Saturday, March 23, 2013

THE LONELY FROG!

Sample Photo na Emo
Sample Lines na Emo:

"Isn't it weird, when the only thing I can think about is you ? 

When every time I close my eyes, I see you. When everything I do and everyone I see, reminds me of you.

Isn't it weird when I can't get you out of my head.

When I can't stop having flashback's about what happened on that day.

Or, about the fact that I'm falling for you, and you don't even like me.

Isnt It Weird ? "

"Lover of Sadness"

At ang Emong Palaka...

Before we begin the experiment, mas bagay yata itong topic ko sa hanggang ngayon eh hindi pa nakikilalang si "Frog Prince" ng PBO Group BBM. Pakilala ka na dude! Or else sasabihin ko sa kanila na ikaw ay isang.... ???

Pwede rin namang ang post na ito ay mapunta sa blog ni Cheenee ng Kwentong Palaka dahil sa bida  sa kwentong ito.... Si Emong Palaka.

Emo? Let's dissect this lonely frog shall we?!

Naitatago ba ang kalungkutan?

Hear all the frogs in the field... maiingay yan lalo na pag bagong ulan... or if it's about to rain. Laking probinsya ako kaya alam ko. I grew up in a place surrounded by different sounds of nature. And when I was a kid, I will ask this question, "Nalulungkot ba ang palaka???" It seems there's always a big party na nagaganap sa kanilang pag-iingay. Or maybe, it is the other way around? Yon kaya ang paraan nila ng paglalabas ng kalungkutan? Ng ka-emo-han?

Ang tao kaya ganon din? Iisipin mo ba na kung sino pa yong maingay, ay sya pa ang may mabigat na pinagdadaanan? O baka naman behind the happy mask, is a face of a lonely man. Masaya ka sa harap ng ibang tao... maingay... magulo... pero pag nag-iisa ka na lang... kumusta ka naman?

Maari ngang itago ang kalungkutan, pero naniniwala ako na ito ay panandalian lamang. Kahit gaano ka kagaling magtago at mag pretend na masaya ka... sooner or later someone will notice. Yong maskara na isinusuot mo araw-araw, darating ang panahon na it will wear down and exposed your true feelings...

A not so distant ago... someone told me... "You have a smiling face... lagi kang nakangiti! But you know what? You have a lonely eyes." Bigla akong na-conscious, totoo kaya?

Simula noon, parang natakot na ko tumingin ng matagal sa mata ng iba... kahit sa sa sarili kong repleksyon sa salamin.... (emo no? lol)

Nakakamatay ba ang Kalungkutan?

Oo naman!

Sadness is Dangerous! *insert blinking red light here*

Meron akong kwento tungkol dyan...

Kwentong Palaka...

One day isang araw, habang naglalaro ang magkaibigang si keropee at kermit ay bigla silang nahulog sa isang bangang malalim. At kahit anong gawin nilang talon ay di nila maabot ang bunganga ng banga. Hanggang sa sumuko na ang dalawa sa kakatalon at naghintay na lamang kung anong kapalaran ang nag-aabang sa kanila. Dumaan ang mga oras at wala pa ring tulong ang dumating. Lungkot na lungkot itong si Kero at matamlay na naghihintay at umaasa. Samantalang kabaligtaran naman ni Kermi na may pakanta-kanta pa at palaging masaya. Lumipas pa ang ilang araw na wala pa ring tulong ang dumating. At ang kalungkutan ni Kero ay lumala. Ganunpaman, si Kermi ay nagpatuloy sa kanyang masayang attitude. Walang sandali na sinayang si Kermi upang maging masaya. Hanggang isang araw, nagising na lang si Kermi na wala ng buhay si Kero. Namatay syang malungkot at di na nasilayan ang bukas.

Kahit mag-isa na lang si Kermi, hindi naging hadlang ito upang hindi ipagpatuloy ang pagiging masayahin. Pero pagkalipas lang ng ilang araw, pumanaw na rin Si Kermi.

Moral Lesson??? If you have a choice... DIE HAPPY! Kung alam mong mamamatay ka na next week, why spend the rest of your life in sadness?  Tandaan, pangit mamatay ng malungkot! Patay ka na nga, pangit ka pa... pano na? Mahihirapan ang make-up artist na ayusin ang nalukot mong mukha. Die Gracefully ika nga. Paano ba yon? I don't know, di pa ko namamatay eh joke! lol

Nakakahawa ba ang kalungkutan?

Yes na Yes ang sagot dyan.

At kagaya ng emong palaka, defensive mechanism din nila na mag -camouflage sa kanilang environment. And some frogs have the ability to change colors depende kung anong kulay ng paligid nila. So, if you are surrounded with sad, depressed people, most likely na mahawa ka sa kanila.

* Nasubukan mo na ba na mapaligiran ng mga taong puro ka-emo-han? Sooner or later, emo ka na rin. 
* Naranasan mo na ba na may nanghingi sayo ng advise, pero sa halip na makapagbigay ka ng magandang   payo eh nakihagulhol ka na rin? Ang masaklap, dinaig mo pa sa pag-iyak yong taong may problema. 

Kaya kung mahina ka, aba'y kailangan mong dumistansya muna and gather resources para di mahawaan. Ikaw dapat ang makahawa ng kasiyahan sa taong may kalungkutan and not the other way around. Baon ka ng maraming SAYA!

May gamot ba sa kalungkutan?

Wala!!! Kasi hindi naman sakit ang kalungkutan na kailangang gamutin. Normal lang na makaramdam ng kalungkutan, as normal as sweating in a hot condition. Emotional response ito sa mga pinagdadaanan nating masaklap at mapait na karanasan. Hindi mo kailangang pigilan or else, sasabog kang katulad ng palaka!

Alam mo ba yong kwento ng palakang sumabog ang tyan dahil sa kayabangan? Dahil gusto nyang ipagyabang na sya ang pinakamalaki, pinuno nya ng pinuno ng hangin ang kanyang tiyan hanggang sa pumutok.

May mga tao kasing pigil ng pigil sa kanilang kalungkutan kahit alam naman natin na may pinagdadaan. Katulad ng palakang mayabang, ang iba ay nagmamalaki rin na hindi sila nalulungkot, hanggang sa puntong sila ay sumabog na rin.  

Huwag malungkot kung wala mang gamot sa kalungkutan... The good News is pwede itong ma resolved sa pamamagitan ng mga sumusunod na hakbang.

1. Makihalubilo sa masayahing tao
2. Magbakasyon sa lugar na mare-relax hindi lang katawan, higit ang isipan
3. I- pamper ang sarili (may kilala akong babae na todo shopping pag malungkot)
4. Ikaw na magdugtong kung ano pa pwedeng gawin para kahit papano eh maibsan ang ka-emo-han!


Emo ka ba today? Don't kill yourself! KILL THAT LONELY FROG!



94 comments:

  1. Full of wisdom ang post mo na ito. Maraming matututunan at maraming dapat umilag(pati ako actually).

    Pinakapaborito ko si Kermit... Tama, die happy dapat! Gusto ko rin 'yung nakamamatay na kahanginan.

    Agree rin akong nakakahawa ang ka-emohan just like happiness din. Everytime I am happy just like now, I always make sure to spread it para everybody happy!

    Napaisip tuloy ako kung may straight eye to eye contact ka pag nakikipag-usap...hmmnnn...

    Lately, I am happy na one of our friends na itago na lang natin sa pangalang Archieviner ay hindi na masyadong Emo. Bwahahahaha... I think it's because he is surrounded with people who care enough to make him feel well.

    Once malampasan ang ka-emohan, another more difficult challenge is to sustain it. Hindi madali pero pag naiwaksi natin at napatay yang Lonely Frog na 'yan, we will have a great and positive outlook in life in general. Mas magiging masarap ang ngumiti.

    Nakaka-good vibes ang post na ito. Thanks for sharing. Yey!

    Wait, padagdag lang doon sa number 1, umiwas sa mga taong negatibo... almost the same with surrounding yourself with happy people pero just want to be specific lang...

    Tsaka, ciempre, dapat laging may strong faith kay Papa God... hihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Once malagpasan ang ka emo-han, mas magiging masarap ang ngumiti! Panalo to senyor! Ang galing!

      Delete
    2. Special mention pala si Archieviner dito. Sino sya? lol

      Delete
    3. Oo nga, Senyor, sino ba si Archieviner? hahaha

      Delete
    4. maharot si archie jowwkk sorry wholesome pala ang comment na ito hihihi

      -subadmin-

      kapag nalagpasan mo ang kalungkotan, isang daan din ito para maintindihan mo ang ibang tao na on the process pa sa kanilang kalungkotan na yan. "it takes one to know one" ika nga - sa drug rehabilitation ko nakuha yang linya na yan lol

      Delete
    5. Wholesome toong blog ko , umayos ka hahaha

      Ah so musta ang buhay sa drug rehabilitation? Di ko alam na adik ka Lala hahaha joke! Ano ginagawa mo don?

      Delete
  2. "Isn't it weird, when the only thing I can think about is you ?

    When every time I close my eyes, I see you. When everything I do and everyone I see, reminds me of you."

    --- yung totoo luma-love life ba ito? nyahahahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi! Sample nga lang yan di ba? Nakasulat nga eh! Skip read? Hahaha

      Delete
    2. dyan talaga ako nagconcentrate, malay ko ba kung luma-lovelife ka na ahahaha.

      Delete
    3. hahaha lovelife agad hindi ba pwedeng wala lang hahaha

      Delete
    4. :D sige na nga, sige na nga ahahaha... baka kasi may pinaghuhugutan yang statement na yan ganyan... :p

      Delete
    5. Wala, wala, wala!!!! Akala mo lang meron! hahaha #kulit ni Super M!

      Delete
    6. dahil parang super defensive (ata) ng pagkakasabi mo ng wala kuya mar, eh sige di wala (bilis kausap?) :D ahahaha.

      Delete
    7. at bakit may iwasan sa lovelife? allergy lang koyah? hahahaha

      Delete
    8. hindi naman allergic sa love... wala lang talaga! hahaha

      Delete
  3. Nalungkot ako sa line na "I'm falling for you, and you don't even like me.." Nakakarelate si SOB. LOL

    And talking about the frog, akala ko sasabihin mo ay laking probinsya ka kaya you grew up in a place surrounded by different kinds of .... FROG! Nature pala.. hahaha.

    Medyo similar tayo ng blog post ngayon. Bawal ang malungkot, bawal ang puro ka-emohan. Kelangan natin lumaban at maging masaya. I'm glad na I'm surrounded by great people including you na jolly ang personality but deep inside you're dying. Dying of being single. Charot! Haha. (Parang ako lang. LOL)

    Tsaka always remember na somewhere out there, there's someone who is secretly in love with you.. Hehe. So just stay the way you are...you LONELY FROG! :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. At sino naman yang di ka nagustuhan? Sabihin mo ng mabangasan hahaha

      Haha nature! Inaaya ka nga ni nanay don ah! Ng makita mo mga palakang bukid haha

      Oo nman, bawal malungkot at mag emo! Dying ka dyan haha, i'm enjoying my life as a single man #indenial lol

      Hi to my secret admirer, sino ka man, salamat!

      The Lonely Frog! Hahaha

      Delete
    2. You DENIAL KING!!

      hahahaha.

      Sabi nga ni Nanay mo saken, hinahayaan ka nya lang maging single muna kung yan ang gusto mo. Pero for sure matutuwa yun pag nalaman nyang may nagkakagusto sa anak niyang 'gentleman' sabi nung kanyang secret admirer. Hehehe.

      Delete
    3. hahaha Denial King talaga!

      Nagpapaniwala ka kay Nanay... kita mo nga sa Cagbalete sablay hahaha

      Secret admirer ka dyan, eh ikaw nga ay may taga-hanga hahaha na hindi secret! Open na open hahahaha

      Delete
    4. umarte ka pa koyah mar!! abah iba pa rin yang alindog mo na yan at ur age ha! chos! (nobody knows ur age i think lol) kasi nong nasa surigao kami going butuan i asked them how old ka na walang makasagot hahaha hula ng hula lang kami lol ang hula ko nasa late 30s ka lang eh chos (tumitibok ang atay mo niyan haha)

      yan ang mga kaemohan niyo, hayaan lang kaya yan dumaan ano wag lalagpas ng 6 months kasi DEPRESSION na yan!! hahaha mas maganda pa yang GRIEVING na yan kung kayo ay nasasaktan hahaha oo kasi ang GRIEVING its not a static feeling compared to depression. basta wag kayo lalagpas ng 6 months, pag feeling malapit na 6 months at lungkot lungkotan pa kayo magpaconsult na kayo professionally hahaha

      Delete
    5. Ito lang masasabi ko sa comment mo Lala! Isang malaking EHEEMMMMMMMM!!!! hahaha

      Delete
    6. EHEEEEMMMM!!!!!

      panong di ka mapapa-ehem eh hanggang dito ba naman eh sub-admin! at tingnan mo naman kung kaninong comment nagsub-admin??? ha ha ha ha :P

      Delete
  4. Mejo may hint na ako Kuya Mar kung baket lungkut lunguktan ang peg mo ngayon.

    1. Dahil Holy Week. Nakiki mellow ka din sa okasyon.
    2. Dahil nalalapit na ang pag-alis mo. Lilisanin mo na ang ating bayang magiliw upang makipagsapalaran sa Gitnang Silangan.
    3. Lumalablayp? --> wala ako masyado alam sa buhay pag-ibig mo hehe :)) Pero sana si Junior nasusustentuhan mo ng maayos. DYUK!!!! hahahaha :D (alis nako dito baka mabigwasan ako, babush)

    Happy Palm Sunday Kuya Mar!!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ay malungkot ba tong post ko? Parang di naman hahaha

      Emo buster nga to eh! Nag skip read ka no? Aminin hahaha!

      1. Holy Week is the time of the year to reflect hindi para malungkot
      2. Maniwala ka man o sa hindi, excited ako umalis! Ang ganda kaya ng Dubai hahaha
      3. Junior kaya ako, so mali ka don! Dapat the Third na! Hahaha Next time mag research ka ng tama ha? Para saktong info mo hahaha joke!

      Wala kaming celebration ng Palm Sunday eh! Blessed Sunday na lang sayo! God Bless!

      Delete
    2. Hahaha, di ako nag skip read noh. Lahat yata ng entries mo binasa ko in FULL :P

      Nabasa ko yung dulo, yung pangontra emo shiz :D

      Nag focus lang talaga ko dun sa ma emo na parte, kase di ba nga sabi mo nakakahawa ang kalungkutan hahaha

      *palusot si Fiel-kun*

      Delete
    3. Sige na nga... hindi ka nag skip read... hahaha

      Thanks Fiel!

      Delete
    4. dapat may banner ka na rin d2 bawal ang skip reader hahaha namiss ko si june b. siya naaalala ko sa pagsskip read na yan lol

      Delete
    5. Lagot ka kay Jun The Skip Reader hahaha

      Delete
  5. "Kung sino pa yong maingay, ay sya pa ang may mabigat na pinagdadaanan."<---Sapul! Kuya mar sapul na sapul ako dito sa post mo. Lately emo talaga ako pero nalalampasan ko. Sa tulong yan ng mga kaibigan na nakapaligid sakin. Kasama kana dun. Hindi ko makakalimutan ang sinabi mong "Happiness is a choice" common saying na eto pero at that time na sinabi mo sakin ay ang right time to understand at gawin.

    Kung malungkot ka man ay gawin mo kaming example. Kinakaya naming maging masaya. Kaya kung kaya namin... ikaw pa kaya hindi. Cheer up :)

    Di pa kilala ang Frog Prince? haha. Kilala ko sya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sapul na sapul ba? hahaha

      Oo, natatandaan ko, Happiness is a Choice!

      Thanks! Kung makaramdam man ako ng kaemohan, I have this post na pwedeng balikan...

      Di pa kilala, ang hina naman ng mga humuhula kasi, pero parang nabanggit na sya eh, in passing hahaha

      Delete
    2. pwedi ka na maging life coach niyan koyah mar! chos! hihihihi totoo naman yang happiness is a choice, sadness is a choice the same lol pero minsan kailangan natin maramdam ang lungkot para ma-aapreciate ang happiness thats what i have learned in life. hope that kahit panget ang "lungkot" na-enjoy naman kahit papano coz that lungkot will bring u to another happiness in life.

      Delete
    3. Life Coach ka dyan, ayaw ko hahaha

      Eh pano kung lungkot that leads to another lungkot that leads to another lungkot ulit, ano gagawin mo? Sige nga? #sapin-sapin na lungkot hahaha

      Delete
  6. haha di ko alam kung love post ba of emo post eeh
    well nakakahina talaga ang kalungkutan
    hmm pero sa tingin ko namn may paraan para mawala to
    kahit panandalian lang

    di drugs at alak ahh!
    prayers ang tinutukoy ko
    source ko ng lakas ko naun un ee

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, di mo ba maintindihan kung love or emo post? Yong ka-emohan kasi, laging ina associate sa love problem kaya ganon, kaya kala mo tuloy love post ito haha

      Tama ka don MEcoy... Prayers! Amen to that!

      Delete
    2. nothing can beat prayer. i remember once, i was really angry to this person and i prayed na sana mawala ang hatred kong yon and i myself nagulat dahil yong galit na galit ko talaga has been washed away na hindi ko alam saan galing.

      if we focus on our strength despite of situations coming, at may enough awareness tayo to our emotions, mas madali natin maintindihan ang mga pangyayari sa ating buhay, mas malawak ang ating isip para umunawa sa situation at sa ibang tao. WALANG MADALI SA PROCESS kahit professional counselors, psychiatrist, social workers, psychologist kapag dumaan sila sa unos ng kanilang buhay, they go to the same process and the best they got along is "prayer" =) amen to mecoy nga =p (holy week lel)

      Delete
    3. Ame! Reflect reflect din tayo sa holy week! hindi lang puro outing!

      Delete
  7. anong eksena to kuya mar at may ganito kang kungkutan portion slash emo emohan ang peg slash na prang inlababo ,,,,

    sino kya yang si frog prince n yan!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha... pinagsama-sama mo na lahat ah!

      Sino nga ba? Kilala mo ba? hahahaha

      Delete
    2. at talagang may na sense na akong lovelife hahaha habang nagsscan ako ng mga comments abah lovelife2x na talaga hahaha ano ba talaga koyah? hahaha in love kana ba talaga ulit? hahahaha

      Delete
    3. araw araw akong in love! sa kape! hahaha

      Delete
  8. Kaya pala malapit na kong mamatay kasi malungkot ako. Emo comment

    ReplyDelete
    Replies
    1. Baka wala ka sa pinas pag namatay ako so icondolence mo ko in advance

      Delete
    2. Ayos naman. Mas gusto ko ang panglao

      Delete
    3. ay mali kapag sobrang saya ka ayon parang malapit ng mamatay JOWK. #umepal lang talaga ako d2 hahaha

      Delete
    4. Naku lala, kaya pala ang saya mo! hahaha jowk!

      Delete
  9. parang may pinapatamaan ka sa post na to ah.. charot! Die happy! -magandang motto yan.. ako nagka-kape with friends and nanonood ng movie alone kapag malungkot hehe..sige na nga shopping na rin.. window shopping hehe.. yung sample emo lines mo parang may pinaghuhugutan naman :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. Haha kape and movie alone? Hmmm normal na sa kin yan!

      Wala lang yan... Props lang hahaha

      Delete
    2. ayy ndi ko pa natry yan kape and movie alone hahaha parang bigting bigti na ako niyan hahahaha or hindi lang siguro ako sanay na hindi magingay hahaha jowk

      ang mga linyang minsan lang sinasabi, may malalim na dahilan yan kasi hindi naman lalabas yan or masasabi kung walang pinanggagalinga hahaha wag kang magdeny dyan koyah mar!! alam na! jowk!

      Delete
    3. Subukan mo kasi hahaha para maiba naman!

      Anong linya? malalim na dahilan? lalabas? anong pinagsasabi mo dyan hahaha

      Delete
  10. Pag kagising laging may choice...2 lang yan... maging happy or maging sulky...laging piliin ang una... mahirap man masaya naman... tama die happy!

    ReplyDelete
    Replies
    1. You're right Genskie! Maging masaya kahit sa mga difficult moments in life...

      Delete
    2. bakit patay patayan talaga ang topic hahaha lovelife at patayan if i will consolidate all the comments hahahaha

      Delete
    3. kasi pag nainlove ka, yong isang paa mo, nakatuntong sa hukay kaya ganon! hahaha Love and death!

      Delete
  11. Nakita ko na sa side bar mo yung "Lover of Sadness" before this post. Gusto kong tanungin noon but nag-hesitate ako. Tama ba? nasa side bar mo yun before this post? at bakit? (tinanong din eh no?)

    As usual ang ganda ng pakaka-tackle ng "emo" topic mo plus the "frog" thing - you're really good at this ano? You gave another meaning about dun sa palakang sumabog ang tiyan. Alam mo ba since I was younger at hanggang ngayon tawang tawa ako dun sa palaka na yun LOL! At least now binigyan mo ako ng new perception sa palaka na yun but natatawa pa rin ako sa kanya (bwa ha ha ha ha :P)

    Natural lang naman ang mag-emo paminsan-minsan. But pag sobra na at super announced ng paulit-ulit sa social media parang KSP na lang :(

    Ako pag feeling emo nagsusulat. Dun ko nilalabas lahat ng ka-emohan habang nakikinig ng emo tunes while munching babyruth. LOL but true!

    About your eyes...I noticed that when I met you in person. It's not actually "lonely" but "sadness" Then when I saw your pic greet (with half face nyo ni Jr tingnan mo) yun nakita ko ulet yung sadness sa eyes... (hindi sana ako magko-comment about the eyes but ang daldal ko lang ngayon).

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes, nasa side bar nga sya... Lover of Sadness... Nagustuhan ko lang sya with all its weirdness, nothing more, nothing less hahaha

      Alam mo din pala yong kwento nong palakang sumabog ang tyan hahaha

      Correct... di naman kailangang i announce ang kaemohan. Once is enough. Tama ka dyan Ms. B!

      Natawa ako sa emo moment mo, munching babyruth lol!

      Waaahhh!!! Ganon lang talaga mata ko... malamlam lang talaga kaya mukhang malungkot hahaha... pati yon napansin hahaha

      Delete
    2. hindi ko pa nameet tong si koyah mar pero in fairness maganda ang eyes niya ano (nagbblink na ang eyes ni koya mar while reading this lol) hmmmm na-curious tuloy ako, hahaha soon mamemeet din kita koyah at 1 minute ko titigan ang mata mong yan at alamin kung ano ang sinasabi ng catarata mo este ng saloobin mo lol

      Delete
    3. wag mo ko tititigan sa mata! Mai inlove ka sa akin hahaha! #paalala sa lahat! #beware lol!

      Delete
    4. malamlam = ikaw na ang TANTALIZING! sige magblink blink ka dyan! HA HA HA HA

      Hello to the sub-admin = EHEM!!!

      Delete
  12. Pag emo ba, frog na kagad? hahaha..
    Buti naabutan mo pang buhay ang suicidal frog. Siguro gusto talagang looking good habang inaalala. For me, ok lang naman akong makinig sa ka-emohan ng mga friends ko, kahit paulit-ulit, sinasabi ko din na hindi ako nakikinig, ok lang na paulit-ulit sya hanggang sya mismo marindi sa sarili nya. Pag pagod na sya, ang itatanong ko lang naman "Ano nang plano mo ngayon?" Para makapg-isip sya ng mga ways to move on.

    Ako, pag malungkot ako?. matulog at magbasa ng kung anu-ano. Kumain ng ice cream. Maglakad. Iniiwasan kong mag-isa at walang ginagawa.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ayos ang pangtanggal mo ng lungkot! Gusto ko yang ice cream! Sabihan mo ko pag malungkot ka, penge ng ice cream haha

      Delete
    2. yan ang comfort ko ICE CREAM lol nong time namatay ang nanay ko, all i did is to eat ice cream morning lunch at gabi parang kailangan ko ang ice cream sa oras na yon to help myself kasi kung wala yon malamang i broke down. masarap yang maglakad magisa doon sa may dagat at may madaming kahoy kasi lahat ng lungkot sa katawan mo parang dinadala lang ng mga hangin.

      at nadadala na ako dito sa mga comments hahaha amfff... ito na naiinspired na akong tapusin yong blog entry ko chos.

      Delete
    3. Ice Cream? Nakakabawas ba ang lamig ng ice cream sa kalungkutan? hmmm

      Gawa na ng post!

      Delete
  13. at panis na ata ang comment kong to? chos!

    hmmm!! booom!! split wide si telelalabells...

    at bakit ang emo mo ngayon? malapit na akong mahawa haha nagisip pa naman ako kagabi magpost ng kung ano2xng anek2x kaso hindi ko natuloy, pagiisipan ko pang magpost lol

    sa seryos side, nakakarelate naman ako sa post mo nato, minsan naman naging madilim ang buhay ko at akala ko hindi ko na makita ang liwanag. i was taught by a mentor to focus on my strength, forget what happened and see it as a blessing kung bakit nangyari ang mga bagay na nagbibigay ng rason para maging emo ka, sad ka at magbibigti kana chos.

    based on the study sa psychology, people who laugh and smile the most are the ones who experience the most kalungkutan, oo tama yang sa mata, naniniwala ako dyan, nasa mata kasi ang nagsasabi lahat kung masaya ka ba talaga inside or u just pretend it to be happy para masabi ng ibang tao na masaya ka. there's always a "mask or persona" in us, we cannot get away from that, it happened, even here sa social networking, aminin mo papakain na kita sa palaka jowk. we need to protect ourselves yan ang main reason kung bakit we need to wear a mask. ang kailangan lang talaga natin is we are willing to trust the people around us kung san natin pwedi ishare ang ating naramdaman. ganyan.

    tama na yan at baka maging blog ko na itong blog mo sa haba ng comment ko chos.

    pa-sub-admin ako joooowwkk.. hihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. nagpapaalam ka pa eh ginawa mo na hahaha

      Sub- admin!

      Delete
  14. Kill that frog!! hahaha..

    Basta ang alam ko ginawa ang kalungkutan bilang emosyon ng tao kasi may dahilan. Maaring mabuti, maaring maganda depende n nga siguro kung paano dadalin at hharapin ang emosyong yun,

    naalala ko yung frog na nalunod dun sa kanal namin dun sa kwento ni kero mo. NAlulunod din pla ang palaka? ewan ko ba ksi nadeads nga sila dun sa kanal eh. Siguro hindi sila marunong lumangoy o siguro nagpakalunod na alng sial sa kalungkutan. :p

    ReplyDelete
    Replies
    1. hindi moises, may krimen na nangyayari sa palakang nalunod. sinadya ng kapwa niyang palaka na lunorin ang palakang yon kasi dahil sa babaeng kanilang hahalikan. ganyan hahahaha

      Delete
    2. @Ninong, talagang kill that frog hahaha

      Agree! Maari ngang mabuti. Nagkakaiba lang ang pagtanggap dito ng tao.

      Nilunod mo siguro yong palaka ano? hahaha

      @Lala - ginawan ng issue? haha

      Delete
  15. "Die Gracefully ika nga. Paano ba yon? "
    -Dapat mamatay ka ng may poise! Oha!

    "You have a smiling face... lagi kang nakangiti! But you know what? You have a lonely eyes." Bigla akong na-conscious, totoo kaya?
    -Oo totoo!

    "Nakakahawa ba ang kalungkutan?"
    -Oo naman! :)) Lalo na sakin na hindi magaling mag bigay ng advice o mag comfort man lang. lol makikilungkot nalang ako. hahaha!

    " Hindi mo kailangang pigilan or else, sasabog kang katulad ng palaka!"
    -Buti nalang all out ako pag nalulungkot. Nagsasabi talaga ako. Hindi ako patweetums na, "okay lang ako"... hala! hahaha!

    ***

    Ang totoo, mas okay din na nalulungkot paminsan minsan; dahil pagkatapos ng lungkot na yan, mas marerealize mo kung gano kasarap mabuhay, kung gano kadami ang dapat ipagpasalamat, at kung gaano kadami ang dahilan para sumaya ka. :)





    ReplyDelete
    Replies
    1. ito ang tumpak, ito na ang synthesis sa lahat ng comments at sagot ko sa comments hahahaha

      Delete
    2. @Pao (Kun-ehong balbon):salamat sa pagbisita (parang first time eh no?) hahahaha

      - Die Gracefully - Dapat mamatay ka ng may poise , pag dinaka pose, ulit uli? hahaha

      - lonely eyes - Oo! Totoo nga! Weh? Di kaya, baka puyat lang ako nong mapansin mo hahaha

      - Nakakahawa ba ang kalungkutan? Ayaw ko lumapit sayo pag malungkot ka, malakas daw makahawa yong madaling mahawaan hahaha

      -Di kailangang pigilan - LOL sa patweetums! Oo nga, bakit nga ba yong iba sasabihin ok lang sila pero di naman, nagpapapilit? hahaha

      It depends on how you view sadness. Iba-iba kasi ang mga tao on how they will accept or react sa kalungkutan... pero agree ako don, it is just a passing through... at pag nalagpasan, you have more reasons to celebrate! Yey!

      @Lala - define synthesis! hahahaha

      Delete
    3. At balbon talaga?! Di mo lang napapansin, pero madalas ako mag pakain ng isda dito! Alam mo naman, baka ilungkot mo pag namatay ang isda. Hahah!

      Hahah I mean, pwedeng dahan dahan ang pag himlay pag namatay! Ngumiti kung kaya. :)

      Bawat pag kikita puyat? haha!

      ay ganun ba yon? blood type O ako, universal donor! #konek? haha!

      Hahah nagpapapilit ba? baka gusto rin magpasuyo! :D

      @lala, define synthesis din! hahaha!

      Delete
    4. Bakit isda lang pinapakain mo? Hayaan mong mamatay ang isda wag lang yong alaga kong fox!

      hahaha dahan dahan ang pagkamatay sabay ngiti! Pag bigla ang pagkamatay, wacky pose ganon? hahaha

      hmmp! Mag si shades na ko lagi! Para di mapansin hahaha At bakit mo tinitingnan mata ko? ha? hahaha

      Type O? Type A ako! recently ko lang nalaman haha ano ngang konek? pa explain!

      Hahaha, may kilala akong ganyan... mahilig magpapilit at magpasuyo na rin!

      Na define na ni Lala ang synthesis hahaha sa twitter! At talagang nag tweet sya para lang sa meaning nyan!

      Delete
    5. Ngayon ko lang napansin ang fox mo! Nasa kaliwa pala! Ang landi nya!

      Magslide muna bago ang wacky pose! haha!

      At san ako titingin pag nakikipag usap? Sa ilong? Hahaha!

      Bakit recently lang? Ako nung grade 1 alam ko na! #yabang hahaha! Basta ang alam ko, pag pareho kayo ng bloodtype, mas mabilis makahawa #sakit. hahaha! Ewan ko lang sa emosyon. lol

      Kilala ko din! Hahahaha! Kaya ikaw suyo ka ng suyo e no? Di makatanggi! whahah!

      Galing talaga ni Lala! Da best!

      Delete
    6. Basta fox malandi talaga, parang kuneho lang yan eh hahaha

      Hindi slide! Kulit! Gulong kaya, sabay wacky! Sakto! Hahaha

      Sa lips! Read my lips para maintindihan mo sinasabi ko hahaha!

      I'm not inerested kasi sa blood type. Hindi naman ako sakitin kasi kaya ganon siguro hahaha to be safe, stay away from me pag gugulong ka sa kalungkutan ah! Hahaha

      Kilala mo din? Tingnan mo nga naman, small world! Hahaha hirap! Sobra! Hahaha!

      D best!


      Delete
    7. Ay behave ang kuneho no! Lalo nat Easter ngayon! Easter Bunny lang, ganyan! haha!

      Kagabi, nakita ko ang pinag slide-an! haha! Pero ikaw pa rin ang original! hahaha!

      Ayy ngayon ko lang nabasa, wala e, sa eyes talaga ako natingin pag nakikipag usap! whaha! Next time, sa lips! whahah! Pano kung may ano.... ano... yun na yon! haha!

      Hahaha! Bahala ka! Maambunan ka nang kalungkutan sa ayaw mo o gusto!

      Sikat naman ata sya e. Hahaha!

      di ko pa rin nakikita ang vlog ni lala!





      Delete
  16. Nakarelate ako sa post na ito...dati, may isa akong kaibigan na nagsabi sakin kung bakit ako malungkot? Kahit tumatanggi ako, nakikita raw sa mga mata ko ang kalungkutan, di ko alam kung ginogood time ako. Haha.

    Mas panget ka kapag namatay ka ng hindi ka handa. I mean, yong hindi mo tanggap.

    Sobrang nakakahawa nga ang kaemohan, may kakilala akong ganyan...minsan di ko na lang iniintindi dahil pati ako nag eemo na rin. Haha


    Gamot sa kaemohan ay gumala, mamundok, tumakbo....gawin ang mga bagay na interesting. Adventure kung adventure ito!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ibig sabihin lagi kang malungkot? Kasi panay ang gala, pamumundok at pagtakbo mo! hahaha

      Delete
    2. ikaw din kaya koyah mar ano pagala gala ka rin eh hahaha lol kain lang katapat sa ka emohan!! hahaha

      Delete
    3. hoy buti na lang exempted ako sa pamumundok, di ako emo kaya gumagala at tumatakbo ha! lolz!

      pero agree ako kay eMPi sa pagtakbo - kayang tanggalin ang ka-emohan :)

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...