Friday, September 21, 2012

Amoy ng Sampaguita


Photo Credit here

Megamall, Isa sa pinakamalaking shopping mall dito sa Pilipinas. Binubuo ito ng tatlong gusali, A,B at C (ang bagong parking building). Ang isang gusali ay under construction pa na syang bubuo ng pang-apat na gusali ng mall na ito. Nahahati ito ng isang kalsada sa gitna, ang Julia Vargas Avenue. At dito madalas matatagpuan ang mahabang pila ng mga shoppers para sumakay ng taxi pauwi. At ang kakatwang karanasan na aking nasaksihan ay nangyari dito mismo sa pilahan.

Tanaw ko pa lang sa salaming pintuan ng mall ang mahabang pila ng mga tao na naghihintay makasakay. Inihanda ko na ang sarili ko na may katagalan bago ako makasakay pauwi. And as expected, iba-ibang mood ng tao na ang mapapansin mo sa mga nakapila. Inis, pagod at nakakabagot na paghihintay. Ganon naman talaga, may mga taong di makahintay. Yong tolerance ba nila ay napaka-iksi when it comes to waiting. And the result? Pinapatulan yong mga nag-aalok ng private service ride kahit sobrang mahal. Yong iba naman, aalis sa pila at sapilitang manghaharang ng taxi sa lugar na hindi dapat. Yan ang eksenang aking nadatnan sa mahabang pilahan ng taxi.

Mga kinse minutos na ko sa pila ngunit mas mabilis pa yata si Pong Pagong sa pag-usad. Traffic daw kasi kaya matumal ang dating ng mga taxi. Medyo mahaba na rin ang mga taong nasa aking likuran. Nasa ganon akong pagmamasid ng mapansin ko ang isang bata na nagtitinda ng sampagita. Inaalok nya ito sa mga taong nakapila doon. Isang teenager na lalaki sa aking harapan ang nag-abot ng barya sa batang nagtitinda. Na masayang nag-abot naman ng sampagitang kwentas katumbas ng baryang iniabot sa kanya. Tumanggi ang teenager na kunin ang sampagitang iniaabot sa kanya ng bata. "Limos ko na sayo yan at sayo na ang sampagita mo" Ngunit mapilit na iniabot ng bata ang sampagita... "hindi po ako nagpapalimos... nagtatrabaho po ako, kunin nyo na po itong sampagita." Napakamot sa ulo niya ang teenager at napilitang kunin ang sampagita. Halos lahat ng nakarinig ng usapang ito ay napalingon... maging ako ay napangiti dahil sa nakita kong reaksyon ng teenager. Isang teenager na galing sa loob ng mall na may bitbit ng magarang pinamili at isang batang nagtitinda ng sampagita para mabuhay... ahhh isang napakagandang pagsasalarawan... kitang kita ang pagkakaiba ng antas ng kanilang kalagayan.   

Sa wakas umusad na rin ang pila... narating ko na ang unahan at ako na ang susunod na makakasakay. Nilingon ko ang pilang aking pinagdaanan. Nakakamangha at sa wakas ay andito na ko, sa mismong unahan na inaasam ng maraming nakapila. At ang isang kapansin-pansin, lahat sila ay may hawak na sampagita. Bago ako sumakay, nalanghap ko pa ang mabangong samyo... "Ang Amoy ng Sampagita"

Sir, saan po kayo? Ang bungad ni manong driver.... Boni Avenue po, at Manong, pakisabit po nitong sampagita dito sa taxi nyo... mabango po yan.....     

Saturday, September 15, 2012

The Day I started Blogging...



Nagsimula ang lahat noong mga panahon na payapa pa ang espasyong aking ginawa sa mundo ng Facebook. Mga panahong ang akala ko ay naka move on na sa pagkawala ng aking interes sa Friendster. Akala ko magiging ok na ang lahat. Yon ang akala ko. At muli, mali na naman ang aking akala.

Dumating ang araw na marami na akong tanong. Mga tanong na sa sarili ko lang naitatanong. Tanong ko sagot. May katagalan din na natili ang mga hindi maibulalas na sama ng loob ng matagal din na panahon sa kaibuturan ng aking puso. At ngayon, nagkaroon ako ng tapang na maisulat ang mga hinaing na ito. 

Marahil naitanong na sa inyo ang tanong na ito, "Bakit ka pumasok sa mundo ng blogging?" Kung hindi pa, ngayon pa lang, pag-isipan mo na kung ano ang sagot mo sa tanong na yan.

Dahil sa facebook, yan ang dahilan kung bakit ako nagsusulat ngayon at kung bakit nabuo ang unplog. Isa ako sa milyon-milyong tao sa mundo na nakagiliwan ang social networking na magpahanggang ngayon ay wala pang nakakatalo. Katulad din ako ng iba na naging hobby na ang mag post ng mga pictures ng kung ano-ano. Family pictures, gimik, travel, food trip at larawan ng kahit ano ay nai-post ko na. Hanggang sa dumating ang araw na umabot ako sa pang isandaang album. Kung dadalawin mo ang facebook ko, hanapin mo ang pang isandaang album ko at makikita mong iisa ang laman na picture sa loob nito. At doon nagsimula  na akong magtanong...

1. Paano kung mapuno na ang facebook account ko sa dami ng pictures na nai post ko na? Unlimited kaya ang kapasidad ng facebook? Ayaw kung sumugal... ngayon pa at nakahiligan ko na ang kumuha ng mga larawan. At dinala ako ng tanong na ito sa blogspot.com. Dito ako nagsimulang gumawa ng panibagong mundo... ang UNPLOG. Ipinanganak ang bago kung mundo na may URL na m1xtermind.blogspot.com (galing ang url na ito sa pinagsamang pangalan ng isang pabango + utak kong magulo). At bakit naman UNPLOG? Dahil ang main reason kung bakit ko binuo ito ay dahil sa mga photos. UN - for unlimited, P - for photos at LOG is to keep a record. Unlimited Photo Log. 

2. Paano kung nagiging dependent na tayo sa Facebook pagdating sa mga birthdates ng ating mahal sa buhay at kaibigan? Hindi ka na makaalala ng mga importanteng okasyon without the help of notifications. Kailangan kong ibaling sa iba ang aking atensyon para muling sanayin ang sarili ko na maalala ang mga mahahalagang okasyon sa pamilya namin, without the help of facebook. And when unplog started to roll... nabawasan na ang oras ko sa facebook. At dahil dyan, kailangan kong magtodo effort na hindi ma miss ang mga important dates.

3. Paano kung dumating ang araw na hindi mo na nakakausap ng personal ang iyong pamilya, kamag-anak at kaibigan dahil sa facebook? Magbasa ka lang ng status nila, marami ka ng malalaman. At hindi lang yon! May mga bagay na di mo na dapat malaman, nalalaman mo pa rin dahil ultimo kinain nya sa buong maghapon, updated. Naisip ko lang na higit na masarap sa pakiramdam ang mangamusta ng personal. Ang marinig ang boses ng nangangamusta kahit sa isang saglit na tawag sa telepono. Nakatulong ang Unplog upang mabawasan ang mga paglalagay ko ng status sa aking facebook account. Kaya kung mangungumusta ka, tawag ka lang. 

Iyan ang mga dahilan kung bakit may Unplog. At salamat Facebook, for making it happen....

Album Cover 

Saturday, September 8, 2012

Capture the Colors

Close your eyes... focus on the darkness... then... Imagine... Imagine the world without colors!!!

I was tagged by Gracie of Gracie's Network to do my version of "Capture the Colours". Although it's kindda late already, I'm doing my version of it, as promised (lol)

As the title suggests, the entry should capture the different colors of any subject. It's up to you to do your own concept and theme and try to be more creative. Here's my entry.... and with flying colors... I gave you....

THE BUTTERFLY EFFECT 

Rainbow... ABS CBN logo?

The Feast... Food at the end of the rainbow
 
Yellow Plate... Clean it up Guys, No left over Please!

Chasing Rainbow... Almost there! You can do it!

The Red Food... Finders, Keepers, Eaters

Shades of Green... We're in this together!

I don't know if it is required for me to tagged someone... but to those who will find and read this entry, feel free to do your own version of this. Enjoy!

"The purest and most thoughtful minds are those which love color the most." John Ruskin



Sunday, September 2, 2012

Philippine National Museum

National Museum

I attended the lecture for National Cultural Treasure last June with Stephen John Pamorada and Ceciel Rosqueta. After the lecture, we decided not to get our certificate of attendance, kasi print out lang in black in white hahaha, ang haba ng pila kaya di na namin kinuha. Since maaga pa naman, pumunta na lang kami sa National Museum. And!!!!! This is another first for me. Oo, first time ko pumasok sa loob ng ating national museum.

And here are the photos (selected photos) I want to share with you!


Upstairs

Downstairs

Upper Floor Lobby

Stephen's Shadow

Silip lang

Pregnant?

Half Moon

Spiral Stairs

Stephen's Signature Pose

Ceciel in Circle

Skylight!

Metal Grill

Outside Column

Front Door

Columns at the Lobby

Columns at the Lobby Side View

One of the doors leading to Spolarium

The Symbol

Spolarium!

Hagdan ulit!

Window Pane

Let's play Chess!

Ahhhhhhhh!

Silip 2 (Horror movie title)

Upstairs 2

The Columns and Arches at the Upper Floor Lobby


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...