Monday, April 22, 2013

The Death of Super Mario!

"For me, to live is Christ and to Die is gain." 
Philippians 1:21

Takot ka bang mamatay? Ang tanong na madalas ayaw nating sagutin. May iilan na matatapang o nagtatapang-tapangan na sasagot ng oo. Pero teka lang, let me rephrase the question. Handa ka na bang mamatay? Anong isasagot mo? Your time starts now....

Habang nag-iisip ka ng isasagot mo, let me share to you my death wishlist. 

I can talk freely about death, pero hindi ibig sabihin eh handa na kong mamatay. Open lang ako sa realidad na darating lahat ng tao doon. And since may oras pa ko para magplano, at kahit papano eh magka-idea kayo kung ano ang gusto kong set-up sa funeral, mga iiwanan, habilin at kung ano-ano pang mga bagay na may kinalaman sa deadz... gumawa ako ng aking listahan. 

And here it goes...

1. White Coffin: 
Hindi naman ako maselan, kahit gawa sa plywood ok lang, tapos pininturahan ng puti, matte finish dapat para hindi mag re -reflect flash ng mga camera at hindi magbounce back ang mga ilaw sa paligid. Bakit puti ang gusto ko? Dahil lahat ng dadalaw sa funeral ko eh magsusulat ng notes or signature sa white coffin. May nakaready dapat na pentel pen na permanent with black, red and green ink. Pili ka lang kung ano trip mong kulay ng panulat.

2. Picture Perfect: 
Gusto ko yong baby pic ko ang nakalagay sa ibabaw ng coffin. Yan mismong larawan sa baba... cute ko no?

Si Super M nong di pa sya kumakain ng
mushroom na pampalaki!
Para naman magka-idea yong iba kung anong itsura ni Super M nong baby pa sya. Also, it symbolizes that every ending has new beginning... paki-konek na lang hahaha.
   
3. Soundtrack:
Ito naman ang mga songs na dapat patugtugin during my funeral.
* "I will follow him" Sister Act version
* Babalik ka rin ni Gary V.
* Babay ni Yeng Constantino
* Thriller ni Michael Jackson
Ano pa ba? Baka may idadagdag ka, sabihin mo lang...

4. Seven Days of Happiness:
Bakit happiness? Ayaw ko ng malungkot... marami na kong pinagdaang malungkot na bahagi ng buhay ko kaya tama na siguro yon. Masaya naman dapat. Kaya partey partey kayong lahat habang nakahiga ako.

At bakit naman 7 days lang? I want it to be like when God Created the Heaven and Earth. Come to think of it... ang buhay natin kasi eh mai papattern mo kung pano ginawa ng Diyos ang mundo. Sa umpisa, walang porma, madilim, then there was light. Parang tayo nong nasa sinpupunan pa lang, fetus na di mawari ang itsura, hanggang unti-unting nagkakaroon ng hugis, hanggang sa masilayan mo ang liwanag... and then sunod sunod na, waters, heaven, day and night, dryland, living creatures, man in his own image and then God rested on the 7th day... Di ba ganon din naman proseso, eventually you will experience many things in this life. Marami kang matututunan, maraming magiging kaibigan, lugar na mararating, mga pangarap na matutupad. At lahat ng yan eh parte ng buhay. Pagsamasamahin natin at yon ang kabuuan ng pagiging tao mo... ang sariling mundo mo na ginagalawan at pilit na binuo. Yon nga lang, kailangan nating magpahinga... nakakapagod din naman.

One week lang dapat ang itatagal ng funeral, kaya kung busy ka sa work, maaari lamang na maglaan ng isang araw para sa akin.

5. Paano na ang Unplog?
Well, magpapatuloy ito... dahil meron namang tinatawag na "Ghost Writer". Alam mo na ang mangyayari pag di ka bumisita dito at nagiwan ng comment.

Yan lang muna, saka ko na lang dagdagan kasi inaayos ko pa ang aking "Last will and testament". Kailangang pag-isipan kong maigi kung saan ko iiwan ang aking mga ari-arian at kayamanan. (Parang meron eh no?)

So, naiisip mo na ba ang sagot sa katanungan ko sa taas? Kung ako tatanungin, hindi pa ang sagot ko! Marami pa kong gustong gawin at marating. Marami pang umaasa sa kin at higit sa lahat, hindi pa talaga ako READY!


“All things that have form eventually decay." -Orochimaru” 



See you in this life or the life after!
-Super M




71 comments:

  1. Hala kinilabutan naman ako sa post na ito... habilin lang?

    Though it's part of reality!

    Pagaya na lang din pag nauna ako, ha? Hindi ko pa kasi naiisip ang mga plans 'pag turn ko na to face the angel of death...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kinilabutan si Senyor! Sorry naman hahaha

      Walang gayahan! Akin lang yan haha

      Delete
  2. Paano ung last will and testament kua Mar..... naka limutang sabihin kung ilang percent and mapupunta sa PBO hehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. ...at mapupunta sa anak nya!

      Delete
    2. @jei son, iniisip ko pa kung ilang percent sa PBO hahaha

      Delete
    3. @Pao Kun! Hindi sa anak, sa kapatid!

      Delete
    4. andaming nag aabang ng pamana ni super Mario. Avocado ang gusto ko! hahahaha!

      Delete
  3. napaisip tuloy ako baka kaya naisip mong magpost ng ganito entry ay dahil out of no where kinabahan ka dyan sa paradise ay dahil parang time bomb lang ang peg dyan at hindi mo alam kung kelan "nila" ikaw slash kayo pagtitripan dyan?

    ReplyDelete
    Replies
    1. yan talaga ang dahilan pareng Cy. May virus ata ding kumakalat sa Dubai! Kidding!

      Delete
  4. chosera ka natawa ako sa theme na " babalik ka rin " ni gary V! hahaha

    ay nako now palang mag sulat ka na ng scheduled auto-posts dito sa blogger nai-seset yun dito. para kahit wala ka na may mababasa kami

    ReplyDelete
  5. Actually, di ko pa Naisip kung pano ang funeral ko. Maybe happy song coz I am joy and hopefully going to heaven. White coffin will be nice too:)
    Hays, feel ko di pa rin ako ready. Marami pa kong gusto na gawin at marating:)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes Ms Joy! Kaya yan! Go for it! Marami pang pwedeng marating.

      Delete
  6. Naku buti na lang may entry ka na ganito.... kailangan ko na pala asikasuhin yung life insurance ko ahahah baka mapaso na yun..

    ReplyDelete
    Replies
    1. Renew renew din pag may time!

      Delete
    2. Uu nga eh ahahaha. maasikaso na nga sa restday ko yan :D

      Delete
    3. Temporary restday or permanent? Joke! hahaha, asikasuhin na!

      Delete
    4. Parang maganda ata ang permanent pero sumasahod pa din...

      Opo ito na nga po, punta na ng Coop :D

      Delete
  7. Wahaha si Super M patawa! Ghost writer ka dyan hehehe. Anyway, mag-aasawa ka pa noh kaya di kapa made-deadz lol. Hay!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ikaw lang yata naka gets nong Ghost writer eh hahahaha. Oo naman, di pa tayo pwede ma deadz! Hahaha

      Delete
  8. "Hindi ako takot mamatay, ayaw ko pa lang." - Pao Kun

    1. Black ang gagamiting kong panulat sa coffin mo. At kapag ako ang unang nagsulat, pupunuin ko ng doodle ang coffin mo, at may signature sa ibaba.

    2. Haha! sa unang tingin, hindi mo kamukha ang nasa larawan. Kailangan pa ng matinding analization. Pero may trace naman na magpapatunay na ikaw yan, lalo nasiguro paghinawi ang competitive mong bangs!

    3. Walang idadagdag, ibabawas meron: Wag mo na isama yung thriller! (pakialamero pala?) hahaha!

    4. Gano ba talaga dapat katagal? Yung iba nga 4 days lang, and if it was me, I want it last for only a day. Less lungkot sa mga naiwan ko pag ganun. Sige, lemme stay in your funeral for the whole week.

    5. hahaha! Mapupuno ito ng... "we will miss you" comments.

    May sagot na ako, nasa taas din. :)

    PS. Natawa ako kay Orochimaru. HAHAHAHAHA! Sabihin mo nga, may sakit ka ba? ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi naman nakakatakot mamatay, pero pag oras mo na, kahit ayaw mo pa, wala tayong magagawa don!

      1. Hahaha gusto ko yang doodle na yan! Gagawin mo talaga yan ah! Pero bigyan mo naman ng space yong iba! Hahaha

      2. Ako yan! Obvious naman hahaha pauso ka sa competitive na bangs hahaha

      3. Ayaw mo ng thriller? Hahahaha

      4. Ganon lang katagal gusto ko, para may chance yong iba na dumalaw! Aasahan ko uli yang whole week presence mo hahaha

      5. Sure ka? We will miss you talaga? Baka hindi hahahaha

      PS- Wala akong sakit! Kaka medical ko lang ulit dito! Kahit itanong mo pa kay Orochimaru! Hahahahaha

      Delete
    2. Di dapat nagiiwan ng bakanteng space sa doodle! hahah!

      Bakit di mo ulit subukang magpatubo ng competitive na bangs? hahaha!

      ayoko mag tanong kay orochimaru, baka madecay ako eventually!

      Delete
    3. hahaha, sige sayo na lahat ng space! hmmp!

      Hahaha! yong mala emo na bangs hahaha

      Eventually gagamitin nya katawan mo, si orochimaru pa! hahaha

      Delete
    4. Hahaha madamot ako e! kaso syempre, mahirap mag doodle pag malungkot!

      Oo, maglagay ka na rin ng eyeliner! Emo talaga naisip mo ha?! hahaha!

      Yay!!! Ayaw ko! Baka magamit sa masama ang malaanghel kong image! Kidding! ;)

      Delete
    5. Oh? Baka di mo kayanin ang pag do doodle kasi panay ang iyak mo hahahaha!

      Yon ang una kong naisip sa bangs eh! Emo at eyeliner talaga? hahaha

      Kidding daw! Aysus! Kunyari pa... ipaste ko dito link kaya? Ahas este Anghel ni Orochimaru hahaha

      Delete
    6. hahahaha! Kaya ko yan! Pati ilalim ng coffin lalagyan ko. hahaha! Pati yung takip! tapos papalayasin ako ng relatives mo. hahaha!

      Pwede namang bangs ni mikay. Kung hindi mo alam ang bangs ni mikay, isearch mo sa google image. ayan may instruction pa talaga! :D

      Oyyy link ka jan! hahaha kung ano ano nanaman yang iapapasok mo sa blog mo! haha!

      May pinapasabi nga pala si miss B! Bale, basahin mo nalang don sa blog ng Damuha. Don sa almost one night stand ni Vince. Andun yung pinapasabi nya. hahaha!

      Delete
    7. at isa pa... napakain ko na yung isda! Kakaaliw!

      Delete
    8. Di ka talaga mag iiwan ng bakanteng space ha! Hahaha, di ka nila palalayasin, takot lang nila sa kin hahaha

      Hindi ko sya kilala! Hahaha

      I paste ko na dito yong link, hahaha

      Nabasa ko na! Hmmp! Pinaghuhugutan ka dyan!

      Dapat lang na pakainin mo ang mga ithda, dahil ni request mo yan! Peborit mo eh no? Ginusto mo yan hahaha

      Delete
  9. na-weirdohan ako sa post...about sa death talaga? akala ko mamamamamamaalam ka na. tsk tsk tsk

    pero kung ako ang tatanungin....hindi naman ako takot mamatay, basta wag lang yong pahihirapan ako yong tipong nakaratay sa higaan hanggang unti unti mawawalan ng hininga...gusto ko yong, patay agad agad. hehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. kuya emps. ipapakain ka sa mga langaw... hahaha!

      Delete
    2. Pareho pala tayo ng gusto empi yung biglaan!

      Cge sama mo ko sa pag-akyat sa bundok para maitulak kita sa bangin or patirin kita sa.takbuhan para mabagok ulo mo?

      lolz luv u empi peace! :P

      Delete
    3. @ Empi: wow! weird ba ang topic na death para sayo? Arte mo panget! hahaha
      Agad -agad ba gusto mo? Yong tipong nasabugan at nagkapira-piraso ang katawan? Joke! hahahaha

      @Pao Kun: Sub Admin? hahaha

      @Ms B. may balak ka pa lang ganyan kay Empoy hahaha

      Delete
  10. gusto ko yung ganito... yung very optimistic approach talking about death...

    nung varsity ako ng basketball during college, doon ko natutunan yung saying na "magkikita kita pa rin naman tayo sa finals". very cliche pero hindi lang pala literally sa court applicable yung saying na yun... dahil kahit anong iwas natin.. sa totoong laro ng buhay... iisa lang ang FINALS na patutunguhan natin...

    hongkyot kyot lang ni super mario nung hindi pa nakakakain ng mushroom at hindi pa nakakalaklak ng cherifer....
    ahihihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, natawa ako sa cherifer! Sabaw ng sinaing yata gatas ko noon hahahaha

      Delete
  11. naikwento ko na rin sa blog ko ung gusto kong funeral hahaha.
    anyway, hindi pa din ako handang mamatay ngayon. kahapon handa na ko eh. ngayon hindi na ulit. wala lang. pampagulo lang tong komento ko hahaha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha! Ang kulit mo Bino! May EB pa tayo pag uwi ko kaya wala pang mamamatay sa atin hahaha

      Delete
    2. Ay meron pa palang eb hahaha. Sige mageextend ako ng life lol

      Delete
  12. Meron din ako neto eh sa facebook ba.or sa friendster ko nailagay - mai update nga lolz. Maganda nga yung may ganito eh para may guide yung mga maiiwan kung anong gagawin di ba?

    Yung baby pic cant deny na ikaw kasi dun sa mata. Wala pang bahid lungkot but malamlam talaga ang dating -tantalizing ba? O wag kiligin! Binobola lang kita kasi parang namama-alam ka.na eh ha ha ha :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kinikilig ako Ms B. (naiihi lang) hahaha!

      Update mo na! Nang magkaalaman na hahaha!

      Delete
  13. Hindi ako takot mamatay, nag aalala lang ako sa mga maiiwan ko.
    Hindi pa ako ready kagaya mo madami pa ding umaasa sakin.

    Pero minsan naisip ko na din ang soundtrack na patutugtugin pag ililibing na ako

    "Let's get loud"
    at "Mickey" hahahaha yung masaya lang

    ReplyDelete
  14. Nawala yung comment ko kagabi. Naipost ko naman siya. Anyway, eto ulet magko comment ako hehe

    1. I like the idea that you choose a simple white and I guess an unexpensive coffin. At least tipid din hehe!
    2. Siguro ikaw Mar ang unang may idea na baby pic ang ilalagay sa ibabaw ng coffin mo.
    3. Medyo creepy din ang mga song choices mo hehe
    4. Naalala ko bigla ang debunked TV series na "The Seventh Heaven" at yung movie na "500 Hundred Days Of Summer" headlined by Joseph Gorden Levitt. Kahit walang connect hehehe!
    5. Ay eto ang creepy sa lahat, Parang Ghost Rider lang na movie ang dating. Babalik ka talaga as a ghost writer huh? hahaha.

    Good for you that you're brave enough to discuss things such as this. Not many can do that including me. hehe!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nabasa ko na nga sa email ko comment mo kagabi eh. check ko sa spam baka napunta don hahaha

      1. Exactly. TIPID hahaha

      2. Ako ba? hahaha, o ha! Ipa patented ko na yan hahaha

      3. Para may humor lang, naiimagine ko reactions ng mga tao hahaha

      4. Di ko alam yong movie na THe Seventh Heaven, ma check nga yan... yong 500 days of Summer parang napanood ko na

      5. Yes! na may plumang nagliliyab! hahaha

      Oo nga! Pag nabasa to ng nanay ko lagot na! Mapamahiin pa naman yon hahaha!

      Delete
  15. ghee katakot ang post mo sir mario! haha ayoko ng mga ganyan topic hahaa
    dame ko pa plano sa buhay ayoko muna madeds

    ReplyDelete
    Replies
    1. Napag-uusapan lang Mecoy, to naman! Natakot agad hahaha

      Delete
  16. Hahaha. Ayos 'to tito mar ah. Ipapabasa ko kay lola 'to. Lol. Joke. Kala ko ba ayaw mo nung BABAY. At may tjriller pa. Haha. Last will and testament? Alam mo na kung kanino... lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayaw ko talaga sa paborito mong si Yeng! hahaha Ang pangit kaya nyang babay! hahaha

      Delete
  17. This comment has been removed by the author.

    ReplyDelete
  18. Hindi pa ako ready ngayon at ayaw ko pa!
    Nakakapangilabot naman ito, ayos yung coffin na gagawing free wall a--tignan lang natin yung tapang ng mga tao na magsulat lalo na yung mga takot lumapit sa coffin haha. Isama mo na rin sa soundtrack ang "Your bones" ng Of monsters and men....

    Teka para mas organize tong plan mo, kuha kana ng life insurance sa akin a.

    "Matiwasay na paglalakbay!" lol



    *ang cool ng header, pinag-isipan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayaw ko pa rin naman ah! hahaha Napag-uusapan lang naman...

      Sino nga kaya ang matatakot magsulat? hahaha Aasahan ko Inong na magsusulat ka ah! hahaha or else alam mo na... #44thFloor hahahaha

      Ok! Pasok yan sa list! "Your Bones"

      Ano yan St Peter Plan? hahaha Sumasideline ka ah!

      Salamat in advance hahaha

      Cool ba? Ito ang pinaka gusto kong header ko so far! salamat Inongski!


      Delete
  19. kuya mar alam mo na sa last will testament mo ha na kasama ako dapat hahaha ung mga properties mo hahahaha ...

    kulang pa ung list sa mga songs mo ..

    dapat may move like jagger o di kaya love on top hahaha dapat may videoke ha sa lamay

    ReplyDelete
    Replies
    1. Properties ko talaga? hahaha Parang meron eh no?

      Move Like Jagger and Love on Top sige kasama yan hahaha

      Good idea yang Videoke hahaha

      Delete
  20. Wala man lang naka set na food para may alam na ako sa ihahanda mo o magdadala na lang ako? lols.

    Im sure starbucks yan at cake na dala ni Pao! sosyal!

    ReplyDelete
    Replies
    1. magdadala ka ng food! Starbucks dapat ang kape! hahaha, at talagang dinamay mo si Pao sa cake na ikaw lang kumain hahaha

      Sosyal dapat! hahaha

      Delete
  21. Ang lupet ng header ser! [pasensya at nalate ng dalaw.]

    Masisira lang yung mga signature sa kabaong pag nalibing na, mas maganda kung yung damit mo na lang yung susulatan. open coffin na lang tapos libre autograph. XD

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat! Welcome back!

      hahaha, may magsulat kaya sa damit ko non? hahaha

      Delete
  22. See soon Super M. Mauuna ba ko o mauuna ka. Dyuk lang. Kasi naman nagjojoke ka dito. Haha.

    Natawa ako sa soundtrack. Hindi pako handa mamatay. Iyun! Napaisip tuloy ako.Pero iba naisip ko. Eto...

    Paano ko gustong mamatay? haha. Parang ok din isipin to. Iblog mo yan. hihi

    ReplyDelete
  23. Faucet then style of sink: "The very popular tap water styles needed for several hours pubs find with a stylish, high-street believe enrich a real superior adorning design and style, that include ShowHouse by Moen's Waterhill Assortment,Inside Rowe described. These are usually along with new indication exactly like loss experience while urinating, unholy desire to arrive at the toilet and in some cases high temperature. Beyond the becoming area's effect on magnifying glaas tastiness, each method connected with refining makes sense to deliver the beans a distinct flavoring upvc profile in the in conclusion total tongue with all the level of caffeine. In addition you must discover some kind of espresso coffee coffee machine that meets around these style to your new kitchen, so your dyes job. In either case, you feel yourself while having way too much on a spoilable stock options.

    Take a look at my site ... hovoli turkish coffee machine

    ReplyDelete
  24. now ko p lng inuumpisahan basahin ang mga blog mo kuya mayong hehe....

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...