Tuesday, March 12, 2013

Backpack Series: Pre-Departure!

Nalalapit na naman ang muling byahe ni Super M at ang kanyang backpack. Ngayon pa lang eh excited na si backpack dahil first time nyang makabyahe (bago kasi). Katulad ng nakaraang taon, mahaba-haba ang byaheng ito. Ma-mi miss ko ang mga EB's at mga new found friends ko dito sa blogosphere, kahit ang totoo eh gusto na nila akong umalis at mawala sa kanilang landas (lol).

At sa mga ganitong byahe, marami akong natututunan patungkol sa buhay-buhay at pakikibaka ng mga tinaguriang "Bagong Bayani" o OFW. Masasabi kong para na rin akong kabilang sa kanila (Semi-OFW lol) sa madalas kong byahe sa abroad na may kinalaman sa aking trabaho. 

Ano sa palagay nyo ang nature of work ni Super Mario? (Hanggang dito may guessing game hahaha)
              1. Piloto
              2. Messenger ng kumpanya at madalas eh sa abroad ang delivery
              3. Walang Trabaho, Jet Setter lang talaga!
              4. Plumber
              5. Construction Worker
              6. None of the above

Maging ang kalakaran sa Airport ay nakasanayan ko na rin. Kaya naman here are the following tips para mapadali at maiwasan ang hassle and bustle sa loob ng airport:

1. Travel Light:
Madalas nating marinig to, pero sa ating mga Pinoy, anong light-light... hala sige! Bitbit kung anong pwedeng bitbitin. Kaya hindi tayo magkandaugaga sa mga dalahin. Naglalakihang mga balikbayan boxes na kung ano-ano ang laman. Ganon talaga tayong mga Pinoy eh, mahilig tayong mamigay ng pasalubong (Pero iba ako, hindi ako namimigay ng pasalubong, lol sorry po). Ok lang yan, as long as kayang i-check in baggage at hindi ka over weight o magkaroon ng excess baggage, sige lang!

At kung sa hand carry naman, two pcs are allowed pero not more than 7 kilos (depende sa airline). Laptop are exempted sa mga timbangan kaya hindi na dumadaan sa kilohan.

Kung ma overweight ka, madali lang naman ang paraan, tawagin kung andyan pa ang naghatid sayo. Kung wala na at nakaalis na o kaya naman ay walang naghahatid sayo sa airport gaya ko, itong susunod ang gawin mo.

Buksan ang maleta, piliin ang mga mahalagang gamit lamang... I-unload mga gamit na sa tingin mo eh makaka survive ka kahit wala yon,  Tipunin ang mga extrang damit at gamit na inilabas sa maleta, iwan sa basuruhan at hayaang ma-amaze na pag-agawan ng mga ground crew sa airport! (base sa totoong karanasan)

2. Wear Comfortable Clothes
Sa malayuang byahe.. the best pa rin na kumportable ka. Hindi baleng luma ang suot mo, basta masarap at magaan sa pakiramdam, ok na.

Payong kaibigan lamang... check the weather condition of your country of destination prior to your flight. Ito ay para malaman kung swak ba ang suot mo sayong pupuntahan. Baka naman umuulan ng niyebe sa iyong pupuntahan eh wala ka man lang jacket! O kaya naman eh balot na balot ka at sapin sapin ang suot na damit eh sa disyerto pala ang iyong destinasyon. Mga ganyang scenario na kailangang alamin mo bago sumakay ng eroplano.

3. Wear Light Slip-on Shoes
Bakit nga ba? Para mapadali ang buhay mo sa loob ng airport. Basically minimum of two airports and dadaanan mo. Airport of your depature and Airport of your arrival. At sa dalawang ito, dadaan ka sa body scanner which means kailangang magtanggal ka ng sapatos. If Connecting flights ka, hindi lang dalawa, you will need to pass three airports, kaya kung de-sintas ang suot mo, good luck sa pagtanggal at pag tatali nito.

Kung slip-on shoes, madaling hubarin at madaling isuot muli. Kaya para mapabilis ang iyong galaw sa airport, consider this tip.

Yan ay ilan lamang sa mga kailangang tandaan... marami pang tips pero sa susunod na lang.

Usapang Boarding Gate (Collections): 

1. Balikbayan Pinay: hay salamat... makakabalik na rin sa lugar na malamig. Ang init dito sa Pilipinas... (medyo malakas ang pagkakasabi, napalingon sa kanya mga katabi ang gave her the "look" na pamatay, if you know what I mean)

2. I open my laptop to check my sched kasi usually sabak agad sa work pagdating sa country of destination... 
Man at my back said to her wife: sayang dinala ko sana laptop ko,
Wife: Mayabang ka kasi! Pa laptop laptop ka pa! (she said it with emphasis on the "mayabang" almost close to my ear)
Me: Bilang makulit, inilabas ko pa ipad ko! (Mayabang pala ah!) And wait for the reactions.... 
The Man and wife: *dead silence* *cricket sound* 

3. At the Body Scanner: Isang Pinoy na ayaw tanggalin ang mga gold nyang suot sa katawan! Imagine all the bling-blings na suot nya, necklace to bracelet and earings. Naninilaw at ayaw nyang tanggalin for some reasons na hindi ko na inalam (The result, traffic sa scanner)

4. A balikbayan Pinoy shouted: Ang daming pinoy oh! Look! (Malamang sa Alamang! NAIA ito eh, natural maraming Pinoy dito kabayan!)

Masarap bumiyahe, mahirap na masarap maranasan ang buhay sa ibang bansa, lalo't higit sa mga full time OFW na nagsasakripisyo para sa pamilya at sa bayan. Tinaguriang bagong bayani pero walang red carpet treatment sa Airport at walang magarbong pagsalubong. Sa halip, kikil kaliwat kanan ang sasalubong sa kanila mula sa kapwa Pilipino rin, at ang kakarampot na naipon para sa Pamilya ay mababawasan pa. Tama nga si Eros Atalia... Kung ang OFW ay tinaguriang bagong bayani, bakit walang nakalibing na OFW sa Libingan ng mga Bayani? Bakit nga ba?

It's More Fun in the Philippines!!!! 



70 comments:

  1. ayyy ang sosyal ha kung umaalis ka lang ng bansa dahil sa work na yan abah pinangarap ko rin yang pagiging jet setter mo na yan lol

    pero ni minsan ndi ko carry ang travel light na yan kahit na anong gawin ko isang bag ko pa lang puro anek2x at abobot na sa katawan ko hahaha

    parang gusto ko pang malaman koyah ano pa ang mga nangyayari sa loob ng airport palabas or papasok parang nabitin ko sa realidad na nakwento mo lol

    sana ay masaya ang iyong paglalakbay! aabanga ang update!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. ibig sabihin ba ay jetsetter ang hula mo? hahaha hindi ka naman skip read kagaya nong panget sa baba haha

      hindi ko maimagine ano ano yang mga abobot mo hahaha, plus mga gulay at kung ano ano pa haha

      Abangan ang susunod na kabanata! Salamat ate!

      Delete
    2. None of the above.

      Diba Architect ka Kuya Mar?

      Delete
    3. wow koyah kung maka ate ka hahahahahaha ate talaga? bata pa ako matanda lang ang katawan ko!! hahaha joke

      ay ndi ako nagsskip read hahaha kasi yan pa ang next project kong gawin sa blog ko ang maglagay ng banner sa mga skip readers hahahaha charoootss!!

      Delete
    4. @Fiel - hmmm sino nagsabi sayo? hahaha

      Delete
    5. @Lalah - ayaw mo ng ate? Chossy ka pa ha, sige Tita Lalah hahahaha

      Si Jun ang unang makikinabang dyan sa banner mo ng mga skip readers hahaha i push na yan!

      Delete
    6. Architect ka kuya Mar :D

      obvious naman sa mga pics mo sa fb hahaha!

      Delete
    7. @Fiel, ano bang pics ko sa FB? hahaha

      Delete
    8. hahaha may ganyang tita ate pa talaga hahahaha cheh!! ndi pako bagay sa mga ganon charots hahaha

      oo ito na nga ginagawa ko na ang banner ko diba hahaha

      Delete
    9. @Lalah; pakibilisan ang banner hahaha #demanding

      Delete
    10. Natawa naman ako sa thread na to! Humahabla ang panget oh! hahaha!

      Delete
    11. Di nya matanggap na skip reader sya hahaha

      Delete
  2. Done Skip reading..Hmmm.. Based s comment ni Lala, ang post na ito ay about sa pagiging sosyal? nyahaha

    Ayaw naman namin umalis ka ha? Lumayo ka na lang please? nyaha..mawawalan na akong travel buddy.. :(

    The answer is 6. None of the above.. Isa ka lang na mayaman na nag tatravel to pursue self satisfaction and to make us feel bad abt ourselves? nyahaha

    Travel Light: I shouldn start learning this. Natatakot kasi ako maubusan ng brief.. nyahaha.. clothes pala,

    Wear Light Slip-on Shoes: totoo to..nakaka hassle na shet.. tas relo pa..paha! pakers!

    AT ang yabang yabang mo sa laptop-iapd scene mo ha! hahaha..Ikaw na talaga..

    Hay, kakapagod mag skip read.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ikaw na! Ikaw na ang dakilang skip reader!

      Sa ayaw at sa gusto mo, aalis ako hahaha!

      Mali ka sa sagot mo, pero tama ang explanation mo! Sakto! Bleh!

      Travel Light: may solusyon dyan para di maubusan ng brief, kahit dalawa lang dala mo pwede na, labhan mo after maligo, then isampay para matuyo kinabukasan, alternate! ok? haha

      Isama mo pa belt kaya dapat wag maluwag na pantalon isuot! hahaha

      Ay oo naman! Super M nga eh hahaha

      Pano mo nagagawa mag skip read? hahaha

      Delete
    2. ang lalaki pwedi kau kahit brief lang ang bitbit nio hahahaha maging resourceful kau sa mga brief nio, gawing side a side b kung tamarin kaung maglaba diba save pa kau sa sabon na yan. hahahaha wag naman sa babae kasi super eewww un hahahaha naisip ko ung sa inyo eewww din pala hahahaha

      Delete
    3. Ang lakas mo maka imagine ha! hahaha Ibang klase talaga imahinasyon mo Lalah hahaha Pati yong sa amin? Naisip mo pa yon? hahaha

      Delete
    4. LOL panalo to si junjun sa pagkaskip reading. haha

      Delete
    5. Pero panalo ang imahinasyon ni lala. lol

      Delete
    6. lahat naiisip ko wag kayong magalala wag na rin mahiya hahaha chos!!!

      Delete
    7. Pati comments niyo na Skip Read ko na.. hmmm..

      Lahat kayo ay ma-"M"

      Delete
    8. Oo nga what M? Mario? hahaha

      Delete
  3. Ay ganyan ka Kuya Mar iiwan mo na kami, hmph! hahaha :))

    Bon Voyage na lamang sa iyong paglalakbay. Nawa'y gabayan ka ng Diyos ng tubig, apoy, hangin at lupa sa landas na iyong tatahakin sa Gitnang Silangan.

    Ilang years pala ang congract mo sa work?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo naman! Malalaki na kayo no! hahaha

      Salamat! lakas maka pantaserye ah hahaha

      8 years hahaha jowk! 8 months lang

      Delete
  4. Welcome to hell. dyuk! (Si Margaux kasi nakakahawa sa Ina kapatid anak) lol *dead silence* *cricket sound*

    #1 Hindi applicable to sakin. Gusto ko buong bahay ko dala ko e. haha

    #2 Basta laging magdala ng jacket... malamig kaya sa plane. Malamigin kasi ako. Naalala ko pagdating ko sa Korea halos isumpa ko sa lamig. haha

    #3 Naalala ko si Daddy Jay dito. Wag na magbelt, dyahe pa kasi huhubarin mo yan.

    Pero infairness di ako naghubad ng shoes at belt nung huling byahe ko.


    Nice tip. May tip din akong nakuha sa isang OFW Blogger. Kay Mac Calister. Ginawa ko'to.

    *Maglagay ng ribbon sa bagahe para madaling hanapin pagkakuha ng luggage at maiwasan ang magkamali ng dampot.

    Isa karing Construction worker na tulad ko. hihi

    Bon voyage :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Uy! Paraiso pupuntahan ko hahaha

      Oo nga, isa pa yang belt na yan eh, at buti ka pa di pinaghubad ng sapatos, di kaya may amoy paa mo? hahaha jowk lang kamahalan!

      Yon! at may naidagdag ka pang tips! Dagdagan mo pa hahaha

      Hindi ako construction worker! Isa akong messenger hahaha

      Delete
    2. sosyal na messenger ha eroplano ang sinasakyan! hahahaha

      magawa nga pala yang tip ni kamahalan kapag nagbbyahe ako. yong red na ribbon na malaking malaki para walang mag attempt kunin yong bag mo dahil sa hiya na mararanasan nia lol bakit wala kang ribbon sa bag mo nong nagpunta kau sa surigao? hahaha

      bawal ba magtsinelas kapag pumunta ng ibang bansa? para wala ng hubaran na drama sa airport? lol

      Delete
    3. @Lalah, natawa naman ako sa malaking red ribbon! Wala ka talagang makakaagaw nyan! Iyong iyo na! hahaha

      Pwede, wag lang spartan style at may butas sa swelas hahaha

      Uy Uma-admin ka na naman ah lol

      Delete
    4. ayy nakakarealize ka na nagiging sub admin na ako dito hahaha

      cute naman yong ribbon na suggestion ni archie eh! yong halos half ng maleta mo ang ribbon why not!!

      Delete
  5. None of the above. Feeling ko secret agent ka eh amining mo kuya mar!! wahaha tindi ng imagination wahaha

    Dapat pagkatapos mong ilabas yung ipad mo at laptop nilabas mo rin yung phone mo at wallet. Wahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi, isa akong samurai assassin hahaha

      Hinihintay ko ngang magsalita pa yong mag-asawa eh, ilalabas ko talaga dapat kong ilabas hahahaha Buti nanahimik haha

      Delete
    2. suicide bomber yan si koyah lol

      Delete
  6. Number 3. Feeling ko sadyang Jetsetter ka lang tlga :) Baka kelangan mo ng wingman, apply-apply ako.. lol ...

    Sarap buhay! Napaka-palad mo at kasama sa perks ng trabaho mo ang pagtravel at some parts of the earth pero for sure, they expect a lot from you too :) Ref magnets please.. haha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang sosyal ko naman! Jet setter, sarap sana no? haha

      Buti na lang ref magnets hiningi mo, hindi yong ref mismo ahahaha

      Delete
  7. Alam ko naman ang sagot at wala sa choices ang tama eh...

    Babalikan ko ang post na ito 'pag nakapagpasyal na akong mag-Japan in the future... hihihi...

    Ramdam kong sobrang beneficial 'to especially para sa mga bagitong OFW...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Alam mo talaga Senyor ah! Ikaw na haha

      Di nga? Mag ja japan ka?

      Delete
    2. Japayuki daw Senyor oh! hahaha

      Delete
  8. Waaaaaaaaaaggggg! Wag kang umalis! Wala kaming makakaladkad. Hahaha! Huy! Tumakbo ka muna bago lumAyas, hahaha!

    Kaya ako magtsinelas na lang para madaling hubarin e. Pero pwede ba yon kapag international?

    Agree ako sa mga tips mo Super M! Ikaw na! Lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha... wala na yatang sched ng takbo eh! Tatakbo ako mag-isa sa oval! O ha!!!

      Pwede, basta magandang tsinelas, yong mahal hahaha

      Delete
    2. at saang oval ka tatakbo??? sige nga! ha ha ha ayaw tantanan eh :P

      Delete
    3. Sa Rizal Stadium Ms B! hahaha

      Delete
  9. grabe naman talaga ang trabaho mo!
    well i think none of the above kasi para sakin ang job mo ay isang "dream job" at yun ung gusto ko itawag dyan haha
    nice tips expert na expert talaga oh

    ReplyDelete
    Replies
    1. Dream Job! Mahirap MEcoy hahaha wag na pangarapin!

      Based on experience lang, di pa naman expert na expert hahaha

      Delete
  10. natawa ako dun sa "andaming pinoy oh!" hahahaha.. epic.

    yung sa tanong mo na bakit walang nakalibing na OFW sa libingang mga bayani? Kasi pag naglibing ka ng isa dapat fair ka , dun mo na rin ililibing lahat at sigurado ako ninong na hindi sila kasya dun lahat. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. eh di gawing compartment type! O kaya magpagawa pa ng isa pang libingan ng mga bagong bayani! :)

      Delete
  11. ay nako sinabi mo pa lalo na ako kapag nabiyahe aalisin ko pa sash at korona ko sa mga scanner na yan kaasar! charot

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, sash at korona? Ms Universe?

      Delete
  12. Tuloy na tuloy na ang Dubaibye! sayang di kana makakasama sa nagsasa trip namin ni Pines (dalawa na lang kami) haha! Balang araw sana magamit ko rin yang mga tip na yan hindi ko kakalimutan haha.

    Red carpet pala a, sige paguwi mo magpapalatag ako na may kasamang marching band haha.

    ReplyDelete
    Replies
    1. At dalawa na lang kayo ni Pines hahaha Galingan mo! Update ka ng maraming pics hahaha

      Aabangan ko yang red carpet with marching band haha

      Delete
  13. ingat sa byahe.... thanks sa mga tips na naibigay mo....

    siguro piloto ka hehehe

    ako naglalagay ng panyo sa maleta para mabilis hanapin hehehe....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you Ser!!!

      Sana nga po eh piloto ako haha

      Yon! Isa na namang dagdag sa mga tips!

      Delete
  14. "None of the Above"
    Di ba artista ka? sabi nila si JLC ka, sabi naming iba Mark Ruffalo :P siguro may photoshoot ka na naman ano he he

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha, meron po akong photoshoot! Kasi aspiring photographer ako? hahaha

      Delete
  15. none of the above hahahaha alam ko kaya kaya ndi mo pedeng itago hahahah :) .... astig sa mga tips ha .. tatandaan ko yan pag ako din umalis papuntang ibang keme

    ReplyDelete
    Replies
    1. Weh? Di mo alam eh, sinabi ko ba sayo? hahaha

      Delete
  16. Isa sa madadagdag ko eh huwag magdala ng payong kung handcarry lang ang dala mong gamit. Hindi pala sya allowed. I learned it the hard way.

    ReplyDelete
    Replies
    1. This is a nice tip! Dagdag sa maraming bawal dalhin as handcarry. Salamat Glentot!

      Delete
  17. We stumbled ονer herе from а different page
    and thought Ι should сheсκ things out.
    I like what I seе ѕo now i am following you.

    Look forwаrԁ to looκіng ovеr yοur web
    page yеt again.

    Also visit my web page ... www.podshow411.net

    ReplyDelete
  18. Your style iѕ so unique сompагed to other people І've read stuff from. Many thanks for posting when you've got the oppoгtunitу,
    Gueѕs I will just booκmаrk this
    web ѕіte.

    Alsο ѵisit my web blog; http://www.pengadilanagamabangkalan.com/index.php?option=com_easygb&Itemid=40

    ReplyDelete
  19. Sus. Puro mali naman ang hula nila e.

    Job lang ni Super Mario di pa nila alam? I pitty them! hahaha! gawaing mano-mano. Hand Job! Hahahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hahaha! May pa "I pity them" ka pa dyan! Turning tables ka, ikaw ang magaling sa Hand Job! #kaArtehan hahahaha

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...