1. Mahilig akong manood ng horror movies.
Nagbabayad ako para takutin ang sarili ko. Mataas ang standard ko sa mga katatakutan na movies. Pag hindi pasado, parang hindi kumpleto ang panonood ko ng sine. Hindi ako satisfied na wala man lang tumayong buhok sa kahit anong parte ng aking katawan (dahil sa takot).
2. Roller Coaster Ride ang trip kong sakyan sa mga amusement parks.
Nagbabayad ako para lang hiluhin ang sarili ko. Malula sa taas at bilis ng andar ng mga makinang ito. Hindi dahil gusto ko, kundi dahil makakatulong ito sa parte ng trabaho ko. (ano nga bang trabaho ko? Wala lang, taga sakay sa roller coaster at ibang rides at nag bibigay ng thrill/excitement rating sa mga rides na ito - joke lang po... dream job ko lang po yan)
3. Gusto ko rin ang Zipline.
Nagbabayad ako para ibitin ang sarili ko sa taas at ihulog pababa, na di ko alam kung may sasalo ba sa kin sa kabilang dulo. So far, safe naman and the longer, the higher the zipline is, the best!
4. Training/Workout sa FF.
Nagbabayad ako para sa facilities at Personal Training program. Para ano? Saktan ang sarili ko. Pahirapan sa mga pagbubuhat ng bakal at metal na plato (plato, platito, palanggana, bandehado... yan ang tawag ng trainor ko sa mga metal plate na yan) at pagurin ang sarili sa mga routines at gutumin ang sarili sa mga masasarap na pagkain na sabi ni trainor ay hindi healthy. And I will go home with body aches, swollen muscles and hungry to death.
Para saan nga ba ang lahat ng ito? Bakit ko nga ba ginagawa ang lahat ng pahirap at pasakit na nabanggit? Pwede ko namang i-divert lahat ng mga activities na yan sa mga bagay na hindi mahirap gawin. The truth is, ayoko rin naman kaya lang, sayang yong Challenge! Challenge my friend! At least para sa sarili mo. Na masasabi mong, I done this, done that, been there.

" Time is Precious.... don't spend it in just one place, one activities! "