Friday, January 11, 2013

PBO at WCCH


WCCH (White Cross Children's Home, San Juan)

1. Tapos na ba?
It’s been two days since we launch the first project of PBO pero parang hindi pa rin nag si sink in sa kin na nagawa namin yon? From day 1 (our online meeting with my fellow bloggers who spearheaded and conceptualized this group, Arvin, Gracie and Arline: miss you guys!) up to the last minute of the event was so intense. Kinakabahan ka na hindi mo mawari (sabihin mo nang exaggerated pero yon ang nararamdaman ko).

2. Yabang Mode! 
Lahat yata nagawa ko para sa proyektong ito, maliban lamang sa sumayaw at mag tumbling sa harap ng maraming tao. Acting President, model, photographer, kargador ng pinamili namin ni Arline, nagbalot ng mga gifts and loot bags, artist ng logo, naghanap ng sponsor, volunteer at nagdonate ng 1 million dyuk! (si Mr. Tripster pala yon hindi ako) ano pa ba? (Yabang ko ba?) Hayaan mo na para may maipintas na naman si Anonymous! 

3. Pressured? Yes, from all side!
Nang mag start kasi kaming mag post sa bawat blog namin about PBO, alam namin na there's no turning back. Pangalan namin at ng aming blog ang nakataya. At aaminin ko, maraming beses na kong nag attempt na magresign sa project na to. Ako ang ginawang El Presidente, ramdam ko ang bigat ng responsibilidad. (ikaw? ramdam mo ba ang nararamdaman ko? Alam mo ba yong pakiramdam na someone is just watching you from the sideline at hinihintay ka na magkamali? Sakto! Yan ang pakiramdam ko- Ako na ang paranoid! lol) 

Gusto kong pauwiin si Gracie at Arvin para katuwang namin ni Arline, pero mahal ang pamasahe, baka maubos ang 1 million haha dyuk! Marami kaming natanggap na mga suggestions at comments (maraming salamat) na dina- digest namin sa pakikipagpuyatan sa tatlo kong counterpart thru skype to think na magkaka-iba kami ng Time zone. Caloocan, Mandaluyong (lamang lang ng ilang segundo sa oras sa Caloocan), No at NC. How I wish matapos na agad ang proyektong ito. 

4. No Shortcut! 
Walang shortcut ang tagumpay, tandaan mo yan! Yan ang ginawa kong motivation para magpatuloy. Para que pa na naging Super Mario ako kung ito lang eh susukuan ko? Tuloy ang laban!

5. Volunteers, anyone?
Halos mawalan na ko ng Pag-asa ng mag post ako sa FB group ng survey kung sinong gustong mag volunteer. Isa, naging dalawa, hanggang naging 8 kasama ako. May isang nag back-out, 7 na lang, sinundan pa ng isa eh di anim na lang, ang isa, sa Preparation day lang, at may isang nagconfirm na pampagulo lang dahil taga NC (haha peace Archie). Total Volunteers na nagconfirm sa survey = 3! Hindi ko isinama dito ang mga verbal na nagsabing pupunta sila sa mismong event! Asan ka Volunteer? Kung ito ang marereceived mong feedback, anong mararamdaman mo? Panghihinaan ka ba ng loob at susuko na lang? O Tuloy pa rin ang ikot ng mundo? 

The day before ng Preparation day, nagtext si Arline na dalawa lang daw kaming mamimili dahil nagback out yong isa naming kasama. Dali-dali akong nagtext sa mga possible volunteers na sasama mamili pero since medyo late na, walang nakapag commit sa dalawa kong itinext. Anyare? 

Arline: Kuya Mar kaya ba natin? 
Super Mario: Kaya yan! Malakas naman ako magbuhat! (Pinalalakas ko lang loob ni Arline lol)

6. The Event That took place! 
The worst 30 minute travel na naranasan ko. Bakit? Kasi past 2pm na nasa daan pa rin kami ng mga kasama ko. Supladong mga taxi yan! Porke ba may bitbit lang kaming dalawang malaking speaker, tatlong malaking plastics ng mga goodies, pang dekorasyon at mga give-aways, isa pang bag ng mga gamit, apat na backpacks, isang travel bag eh ayaw na magsakay!

Nakasakay nga kami, from cubao, traffic naman ang sumalubong sa amin sa kahabaan ng Boni Serrano papuntang Santolan Road. Tawag at text na ginawa ni Arline para itanong kung asan na ko. Hayyy Buhayy gusto kung paliparin ang taxi na sinakyan namin pero wala akong powers. Buti na lang after the last stop light, kunting andar, dalawang liko sa kanan, tatlong liko sa kaliwa, andon na kami sa WCCH!

And voila! 11 Volunteers ang nakita ko na kasama ni Arline. Ayos! Ang dami namin! Ang kilala ko lang eh si Arline, Zai, Joane at Empi, the rest first time kong makakadaupang palad. Pero hindi nangyari, walang pormal introduction na ako nga pala si ano, ikaw sino ka? Anong blog mo? Wala pong ganon. Deretso trabaho na para magset up ng lugar. Ang nakakatuwa, kanya-kanyang dampot ng gagawin at parang iisang tao na kumilos ang lahat ng volunteers! Ang galing di ba?    

And the Program continues, Prayer, games, games and more games, eating time, gift giving and tour of the orphanage. Nothing is more satisfying seeing the kids laugh, play & cry (yes, they are real kids, the only difference is that they don't have a family of their own). The smile in their faces? Nakakahawa, may makulit, may tahimik, may masayahin, may malambing. Lahat sila ay naghahanap ng kalinga at gabay ng isang tunay na tahanan. 

7. The Reward.
May mga bagay talaga na hindi kayang makunan ng camera. Gaano man kaganda ang SLR mo, may mga sandali at pagkakataon na masasabi mong "for your eyes only" and "for your heart alone". May mga nararamdaman tayo na hindi kayang makunan ng lente. Seeing the Little Angels sa taas ng Orphange during the tour makes me realize one thing. Na hindi hihinto ang PBO pagkatapos ng araw ng ito. It is a reward from the kids, making us realize the value of what we started. The value of helping others. It is in giving unconditionally that we received abundantly. It is by extending your arms to others, that your own burdens have been lifted from your shoulders. Ang gaan at ang sarap sa pakiramdam.

8. Goodbye Visitors!
Goodbye Visitors! Yan ang sabay-sabay na wika ng mga bata. Dalawang salita but it hits home! Bulls Eye kumbaga. Kailan naman kaya sila mag-aabang ng mga bisita na magpapasaya sa kanila? Hanggang kailan sila dudungaw sa bintana para mag-abang sa mga organisasyong handang tumulong? Hanggang kailan sila aasa? Yan ang mga tanong habang naglalakad kami papunta ng gate ng Orphanage. One last look, and we see some of the kids waved goodbye. 

9. Salamat!
Walang katapusang Pasasalamat!

Una syempre sa Diyos, for all the provisions na ibinigay nya. Sa Blessings and for giving us wisdom and guidance for this Project to be successful.

Sa bumubuo ng PBO, Organizers, Officers, volunteers, supporters (in cash & in kind), Sponsors, at sa lahat ng miyembro ng PBO FB group at mga followers ng Unplog, especially sa mga suggestions and comments and ideas, mga kapwa blogero na silently and vocally wishing & praying for the success of the first project of PBO, kayong lahat, maraming maraming salamat! 

Hindi ko akalain na hahantong sa ganitong gawain ang isang simpleng pag ba-blog lamang. Dahil sa effort ng bawa't isa, nagawa nating mapasaya kahit saglit ang mga bata (one less lonely child). Hindi lamang isa, marami po sila. And in return, higit ang sayang naranasan naming mga volunteers kanina. Na karamihan ay first time na magkita-kita. Regardless of the differences, no questions asked and everyone do their shares! 

Sa mga susunod na proyekto ng PBO, sa new sets of Officers and committees - muli po nating ibigay ang ating walang sawang pag suporta. Sana lang ay nandiyan pa rin kayo sa mga susunod na araw, linggo, buwan at taon to give your full support sa PBO. And we are calling for more volunteers to join us. 

Bilang isa sa bumuo ng PBO, salamat po sa tulong nyo at tiwalang ibinigay. I will be leaving the country sooner or later or sana hindi na lang (lol) but rest assured, kahit saan man ako makarating, my full support still goes with PBO at sa inyo. 

Muli, maraming salamat po! And more power to us! More Power to PBO! And Congratulations PBOers!

10. Memories...













































PLS! DO SUPPORT PBO ON ITS NEXT PROJECT!!! THANK YOU!!!

58 comments:

  1. sorry po sir at wala man lang akong kahit anung naitulong para sa napaka ganda ninyong proyekto

    di na ko mag bibigay ng dahilan basta ang alam ko want na want kong makatulong!

    hays pero sure naman ako na may next time pa ee
    baka then makatulong na ko

    beside naging super successful naman yung event ee!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sure MEcoy, sama ka na sa susunod na project! Just keep following the FB group, official twitter account at blog ng PBO. Doon na mag update mga bagong officers... Thank you!

      Delete
  2. We were one that time and I hope we keep that to continue this great cause...
    Tama ka, there were moments na for your eyes only at for your heart alone during the actual event.

    Sobrang laki ng pasasalamat namin sa iyo at sa iyong malaking effort to make this possible... til next time...

    ReplyDelete
    Replies
    1. till next time Senyor! Salamat din... alagaan nyo ang PBO ha

      Delete
  3. Congrats Super Mario!, pasensya na at wala akong naitulong. Sana mas maging super ka pa para mas marami ka pang batang mapasaya! Bayani kana talaga! Goodluck sa next project!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you Nong Inong! Next time tutulong ka na hahaha

      Mag OFW muna ako para maging isang bayani!

      Till next project of PBO!

      Delete
  4. Awts! tinamaan ako ng adobe sa nagback-out nyahaha. henny waste, naging successful pa rin sya kuya Mar kaya ok lang yun. You really lead the way nga eh (kuya, saan ba yung daan papuntang CR? kems lung). Good Job to everyone... Clap clap clap.

    ReplyDelete
  5. Ayos 'tong post sir! Sa likod ng bawat tagumpay, makikita ang paghihirap at sakripisyo ng mga volunteers.

    "It is in giving unconditionally that we received abundantly."

    Kudos for the success of PBO! Ang galing niyong lahat!

    [Sana next time makasama na ako! :D]

    ReplyDelete
  6. haha. next time.. tutulong na ko..:)

    ReplyDelete
  7. Congrats sa project ^^ ang saya lang....

    at isa yata ako sa nag back up.... gusto ko sanang makatulong kaso down na down ako ngayon..

    sana mas maging matagumpay pa ang project na ito...

    ... akala ko si Arline magbubuhat hehehe lol!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Sir JonDmur! Ang saya nga...

      May next time pa Sir!

      Nakakahiya naman kay Arline pag sya pinag-buhat ko hahaha

      Delete
  8. Next time andun pa rin ako. Gagawan ko ng paraan yun basta weekend! Kung hindi man ulit ako makasama sa event, at least sa preparation ulit.

    Mabuhay PBO! Congratulation ex El-Presidente. You did a good job. Sayang aalis ka na (sana wag na) pero babalik ka din. Parang kelan lang nasa Morocco ka pa. Oh em, bilis ng panahon.

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha, see you next project if I'm still here...

      Delete
  9. It could have not been possible kung hindi dahil sa major major effort nyo nina Mareng Gracie, Arvin at Arline kaya thank you din! Sorry naman at di kami nakatulong during the prep. Ay teka, sino si Anonymous na madaming sinasabi?? Chismosa lang ako, hehe. See you sa next PBO - mapa-outreach o outing man yan! :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hayaan na si anonymous haha...

      See you next time, kahit hindi sa PBO

      Delete
  10. Aw! kasi hindi ako nakasama sa unang outreach ng PBO. :( Ang alam ko kasi before pa (December..) nagsabi na ako kay Ate Gracie na I can't kasi nag-DM siya sa akin kung anong size ng shirt ko. Then, nai-tag pala ako ni Ate Arline sa FB as volunteer. Ipit din sa gawain, buhay estudyante :(

    Pero congratulations po sa inyo at sa lahat ng bumuo ng PBO! Na-like at na-follow na din ang mga official page ng PBO.

    About sa anonymous, sabi nga ni Khantotanra, huwag na lang daw pansinin ang mga trolls at mawawala din. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ok lang yon, we have next time pa naman... sana pasok na sa sched mo!

      Tama si Khantotanra... papansin lang yang mga trolls na yan haha

      Delete
  11. teka kay arvin ba na blog tong nababasa ko ang dami dyuk eh hahaha.. dyuk lang..
    Back to the programing!

    tumpak... walang shortcut sa tagumpay.. ika nga nila Walang shortcut sa magandang bukas.

    Congrats din sa iyo master M, dahil sa mga magandang ideyang nabuo, samahan.

    Iba talaga ang mga bagay na pinaghihirapan dahil sa huli sobrang saya, ika nga nila siksik,liglig at umaapaw na saya ang ating nadarama sa pagtatapos ng PBO 1st Project!!

    Hayaan mo hanggang may mga bloggers maraming pagvovolunteers para sa PBO!!


    Cheers to PBO! Cheers to us!!

    More Power ans blessing to us!!!

    ReplyDelete
  12. Saya niyan! Sana makasama 'ko next tym! Hehe. Congrats! =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks! Sama ka next time, abang ka lang ng updates!

      Delete
  13. congrats! Nakakaloka pala pinagdaanan nyo! at naiimagine ko yun fear mo na baka nga di matuloy or what!

    but its a good cause and para sa mga kapuspalad. God made it happen!

    ang cucute naman ng mga bloggers na yun a hihihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thanks Mac Callister!

      Sino sa mga yan? hahaha

      Delete
  14. Kongrats sa tagumpay ng PBO. Ganun na din sa bumubuo. HIndi matatawaran ang sayang inihatid niyo sa mga bata. Sigurado yun. At sigurado din ako na ganun ang sayang balik nito sa inyo. Iba.Kakaiba.Masarap at magaan sa pakiramdam ano?

    Kongrats uli Mar :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you Jay!

      Congrats sa ating lahat!

      Delete
  15. cheers to all pebeee owws!! akoy sobrang nainggit sana sa susunod makasama ako at makatulong kahit sa small na paraan para hindi naman mawala ulit hap ng buhay ko... hehehehe

    ReplyDelete
    Replies
    1. Cheers Lala! hahaha

      Hanapin mo na uli hap ng buhay mo hehe

      Delete
  16. Congrats Mar at sa lahat ng bumubuo ng PBO.

    Kaya naman pala nagkaroon ka ng hater e, coz you're doing something extraordinary na hindi kayang gawin at panindigan ng kung sinu-sino lang.

    Great job!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat Richard Parker! Collective Effort to ng PBO group...

      Ikaw ba yong Bengal Tiger sa "The Life of Pi?"... hahaha

      Delete
  17. congrats guys and Gob bless you all:) you share not because you have much but you know what it feels like to have nothing! more project guys!

    ReplyDelete
  18. Kudos sa great leader, kuya Mar! :) It wouldn't have been any more successful without you as the heart of all mankind! woah! HAHAH! ;) Sobrang saya ko sa pertaym experience ko kuya mar, pramis! :) Salamat sainyo! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Great Leader, heart of all mankind, ano bang pinagsasasabi mo? Nawala ka lang ng 48 hours HAHAHAH! Collective Effort yon ng lahat ng miyembro ng PBO! Kaya Thank you sa ating lahat!

      So sa susunod, kasama ka ulit! Nagenjoy ka sa Perstaym eh lol!

      Delete
  19. Wow, superM ka nga, kinaya mo lahat ng roles na yan. Congrats superM at sa lahat ng bumubuo ng PBO, ganon din sa mga volunteers. Congratulations!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Congrats sa ating lahat! Kasali ka don eh haha

      Delete
  20. Yabang Mode!

    Nu ka ba Kuya Mar..no need.. you did a lot.. bat ka pa sasayaw at tatumbling? andun naman yung mga clowns? hahaha,, na hate ni Zai..

    Sobrang thank u kuya mar that i met you and you welcomed me on the PBO team...til next project

    ReplyDelete
    Replies
    1. Thank you din! More projects para sa PBO!

      Delete
  21. Congrats Sir Mar! Success ang ating project. Galing galing mong president, na pressure tuloy ako haha :) Anyways, akala ko ako lang nakaka dama ngayon na baka may nagiintay lang na magkamali ako ng mapuna ako, un pala ikaw din. normal lang pala maparanoid. thanks sa lahat Sir Mar! Salute! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. For sure naman na mas magaling ka! Suportado ka namin...

      Oo, normal lang maparanoid paminsan-minsa haha...

      Thank you din Zai! Salute to PBO!

      Delete
  22. Congratulations Mar! Marami kang napatunayan at marami ka ring napahanga dahil tunay namang isa kang mahusay na lider, may paninindigan at mapagkawanggawa. Totoo kang makisama at tapat sa iyong tungkulin kaya naman marami ang talagang napasaya, una ang mga bata siempre na sadyang walang hihigit ang kanilang nadarama nung nagdaang pagtitipon, ang ngiting tunay na tumatak maging sa amin na nakikinood lamang. Pangalawa, ang mga taong sumuporta, nakibaka at kasama mong humarap sa kauna-unahang pagsabak at pagsubok dulot ng Pinoy Bloggers Outreach, sila rin ay sadyang napasaya rin ng lubos. Mabuhay ka Mar kasama ng lahat ng dumalo sa kauna-unahang proyekto ng PBO. Sana ikaw ay tularan ng mga susunod pang magiging lider ng PBO. More projects, more success sa PBO! God bless.

    ReplyDelete
  23. im so proud that Im part of this! salamat kuya Mar.. sa lahat ng effort ikaw na talaga!

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...