Sunday, December 30, 2012

2012 RECAP

2012

Recap of all the events and happenings here in Unplog. The highlights of all the good old days that became part of Unplog's timeline. And I would like to thank you all for your continuous support, your comments, suggestions and violent reactions, were all part of my blogging experience now.

I would like to thank also Tal/TPW for opening the door for me that interactions with co-bloggers are possible. I was silently blogging when a certain Talingaw send a comment on one of my sunset photo. And the rest is history... nabulabog ang dating tahimik na mundo ng UNPLOG. Followers came in one by one and I can't imagine finding real good friends here. And all of a sudden, I became an instant celebrity joke! I mean, I became the Super Mario, not the game character, not the plumber, but the blogger!

Ladies and Gentlemen, here are the highlights of my 2012!

January:
UAE Experience...
World's Fastest Roller Coaster
Ang ride na ito ay sa Abu Dhabi... Ferrari World, Yas Island... I was with my brother and napilit ko syang samahan akong sumakay dito. The experience was amazing!!! Ma pi feel mo na nababanat mukha mo sa bilis ng coaster na to (Calling the attention of Xander hahaha). Kung sawa ka na sa EK, try mo ito!

February:
I love Morocco...
Sunset at La Corniche Casablanca
Isa sa mga paboritong kung puntahan ay ang La Corniche sa Casablanca Morocco. Parang bay walk lang. Seaside resto are all over the place. At maraming nagpupunta dito hindi lang mga tourist pati na rin mga locals. Nakaka miss din naman ang buhay Morocco... Old City but I can say they are rich in culture! Oh, and one more thing, they speak French! Cool di ba?

March:
Au Revoir!

One of the ride we installed (Adventureland Morocco Mall)
This is one project that i can consider my legacy. I was so thankful because I was part of the group who helped design and build this project. Nakakalungkot nga nong tapos na. Finally I can see, walk through it, ride with it, samantalang dati nasa drawing board lang sya, sa computer ko, at mga print-out at blue print. 

For more photos, follow this link au-revoir-part-1 & au-revoir-part-2

April:
Back Home!
Super M with Sey and Bino (photo courtesy of AXL)
First EB I attended... Two weeks pa lang yata ako nakakatuntong sa Pinas eh nakipag eb na agad lol. Supposedly, kasama namin si Theo of Theo's Cassanova pero di sya nakarating, instead, si Bino ang nahatak namin which is around the area lang during that time. First time ko makakita in person ng mga blogger at yon, mababait naman sila lol!

Sa buwan ding ito nangyari ang unang pagsali ko sa pa-kontest sa isang blog, ang Bagsik ng Panitik Contest ng Damuhan ni Bino. At yon lang, hindi ako nanalo haha. Kung interesado kang basahin ang aking entry, follow this link: entry-sa-bagsik-ng-panitik-contest


At ito rin ang buwan ng katatakutan sa 44th Floor. Ang seryeng ito ay nabuo dahil sa tunay na karanasan na naitala na nangyari sa 44th Floor ng isang lumang building. Ito rin ang dahilan ng kaguluhan sa office namin at naging daan rin para malaman ko na nagbabasa pala sila ng blog ko. Kung nais mong tunghayan ang kwento, punta ka lang dito: 44th-floor-part-1 ; 44th-floor-e2 ; 44th-floor-e3 ; 44th-floor-e4

May:
New Toy...

Finally, nabili ko ang isa sa matagal ko nang gustong bilhin. DSLR. Nikon D90... Ngayon, dalawa na silang camera ko. Ang lumang si 1000DC (Sony Cybershot) ay nasa akin pa rin naman at patuloy ko pang nagagamit. Bigger in size and the one that comes very handy goes along very well together!

June:
Photowalk...


June naman nang unang sumabak ang unplog sa photowalk. The Phil Post Tour was my first photowalk na sinalihan. Masaya, kahit pagod sa paglalakad. You learn something new sa street photography at buhay sa lansangan.

July:
Fatness First...
At ito talaga ginamit kong photo haha
Yes, you read it right. Fatness First... unahin ang taba at mga bilbil. Ito ang panahon na nagsimula akong magbawas ng timbang. I enrolled sa FF at sa enrollment fee pa lang, mangangayayat ka na lol. Pero worth it naman... I feel lighter and stronger at the same time. Hindi gaya dati na mabilis akong mapagod. Kaya enroll na!

Baguio!
Ube Jam Boys
Ito naman ang unang EB/Vacation na out of Town. This is one memorable trip sa Baguio at dito nagsimula ang grupong Ube Jam Boys.

August:
Coffee...anyone?

This is included in the highlight this year kasi ito yong post ko na najustify ang hilig ko sa kape... Find out the 7 Health Benefits of Coffee: coffee-caffein-kape

September:
Back to Dubai...

Ang pagsabak muli ni Super M sa bansa ng mga Arabo. This happens two weeks before September ends! Buti na lang naisingit ko sa hectic sched ang makagala kahit papano at masilayan ang ganda ng Dubai...

October:
Birthday ko!

Followed by:
Time Lapses!


Invisible!!!
Hiatus!!!
In other words TINAMAD LANG MAG BLOG!

November:
Unplog meets Kumonoy...

Guess who? Kaya nakatalikod yan, para hindi ako masapawan. Marami kasing fans yan dito sa unplog!
Peace Inong! haha

Ito ang biglaang lakad na mahaba pa ang side trip kesa sa purpose ng trip mismo. Bakit? Kasi mas mahaba pa yong oras na iginala namin ni Inong kesa don sa meeting namin sa Tarlac.

Project Piso...

This is just a simple request for an advise from my fellow bloggers, kung anong gagawin ko sa mga pisong aking naipon. Hindi ko ini expect that it will results to a bigger cause... the PBO (Pinoy Bloggers Outreach)

December:
PBO...
December is always a busy month. Alam nyo yan sa isa sa mga post ko this December, ang Lagarista! Pero ganon pa man, nagagawa kong maisama sa schedule ang pagsasakatuparan ng naisin nating lahat na makatulong. Ang gabi-gabing pagpupuyat naming mga organizers at mga tulong nyo in any form ay hindi masayang bagkus maging inspirasyon pa, para masundan ang unang proyektong ito.




ANG TAONG 2012 PARA SA UNPLOG, AY PUNONG-PUNO NG MGA NAKAKATUWA, NAKAKAIYAK, NAKAKATAKOT, NAKAKA-INSPIRED (sana) AT MGA PANGYAYARING HINDI MALILIMUTAN. AT LAHAT NG YAN AY DAHIL SA INYO, NA NAGBASA AT MAGBABASA PA LANG, NAG SKIP READ, SILENT READERS, KAIBIGAN, OFFICEMATE AT MGA KAMAG-ANAK. MARAMING SALAMAT... SANA ANDYAN PA RIN KAYO SA SUSUNOD NA TAON!!!!!


HAPPY NEW YEAR EVERYONE!!!

SEE YOU ON 2013!!! 

Tuesday, December 25, 2012

Sana...




Isa-isa nang namamatay ang mga nagkikislapang mga ilaw. Ang magarbong bihis ay unti-unting nang nahuhubaran. Ang dating masayang tagpo ay unti-unti nang nilalamon ng karimlan. Hanggang sa ang buong entablado ay matakpan ng kulay pulang telon. 

Ang bigat ng aking pakiramdam. Hindi ko magawang tumayo sa aking kinauupuan hanggang sa ako na lang ang naiwan at ang lahat sa aking paligid ay mistulang pader na walang kulay. Ilang minuto pa... baka sakaling dumating ka... yan ang aking bulong sa kawalan...

11:30, 11:45, 12:00 at opisyal na tapos na ang araw ng Pasko. 

Dahan-dahan na akong tumayo. Alam ko, hindi ito ang Pasko para sa ating dalawa. May darating pa naman na isang Pasko... isang panibagong paghihintay na kainip-inip... panibagong pag-asam na sana... dumating ka na. 

Muli akong maghihintay sa iyong pagdating.... 

SANA, sa susunod na Pasko na. 



Unplog's note:

Ang post na ito ay dedicated sa lahat ng may hinihintay at may pinaghihintay, sa mga umaasa at mga nagpapa-asa. 

See you next year... Maligayang Pasko sa lahat!

Saturday, December 22, 2012

Random # 1: Lagarista

Lagarista:

Sila yong mga taga-bitbit ng huge reels of film at dinadala sa mga sinehan para ipalabas. Madalas silang makitang naka-bisekleta o naglalakad. Paruo't parito sa bawa't sinehan.

At bakit ito ang title ng post na ito? Dahil nitong mga nakaraang linggo ay para akong isang lagarista sa dami ng activities na aking pinuntahan.

1. Wedding: 

Dahil sa paanyaya ng isang kaibigan at kasama sa trabaho, naging instant photographer ako ng kasal ng kanyang pamangkin. Hindi ko alam kung pano, basta kodak lang ng kodak. Judge ang nagkasal kaya naman tinanong ko muna kung pwede bang magpicture-picture ako doon. Pwede naman daw, at ok lang kay Judge. Baka kasi bawal at ipadampot ako sa mga pulis sa munisipyo. Ang kinalabasan? Hindi ko alam haha... basta ibinigay ko lahat ng mga shots sa ikinasal without editing. Libre yon no! At may isang nagtanong sa reception kung magkano daw ang arkila sa kin! O ha! Saka na po, pag professional na ako (lol)

2. Office Christmas Party: 

Mula sa stage design hanggang sa photo wall at pag-aayos ng mga lamesa. Pag-gawa ng certificate at sash at medals at iba pang awards para sa Christmas Party namin. Ay talaga naman pong nakakapagod. Sulit naman, dahil maganda ang kinalabasan. Ang theme ng Christmas Party namin ay "Movie Characters" na gagayahin kaya naman halos lahat ay naka costume. X-men, Twilight, Spiderman, Character sa mga Anime, at sa local scenes din ang mga ginaya ng karamihan. At sino naman kaya ang aking ginaya? Walang ka-effort effort. (lol)

Guess the Character na Ginaya ni Super Mario:
            a. Iron Man
            b. Superman
            c. Luigi
            d. JLC
            e. Walang ginaya

3. Project Piso:

Umaga ng Sabado, Dec 15 ng iaabot ko kay Madz ang mabigat na regalo. Literal na mabigat yon kasi baryang piso, para i-donate sa karapat-dapat na bata. At kanina lang ay nag post si Madz sa FB ko ng update ng kanilang ginawang event. At ito po yon at lubos akong natutuwa at nakapagpasaya ang inyong lingkod ng isang nilalang dahil sa Project Piso:


Natuwa naman ako sa description: gift na sobrang bigat wrapped in red! Panalo tayo mga ka-Piso!

4. FF:

Sabado pa rin. Matapos kong ibigay ang mga Piso, deretso na para sa training. Saktong Christmas Party din ng mga members. Ang kaso lang, hapon pa ang party kaya di nako sumali sa event sa hapon. Gusto ko sana kaya lang may susunod pa akong pupuntahan.

5. Saranggola Blog Awards:

Sabado pa rin, ng gabi. First Time kong umattend ng isang pagtitipon na ganito. Nga-nga na lang ako sa galing ng mga nanalo. Sana, kasing husay nila akong magsulat. First time ko din makasalamuha doon ang ibang mga bloggers na sikat (ako lang yata ang hindi- lol). Isang malaking EB para sa akin ito. Salamat sa mainit na pagtanggap sa isang baguhang tulad ko. Next year, see you again SBA!

6. Christening:

Pagkatapos ng matagumpay na SBA, kailangan ko namang gumising ng maaga para pumunta ng Amadeo Cavite... humabol ang isang baby para sa pasko na maging ninong ako. Anak ng HS classmate ko so parang re-union na rin namin dahil andon ang buong tropa. Masaya ang kwentuhan at tawanan at napagkasunduang bumalik para maligo sa Falls next year (balite falls)

7. Ube Jam Boys Christmas Party:

After ng Cavite, kailangan kung magmadali para pumunta sa RWM (Resorts World Manila) kung saan kami magkikita-kita ng mga members ng Ube Jam Boys (boy band ng bloggosphere). Hindi man kami kumpleto, kumpleto pa rin naman ang saya at tawanan and of course, na-enjoy namin ang coffee sa starbucks, fiesta show, dinner ala Mediterranean at kape uli sa Bo's Coffee. Pag kasama ko sila, tanggal ang pagod at stress sa dami ng tawa. Kahit may ilang calls akong nareceived from my boss about work, okay lang. Kayang-kaya.
Ube Jam Boys 

Ube Jam Boys


8. Christmas Party Ulit!

Exclusive Office Christmas Party namin last Thursday Dec. 20. Kanya-kanyang dala ng food, may pa-raffle ulit (as usual, di na naman ako nanalo except for a mug). After kumain, deretso naman ako sa Ali Mall para sa meeting with the Leasing para sa Trackless Train na ise-set up namin (andon na yong train, sakay kayo ha, may bayad nga lang hehe). Then balik sa office, naabutan ko pa ang presentation at nakapag judge pa ko. Kainan ulit kasabay ng trabaho.



9. PBO 

Isa sa mga pinagkaka-abalahan na kailangang isingit sa hectic na schedule ang PBO. Nakakadalawang meeting na kami with my fellow organizer. Take note, online meeting po ito via skype. Kahit magkaka-iba kami ng timezone, nagagawan naman ng paraan na magkausap-usap kahit kadalasan ay nagmamadali si Archieviner dahil maiiwan na sya ng bus lol. Good luck to us guys! At sa lahat ng gustong mag volunteer! Kaya natin to, basta sama-sama!


10. Post Card:

Pag-uwi ko kaninang madaling araw (past 4am na), fresh from work at PBO online meeting, may nakita akong sobre sa ibabaw ng laptop ko. Biglang nawala ang antok ko dahil alam kong kay Archieviner galing yon at excited akong makita ang postcard na padala nya. Buti na lang tinotoo nya na magpadala ng postcard at hindi isang dyuk lang! lol. Salamat parekoy! Akala ko may nakasingit na pang merienda namin ni Arline hahaha (dyuk)

Ang ganda ng Postcard!

Ang ganda ng sulat kamay ni Archieviner!


At yan po ang mga kaganapan sa buhay ni Super M! Hanggang sa muli! Tenententenenten!


COUNTDOWN:

2 Days Before Christmas!

16 Days Before PBO!  

  

Monday, December 17, 2012

PBO...

Hindi po ito Pinoy Box Office!

Ito po ang pangalan ng Proyektong Binuo ng mga Bloggers na may ginintuang puso. Mula sa Project Piso at kahilingan ni Gracie of http://www.graciesnetwork.com/ na makatulong ngayong kapaskuhan hanggang makarating sa iba pang mga bloggers na handang tumulong (hindi ko na iisa-isahin dahil napakarami nyo- marami nga ba? dyuk! lol) 

At nais ko pong i-share ang isa sa mga pinagkakaabalahan ko: ang gumawa ng logo para sa project na ito. Because I do believe, (naks umi-ingles si super M) na mahalaga ang logo sa kahit anong proyekto, hindi para ipagyabang kundi para ipakita na seryoso po kami sa adhikaing ito. (Sounds like epal na politician lang haha)
Sabi nga po sa nabasa ko:

"A Business without a sign, is a sign of No Business"

Seryoso ba? Oo seryoso tayo dito. So I encourage everyone na magsubmit din if you have the capacity to design para sa logo ng proyektong ito. Submit na!!!

Kung walang gustong magsubmit... pagtyagaan na lang muna natin itong concept na nasimulan ko:
A Blogger's Heart
This is just preliminary concept... very raw (colors are subject to change) at kung may gusto po kayong isuggest, feel free to leave your comments... 


Salamat!!! Sana maraming suporta ang matanggap nito.

Monday, December 10, 2012

SAGAD-AGAD

View from George Guesthouse Extension 




Sagada... isa sa mga lugar na pangarap kong puntahan. Ngayon ay hindi na sya pangarap lang dahil sa wakas ay narating ko na sya. 

I-share ko lang ang mabilisang itinerary na ginawa ko para sa trip na ito. Other details of the trip will be posted next.

Sa tulong ng www.visitsagada.com, ito ang nabuong plano ng trip na ito. Pasensya na sa magulong layout!

Nov 29 (Day 1) - nag leave ako para mas mahaba ang bakasyon

1. Manila to Tarlac 

Tarlac ETA - 2pm SM (1:30 pm ako nakarating ng Tarlac, at late si Inong lol (joke) ang aga nya sa SM, grabe ka excited at panay ang text. kala yata iniwan ko sya haha) 

Meet Inong (Si kumonoy ang aking side kick sa lakad na ito, at buti na lang pinayagan sya ng mama nya) 

Merienda at Razon’s (syempre palabok muna - try nyo sobrang sarap) 

2. Tarlac to Baguio 

Tarlac ETD: 3pm -4pm (2:30 pm kami nakaalis, mas maaga ng konti sa inaasahan) 

Baguio ETA: 7pm (Ilang hours ba from Tarlac to Baguio? This is just a rough estimate) Ang galing ko sa guesstimate... nakarating kami ng Baguio around 6:30pm 

3. Baguio 

Hotel Check in (Advance Booking done) 

Quick Tour around Baguio Town Proper 

Dinner at SM City Baguio (Sizzling plate kami kumain ng T-Bone Steak, well done, pero nasobrahan yata sa pagka well done, mukhang sunog yong steak) Nag SB rin kami para makarami ng stickers 

Back to the hotel (rest) 

Sleep Zzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzzz (pero di ako nakatulog, excited din ako, kaya nakipag tweet na lang kay Sey, na kagagaling din ng Sagada one week earlier.

Nov 30 (Day 2) 

4. Baguio to Sagada 

Early morning wakeup (4:00am)/ breakfast (di namin na-avail breakfast buffet ng hotel dahil 6am pa ang serving - nanghihinayang) 

5:00am leaves the hotel (buti na lang may Mcdo para sa breakfast) 

Take a cab to the Dangwa Bus Station. 

Locate the Lizardo Transit station – facing the station, it’s on the LEFT side. (Pagdating namin sa bus station, ang haba na ng pila para sa first trip)

Schedule: First bus leaves at 5:30AM.

Trip Duration: 6-7 hours (The roads are pretty rough) yeah right! nagmukha akong human wiper dahil sa liko-liko at zig-zag na daan. Sulit naman ang view sa gilid ng bangin!

Stops: The bus makes two stops. There are restrooms and food stalls in the vicinity as well.

Tips: (www.visitsagada.com)

* Be prepared. Take medication for motion sickness if necessary. 
* The buses are not air-conditioned and even if the region is known for cold weather, the sun could prove to be quite an adversary at mid-day. Don’t forget to apply sunblock. (Sa kasamaang palad, wala kaming mabilhan na sunblock sa Baguio, dahil? Hindi uso? Walang beach?)
* The bus conductor will honor student and senior citizen’s discounts! Have your IDs ready for 20% off the ticket cost. 

5. Sagada Proper: 

ETA 12:00 noon (Lunch) 

Check-in upon arrival (as of the moment, no particular inn has been confirmed) whatever is available, marami daw naman pagpipilian. (At buti na lang, maganda ang aming natuluyan. The view from the Terrace was amazing, sa umaga at sa gabi!) 

Settled then rest (Inayos lang muna namin ang mga gamit at naghanap na kami ng makakainan) 

Tour around Small Town of Sagada (Parang Baguio din, paakyat pababa ang mga daan) 

(from www.visitsagada.com)

If still got the strength to do some touring for the afternoon, we may try any of the following by going to the town hall and inquiring at the tourism desk: 

The “sightseeing” package is a medley of three points of interest that are reachable within a few minutes hike of each other. You may choose three places to go to and the tour will probably take 3-4 hours depending on when where you choose to go. Echo Valley is probably among the most popular of these sites. It’s fairly easy to go to and it will surely be a hit for younger travelers. (Nagawa namin to)

Go to the caves! Sagada is famous for its cave system so no one should ever leave the town before checking out Sumaguing cave. It’s a twenty minute walk from the town center it’s a fairly easy hike up the road. You will also see nice views of the Sagada Rice Terraces and traditional village houses called dap-ays along the way. The normal spelunking route takes 2-3 hours to finish. (Second day na namin to napuntahan)

After a day of traveling, most people would probably want to relax. If you’re with me in that regard then I strongly suggest that you visit Bokong Falls (also known as Small Falls). The falls is situated next to rice paddies and though it doesn’t really dazzle you with the way it looks, it sure makes up for it with sheer adrenaline potential. You can jump off the falls’ highest point into a cold deep natural pool below. There’s nothing like a nice cold dip that could rejuvenate your road-weary body, right? (Last minute, our group decided na puntahan na rin namin ito dahil maaga pa naman) 

LESSON #1: DAY ONE HAS A VERY TIGHT TIME WINDOW. DON’T EXPECT TO DO A LOT OF THINGS DURING THIS DAY. (Pero kami ni Inong, Nakaya naming makarami ng pupuntahan lol) 

Then back to the Inn, Dinner and rest

Dec 1 (Day 3) 

6. Sagada Main Attraction: 

In the morning go to Kiltepan for sunrise (5am call time at kailangan naming mag hire ng sasakyan, kung hindi, ma mi- miss namin sunrise) 

Bomod-Ok Falls/ Big Falls (di napuntahan dahil sa ginanap na ritual) (Instead, sunset at Lake Danum ang  pinuntahan namin) 

Cave Connection (If still have time and energy) (Instead, yong shorter course lang pinili ng grupo, Yong Sumaguing Cave lang)

Dec 2 (Day 4) 

7. Leave Sagada 

    SAGADA – BAGUIO (for the way back) 

    Schedule: First bus leaves at 5 AM. Last bus leaves at 1 PM. One bus every hour, on the hours. 

     Baguio – Tarlac – Manila (At bumaba na si Inong sa Tarlac) 

     I shall return Sagada! Maghintay ka lang!

THINGS TO BRING:

1. Light Comfortable Clothing good enough for 4 days 

2. Weather maybe fairly Cold in Sagada so bring sweater or light jacket 

3. Footwear good for outdoor and hiking 

4. ID’s & Ballpen 

5. Positive attitude (we might experience difficulty but if we have this, we can survive anything) 

6. Cameras (Anon and 1000DC will be with me) 

7. Medicine (First Aid) 

8. Ano pa ba? I think yon lang!




Up next...

Inside Sumaguing Cave!

Super Mario inside the cave!




Saturday, December 8, 2012

All I want For Christmas is?? Not my two front teeth...

Kung tao lang itong Christmas Tree na ito, malamang pagod na pagod na to kakalipat sa iba-ibang blog. Masasabi kong marami-rami na ring tahanan ang narating nito at malayo-layo na rin ang mga lugar na narating.  

At ngayong andito na to sa aking lungga, di ko na to paalisin pa! Para may Christmas Tree na ako! Dyuk! (Nakakahawa talaga tong Dyuk! ni Archieviner - how do you pronounce it? lol) 

At tama ka Jessica , nagulat ako sa tag mo... at dahil dyan ito na ang mga kahilingan ko ngayong Pasko.



Ang tagal kong pinag-isipan to kaya ngayon ko lang nai-post. Kala ko kasi, wala na kong mahihiling pa ngayong pasko... Meron pa pala!



1. Alarm Clock: Lagi kasi akong puyat at madalas may na mi-miss akong importanteng event dahil hindi ako nagigising sa tamang oras. Ehem… hindi ako nagpaparinig Gracie ha! Dyuk! 

Unplog’s Tip para sa mga gumagamit ng Alarm Clock: 

- I pwesto ang alarm clock na malayo sayo. Yong kailangan mo pang tumayo sa higaan mo para lang patayin. Kasi kadalasan, aabutin mo lang ng kamay para patayin at yon na, tulog ka uli. (Gawain ko yan)… Kaya dapat daw eh malayo sayo para pagtayo mo, deretso gising ka na. O baka naman bumalik ka pa sa higaan uli para matulog, eh ibang usapan na yon. 

2. Matupad ang kahit isang lugar sa listahan ng mga nais puntahan ng Unplog: Natupad na ang isa! Abangan ang detalye ng byahe ni Super Mario sa SAGADA! 

3. Maranasan ang Paskong Pinoy ngayong taon: Last year kasi wala ako dito sa Pinas. Kasalukuyang naghahalo ako ng semento sa Morocco noon. Malungkot kasi hindi uso ang Pasko doon. Gusto ko mang umuwi eh hindi pwede. Lahat ng mga kapatid ko eh nagsiuwian to Celebrate Christmas sa Pinas at syempre ako lang ang absent. Pero nakapag celebrate naman ako ng Pasko kasama sila, thru webcam via skype. Mangiyak-ngiyak ako nong bigayan portion na ng regalo. Hindi sa wala akong natanggap, or nalulungkot ako, kundi dahil nakikita ko na pinaghahatian na nila padala kong pera waaahhhh! Dyuk! – Answered Prayer to! Hindi tuloy ang lipad ko papuntang UAE, baka January na next year, although dumating na VISA ko. 

4. Secretary: Oo, gusto kong magkaroon ng secretary… Blogger’s Secretary. Para yong mga entry ko sa blog eh may mag-encode. At taga timpla ko ng kape kapag nagpupuyat at taga masahe na rin at ….. (dyuk?) 

WANTED: BLOGGER’S SECRETARY

Qualification: Basta marunong tumipa!

5. A Voice Recorder: Gusto ko nito for blogging purposes din. Para hindi rin mahirapan si secretary na mag take ng minutes ng mga meeting naming (Executive ang dating!) (Na-i-share ko tong voice recorder sa EB namin last Monday)

Seriously, gagamitin ko yan para hindi makawala ang ideyang biglang lumitaw sa utak na sabaw. 

6. Kotse! – Pero dapat, mag enroll muna ko sa driving school. Meron na kong application form para sa student permit. Isang byahe na lang sa LTO at pwede na kong mag start ng formal driving lessons. Kaya dapat, may kotse na ko pagkatapos kong mag-aral. 

Simple lang naman mga hinihiling ko diba? Kaya naman sana ay matupad kahit yong number 6 lang lol! At hindi rin ako pihikan, kahit yan lang larawang nasa ibaba, pwede na sa kin.




Hindi na ko mag-ta tag... halos lahat ng mga kilala kong bloggers eh meron na nito. Ako lang yata wala haha.

At kung wala ka pa... feel free na gawin din ito. 



Project Piso Update:

Kakatapos ko lang balutin ng scotch tape ang mga naipon kong piso sa tig-sa-sampu.Nakakahiya naman kay Ms Teller para hindi na sya mahirapang magbilang (baka pagalitan ako sa mga baryang ito). Ngayon ay expert na kong mag-balot ng barya. Nakakalaki pala ng maskel sa daliri. And the total amount is!!!!!!!!!!!!

P730.00  

Kala nyo isang milyong piso na no? Exaggerated maka-announce lol! Sayang... di umabot sa target ko na P1,000. Di bale, may pang Noche Buena na kahit papano ang mabibigyan nyan!

Merry Christmas sa lahat!



Wednesday, December 5, 2012

Taxi



Kapansin-pansin ang biglaang dagsa ng mga tao sa isang area ng Makati, malapit sa Coffee shop na aking tinatambayan ngayon. Hindi na bago ang ganitong scenario dito, baka may celebrity lang o basketball player na namataan at pinagkakaguluhan ng mga tao...

Ibinaling kong muli ang aking atensyon sa laptop ko . Chapter 23 na at isang paragraph na lang, tapos na ang aking nobela. Maipapasa ko na to sa makalawa pag natapos ko ngayon o bukas. Dahil sa pagka-agaw ng atensyon ko sa kaguluhan kanina, nawala ang momentum ko sa pagsusulat. Isa-isang iniligpit ko ang mga gadget sa aking harapan. Sayang at hindi ko natapos... isinukbit ko na ang aking backpack at wala sa loob na uminom ako ng kape sa tasang kanina pa nakatitig sa kin at tila ba nagsasabing... malamig na ako! Isang lagok... dalawa... pangatlo... biglang may sumabit sa bibig ko na magaspang na bagay.... dali-dali ko itong iniluwa at laking gulat ko dahil paa ang nakita ko... Oo nga, paa ng ipis! Hindi ko alam kong anong uunahin ko, ang sumuka o ang magreklamo. 

Nanaig ang tawag ng aking sikmura, na hindi maatim na nainom ko ang kapeng ginawang swimming pool ng ipis! Takbo sa CR at doon nagtawag ng uwak! Matapos maubos ang laman ng aking tiyan, balik ako sa table ko. Ang masaklap, wala na kong babalikan... malinis na ang lamesa na aking pwesto kanina. Ang magaling na crew ay nailigpit agad ang aking iniinom na kape sa pag-aakalang tapos na ko.

Walang nangyari... nakuha ang ebidensya ko kaya pasensya na lang, goodbye reklamo! Talunan akong lumabas ng Coffee Shop... Saktong may tumigil na Taxi sa aking harapan. Akala ko may bababa ngunit walang laman ang taxi kaya dagli akong sumakay para makauwi na... nanghina akong bigla sa aking mga naisuka.

Kapansin-pansin lang si Manong Taxi Driver... Naka uniform! Bigatin siguro may ari ng taxi na ito at paunipormado ang mga driver nila. Binati ko si manong na magara ang kanyang uniporme, ngunit di ako nito nilingon... sa halip binuhay ang stereo at pumailanlang ang boses ng isang nagku-kwento. Sinasabayan ito ng instrumental na tunog na mistulang pampatulog...

Ito ang parte ng pagsasalaysay ng DJ na bumungad sa aking pandinig (sa tono ng boses na halatang pinalalim):

"Hindi pinansin ni Jessa ang pasaring ng kanyang mga kamag-aaral... sa halip isa-isa nyang inayos ang mga dalang damit sa tokador. Mag-aala singko na ng hapon... isang oras na lang at mag-uumpisa na ang kanilang retreat. Minabuti nyang mahiga muna sa kamang nakalaan para sa mga dadalo sa pagtitipon. May isang oras pa sya para umidlip. Pero sa halip na makatulog, hindi sya dalawin ng antok. Pagod ang kanyang katawan at parang may nakadagan na mabigat na bagay sa kanyang dibdib, ngunit ang kanyang isipan ay gising na gising. Minabuti nyang tumayo na lang at ihanda ang sarili. Pagkatapos magpalit ng damit, humarap sya sa salamin at nagsuklay ng buhok. Ngunit kinilabutan sya dahil sa kamay na nakakapit sa kanyang balikat... nilingon nya ang kanyang balikat ngunit wala namang kamay... pagharap nya sa salamin, andon pa rin ang kamay, nakakapit ng mahigpit at tila ayaw bumitaw..."

Alam ko kung saan hahantong ito... puro katatakutan naman ang station na gustong pakinggan ni Manong Driver. Nag-request ako na palitan na lang ang station ngunit hindi pa rin ako pinansin o tinapunan ng tingin man lang. Parang wala lang sa kanya... Ang ginawa pa eh mas lalong pinalakasan ang volume. Nananadya yata!!!

Hindi na lang ako kumibo at nanahimik na lang... para hindi ako masyadong mabahala sa kwento ng DJ, sa bintana, sa labas na lang ako tumingin. Nagsisimula ng umambon... ang masinsing patak ng ulan na tumatama sa salamin ng taxi ang nagsilbing pang-aliw ko at ng maiwaksi ko ang aking atensyon sa kwento ng DJ. 

Sa wakas, tapos na ang kwento na hindi ko naintindihan kung paano nagwakas...Matapos ang salaysay, isang awitin naman ang isinalang ng DJ... ang title ng awitin ay "Hamburger Lady", ito ay patungkol sa pinaslang na babae na nagtatrabaho sa Hambruger stand. At ayon pa sa explanation ng DJ, ang awiting ito ay halos instrumento lamang ang maririnig at walang gaanong lyrics. Sumasabay dito ang isang boses ng lalake na hindi pakanta kundi pabigkas nyang ikinukwento ang nangyaring pagpaslang sa kaawa-awang biktima... Nagsimula ang instrumento sa mabagal at mahinang tunog... unti-unting lumalakas hanggang sa muling maging banayad... maya-maya pa ay maririnig na ang boses na hindi pakanta. Mas tama pang sabihin na ito ay isang "chant." Mistulang nakakahipnotismo ang tunog... para akong pinaghehele na kinikilabutan. Nakadagdag pa ang lamig ng aircon na masuyong bumubuga sa aking balat.

Kampante lang si Manong Driver. Di kakikitaan ng pagmamadali o pagka-irita sa pagmamaneho kahit may kalakasan na ang ulan. Tutok lang ang mata nya sa daan, na manaka-nakang pinupunasan ang windshield ng kanyang taxi. Kahit ang galaw ng wiper sa kanyang harapan ay di nya alintana.

Maya-maya pa, huminto kami sa isang gusali. Bakit kaya? Hindi pa ito ang bahay namin... Andito na tayo! May diing wika ng Driver... na sa wakas ay nagsalita din. Wala akong nagawa kundi ang bumaba... hindi ko mapaglabanan ang pwersang humahatak sa akin sa loob ng gusaling aking tinutumbok. Habang papalapiit, nagiging malinaw na sa akin ang lahat...

Maraming tao sa loob ng gusali. Andon ang nanay ko... umiiyak, inaalo ng mga kapatid ko. Habang ang aking ama ay walang kibo at tahimik na nakatayo sa isang sulok ng bulwagan. Maraming bulaklak, may kandila at ang aking larawan na nakangiti. Sa wakas... matatahimik na ko....

Sa labas ng gusali, muling umarangkada ang taxi ni Manong Driver... marami-rami pa syang susunduin at ihahatid na mga naliligaw...


*Unplog's note: This is a fiction... ngunit ang inspirasyon dito ay totoong nangyari sa loob ng taxi kung saan ang kwento ni Jessa at hamburger lady song ay aking napakinggan...



Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...