Wednesday, July 25, 2012

ABDOMINAL EXERCISE: 6 & 7 of 10

It's been more than 2 weeks since my last post. Alam nyo naman ang dahilan kung bakit... pagod sa training, pagod sa work, plakda pagdating sa gabi! Yan ang routine ko for the past few weeks. I know, I know... that alibi is not acceptable. Pero ang mahalaga, andito pa rin ako! And I'll try my best to stay as long as I can kahit walang bumisita sa blog kong ito...

I know you miss me, but let's skip the blah's and move on with this series! Ok?

#6

Ab Exercise: Resistance Band Woodchops

Primary Muscle: Abs
Secondary Muscles: Upper Back
Equipment Needed: 2 Resistance Bands
Mechanics Type: Isolation


Proper Exercise Technique:
To perform band woodchops, take two bands and loop them together to make one long band. Tie it and choke it off to a vertical pole or a horizontal portion of a machine. Preferably choke the band off at above head level so that the band is hanging a foot off the floor. Take the band with your right hand and hold it out straight overhead. Take your opposite hand and hold onto the other hand to brace it. Step away from the anchor point of the band until the band is taught with tension. Forcefully contract your abs and turn sideways at the same time making a diagonal with the arc of your hands. This exercise is great for building the musculature or the core and building a strong base to squat from.


Resistance Band Woodchop Exercise - Start Position

Resistance Band Woodchop Exercise - Finish Position

#7

Abdominal Exercise: Twisting Crunches

Primary Muscle: Upper Abs - Obliques
Secondary Muscles: Lower Abs
Equipment Needed: Decline Bench
Mechanics Type:Isolation


Proper Exercise Technique:
Lie on the floor and position your legs over a flat bench at a 90 degree angle. Place your hands behind your head and keep your lower back rounded and flat against the floor. Curl yourself up and rotate your body until your elbow is touching the opposite knee. Pause briefly at the top and then lower yourself back to the starting position. Repeat the same motion using the other elbow and alternate back and forth until you have completed your set.

Do not pull on the back of your head with your hands as you perform this movement. Also make sure to not lift your entire body off of the floor but instead focus on working only your abs and obliques. You should aim to keep the tension on your mid section the entire time by not resting at any point throughout the exercise.


Twisting Crunches Exercise - Start Position

Twisting Crunches Exercise - Finish Position



That's all for this entry... see you again sa pagtatapos ng series na ito na inaabangan ng ilan... (lol)


Naging health conscious na ang UNPLOG... then I realize, ang blog pala natin ay parang karugtong ng buhay ng bawat isa... sumasabay sa bawat hakbang ng ating paglalakbay, umaayon sa bawat mithiin natin sa buhay... nakikiisa sa damdaming nais nating iparating... sumasalamin sa kung ano ang nais mong gawin.  


Syempre... ikaw ang may akda nito... at nais kong sabihin lang... ang UNPLOG ay AKO!

Saturday, July 7, 2012

ABDOMINAL EXERCISE: 4 & 5 of 10


The past few days are lazy days for me... Bakit? Dahil sa ulan... Sinisi ang ulan sa katamaran? Kasi pag umuulan, sarap mag food trip, kaya si one big pack ab, lumobo na naman (lolz) Anyway, here's the continuation of the Ab Exercise series... tapos na ang panhinga, back to work out na uli....

#4
Ab Exercise: Lying Leg Raise

Primary Muscle: Abdominals
Secondary Muscles: Core
Equipment Needed: Bench
Mechanics Type: Isolation


Proper Exercise Technique
Lie on back with hands grabbing sturdy equipment or furniture behind head. Raise legs rapidly to a ninenty degree angle with your body. Squeeze abs for 3-count and slowly lower legs to floor.


Lying Leg Raise Ab Exercise - Start Position
Lying Leg Raise Ab Exercise - Finish Position
Kung wala kayong bench na gagamitin, another version of this is lying with your back flat on the floor. To avoid back pain, use floor mat. The same position applies, but when you lower your legs during set, make sure hindi sasayad yong paa nyo sa floor, then raised it up again, repeat till a set has been completed. 


Next...


#5
Ab Exercise: Bent Leg Abdominal Crunch


Primary Muscle: Abdominals
Secondary Muscles: Core
Equipment Needed: Floor Mat
Mechanics Type: Isolation


Proper Exercise Technique:
Lie on back with legs bent. Keep hands at ears or crossed on chest. Raise only head and shoulder blades off the ground. Don't pull head up with arms. Contract abs at top. Your chin should be tucked far enough that you could fit a tennis ball between your chin and upper chest.

Start Position - Bent Leg Abdominal Crunch
Finish Position - Bent Leg Abdominal Crunch
To avoid neck pain, keep looking at the ceiling, not your knees. The objective of this exercise is not to reach your knees but to squeezed the abdominal muscles. You will feel a slight pain in the lower portion of the chest but that's okay, it means it's working! No pain, No gain yeah? 


Half of the whole course has been completed... lima na lang po ang natitira... konting tiis na lang!

Wednesday, July 4, 2012

Sukob Na...

Photo credit here 

Lahat ng tao ay may kanya-kanyang kwento ng buhay. May Masaya, may malungkot, may tragic at meron din naman ng pananagumpay. Pero ang kwento na madalas na gustong-gustong marinig ng marami ay kwento tungkol sa pag-ibig. Yup, you read it right… LOVE! Yong merong “once upon a time” and “they live happily ever after…” Yan ang mga tipong basahin ng karamihan ngayon, bata man o matanda. And I have my own version of that… at ang kwentong ibabahagi ko ay meron ding "Once upon a time…" and basahin mo na lang kung meron ngang “and they live happily ever after…” 

Wala mang magical moments or magic carpet ride, tulad ng sa mga Fairy Tales, para sa kin ito na ang pina-ka Enchanting moments na nangyari sa buhay ko…

Ako nga pala si Mark, you can call me Mar without the “K” if you want, at ito ang kwento ko…

Once upon a time…

Ang lakas ng ulan!!! May kasama pang kulog at kidlat… napabuntung hininga ako, hindi dahil sa wala akong payong at stranded na naman ako at di makalabas sa establisyementong aking kinalalagyan, kundi sa pamilyar na damdaming nagpapaalala ng nakaraan. Napapikit ako at humiling na sana ay hindi muna tumila ang ulan…

********
Ganitong panahon rin yon, I still remember how we met. Since di talaga ako nagdadala ng payong eversince, its either mabasa ako ng ulan o madalas na ma-stranded kung saan-saan. Maghihintay hanggang sa tumila na ang ulan.

711! Dito kita unang nakita, or should I say, don mo ko unang nakita at napansin? Napapangiti ako sa tuwing maaalala ko kung pano ka maasar kapag sinasabihan kita na you do the first move. Ang cute mo kasi kapag naaasar.  Natulala nga ako noon ng una kitang makita… dala mo ang payong mong pink… di ko talaga maalis tingin ko sa'yo that time… I know it’s not polite to stare but I can’t help it. Ang ganda mo kasi… At nang paalis ka na, wala ako sa sariling sumunod sayo. Di alintana ang lakas ng ulan… para akong tanga na nagpakabasa masundan ka lang… Pero masasabi ko na that was the best thing that I’ve ever done, kasi naman, lumingon ka, habang nakatayo lang ako sa gitna ng ulan… and you know what, tinakbuhan mo ko! Tama ba yon?

After that, lagi na kitang inaabangan hanggang makilala kita… Nakakatawa diba? Kala mo stalker ako na sasaktan ka… but in the end… ako pala masasaktan…

Umuulan din noon nang maging tayo… ang saya-saya ko kung alam mo lang! Tawang tawa ka sa akin ng maglulundag ako sa tuwa sa gitna ng ulan nong sagutin mo ko… pero the best part is, nagpakabasa ka rin sa ulan para samahan ako… at dalawa na tayong pinagtitinginan ng mga tao… ganon pala pag inlove ka, you don’t care what other people will say, pag kasama kita, I feel invincible… Salamat kahit sandali lang, naranasan kong maging masaya…

Inspired, ganyan kung pano dumaan ang mga araw ko, lalong lalo na pag umuulan. Paborito ko na nga yata ang rainy season. I never failed to called you pag di tayo magkasama para lang ipaalam na umuulan… At kung magkasama naman tayo, hindi natin palalampasin na hindi mag-celebrate, kahit simpleng food trip lang ok na tayo… ang saya nga, kasi ang trip natin kainin ay Ice Cream… sabi ng mga kaibigan natin weird tayo, at tatawanan lang natin kasi alam natin ang topak ng bawat isa at tama sila weird nga tayo dahil kakaiba ang mga gusto natin… Pasensya ka na kung sadyang makulit ako… pasensya ka na kung paulit-ulit kong sinasabi sayo kung gaano kita kamahal (unli lang)… pasensya ka na kung minsan (o madalas) akong magselos… Pero diba? Hindi naman basehan yon para iwan mo ko…

Sa gitna din ng ulan ng mag-proposed ako sayo… You never knew it was coming do you? Pano ba naman, every girl’s dream yata ang romantic proposal from a guy… pero iba ako eh… habang magkasukob tayo sa payong mo, sinadya kong lumabas at mag-pakabasa, magagalit ka na sana dahil we’re about to celebrate our anniversary in a fancy resto pero heto ako ngayon, basa ang puting long sleeves na suot ko… at nagulat ka ng ilabas ko sa bulsa ko ang engagement ring at iaabot sayo… naalala mo ba kung anong sumunod na nangyari? Dumulas sa kamay ko ang singsing at nahulog sa kalsada… natatawa talaga ako pag naaalala ko to… pareho na tayong basa kakahanap sa singsing, and when I finally found it, sa gitna ng ulan, I ask you to marry me… You just stood there, kinakabahan ako kung tatanggapin mo o hindi, pero when you finally answered yes, I was the happiest man on the planet. Ngayon ko lang aaminin, umiyak ako non, hindi mo lang halata dahil pareho tayong basa ng ulan… akala ko dina ko iiyak muli after that night… pero mali ako…

Sadya nga yatang sa relasyon natin eh hindi kumpleto pag walang ulan… Who would have thought na uulan sa araw ng ating kasal? Garden Wedding ang gusto natin kaya ano pa ba kundi ituloy ang nasimulan… And for the record, that was the perfect wedding for us, aminin mo! Every time na nakikita ko wedding photos natin, lahat nakapayong, iba’t-ibang kulay ng payong… nakakatuwa kasi the effect was so romantic… and we exchange our vows in the midst of this expectacular scene… at ng ihagis mo na bouquet mo, wow! Talaga naman, ang mga bridesmaid mo hindi nagpa-awat sa ulan… the best talaga yon, memorable talaga, kakaiba, but you know why it’s so special? Dahil kasama kita and we did it again, under the rain.

Pero di ko inaasahan na di tayo magtatagal..  Ang daya mo naman… sabi mo walang iwanan, bakit ka bumitaw? You promised you will never let go, pero anong ginawa mo? You let go of my hands… pano naman ako lalaban ng patas kung ikaw mismo na ang umayaw? Saan naman ako lulugar kung mismong ikaw ayaw na sa mundong ating binuo… ang sakit lang… kala mo ba? Pano na ang pangarap natin na pamilya  kung mag-isa na lang ako? Hindi ako sanay ng wala ka… at hindi ko alam kung kaya kong harapin ang bawat tag-ulan na hindi ka kasama…

Minsan naiisip ko kung bakit… bakit kailangang matapos? Naiisip ko tuloy, para nga yata tayong ulan… may katapusan… gaano man kalakas ang buhos, may hangganan din naman. Titila rin at matatapos… Ayaw kong isipin na ganon ang pagmamahalan natin, dahil ako, rain or shine, I will still love you. Kahit iniwan mo ko, kahit gaano kasakit, andito ka pa rin at di mawawala… Kahit sinabi mo sa kin na ibukas ko ang puso ko sa iba pag alis mo, di ko yata kayang gawin… You made me promised to do that, but I lied, para mapagaan lang ang damdamin mo… ayaw ko rin naman na naghihirap ang kalooban mo pag naghiwalay tayo…

Alam mo ba nong umalis ka? Umuulan pa rin… sabi ko sayo, kakambal ng relasyon natin ang ulan… ang lakas, sobrang lakas ng ulan! Nakikiiyak ang langit sa sakit na nararamdaman ko that time… I was holding you so close to me that I won’t let go… I hug you tight at pau-ulit ulit na ibinulong sa’yo kung gano kita kamahal… ayaw mong makita akong umiiyak pag-alis mo pero pasensya ka na, I’m not good at keeping promises… hayaan mo, huli na ito… pagbigyan mo na akong umiyak kahit ngayon lang! Hindi ko talaga mapipigilan… hayaan mong ibuhos ko kasabay ng ulan ang luhang para sayo lamang…

Paalam mahal ko… Hintayin mo ko sa kabilang buhay… Paalam…

***
Tumila na ang ulan… pero nanatili akong nakapikit, at ibinulong sa hangin ang pangalan mo… I miss you, so much that it still hurts!

***
Nga pala, may video akong ginawa para sa kanya... hindi man nya mapanood to, sana kahit dito man lang, maibahagi ko ito... sayo... sa inyo... 

video


Paano? huminto na ang ulan… Mauna na ko sa inyo… Hanggang  sa susunod na tag-ulan… 
***

Tuesday, July 3, 2012

PILIPINAS

I'm about to watch the last full show of  "The Amazing Spiderman" last weekend when this happens. Syempre pag last full show na, may National Anthem ng Pilipinas, yes PILIPINAS! Hindi po National Anthem ng US of A. 

Nang magsisimula na ang National Anthem, a group of young pro entered the cinema. As far as I can remember, nakatayo na lahat and most of us eh kamay sa dibdib pa para magbigay pugay sa ating Pambansang awit. But these guys never paid attention. Tuloy lang sila sa kahahanap ng kanilang seat number habang pumapailanlang ang awit na nakasanayan nating awitin during Flag Ceremony. Di pa sila magkamayaw as if mauubusan sila ng upuan, to think na reserved seating yon. Nasaan ang natutunan sa eskwela na pagpapahalaga sa Awit na sumisimbolo ng iyong pagiging PILIPINO?

Nagiging mapanuri lang ba ako? Na lahat ay napapansin? Is this a small deal na kailangan lang palagpasin? I don't think so! This is about respect! R E S P E C T... With due respect... I believe this is where we should stand: Respeto lang...


P  I  L  I  P  I  N  A  S

The Three stars and a Sun...

Ilang bandila ng Pilipinas meron sa larawang ito?

Rizal Monument...

Going where the wind blows...

To die is gain...

Peace not war...

Raised it up high...

Freedom Knocks at your door...

Respeto sa bansa, sa kapuwa, sa kapaligiran at kalikasan, sa ating pinagmulan at nakaraan, sa ating kultura, at higit sa lahat sa ating sarili... Collectively, ito ang bumubuo sa atin bilang isang indibidual, kung sino at ano ka,  tayo as a Filipino. Pero kung sa simpleng pag respeto lang sa National Anthem eh di pa natin magawa, asan na tayo bilang Pilipino? Kung sa pananalita at pananamit eh may bahid ka na ng pagiging dayuhan, wag naman sana, na ultimo RESPETO sa bansa ay itinapon mo na.... 


Sunday, July 1, 2012

Family...

Family is a primary social group consisting of parents and their offspring, the principal function of which is provision for its members, a family unit.

We know right? Marahil lahat tayo ay may family photos, o nagnanais na magkaron nito. Ang tanong, ilan nga ba sa atin ang kumpleto pa ang miyembro ng pamilya?

The Father, head of the Family.... ang itinuturing na haligi ng tahanan

The Mother, the guiding light in every home... ang itinuturing na ilaw ng tahanan


A Child, the joy of every home... ang nagbibigay sigla at buhay sa loob ng tahanan


A Dog, that most of the times, in a Filipino Family, becomes part of every home, a pet... nagsisilbing bantay kapalit ng tirang pagkain...



Ito ba ang LARAWAN ng isang masayang PAMILYA?

Picture taken at the Baywalk... sooner or later not only the arms will be lost... what's next? The heads maybe...

Pagmasdang mabuti ang LARAWANG ito... Ito ba ay sumasalamin sa totoong kalagayan ng bawat tahanan sa ating lipunan ngayon? 
Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...