ng sine at magkape. Treat ko sa sarili ko…

Time check 12:30 pm… at muli kong nasilayan ang stainless steel na relo sa aking kaliwang pulso…

******************************************************************************


Unplog's note:
Ang fiction na ito ay para sa mga hindi maka-move on! Apir! 

Hanggang sa muling pag-ikot ng orasan...
By Super M

51 comments:

  1. Idol talaga, hanggang ngayon hehe magaling ka sa mga ganitong akda, yung tipong maglalakbay ang diwa ng taong bumabasa, dahil ang pangkaraniwang mga bagay sa mata ay binibigyan ng malalim na kahulugan at pagpapahalaga. pagdating sa buod ng kwento ay mapapasinghap sa maling akala haha.. tumitwist!

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha may nakita akong emo sa piktyur o, emo nga ba?

      Delete
    2. Salamat Idol Gracie haha

      Hindi emo yon, Memo yong nakasulat don hahaha, pero sige na nga, emo na rin hahaha

      Delete
  2. Naks! Galing ng pagkakasulat.

    O etong comment ko ang para sa kinabukasan mo. At para sa ikauunlad ng Pilipinas. hahaha. Gumaganyan ka ah :P

    Fan ako ng wrist watch pero sa kanang pulso ako nag susuot. #Trivia. hihihi

    Move on na! Nabenta na yung wrist watch na idinonate mo sa PBO. whahaha :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, ibang watch yon! Suot ko nga ngayon yang nasa pic eh hahaha

      At dahil sa comment mo uunlad na ang Pilipinas hahaha

      Delete
  3. ang kulit mo! emo emo, fiction fiction. ang galing mo talaga sa ganitong takbo ng kwento napasakay mo na naman ako he he. at pumili ka pa ng favorite kong bagay adik ako sa relo eh :( akin na nga yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi kaya ako makulit! Ang behave ko kaya hahaha Salamat Ms B!

      Hindi pwedeng ipamigay ang relo, may sumpa! hahaha

      Delete
  4. Fiction daw pero may apir...naman!!! ;)

    ReplyDelete
  5. Ilang porsyento ser ang fiction at ilang ang totoo? hahahaha

    ReplyDelete
  6. Galing! Ang husay talaga. Pang BnP ang dating neto! :)

    hahaha natawa ako sa Gollum na Super M! "My precious!" sampol nga! Vlog na yan! hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Malayo pa ang BNP! hahaha Salamat Pao Kun!

      Vlog ka dyan! Kay Lala bagay yang "My precious" followed by "Feeeyeeelll" hahahaha

      Peace Lala! Nawawala ka na!

      Delete
  7. haha nakakatuwa naman to fiction nga ba?
    at yan ba nagagawa ng nagiintay? ang makapagmunimuni ng malalim?
    haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. fiction mecoy, fiction hahaha

      Oo nakakainip kaya, kaya dapat may diversion hahaha

      Delete
  8. Astig 'to Kuya Mar! I appreciate the thought process you put... Galing!

    ReplyDelete
  9. hmmmmmmm remorse from the past? tapos biglang nagkaroon ng idea na nirelate sa present thoughts/feelings tapos, isa isang nabuo ang flow ng kwento? tapos isinulat? tapos nilagay sa blog? tapos kinomentan ko? nyahahaha....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tapos nagreply ako sa comment mo hahaha

      Delete
    2. tapos sumagot ulit ako kahit walang sustansya ahahaha.

      Delete
    3. At tayo ay nagsagutan hahaha adik lang!

      Delete
  10. mga hinimay na saloobin sa mga bawat sandali....

    ang paghihintay nga naman, maraming 'nasasayang' o 'produktibong gawain' ang nagagawa sa paghihintay.. depende madalas sa tao.... anyway, we just have to enjoy and take our time!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Waiting in vain hahaha pero tama ka we just have to enjoy and take our time!

      Delete
  11. Anu ba yan, ipamimigay lang pala sa bandang huli yung relo hahaha :)) pero nice narration Kuya Mar. Akala ko naman, may special girl kang hinihintay sa bandang dulo eh XD

    Nagustuhan ko yung pamamaraan mo ng paggamit sa bawat parte ng relo na inihalintulad mo sa isang relasyon.

    About moving on, at some point in our lives talaga, some people will stay in our hearts but not in our life... and we have to let them go.

    Finally, nakapag comment din... naku, magko-comment na sana ako kagabi dito kaso naman biglang nawalan ng connection. Kainis lungs haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganon talaga pag maraming relo, namimigay hahaha!

      Salamat! Move on na! Haha

      Delete
    2. mukang may pinagdadaanan si feeeyeeel about letting go ah!

      Delete
    3. @Kuya Mar - haha, ganun pala ha? penge akong isa Kuya Mar. Meron ka bang G-Shock jan? :P

      @Pao - hahaha, may pinagdadaanan agad-agad? XD

      Delete
    4. Oo naman, meron ako G shock, pero di ko ipapamigay haha

      Delete
  12. ganda ng pagkakasulat, maski ng kwento, di ko lang naintindihan bakit kinuha ang relo at nalaman mo pang 12nn nung paglabas mo ng resto :D o mahina lang utak ko ngayon? :)

    anyway, na-gets ko kung ano pinaghuhugutan ng kwento, kahit fiction, andun yung katotohanan :)

    ReplyDelete
  13. Mag-iisip ka talaga sa pagbasa ng kuwentong ito. At ang pag move on, dapat lang alisin sa ating buhay ang mga negatibo, ang mga magpapabagal sa ating pag unlad. God bless!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat sa komento! Tama! Alisin ang mga negatibo! God bless din!

      Delete
  14. Ang galing naman. Nakasulat ka ng story just looking atyour watch. I will try that sometimes:)

    ReplyDelete
  15. sino kaya yun?! ang swerte naman nya. kapal muks din. nanghihingi ng relo. hehehe.

    ReplyDelete
    Replies
    1. kapal muks nga eh! Di na nahiya hahaha

      Delete
  16. parang di namn fiction. haha

    ReplyDelete
  17. para tlgang narinig kong nagsalita si Gollum tapos naiimagine ko yung mukha nung kaaway ko...haha...

    tapos mejo naguilty ako dun sa ilang cycle naba ang nasayang part....waaaa...

    As usual, hats off to you kuya mar!

    ReplyDelete
  18. cheap asics speak. You will regret it. Why should I regret it. I'm a man, cheap asics you are a woman. cheap waiting to speak, cheap asics and so on for a long time have not seen a trace of fretting lips, asics factory outlet just to speak, cheap asics a different kind of Cheap Asics Running Shoes charm to feel the warmth of a long-lost it. the first to

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...