Sunday, November 25, 2012

Project Piso...


Piso, may halaga ka pa ba?


Nitong mga nakaraang buwan… dalawang coffee mugs na ang napupuno ko ng piso. Kada-uwi ko from work, nakasanayan ko na, na maghagilap ng piso sa aking bulsa at ilagay sa mug. Sa umpisa, parang wala lang, hanggang kalaunan ay naging challenge sa kin na kailangang mapuno ko ang mug. Sa mga sukli sa tindahan, groceries at kainan, inaasam ko na sana ay may baryang piso. May pagkakataon pa nga na hindi ko sya gagastusin kahit nanghihingi ang kahera kung may dalawa o tatlong piso ako sa bulsa, para lang may maiuwi at maihulog. At para bang may kakaibang saya na marinig mo ang kalansing ng barya.


Kung si Manong Taxi Driver ay walang pakialam sa halaga ng pisong barya na kailangan ko… dahil lahat ng taxi driver ay hindi marunong magsukli ng tama, para sa akin at higit sa ibang kapos… ito ay napakahalaga. Bakit sa ibang bansa, pag sumakay ako ng taxi, nagsusukli kahit sa huling sentimo? Dito sa Pilipinas ay kakaiba. Only in the Philippines na naman ba? Yeah right! More Fun in the Philippines!


Ngayon, tuloy pa rin ang pag-iipon ko ng piso. Ngunit may malaki akong problema na nais isangguni sa inyo. Ano naman ang gagawin ko sa mga pisong ito? Nasimulan ko na rin lang ang mangulekta nito, might as well used it sa mas kapaki-pakinabang na bagay. 



Hindi ko kayo hihingan ng piso (marami akong pera –dyuk!). Gusto ko lang hingan kayo ng idea kung anong gagawin ko sa Piso. Ayaw ko naman syang ipamigay sa pasko. Baka mabutas sobre. Lalo naman sa mga inaanak ko, baka sabihin naman nila kuripot ang kanilang Ninong Mar (di nga ba? Lol). Ayaw ko rin naman mamigay ng limos sa kalsada at baka ako dumugin. Ayaw ko naman na ipang-tip sa restaurant at baka ibato sa kin pabalik. Hindi naman ako nag ji-jeep at bus… minsan lang (hehe) So ano nga ba? Kung kayo ay may sariling proyekto at may pag-gagamitan kayo ng mga pisong ito, hayaan nyong maging katuwang ninyo ang project kong ito. Hindi man ito malaking halaga, naniniwala ako na ang pinagsama-samang maliit na tulong ay malaki ang magagawa.

Project Piso ni Super Mario! Ano, paano, para kanino? Hindi naman siguro kalabisan ang aking hiling, from the brilliant minds of my fellow bloggers! More Power sa inyo, More Piso para sa akin!

At tingnan natin kung hanggang saan makakarating ang naipon kong mga piso!
 
Salamat!

Saturday, November 24, 2012

Abdominal Exercise: 10 of 10



Muntik ko nang makalimutang tapusin ang post na ito... Napatingin lang ako sa maganda kong abs kaya naalala ko na may utang pa pala akong huling routine. (Ang maniwala-pangit)

At para sa ikagaganda ng abs ng bawat isa at ikaliliit ng tyan ng marami... heto na ang last installment! Yahoo! 

#10

Abdominal Exercise: Ab Wheel

Primary Muscle: Abdominals

Secondary Muscles: Lats & Triceps

Equipment Needed: Ab Wheel

Mechanics Type: Isolation

Proper Exercise Technique

This is probably one of the hardest exercises to work your core as it focuses in on both the top and bottom portions of your abdominal. With the ab wheel on the floor, get on your hands and knees and grab the handles of the ab wheel and extend straight out so that core is parallel to the floor and then return to the beginning position. Like most body weight exercises, you can do this one slightly easier or harder by pulling your knees off the floor or keeping them on the floor. To work the obliques, you can curve the path of the wheel slightly to the right or left and target those sides. Ab wheels come in different sizes. The one from the photo below is a bit larger than many of the smaller ab wheels you'll typically see in the gym, but they all work the same way.



Ab Wheel Exercise - Start Position


Ab Wheel Exercise - Finish Position

At yan po ang huling routine para makumpleto ang perfect 10 Abs na inaasam nyo. At para sa mga naghihintay na masilayan ang aking abs or ab.... tingnan ang larawan sa baba.

KAILANGANG GUMAMIT NG 3D GLASSES PARA MAKITA ANG IMAGE

Kung wala naman kayong 3D glasses... pagtyagaan nyo na lang ang bagong model ng Fitness First!

Ang lakas mag trip!

Kung meron man na hindi sumasangayon o hindi nyo nagustuhan ang larawan sa taas, mangyari po lamang na kausapin si Amalayer!


Disclaimer:
Ang mga larawang ginamit mula sa unang routine hanggang sa huling routine ay hindi po pag-aari ng Unplog. Maging ang routines at workout series ay hindi rin pag-aari ng Unplog. The source of this workout is unknown and was given to me as hard copies. Kung ikaw ang may akda nito at nais mong tanggalin ito sa aking blog, email me to this address -nadrev_mjr@yahoo.com and I will do so. Salamat!  

Friday, November 23, 2012

The Hulk

The Hulk

Question: What makes "The Hulk" a hulk? His size? His color? or his Anger?

Kung ikaw ang tatanungin... ano ang sagot mo? Maybe all of the above... The Giant Green-bodied Angry Monster. Si Hulk sa aking opinyon ay sumisimbolo "of what Anger is all about." Mahirap syang kontrolin and he will destroy everything that will get in his way. Ganon din ang Galit hindi ba? Mahirap kontrolin at nakakasira.

Tacsiyapo:

Ito rin marahil ang dahilan kung bakit andito si Hulk sa Tacsiyapo, Isdaan Tarlac. (Hindi ko sya isinama sa previous post ko about my Tarlac trip intentionally dahil gusto ko syang gawan ng sariling post at ito na yon.) Marahil pamilyar ka na sa Tacsiyapo na isang attraction sa Isdaan. Hindi ko alam exactly what Tacsiyapo means pero I'm sure hindi mo gugustuhing masabihan nito. At para sa hindi pa nakakaalam kung anong attraction ito, paki research na lang (lol). Ito raw ay isang magandang paraan ng pag re-release ng Anger. Kailangan mong isigaw ng malakas ang salitang Tacsiyapo, bago mo ibato sa wall ang binili mong mugs (sayang naman, inuman na ng kape yon... adik lang sa kape), plato at tv. Kung matindi ang galit mo at nais mong i-release, bili ka ng tv sa halagang 2,000 pesoses... at ibato nang ubod lakas sa wall. Marami kang pagpipilian na targetin sa mga nakasulat sa wall kagaya ng mga sumusunod:

1. Taksil (inuna talaga eh no? may pinaghuhugutan lang haha)
2. Manyakis
3. Mother-in-law
4. Magnanakaw
at marami pang iba... nakakatamad isulat lahat kaya basahin mo na lang sa wall.

The Wall!

The Things to be broken!

Ito nga ba ay isang magandang paraan para mawala ang galit sa iyong dibdib? Sa napapansin ko lang sa mga nag try... mabisa nga! Kasi lahat sila ay tuwang-tuwa at nag-eenjoy na batuhin ang walang kalaban-laban na pader. At si kawawang mugs na dapat ay inuman ng kape ang paborito nilang ibato at basagin, kasi ito ang pinakamura yata sa lahat, 15 pesoses lang. Sa halagang 15 pesos, aba naman, dito ka na sa halip na magenroll ka pa sa Anger Management Class. Di hamak na mas mura. 

This idea is good, but this is not the perfect solution for your anger. Iniligtas ka lang ng Tacsiyapo sa pagkaubos ng gamit nyo sa bahay at pagkabasag ng mukha ng inyong kasambahay. It only resolves the violent part. Paano naman emotionally? Emotional freedom should be achieved. Eh ano ngayon kung naibsan ang galit mo for now? Pano sa susunod, at sa susunod pa ulit?

Control      
Anybody can become angry - that is easy, but to be angry with the right person with the right degree and at the right time and for the right purpose, and in the right way - that is not within everybody's power and is not easy. Yan ang sabe ni Aristotle. Easier said than done! Yan marahil ang tumatakbo sa utak nyo. Kaya nga sabi ni Pareng Aristotle, hindi madali. Pero pwede nating subukan hindi ba? Wala naman mawawala sa yo. At pag hindi pa rin effective, aba eh balikan mo si Aristotle. Sa kanya ka magalit. Seriously, it is about control, self control. It will save you from a lot of troubles at wala kang pagsisihan sa bandang huli. Isa-isahin natin:

Right Person: Sino nga ba ito? Sila yong mga nakasulat sa Pader! Sila yong mga taong nagkasala sayo, inagrabyado ka at inabuso ng sagad-sagaran. Kaya kung magagalit ka, sa kanila lang dapat. Wag mong idadamay ang mga walang kamuwang-muwang na pusa sa galit mo. Nanahimik bigla mo na lang sisipain. Wag ganon! Minsan naman galit ka sa asawa mo, pati anak mo nadamay dahil hindi ka nagluto ng almusal, tanghalian at hapunan.

Right Degree: So, ibig sabihin, may level ang galit. Merong galit lang, merong galit na galit, at meron ding sukdulan ang galit! Meron pang isa, yon namang nag gagalit-galitan lang. Dapat pala, the degree of anger should be the same degree of the offense done. Parang tama nga naman din, kasi yong iba, OA kung makagalit. Sobrang taas ng energy eh simpleng bagay lang naman.

Right Time: Kailan nga ba ang tamang oras para magalit? I will give you an example: Kung napanood mo na ang Breaking Dawn part 2 ng Twilight Saga, may eksena don na pinugutan ng ulo ang isang babaeng  bampira at sinunog dahil sa maling impormasyon. Sa harap mismo ng kanyang mga kamag-anak. The natural reaction of course is to retaliate (kahit ikaw ganon din ang gagawin malamang) but since there are someone who is still in the right state of mind and who knows the right timing, pinigilan ang mga nais maghiganti. And he said "This is not the right time to fight." if I'm not mistaken, something like that yong pagkakasabi. and so they stopped. Good thing because if they do retaliate...  hindi tayo maloloko ni Alice... Right time, hold your temper! It may saved your life...

Right Purpose: Magalit ka lang kung dapat ngang may ikagagalit ka at may sapat na dahilan para magalit ka. Baka naman wala eh bakit ka nag-aalburuto? Suriing mabuti. Dito marami ang nagkakamali dahil mas inuuna ang silakbo ng damdamin sa halip na mag-isip ng tama.

Right Way: May tamang paraan ba kung paano magalit? Check this out - "In your anger do not sin." Do not let the sun go down while you are still angry. Ephesians 4:26. Pwede kang magalit, wag ka lang magkakasala. Pano? Control your anger in such a way na hindi ka makakasakit ng kapwa mo, either physical or emotional... or worse makapatay ka dahil sa galit. And madalas nating marinig na kailangang huwag mo nang paabutin na sikatan pa ng araw ang galit nyo sa isa't isa lalo na sa mag-asawa. Baka magising ka na lang na may nakatarak na tinidor sa leeg mo. Just kidding. Ayusin daw po dapat anumang alitan bago kayo matulog ng mahimbing. Yon lang naman yon!

At para sa ating lahat, sabay-sabay tayong sumigaw ng TAC.... wag na lang! Masama daw po ibig sabihin nyan...  God Bless you all na lang po. 


Thursday, November 22, 2012

L for Luisita

Continuation of my Tarlac Trip... Last day...

At sumapit ang gabi... sa Grand L... payapa na ang paligid... mangilan-ngilan na lang ang mga taong nakikita kong naglalakad sa kalsada katapat ng bintana ng kwarto ko... Ganito talaga sa probinsya ano? Kahit hindi pa kalaliman ng gabi ay hindi mo kakitaan ng mga taong gala ng gala sa dis-oras ng gabi... ewan ko lang sa ibang area. 

Hinarap ko na ang aking laptop at nagsimula na akong magtrabaho. Maya-maya, nakareceived ako ng tweet kay Inong... yon na! Hindi na ko nakapag-trabaho uli dahil tuloy na naman ang kwentuhan namin sa twitter. Hanggang sa magkatakutan, mapagkwentuhan ang National Artist category in Photowalk award goes to (insert name here) at kung ano-ano pa. Walang kasawa-sawang kulitan. 

Hindi ko alam kung namamahay ako (o nahohotel?) dahil hindi ako dalawin ni antok. Since wala akong nakikitang tao sa labas, subukan ko kayang lumabas para magkatao naman sa kalsada? Wag na lang baka makidnap ako lol! Para pampalipas ng oras, bumaba na lang ako sa lobby para makipag huntahan sa front desk. Naabutan ko ang magandang binibini sa front desk na may makinang na ngiti dahil sa braces nya... Upo sa lobby, nood ng palabas sa TV kwentuhan sa dalawang crew na wala rin magawa, hanggang sa magutom ako... Midnight snack na.  Tawag si front desk girl sa McDo at nagpa-deliver kami ng apat na Fillet O'Fish meal Large! At sa akin lang lahat yon! Syempre hindi, tig-iisa kami don... natuwa ang mga crew sa libreng food kaya naman ang bait nila sa kin. Nakuha sa suhol (lol)... 

a. lounge

Kinabukasan 9am na ko nagising sa hang-over ng Monster Float... Buti na lang, sakto pa sa agahan. Kasi 10am matatapos ang serving ng free breakfast nila. Kaya dali-daling nagshower at baka maubusan ng almusal... Maganda ang view sa taas... kita ang mga punong kahoy sa likurang bahagi ng hotel kung nasaan ang "a" lounge...

Below are snapshots of the area:

The Logo

The Flower

The Sampaguita?

Blurry

The View...

The Lanai

After ng almusal, konting check ng emails, update sa FB at notifications sa Twitter at Unplog kung may dumalaw at nagsimula na kong magimpake ng mga gamit ko. Saktong 12 nn, nasa lobby na uli ako.

Luisita...

After checking sa front desk kung may babayaran pa ko (buti na lang wala) I'm on the road again... destination Luisita park. 10 minutes from the hotel at andon na ko. Una kong hinanap ay kung saan ako mag la- lunch. Since busog pa ko sa ginisang sardinas na almusal sa hotel (bakit? Masarap naman, sosyal pagkakaluto, may dahon-dahon) ayokong mag heavy. Kaya Pancake House na nga lang. Wala eh. I ordered Fiesta Taco Salad... crispy and House blend Iced tea. Solb! Habang naghihintay ng aking inorder, naisipan kong mag net.


                               Me: Ah excuse me Miss... may wifi ba kayo?
                               Crew:  Ay sir, wala eh
                               Me: Ako meron!

Mali yata ang sagot ko, kasi medyo sumama ang itsura ni Miss Crew. Since wala silang wifi, si sun wifi broadband ang gagamitin ko. Portable na internet access para sa tulad kong byahero. Binili ng company yan (para nako-kontak ako 24/7... wais!) After kung kumain, inilabas ko na si Anon... (nickname ni anonymous) at nagsimula na kaming magtrabaho...

Max's Entry Point (One of those)


The House that Fried Chicken Built

Jollibee? Parang Mansyon lang ng mga Cojuanco's

Kakaiba sa lahat ng puno sa Luisita...Ito ay Taglagas


Jabee!!!!

Dahon -dahon 

House Blend Iced Tea


The Locomotive

On track

Ayon ang Starbucks! Sticker!

Side View

Front View

Lumang Tren... Totoo pala ito... Ginamit daw ito sa Sugar Cane Plantation
ng mga Cojuangcos... Isa na itong attraction dito sa Luisita... Ano na kaya
ginagamit ngayon sa Plantation ng mga Cojuangco kung andito na to...
hmmmm...MRT?

The Ambiance...


Matapos mamasyal sa paligid, naghanap ako ng ATM, naubusan ng cash. Buti na lang Kumpleto at matatagpuan mo ang mga basic needs dito sa Luisita... from Resto, fast food chain, Mall and bank. Kaya naman, dalaw na sa Tarlac at mamasyal sa Luisita...

At syempre... I will end my trip with a hot brewed coffee at Starbucks!!






See you again Tarlac! 

See you again... L



Saturday, November 17, 2012

Backpack Series: Unplog meets Kumonoy

Buti pa ang Biglaang Lakad... Natutuloy!

Isa ito sa napatunayan ko sa mga nakaraang lakad ng Unplog. Mas madalas kasi "Failed" pag pinag-planuhan kong mabuti. Kaya ngayon, wala nang matagalang plano... pag may gustong puntahan at kaya ng budget... sige lang! Agad-agad!

Nang magkaroon ng pagkakataong makabyahe patungong Tarlac, naexcite ako! Magandang pagkakataon para sa side trip. Agad-agad naghanap ng hotel... yong malapit sa SM lang... Sogo? Ayaw ko... wholesome kasi si Super Mario lol! Hanap uli ng iba, May nahanap akong hotel with swimming pool pero walang available room (maganda nga, laging puno eh) Hanap pa uli ng iba and there you goes my friend... The Grand L Square & Residences! (click HERE to check their website)

Agad-agad nag book online gamit ang aking ipad pagkatapos mag gym... (kailangang sabihin?) Oo kailangan para humaba ang entry lol. Agad-agad naghanda ng mga itinerary .. na malamang sa alamang eh hindi nasusunod... At dahil siguro gusto akong pigilan ni mother nature... Agad-agad pinarating nya ang bagyong si Ofel. Agad-agad na bumuhos ang malakas na ulan. Ngunit salamat naman at agad-agad ring umalis si Ofel at hindi nakayanan ang pressure sa kamaynilaan.

Prior sa trip na ito... ang dami kong hinahabol na deadlines, plus isang concert (SAVED Festival 2012) ang naka schedule ko na panoorin with Gerard (my pamangkin... follow his blog here). Kaya kahit puyat sa concert at mga deadlines... gising ng maaga para bumiyahe papuntang Tarlac. Hinatid ko si pamangkin sa Terminal ng Jac Liner sa Kamias and to my surprise... may byahe rin papuntang Tarlac doon... The Solid North eh doon din pala nakaparada... Kaya naghiwalay kami ng sakay... sya papuntang Lucena ako papuntang Tarlac... kawayan pa kami sa bus at asaran sa text dahil sa wifi sa bus. 

Isa na namang adventure of a lifetime ito...

SOLID NORTH

Sir saan po kayo? Sa Tarlac manong at saka pakibaba lang po ako sa hotel na ito, sabay labas ng buong mapa ng Pilipinas... joke (sketch lang na print-out sa A4 size paper ng location nong hotel ko sa Taralc) At sa kasamaang palad, hindi alam ni kuyang conductor ang hotel. Hala lagot na! Panic mode... buti na lang si ateng katabi ko sa upuan to the rescue! Pwedeng patingin ng mapa mo with matching pa cute at beautiful eyes sa akin ni ate (lol joke yon?) Aga-agad kong inabot sa kanya ang papel sabay flex ng muscles (joke din yon?) At yon! Alam nya kung nasaang lupalop sa Tarlac ang Grand L (nakalimutan ko palang itanong kung ano ang ibig sabihin ng L... Dahil korteng L ang hotel? O dahil sa... wag na nga) At dahil alam ni ate ang lugar, payapa na kong nakatulog sa byahe... nagising na lang ako sa stop over somewhere sa Pampanga ata yon at nagulat ako na sarap ng tulog ni ate na nakahilig sa balikat ko... buti na lang ala tulo laway kaya ok lang at mabango ang buhok nya (mapagsamantala)...hinayaan ko na lang na matulog sya sa aking matipunong balikat tutal alam nya naman ang pupuntahan ko. Sayang nga lang at nagising sya agad... (nanghihinayang) at akoy natulog na lang uli...

Ginising ako ni ate ng nasa Robinsons Luisita na ang bus... from there malapit na daw akong bumaba. At tama sya dahil ilang minuto lang nakita ko na ang Grand L. Konting paalaman at pasasalamat at ako'y bumaba na... huling sulyap kay ate at tama ba ako na makita syang malungkot habang akoy bumababa... at least kinawayan ko sya pagkababa ko habang paalis na bus. (Ganyan din ang buhay pag-ibig, parang bus... sasakay kayo, magkakakilala, magkakatabi... ma-enjoy nyo pareho ang byahe, ang saya at sarap, pero sooner or later bababa na ang isa at magpapaalam... agad-agad tapos na? Ganon na lang yon)

SM

Sinalubong ako ng friendly crew ng hotel... pagpasok ko ang liit lang pala ng lobby pero malinis at bago. Since napaaga ako at 2pm pa check-in time, nagpahatid ako sa service ng hotel papuntang SM which is 5 mins lang. Let's do this! Pagkarating doon, hindi pwedeng hindi ko puntahan ang Tumbleworld, inspection, check ng kung ano-anong safety issues at iba pang play activities. After that deretso na sa mga ka- meeting kunyari, usap-usap at konting bolahan ok na kami... I'm free at last! Pwede na ang side trip... pero teka asan na si Inong ng Kumonoy?

KUMONOY ( http://www.kumonoy.com/ )

Kung anong bibo nitong si Inong sa FB, twitter at blog nya, sya namang tipid nyang mag text. I received a message na papunta na syang SM to meet Unplog. Kaya ako tambay palaboy sa SM muna... muntik na akong magshopping kung di ko lang napigilan sarili ko... maya-maya pa, andon na daw sya sa SM. Since past lunch time na ata yon, we decided to eat at Razon's (the best halo-halo at palabok) na nasa harap lang ng SM. Ibang klase ang sarap ng palabok!

Parang matagal na kaming magkakilala nitong si Inong... kwentuhan habang kumakain tungkol sa mga blog events at ibang ka-bloggers ang napag-usapan na normal na yata sa mga nag e-EB.

The GRAND L
After the hearty meal... sakay kami ng tricycle pabalik ng hotel... Tumawag ang front desk at nasa SM na daw sundo namin, sabi ko, ah ok, andito naman kami sa hotel, ano ginagawa nya don? lol Check-in, ayos ng gamit, at pahinga konti dahil nabusog. At syempre, kodak moment muna...

Ito ang view sa labas ng bintana ng room ko... Dilaw...taga dito nga pala si Tita Cory

Anonymous... walang pangalan eh!

Ang mga gamit ni Super Mario...
DC1000 at Super Mario
Dahil sa maayos na serbisyo ng mga employees ng hotel, naayos agad ang sched namin ni Inong. Inihanda na namin ang mga kailangan para sa trip na ito.  Camerang walang pangalan, si DC1000, si tripod at backpack. And we are set to go... Naayos na rin service namin which is courtesy ng hotel pero may bayad for three hours. At teka lang.. saan naman kami papunta ni Inong?

The Famous ISDAAN!

Tigil muna ako sa kwento, hahayaan kong ang mga larawan ang magsalita para sa inyo...

Design lang yan... hindi ganyan ang mga isdang niluluto nila


Naubusan ng tubig???

Bridge na gawa sa kawayan... parang balsa lang!

Ratatouille!!!  

Themed concept ng Isdaan ay di ko mawari kung saang lugar pinatern... Thailand?

Halloween presentation... practice pa lang ito to the tune of "Thriller!!! Thriller  night... awwww!

Ano pa nga ba? Signage pa lang gugutumin ka na...

Beware!!!! Don't be deceived... hindi sila tunay na buwaya!

First Lady, Inong and Mr. President

First Lady, Mr. President at Super Mario

May libreng isang kilong isda pag nakatawid ka sa makipot na tulay sa gitna... tama ba?


Meditate! Shhhhhh

Inong ng Kumonoy!

Si JL este Super Mario pala... dami kasi nagpipicture sa kin... di ko naman kilala... ayan mga shadow nila o! lol

View from the head...

At talagang aakyat ka pa Inong ha! Hindi po sya nakaakyat haha

Birds of the same feather, stays together... kasi rebulto?


The water elephant... 

Angry Birds!!!

Inong with the Angry birds!

Inong as pambala sa tirador ng mga Angry Birds!


Caption this? (wala ako maisip lol)


Spidey in the house!!!!



The big catch!

Ayon! may Phil. Flag... nasa Pinas pa pala ako!

Floating cottage...

6-9 ft. deep 9-6 ft. deep

Gutom na si Inong!

Test shot from tripod... at last gumana ang remote

Finally, our food arrives after a not so long wait...

PG mode lang haha
Harap ng Isdaan with Inong

Harap ng Isdaan with Super Mario
At dahil may taning ang stay namin dito at nag aantay na ang service namin ni Inong...Time to go. Ang masasabi ko lang... the best ang lugar sa photo ops... at the best din ang food... kakaibang luto ang aming natikman...

At para sa Rating ng trip na ito, isang malaking OK!


Abangan ang part two ng Tarlac Trip.... (Luisita area)
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...