Thursday, April 26, 2012

Money! Money! Money!


Gusto nyo ng PERA? Sino ba naman ang ayaw! Lahat gusto nyan. Ang magkapera at yumaman. Kaya ka nga nagpapakapagod magtrabaho para kahit papano may makain ka sa araw-araw, maka-ipon, at paminsan-minsan eh may pambili ka ng luho mo. (Wag lang pong susobra, ok?)At kung may bisyo ka, lagot na... kayod kabayo kailangan mong gawin para lamang dyan... (alisin ang masamang bisyo, masama yan sa katawan...seryoso! Mababawasan pa ang iyong pinagkakagastusan)

Taas ang kamay ng mga may trabaho na pag dating ng kinsenas/katapusan eh parang dumaan lang sa palad ang pinaghirapang sweldo! Wala? Aba... rich ang readers ng Unplog...

At para don sa mga nahiyang magtaas ng kamay... para po sa inyo ang mababasa nyo ngayon! Ihanda ang lapis at papel dahil may exam pagkatapos nyong magbasa...(Math lang naman po madali lang)

Enjoy and share to others kung anuman matututunan nyo... 

Unplog's SM Advantage na di pwedeng pambili... expired na bank account... ano pa ang natira?




BASICS OF CASH FLOW!!!! 


FROM UNKNOWN AUTHOR


There are those who e-mailed me asking about the basics of cash flow. I'm really sorry that I assumed everybody already understands it. Anyway, by demand ... here it goes... 

May isang bata... joke lang. 
The basic is. What pattern do you see if you will get a P100.00 bill and monitor where and how it is transferred from 1 possessor to the other? How does it flow? The pattern for a typical Pinoy is. 

You earn from your work, you spend it on food, gadgets, clothing and other basic needs. Before you reach the next payday, paubos na yung pera mo. But that's ok, payday is just a few days ahead and it doesn't matter if I run out of money, I am expecting money again any time soon. 

This cycle goes on and on and you make some sidelines or create other ways to earn but it seems that money was never enough. (I am tempted to explain further pero usapan... basics lang). 

So you can't leave the job that you have because a week without work would affect the cash flow you have to support your family and needs. As much as you wanted to accept another job, the gap would make you pay less for a couple of days, which makes you a slave to your boss. 

At least, you have a job to support your needs. 

So to illustrate.. .Cash is flowing inside your pocket. 

Years have gone by doing your monotonous routine. 
Question... what if you get fired? Or you were forced to retire because there are new and younger people ready to take your place. What would you do? 
As an OFW, Makati Executive, Top Salesman, Engineer, Attorney, Teacher, etc... What if it all ends? The sweet cash that enters your pocket every 15 th and 30th suddenly comes to a halt. 

There are two things you can buy with your money... An asset and a liability. To describe each... An asset brings money inside your pocket; a liability takes money out of your pocket. Another way to see it, is that an asset if you buy one, will bring the money you spent for it back to you 2 or 3 folds. A liability, when you buy it will not give your money back at all. 

Sa ilocano... idjay ti kwa... djak maawatan... (joke lang po, seryoso na kayo eh...)

Sa madaling salita... kapag asset, maibabalik ang pera , pag liability, goodbye sa pera... 

Ang problema kay JUAN DE LA CRUZ, habang may trabaho ipon ng ipon at bili ng bili ng liability! 

I have seen OFWs get back to the country with gold chains at kung pwede lang limang shades ang isuot ng sabay-sabay gagawin nya eh... dvd, component, jackets, clothes, inuman, pulutan, party, pabango... hindi ! na makalakad sa dami ng bitbit... 

At s'yempre mga empleyado natin dito sa bansa na lingo-lingo bago cell phone at mags ng kotse.. hindi na nga magkasya ang damit sa aparador, tapos pag umaga sasabihin... . wala na akong maisuot. 
Guys, esep-esep... what you bought... will it bring money back to you? I know what you have in mind... you have to enjoy what you worked hard for. That's right, but think of something that will last... think of your future. 

I have seen the worst of people who were abogado de kampanilya, executive secretaries of top rank business men, people who worked for big companies, earned a fortune and got a big retirement pay by the millions... Now.... Wala na. 

Why? Because of their cash flow... went in... went out. 
I need not to mention basketball players, actors, singers, etc... Check what is their career path... next after acting, singing and playing... POLITICS. Kasi, 'yung million na kinita nila, puro liability ang binili. 

Going back... all the liability they bought, ibinenta ng mura! I'm wearing a gold chain now, which I got from a seaman... he bought it for P35,000 and sold it for 8,000 to me. Hindi po asset ang alahas! Bakit? Totoo na tumataas ang value n'ya pero kapag gutom ka na, kahit palugi ibebenta mo! (wala bang aaray?) Cell phones... dvd players etc. pati bahay at kotse... that's the cash flow of most OFWs... 

The question is ... "WHAT IF THE INCOME STOPS?" 
Sa Pinoy, ganito: anak... mag-aral kang maigi, at pag tanda namin... ikaw na bahala sa amin ha.... Hindi po ba maling-mali. .. 
You have to establish something today that will take care of your future. 

Teka, teka... eh ano ang dapat gawin para hindi mangyari yan? 
You must create a source of income that will continually make money flow inside your pocket. Start a business! While you are working as an executive or an OFW! , or a professional. .. START A BUSINESS and MASTER that business till you get out of that company. Para kapag tumigil ang income mo sa kanila... may susuporta pa din sa iyo hanggang pag-tanda mo! 

Now don't tell me to invest my money on pensions and plans... NO WAY! Narinig n'yo na siguro yung .... Naku ayaw ko na magbanggit.. .. 'yung mga nagbayad at hindi nakapag-claim. .. sila pa ang dinimanda at nag-piyansa! !! HUWAG MO I-ASA ANG PAGTANDA MO SA IBA! GUMAWA KA NG SARILI MONG BALON NG PERA! KAHIT MALIIT PA 'YAN, SARILI MO AT HINDI KA AASA SA IBANG TAO... 

Imagine yourself when you reach an older age... (aruy ko,,, baka yung iba sa inyo about that age... tabi tabi po...Ako po sa mga nagtatanong. .. I'm 37! years old. Naabutan ko pa si Michael Jackson at hinele po ako ng nanay ko sa mga kanta ng hagibis...). You have money that the company gave you as your retirement pay... what will you do? 

You can consume the money till your old... eh kung hindi umabot? Masamang damo ka pala... at hindi ka kaagad kinuha ni Lord. Eh pang age 65 lang yung naipon mo na budget. 
Or maybe, you can start a business and use the money for capital... Kapatid... 9 out of 10 businesses, FAILED... yung isang magsa-succeed, gagayahin pa ng kapitbahay mo instead na mag-franchise sa 'yo... think! At age 50, you are struggling trying to make a business work! What if it fails?! 
Eh ano nga ba ang sagot? 

The answer is, stop buying liabilities and instead buy assets now. I don't care if it is a banana-Q store, balot, ice candy or a sari-sari store, etc... start now! Because, your experience here will teach you what to do in the future. It's so hard to struggle in business when you are 60 yrs old. 
You have to create a source of income separated from the source of income from your work. That when the time comes that you have to stop working, you will have your own source of money! Create assets, start a business that will be there to support you and your family. I AM NOT TELLING YOU TO QUIT YOUR JOB! I'm telling you to start a business while you're working and stop spending your money on liabilities and start putting them on assets! 

Ang pera kapag pinambili mo ng LIABILITY... hindi na babalik... ang ASSET... BABALIK. 

Teka... masama ba bumili ng mga magagandang gamit? Hindi! Siguraduhin mo lang na ang pambili mo nun ay galing sa asset mo. The business has to be prioritized! Mawalan ka man ng trabaho, may negosyo kang palalaguin. 

If before, nabubuhay ka naman ng iisa sapatos mo, huwag mo baguhin 'yun... dati, nagdyi-jeep ka lang... 'wag ka na munang mag-FX... 

Create assets and lessen liabilities. Invest and learn now... mag-negosyo! 

Eh anong negosyo? Any, as long as you think it is work and doable! I am still looking for partners for my HOME MASSAGE SERVICE! SPA MAGIC! And my business CAR MAGIC is still franchising. .. (joke lang ... baka sabihin nyo nag pro-promote lang ako eh...But I AM PROUD TO SAY THAT ALL MY BUSINESSES ARE ORIGINAL AND ALL ARE GRAND ASSETS! 

I started all my businesses with a very small capital. If I used that money to buy a gadget, new shoes or any liability... baka wala lahat ng negosyo ko at wala na akong makain ngayon. 
Again, I hope that this BASIC CASH FLOW article helps.... I wish all of us become financially free! 

*END OF POST*



Tuesday, April 24, 2012

Random Food


Ang saya ng summer! Pero ang dami ko pang hindi nagagawang summer activities. Kahit ang mag swimming sa beach o kahit sa swimming pool ay di ko pa rin nagagawa...sobrang init pa naman. Sa sobrang init, di ka na pagpapawisan. Lalabas pa lang sa balat yong pawis mo, nag evaporate na! Wheww! 

 Marahil ay busy lang kaya di makagawa ng mga pang summer fun! Busy? Yup... simula ng dumating ako from Casa... di na ko napirmi sa bahay... weekdays - work, weekends - meet-up, kung sino-sino lang gusto makipagkita sa kin... old friends, new friends, virtual friends, bestfriends, classmates, schoolmates,  churchmates, officemates, etc... Ganyan talaga pag in-demand... laging busy... kahit aso ng kapitbahay, gusto makipagkilala, habulin ba naman ako! 

Anyway, pag ganitong summer, syempre pang summer din dapat food trip ko... kagaya ng mga sumusunod na makatulo laway sa sarap na pagkain. 

Babala: Ang mga larawang inyong matutunghayan ay hindi para sa mga nag-da- diet! Konting ingat po lamang!


The best pa rin ang halo-halo pag summer! Agree?




Ito ang na-miss ko... Wala nito sa Casa! Hot Tea lang meron don...



Mag pa coke ka naman! Mr. President of Happiness!



Asan yong orange, sa orange chicken?


Creepy Crepe! My all time favorite... Maraming crepe sa Casa, but here, they prepared it with passion, sa presentation pa lang, masarap na.



Alimango... sorry guys.... di pa luto! Pero masarap yan... promise! May narinig akong kwento when I was in Abu Dhabi... yong mga pinoy doon, madalas mang huli ng crabs... sabi ng mga locals... Filipinos are eating scorpions!



 Sana... yong susunod kong mga photos ay yong nasa tabing dagat ako at nag re-relax.... 

A B A N G A N





Saturday, April 21, 2012

44th Floor... E2




“Do I believe in the supernatural? Oh yes, certainly. I can't believe, I can't accept that you die and that's the end. Physically maybe it is a fact. But there's something about the mind that's more than that.” Terence Fisher

My faith leads me to believe only in two things: The Power of God and the works of evil. Knowing God’s power gave me the strength to face anything, even the darkest of the hour. For I hold on to this promise: 



Psalm 23: 4 “Even though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil, for you are with me; your rod and your staff, they comfort me.”



Warning: This story is not for the faint-hearted.

At yon marahil ang aking pagkakamali...


12:30 am… 


Isinalpak ko sa tenga ko ang headset ng aking ipod, todo ang volume ng awiting madalas gamitin sa mga bar at pub. At nagsimula na ako sa binding session ko sa mga papel… Itinuon ko ang aking buong attention sa aking ginagawa, sabayan pa ng pakikinig ng malakas na musika. Kailangang matapos ko ito bago mag alas tres! Nasa tamang order na ang mga bubutasan ko na papel, ready na ang front cover, acetate at spring binder. Gamay ko na ang gawaing ito kaya naman organisado kong inilatag ang lahat ng kailangan ko. This is going to be smooth and I will finish it in no time… Pilit kong iwinaksi ang pakiramdam na may nanonood sa aking kilos at galaw… yong pakiramdam na may mga matang nakatingin sayo ngunit di mo alam kung nasaan… I will just ignore it… baka sakaling mawala ang kakaibang atmosphere na bumabalot sa apat na sulok ng kwartong ito… 

Yon ang akala ko… the moment na makapagbutas ako ng isang set ng mga pahina ng papel… biglang sumambulat ang mga print-outs ko na kanina lang ay maayos na nakapatong sa aking table! Animo hinipan ng malakas na hangin at nagliparan ang mga papel sa kisame at kung saan-saan! Pinagpawisan ako ng malapot…Air Check… Impossibleng magkaroon ng malakas na hangin dito sa loob… tanging ang banayad na buga ng hanging naggagaling sa aircon lang ang aking nararamdaman. Sinilip ko rin ang mga bintana... sarado lahat!

Nakipagsabayan ang malakas na kabog ng aking dibdib sa tunog ng aking ipod sa aking tenga… habang nagbabagsakan ang mga papel na parang malalaking confetti na isinaboy, biglang napalitan ang tunog sa aking ipod… akala mo galing sa feedback ng mikropono!. Napangiwi ako sa sakit ng tenga at dali-daling tinanggal ang headset! Halos mabingi ako sa lakas… ang matining tunog ay naririnig ko pa rin na parang isang echo… na gustong makalabas mula sa tenga ko.

Kakaiba ang epekto nito… mistulang naging slow motion ang lahat… ang pagbagsak ng papel… ang tunog ng wall clock at ang aking pag galaw… napakapit ako sa filing cabinet sa aking tabi… nanlalambot ang aking tuhod na naupo sa isang swivel chair… 

1:00 am… 

Nang mahimasmasan… iginala ko ang aking paningin… nagkalat ang papel sa bawat sulok ng silid. Naloko na… uuwi na lang ba ako o magsisimula na naman ako sa umpisa?… Naalala ko ang presentation na gagawin namin… Pano na? Kaya ko bang iwan to ng ganito na lang? Malalagot ako sa aming boss pag nagkataon, worst come to worst… baka mawalan ako ng trabaho… Naglalaban ang takot sa aking kalooban… takot sa kababalaghang nagaganap sa floor na ito at takot na mawalan ako ng trabaho pag nagkataon… Isang desisyon ang nabuo sa aking isipan….Bahala na si Batman! 

Sinimulan kong pulutin ang mga nagkalat na papel… mangiyak-ngiyak ako sa isiping i-aarange ko na naman uli ito page by page… pulot dito, pulot doon, pulot sa kaliwa, pulot sa kanan… hanggang sa maipon ko na lahat ng papel… luminga-linga pa ko baka may naiwan… tama! May isa pang papel na naiwan… kakaiba ito dahil napadikit yata sa pinto ng pantry… teka, blangkong papel lang to na marahil ay napasama lang… akmang itatapon ko na ng mapansin kong may malabong bakat ng kamay sa likurang bahagi ng papel… hugis kamay… marahil ay napakapit ang maruming kamay ng isang tao sa papel na ito… muli kong sinuri at tama ako sa aking naiisip… kamay ng bata… Bata? Tuwing pasko lang nagdadala ng mga bata ang mga tao dito sa office… April pa lang ngayon, malayo pa ang pasko! At ang bakat sa papel ay sariwa pa...

Ayoko ng mag-isip! Ayoko ng mag-analisa ng mga nangyayari ngayon! Kung hindi, masisiraan ako ng katinuan sa kakahanap ng sagot sa mga tanong ko! Trabaho lang Bryan! Trabaho lang!!! Or else, pupulutin ka sa kangkongan! Lakas-lakasan kong turan sa aking sarili...

2:00 am… 

Matapos kong ayusin ang pagkakasunod-sunod ng pahina ng mga papel, kumuha ako ng mga makakapal na libro at lumang directory at ipinatong ko sa ibabaw ng inayos kong papel… Mahirap na maulit ang nangyari kanina… hindi ko na rin pinag kaabalahang mag sound trip sa aking ipod na isang pagkakamali ko… Ngayon, maririnig ko na ang bawat kaluskos at galaw na nangyayari sa aking paligid. 

Maingat na umusad ang bawat minuto… nabalot ng pakiramdaman ang paligid… ipinagpatuloy ko ang naantala kong trabaho ng may pagmamadali. 

Halos lagpas na sa kalahati ang aking nagagawa… time check… pasado alas dos na ng madaling araw… naalala ko ang sinabi ni manong guard… kailangan di ako abutan ng alas tres… bakit kaya? Wag ng mag-isip ng sagot! Galaw-galaw ng matapos na to! 

Literal na nakikipaghabulan ako sa oras… palakas ng palakas ang tunog ng orasan na nakasabit sa ding-ding! Tik-tak, tik-tak, tik-tak! At halos kasabay rin ng tunog ng puncher na bumubutas sa mga papel! Tik-tak, tik-tak, tik-tak! Nag-uunahan… Nagtatagisan... 

2:30 am… 

Hay salamat, natapos rin, all set for tomorrow’s presentation. Ligpit ng kalat, off ng computer, unplugged all power outlets, and turned off the lights. That's the routine and in a swift motion, nagawa ko ang lahat ng ito ng may pagmamadali… 

Nang I- off ko na ang last switch ng ilaw, parang may naaninag na naman akong anino… binuhay ko uli ang ilaw, wala… turn-off ko uli, meron na naman akong napansin. Tatlong beses kong inulit ito at walang sablay, meron nga, anino ng isang bata na makikita lang in between light and darkness…darkness and light... it's like the shadow has been trapped in between...I know this is hard to believe… at walang maniniwala sa aking nakikita ngayon (ikaw? maniniwala ka ba?)… maingat at dahan-dahan kong isinara ang pinto. 

When I’m about to close the door, may narinig ako na parang may tunog ng wiper na gumagalaw para malinis ang salamin ng isang sasakyan. Tapos biglang parang hinihiwang salamin ang biglang pumailanlang sa buong silid! Salitan ang tunog ng nagpupunas at ang nakaka-ngilong tunog ng kinukuskos na salamin... itong taas ng floor na to? Wala naman sigurong magnanakaw na dadaan sa bintana ng building… ano to, mission impossible lang? 

Hindi talaga ako mapapalagay hanggat hindi ko alam kung saan ang ingay na yon, binuhay ko lang ang ilaw sa front desk at saka pumasok ako muli sa loob ng office para tingnan kung saan galing ang tunog. Hindi naman ako nabigo at nakita ko ang isang matandang lalaki na naglilinis ng salamin sa labas ng building. Medyo tinted ang salamin sa floor na ito kaya di ko maaninag mukha ng matandang naglilinis, medyo nalula ako (nasa 44th floor kaya kami) kasi naka harness lang ang matanda habang nakaupo sa tablang kahoy na natatalian ng lubid. Lumang lubid at halos butas- butas na overall ang suot nya. Naaninag ko rin ang halos mabura nang nakasulat sa kupas nyang damit… “Maintenance”… Ang tanging visible lang ay ang paghagod ng pang linis na dumadampi sa salamin. Dahan-dahan, ngunit may diin na lumilikha ng ingay. 

Sa ganitong oras ba nagpapalinis ang building management ng exterior glass ng building?… Hindi ba delikado to? Besides, hindi naman makikita ang dumi sa gabi

Pilit kong inaaninag ang mukha ng matanda… ngunit wala akong makita, madilim sa labas… tumigil sa paglilinis ang matanda… napansin siguro na nakatingin ako sa dako nya… ngayon ramdam ko, ako naman ang sinusuri ng matanda looking thru behind the glass… dahan-dahan akong umatras… lalo na ng makita ko ang bukas palad nyang dalawang kamay na bakat sa salamin… pinupunasan para maaninag ako ng malinaw… hindi ko na hinintay na makilala pa ako ng matanda ng lubusan... Umatras ako dahil sa pangambang makilala nya ako... 

Walang lingon likod akong lumabas ng opisina. Pagka lock ko ng pinto, dali-dali kong pinindot and down button ng elevator...

… 7… 8 … 9 … 10 … 11 … 12…. 14…. 

Kainip-inip ang pagpapalit ng numero ng bawat floor level sa digital na indicator. Nananalangin ako na sana, hindi ko masakyan yong bumukas na elevator kanina na may sirang ilaw. Sa taltlong elevators, dalawa ang halos magkasabay na gumagalaw papuntang 44th floor, paakyat kung saan ako naghihintay… at isa doon yong elevator na iniiwasan ko… 

Palipat lipat ang aking pansin sa dako ng corridor papuntang CR at sa dako ng pintuan ng aming opisina… Pakiramdam ko may mangyayari na di maganda pag inabutan ako ng alas tres, either coming from the corridor on my right or coming from our office on my left... pero dapat ko ring bantayan ang elevator sa aking harapan... 

Di ako mapakali habang naghihintay sa mabagal na pag-akyat ng elevator… tila isang karera ang aking pinapanood… sa pagpapalit-palit ng numero sa floor indicator, halos sabay na umaakyat ang dalawang elevators… napayuko ako para di ko makita kung aling elevator ang mauuna… ang lakas ng kabog ng aking dibdib… umaasang ibang elevator ang magbubukas ng pinto para sa akin… hanggang marinig ko na naman ang pamilyar na tunog… Ting!!! Alam na! Ito ang elevator na iniiwasan ko… Huminga ako ng malalim na tila gusto ko ng wag ibuga...

2:40 am… 

Wala akong choice kundi sumakay sa elevator na ito. Ayoko naman abutan ng alas tres dito sa paghihintay… may pag-aalinlangan akong pumasok… tumunog ang sensor at marahang nagsara ang pintuan sa aking likuran… 

5 minuto na ang nakakalipas ngunit halos hindi ko maramdaman na bumababa na ang elevator. Marahan at biglang umalog ng konti… bumababa na ang elevator pero ang kakaibang pakiramdam ay di mawala sa kin. Parang nakadikit na di ko malaman. Alam kong may mali, dahil ito ang elevator na tinitigan ko ilang oras na ang nakalipas. At tama ako, may kakaiba nga. Nagulat ako ng biglang tumigil ang elevator... salamat naman at may kasama na ko dito sa loob...Pag bukas ng pinto, dilim at banayad na hampas ng malamig na hangin ang sumalubong sa kin. Ang taong inaasahan kong sasakay ay wala... at tila wala pang tenants ang floor na ito... Maalikabok at puro agiw ang lobby nito... may isang parang pulpito yata na nasa isang sulok na ginagawang station ng mga guwardya. Agad agad kung pinindot ang closed button ngunit hindi gumagalaw ang pinto. Nakabukas lang na tila may hinihintay na pumasok! Pinindot ko uli ng mabilis ang closed button ngunit di pa rin natinag ang pinto… Eto na naman! Nagsisimula na namang gumapang ang kilabot sa aking katawan... marahil kung hindi kulot ang buhok ko, nagtayuan na ito lahat dahil sa kilabot sa nagbabadyang mangyayari na naman.... 

Since ayaw sumara ng pinto, kailangan ko na yatang pindutin ang emergency button to alarm the main lobby guard sa ground floor... When I'm about to do that... Napansin ko ang nasa floor indicator sa taas... nag-bi-blink na tila nagpapapansin!... at namutla na ako ng tuluyan sa aking nakita kung nasaan akong floor!

44th FLOOR | 3:00 am...


|  |  |



Thursday, April 19, 2012

44th FLOOR



“Do I believe in the supernatural? Oh yes, certainly. I can't believe, I can't accept that you die and that's the end. Physically maybe it is a fact. But there's something about the mind that's more than that.” Terence Fisher





My faith leads me to believe only in two things: The Power of God and the works of evil. Knowing God’s power gave me the strength to face anything, even the darkest of the hour. For I hold on to this promise: 


Psalm 23: 4 “Even though I walk through the valley of the shadow of death, I will fear no evil, for you are with me; your rod and your staff, they comfort me.”



Warning: This story is not for the faint-hearted.


Halos mabunggo ko na ang mga naglalakad sa bangketa sa aking pagmamadali. Lakad, takbo, ngunit hindi na yata ako aabot. Hayy… late na naman ako sa trabaho. Lunes na Monday pa naman! “Bakit kasi di ka nagising ng maaga?”… ang sisi ko sa sarili ko. Medyo natigilan ako… Weird! Hindi naman ako dati ganito… yong tipong kinakausap ang sarili. May mga gabing di rin ako makatulog at tila may bumabagabag sa aking kung ano na di ko mawari. Ito rin ang dahilan ng naglalakihan kong eye-bags at syempre, ang dumadalas kong tardiness. Napaisip ako sandali… bumagal ang aking paglalakad at binalikan ang mga pangyayari noong nakaraang lingo… Saan nga ba nag-umpisa ang aking pagkabalisa?


Friday night a week ago (Ang mga oras na naitala ay hindi eksaktong tumutugma sa aktwal na pangyayari… ito ay isang representation lamang ng pagkakasunod-sunod ng mga tagpong inyong matutunghayan) 



10pm…


Uy Bryan… di ka pa uuwi? 10pm na ah… OT ka ba? 

Yup, mauna na kayo, dami kong kailangang tapusin eh… kailangan na to bukas for presentation. Paki- lock na lang ng front door. Thanks!

Ok, see you tomorrow bro! Ingat ka, may nagpapakita raw ditong multo! Hala ka!!!

Hahaha… sira-ulo! Ako pa tinakot mo! Sige na, ingats! At binalot ng katahimikan ang opisinang aking pinagsisilbihan ng halos limang taon na rin.


10:30pm...


Beep…beep…beeeppp…. Great! Ngayon pa nagloko ‘tong printer na to. Kung kailan ka naman nagmamadali! Com’on mammon! Gumana ka please, please pretty please! 

Dead! Sira na talaga to… Pano yan, kailangan ko ng hard copies ng presentation tomorrow. 

Napaupo na lang ako sa harap ng PC ko, hoping I can see inside the monitor the solution to my problem. Habang nakatitig ako sa monitor na naka sleep mode, nakikita ko ang sarili kong reflection. Sinipat-sipat ko mukha ko sa monitor…ang gwapo ko talaga… ng biglang may dumaan sa may likuran ko na tila isang anino, kitang kita ko sa monitor kaya bigla akong napalingon. Ang tinumbok ng anino ay ang conference room ng opisina namin. Dali-dali akong tumayo. Ah siguro may nakalimutan lang isa sa mga officemates ko, o baka naman pinag ti-tripan ako ng mga lokong to at nanakot lang. 

Ngunit walang tao sa loob ng conference room. Front door check… naka-lock naman. Namamalikmata lang siguro ako… antok lang to. Naghihikab akong bumalik sa aking pwesto…

Sa pagbalik ko sa station ko, I saw my printer blinking! Ayos, gumagana na uli printer. Agad-agad kong inayos ang pagkakalagay ng papel sa tray para di kainin. Madalas kasi napapasok lahat ng papel sa loob dahil may katakawan lang tong printer na to. At nagsimula ng mag-print ang mga files na naka queue. 

Ngunit ng nasa kalagitnaan na, nakarinig naman ako ng tunog ng nag-pi-print sa kabilang station. Tunog ng dot matrix na printer, malamang sa accounting, pero teka lang, wala ng tao doon. Pano mangyayaring may nag-pi-print pa? Accounting station check… walang tao… at patay ang mga Pc at tanging isang printer lang ang naiwang naka on… ang nakapagtataka lang, laser printer at hindi dot matrix ang naiwang bukas na printer. Ipinagkibit balikat ko lamang yon at bumalik sa aking ginagawa.

11:00 pm…

Sa wakas, malapit ng matapos…last set of files na ang nakasalang… Nakaramdam ako ng tawag ng kalikasan… Wee wee mode muna. Papunta sa CR, kailangan ko pang lumabas ng opisina, at dumaan sa maiksing corridor to the lobby ng 44th Floor, turn right, left, right at andon ka na sa CR. 

Pagbukas ko ng pinto, may isang bote ng mineral water na nakapatong sa sink countertop at marahang umiikot na tila isang carousel. Natigilan ako sa may pinto… di ko alam kung papasok pa ba ako… pero naiihi na talaga ako. Cubicle Check… Sinilip ko ang dalawang cubicle ngunit parehong walang laman. At sa ganitong oras, malamang ako na lang tao sa floor na ito. I discounted the fact that someone was playing a joke on me. At ang bote ng mineral water ay marahang nahulog mula sa countertop at gumulong sa aking paanan. Mga ilang minuto rin na pinakiramdaman ko kung may susunod pang mangyayari, ngunit wala. Medyo sinipa-sipa ko ang basyo ng bote, bago ko pinulot. Empty plastic Bottle check… nagbabakasakaling may tali ngunit wala. Ok, fine. Shoot sa basurahan ang bote at ako’y jumingle na. 

Habang naghuhugas ng kamay, napansin ko na talagang haggard na itsura ko. Naisipan kong basain ng tubig ang aking mukha, nakalimutan ko na may ID pala akong nakasabit sa aking leeg. Ang ginawa ko, iniikot ko sya sa may likod ko habang ako’y naghihilamos. Konting basa-basa ng buhok, konting pa-pogi at ready na uli rumampa! 

Muli tiningnan ko ang bote ng mineral na nasa basurahan… wala namang kakaiba… nilagpasan ko ito at deretso na para lumabas…

Ang siste, sa aking paglabas ng CR, bigla akong nahatak pabalik. May pwersang humila sa ID ko na nasa likod ko pa pala. Nasakal ako ng konti dahil sa paghila at napaatras ng isang hakbang… Dito na ko nabahala… dahan-dahan akong pumihit para tingnan kung may tao ba sa likod ko… wala! 

Binalikan ko cubicle at baka may nagtatago lang at ako’y pinaglalaruan lamang… ngunit talagang wala… 

Sinuri kong muli ang aking dinaanan at baka nasabit lang ang aking ID, ngunit walang mapagsasabitan kung hindi sasadyaing hatakin. Ngyon… sigurado na ko, na there’s something wrong!

Whatever and whoever you are… hindi mo ko kayang takutin! Pagpapalakas loob ko sa sarili ko habang tinatahak ko ang maikling corridor pabalik.

Pagdaan ko sa lobby… Ting!!! Saktong bumukas ang elevator… ngunit walang lumabas… Sa di ko malamang dahilan, napako lang ako sa aking kinatatayuan, nakatitig sa bukas na pinto ng elevator, sa patay-sinding malamlam na ilaw, naaaninag ko ang sarili ko sa salamin sa loob… alam mo yong effect ng on and off light sa still image para magmukhang gumagalaw? Ganon ang nakikita ko sa refelction ko sa salamin. Para akong namamalikmata. Hanggang sa dahan-dahang sumara ang pinto ng elevator… Ting!!! Tila hudyat para ako ay bumalik sa katinuan… muli kong naihakbang ang aking mga paa pabalik sa aming opisina… 

11:30 pm… 

Habang naghihintay na matapos ang natitirang pages for printing, marahil sa sobrang antok ay napaidlip akong nakasubsob sa aking table.

Ding! Dong! Ding Dong! Napabalikwas ako sa tunog ng doorbell ng opisina namin (oo, tama ka, parang doorbell sa bahay ang tunog)… pupungas pungas akong lumapit para tingnan kung sino man ang nasa labas ng pinto. 

“Sir, roving check lang po, pasensya na sa istorbo.” Si manong guard pala. Di ko maiwasang di mag-usisa: “Manong ako na lang po ba tao dito sa 44th Floor?” Ay opo Sir, kayo na lang… nakita ko lang na may ilaw pa sa loob nitong opisina nyo kaya nagdoorbell ako. Yong mga tao sa kabilang unit sir eh nag-uwian na rin kanina pa” Ang mahabang paliwanag ni Manong guard. Eh matanong ko lang po, may nararamdaman po ba kayong kakaiba sa floor na ito pag nag-ro-roving kayo dito? Naku Sir, wala! Matagal na kong naka-assign dito pero never pa ko nakaramdam at nakakita ng kakaiba sa floor na ito… pano Sir, mauna na ko ha…marami pa kong floors na iikutan… ah-eh… ingat na lang po kayo at wag po kayong magpapaabot ng alas tres ng medaling araw… sabay talikod ni manong na nagmamadali… sa tono ng salita nya… alam kong may kakaiba sa kanya…

12:00 mn…

Natapos na ko sa printing job… Next is binding naman… Napansin ko na wala ng nagpaparamdam na kakaiba sa loob ng opisina. Buti naman, makakapag trabaho ako ng maayos. Medyo mabusisi ang susunod kong gagawin kaya naman kailangan kong maging maingat. Sa pagkakamaling butas lang ng papel, uulitin ko ang printing ng masisirang pages. Kaya naman, ginising ko ang sarili ko at nagpatugtog ng music na gigising kahit natutulog na patay. 

At yon marahil ang aking pagkakamali…

Wednesday, April 18, 2012

Who's your Daddy Now???


Ebidensya ba kamo? Pareho lang kayong itlog ng isilang sa mundong ito!

Nang isilang ka sa mundong ito, laking tuwa ng nanay mo... ngunit iniwan ka ng tatay mo!
Wawa ka naman... wawa ka naman... 

Monday, April 16, 2012

Wanted: Happiness!



This post is not about a review of the movie, "The pursuit of Happyness." And this is also not about a soda commercial, though I may say both have the same root... happiness!   


Ano nga ba para sayo ang "Happiness?" Depende yan sa tao. Iba-iba kasi ang level ng kaligayahan ng bawat isa. Some people are happier with simple things in life. Yong iba ay hindi. Sana may panukat ng level ng kaligayahan no? Para alam mo kung napapasaya mo ba sya ng sapat o kulang pa. 


When I open my yahoo mail this morning, I received an email from someone I don't know. It's not a spam actually. It's a random message from yahoogroup. And I want to share it with everyone na mapapadaan dito sa UNPLOG at mabasa ang entry na to. Sana maging masaya tayong lahat!  
 
14 WAYS TO BE HAPPY

1. Accept the pains. - You must get in touch with your situation. Sometimes people deny their hardship, thinking that if they don't face them, they will be happier. But it's the other way around. Allow yourself to go through the pains.

2. Choose not to stay in pain. - They say this is self-empowerment. You can be bitter about the pain, and feel very powerless. Or you can do something and feel powerful enough to handle them. It's a choice to live with or without pain.

3. Forgive yourself, other people. - But before forgiveness comes in, think about how other people hurt. Then realize that you can see yourself for what you actually are and not how they want you to be. So finding happiness is no longer rooted outside, but it's inside you what you see, how you view things, what you want. Then it leads to your choice; to live your life with yourself.

4. Take responsibility for your life. - We sometimes allow ourselves to let other people, circumstances, or pains to rule our lives. So we become very unhappy and very bitter because we live blaming others on who we are, where we are at, or how we should be. Its an exhausting process because you'll forever be blaming other people. Don't be bothered by what others think who you are or the standards they set. Take responsibility for your life.

5. Learn to let go and Trust yourself. - To be happy means learning to let go of expectations from your self or from other people. You can't always have your way. At work, you can't always be sure your strategies will work or your plans will happen. But before you let go, have a deeper trust in yourself.
6. Learn to receive blessings. - Think of the little things that make you happy or the people that give you assurance where you're good at. This is called receiving. Most of us have reasons to be happy, only that we don't see them or we take them for granted. We need to have little eyes and little hearts too, and realize that all things that make us happy have been there all along.

7. Have somebody to turn to. - Even if you're in turmoil, there are people who will support you. But often we stick with people who make us unhappy. If you're unhappy, seek people who will nurture you or look for a partner who will serve as a well or spring of inspiration.

8. Be hopeful. - Hoping is better than being optimistic since it's whole and real. - Because sometimes, one optimism can be denial of hardship. Its easy to be optimistic about things, but inside you, you're anxious about them. Hoping is deeper. Its something you look forward to even when you recognize the difficulties and pains. The more hopeful a person is, the more he recognizes how bad the situation is, and lets himself to bear it. In the end, he knows it will bear results. You don't deny difficulties. You're touching ground instead.

9. Keep the faith Alive. - There'll be points in your life when you can't handle problems alone. Think about someone who's more powerful, and who loves you dearly to take care of you. Having faith in God will give you hope..

10. Share yourself. - You can actually give intangible gifts even without your conscious effort. - People will tell you later that you've helped them, and gradually, you will help others, they will affirm you by saying, You're Good. Then you realize that you're good person and your goodness is not merely based on meeting deadlines or getting a raise. It's more of proving your self-worth based on being loved for who you really are and not simply for the result you can deliver of the money you can contribute towards difficulties in life.

11. Be grateful. - You have to develop in yourself the sense of gratitude. You should be thankful for what you have. But you should recognize that there are things you can do to improve your life.

12. It's all in the mind. - We are unhappy because we think we are. Unhappy people are attached to their unhappiness. They refuse to change. When one thinks negatively, then he attracts negative thoughts. If you think that a tragedy will fall on you, somehow you fulfill it. Unconsciously, you make it happen.

13. Money isn't everything. - People accumulate more and more money, but the moment of happiness they can buy gets smaller and smaller. Although more money may bring greater feeling of empowerment, studies show that personal relationship, spirituality and feelings about oneself most directly influence a well-being.

14. Discover the best friend in you. - We can all change for the better. You can be happy even with yourself by discovering the best friend in you. Get real. Don't be hard on yourself with those high, unattainable goals. It's time you don't look for happiness outside your domain.


 Emailed by Rui Pinto

Now, let's define Happiness:

"Happiness is like peeing in your pants, everyone can see it, but only you can feel the warmth." -Urban Dictionary

















Wednesday, April 11, 2012

Entry Sa Bagsik ng Panitik Contest


MALIGNO
PANITIKAN
LARAWAN
KULISAP
GALUNGGONG
HINUHA
SILID-AKLATAN
KAGAWARAN
SARANGGOLA
BAYANI

(Marahang lalakad patungo sa gitna ng entablado habang nakatungo, unti-unting magtataas ng paningin, sa gitna ng mga manonood, tingin sa kaliwa, sa kanan at balik sa gitna)(Saka tatawa ng malakas)(Objective: Mahawa ang audience sa tawang ito)

Hahahaha! Tawanan? Halakhak? Tama ba ang naririnig ko? Hahahaha! Malalakas na tawanan! Hahaha! Hindi ako dinadaya ng aking pandinig… tama ang aking HINUHA… mga batang nagtatawanan… masasayang tawanan… doon! Sa dako pa roon! Sa malayong DAMUHAN! Nakakahawa… hahaha… nakakatawa… nakakahawa… Santong kabayo, natatawa ako! Hihihi….. hahahaha!

(Biglang hihinto sa pagtawa, lilibutin ng tingin ang mga taong nakikitawa sa kanya at galit na ituturo ang mga manonood)

Tigil! Bakit ka tumatawa? Huwag kang tumawa! Ako lang ang may karapatang tumawa! Akong lang! Ako lang! Ako lang sabi! Ako lang… ako lang… huhuhu…  Ako lang… ako lang… huhuhu… (Challenge: ang pagpapalit ng emosyon – tawa, galit at luha, tatlong paraan ng pagpapakita ng ibat-ibang uri ng emosyon)

Tandang –tanda ko pa… Oo, natatandaan ko, Masaya ako noon… hikbi… Masaya din naman ako ngayon ah? Hikbi… hindi ba halata? (Magpapahid ng luha habang humihikbi, sabay ngingiti) Ayan, nakangiti na ko…  dahil Masaya ako, Masaya akong naglalaro noon…, hawak ang pisi ng SARANGGOLA ko. (Lalakad, tatakbo na tila nagpapalipad ng saranggola)  Bilis! Takbo pa… kailangang hindi umalagwa ang saranggola ko… hangin asan ka? Umihip ka… Umihip ka ng ubod lakas! (Sa tagpong ito mag iipon ng lakas para isigaw sa hangin ang nais sabihin, palakas ng palakas na animo hinahamon ang di nakikitang pwersa) Ibuhos mo ang iyong lakas! Hanggang matangay mo ako sa dako pa roon…! Sa dako pa roon na hindi ako masasaktan… ! malulungkot…! kahit saan!… kahit sa  dako ng mundo ng mga MALIGNO! Ilayo mo ako dito… tangayin mo ako… doon sa kawalan… wag lang dito sa DAMUHAN!!!!

(Dahan-dahang hihinto na parang nakikiramdam sa paligid, mapapalitan ang aura, ang pagbabalik tanaw sa simula)(Ang bahaging ito ay isang pakikipag-usap sa sarili, bilang magka-ibang karakter)

Akala ko maglalaro lang tayo eh! Di ba tinawag mo ko?? Oo, habang nagbabasa ako ng PANITIKAN sa isang SILID-AKLATAN!

Psst! Psst! Psst!.... Bata!  Halika dito!

Ayoko po, paborito ko binabasa ko!  

Psst! Laro tayo! Halika sabi ditto!!!!

Ayoko po maglaro!

Anong ayoko!!! Halika ritong bata ka!!!!!

Huwag po! Huwag po! Huwag poooooo! Kuya wag po!!! (nakaluhod na tila may sumasabunot sa kanyang buhok)

Tigil! Tumigil ka! Tumigil ka sabi! Huwag kang umiyak!! Kundi tatamaan ka sa kin!! Isa!! Tigil sabi! Tigil!!!! (May kinakaladkad, at may hinahawing parang mga talahib patungo sa damuhan)

Ayoko! Bitawan mo ako! Ayoko!! Ayoko  sabi! Ayoko… wag po.. wag po … wag… wa… w…. (Manlalaban habang umiiyak, hanggang unti-unting nawawalan ng lakas at naigugupo… at ang pag-iyak ay napalitan ng hibik ng paghihirap at mapahandusay na walang malay)

(Tatayo…Lilibutin ng mapanuring tingin ang mga manonood) (Ang tuno ng pananalita ay isang nanunumbat)

Bakit mo nagawa sa kin to? Bakit?! Bakit?! Oo! Ikaw! Ikaw nga! Lilingon ka pa! At Ikaw! Bakit mo ako nilapastangan? LARAWAN ka ng isang MALIGNO na dumaan sa buhay ko! Ang kasamaan mo ay sagad sa buto! Mapagsamantala! Ginamit mo ang kahinaan ko… wala kang awa… ipinaranas mo sa kin ang walang kasing lupit na paghihirap… at anong kapalit? Isang kilong GALUNGGONG?! Putang Ina naman! Dinurog mo akong parang KULISAP, tapos ito lang?! Ito lang ba? Ito lang ba ang kapalit ng iyong kababuyan? Saksi ko ang damuhan na ito!! Ang damuhang ito!!! Ang damuhang ito!!! (Mapapaluhod, habang animo’y nagbubunot ng damo,  itataas at itinatapon ang bawat hibla ng damo sa kawalan)

(Muling tatayo, Maghahanap ng pag-asa, sa masalimoot ng mundo ng Damuhan)

Asan ka na? Bakit mo ko pinabayaan? Kala ko ba sing bilis ka ng kidlat? Kala ko ba sing tigas ka ng bakal? (Pupunitin ang kamisetang suot para malantad ang logo ni Superman)
Kala ko ba BAYANI ka ng sanglibutan? Pero asan ka? Hinayaan mo akong mapahamak… ikaw na iniluklok ko sa pinakamataas na KAGAWARAN ng mga super hero ko, ang aking idolo… Asan ka? Bakit? Bakit nangyari to? Sumagot ka!!! Magpakita ka!!! Magparamdam ka!!! Sabihin mong totoo ka!!! (Habang binabayo ng dalawang kamay ang sariling dibdib na tila pinalalabas doon ang bayaning hinahanap) Totoo ka nga ba at di isang kathang isip lang sa mundo ng PANITIKAN!!!? Asan ka!! Tagapagligtas ka daw nang mga naapi?! Ngunit wala ka ng kailangan kita!!! Sinungaling ka!!! Sinungaling kayong lahat!!!!!  

Hindi ka totoo… Ayoko na… Ayoko na sayo… Ayoko na sa damuhang ito… Ilayo nyo ako dito!

Damuhan… kulay berde, Luntian… Ngunit putikan ang kinasadlakan…

Damuhan…  kulay berde, Luntian… ngunit pugad ng kawalanghiyaan…

Damuhan… kulay berde, Luntian… ngunit pula ng aking pagmasdan…

(Isang Monologo:Ang Sentimyento ni Sawing Palad)

ESKANDALO SA DAMUHAN

W * A * S * A * K

W * A * K * A * S 


Lahok para sa Bagsik ng Panitik contest ng Damuhan

Monday, April 9, 2012

Into The Wild!


I'm supposed to have a vacation starting monday last week (April 2 - 9, 2012), but unfortunately due to urgent matter sa Office, nabulilyaso ang aking bakasyon grande. Di bale, kukunin ko sya sa ibang araw na lang. Kukuha ako ng magandang tyempo para magbakasyon. (Parang naririnig ko boses ng boss ko... "Asa ka pa!") 

So ang mahabang bakasyon ay naputol at naging Holy week vacation na lang. Ang malayong plano ay nauwi sa malapitang destinasyon. Ang aking lupang sinilangan. (Atimonan, Quezon Province, Philippines). Sa nagbabalak pumunta sa amin, wag nyo ng tangkain. Sa mga panahong ito ay sobrang trapik dahil ang mga magagaling na kontratista ng kalsada ay kasalukuyang nagbubungkal ng mga sirang aspalto. Advise ko kayo pag tapos na ok?

Anyway, since medyo may katagalan na rin naman akong di nakakapaglagay ng mga kuha ng aking 1000Digicam, ang entry na ito ay ginawa para magka-idea kayo kung ano ang makikita sa aking lupang sinilangan. Fresh from the mountain, and the fields of nowhere.... Into the wilds daw ito!


 1. Easter Egg hunting ang highlight ng pagtatapos ng Holy Week, at hindi ko ito pinalagpas. Sa aking paghahanap ng mga nakatagong itlogs, ibang itlogs ang aking natagpuan. Itlogs ng kuhol! Madalas kaming manghuli ng kuhol noon. At ito ang isang masarap na ulam na nakaka-miss. Masarap na luto nyan ay ginatan (Ginatang kuhol). 

Pero alam nyo ba na ito ay salot sa palayan? Kinakain ng mga ito ang bagong sibol na uhay ng palay na nagiging sanhi ng di nito paglaki ng maayos. Ang resulta, pangit na ani ng palay. Lugi ang ating magbubukid. Sa kasamaang palad, ang mga kuhol na ito is hard to kill. At hanggang ngayon, the battle of the farmers vs the Kuhol continues! 

Para makatulong ka, tara ng manghuli ng kuhol at iadobo sa gata. At sabay-sabay nating isalba ang palayan. 
 2. Baby Kabayo... Isang lumang tanawin na di ko inaasahan na makikita ko uli. Madalas na ito ang aking iniiwasan noon, ang habulin ng kabayo tuwing tag-ulan. Makulit pa naman ang mga baby na ganyan. Madalas maputikan ang aking uniporme. Pero ngayon, parang ang ganda nilang pagmasdan. Ang kaibahan, hindi ko na sila iniiwasan. Ayan nga at may kodak pang kasama.






3. Mode of transport... Ganito pa rin pala ang ginagawang paraan ng pagdadala ng kalakal sa bayan. Ang ikarga sa kabayo o sa kalabaw. Dahil hindi pa naabot ng sasakyan ang lugar na ito. (Motorsiklo lamang at bisekleta ang uubra dito) Pero mukhang napasobra yata ang pasan ng kawawang nilalang na ito. Manong, pakibawasi at ng hindi mahirapan ang alaga nyo. Paki alagaan ng maayos at nangangayayat na ang isang ito. Bigyan nyo naman ng day-off. Kung ang makina nga nagpapahinga, kabayo pa kaya?
 4. Kung natatandaan nyo ang entry ko na "Of Paws and Fangs"( Pusikat ) ang isang ito ay kamag-anak ng alaga ng nanay ko. Malamang sa alamang, baka ito ay anak o apo ng mga pusikat na nailathala ko doon. 

Habang kinukunan ko ang pusakal na ito, lumapit pa talaga at sinipat ang lente ng camera ko. Since naka wide angle setting, nagmukha tuloy cartoon character ang itsura ng isang ito. Gusto ko sana i-delete to pero for some reason, I find this shot interesting. Two legged big head cat who happens to be amazed with my camera! Now I understand what's the meaning of "Curiosity kills the cat". 








5. Anong meron? Naintriga ako sa tinititigan ng dalawang ito. Kanina pa sila sa pwesto na yan at tila may inaabangan. Patiently waiting for something to comes out of the hole. Cats is considered to be a good hunter. I still remember seeing one of our pusikat before, fights a grass snake. It's really amazing. Kung may video lang ako that time, I would have video taped it. Napatay yong ahas and since then, nawili na sa pag-aalaga ng pusa ang nanay ko. 



 6. Sariling Ani... ang saging na ito ay galing lang sa aming bakuran. Ito ang nakaka-miss sa probinsya. Ang prutas at gulay ay abot kamay lang. Sariwang ani at libre. Pawis lang ang puhunan. 

Unang kita ko palang at sa kulay nito, nakakatakam na. Nakalagay ba naman sa gitna ng lamesa ng kubo namin, eh di ano pa, kainin na. Matamis at talagang malinamnam. Gusto nyo ng saging? Dahil sa lahat ng prutas, saging lang ang may puso! 







7. Tinik... Ang lumakad ng matulin, pag natinik ay malalim. Isa ito sa kasabihang madalas na mangyari sa kin literally. Ang matinik. Ikaw ba naman ang lumaki sa bukid at madalas na nakapaa lang, ewan ko lang. 


Pero sa pag-gunita sa mahal na araw, napapanahon ang tinik na ito. Dahil isa itong simbolo ng paghihirap ni Kristo. Ang koronang tinik na ipinatong sa kanyang ulunan. Isa rin itong paalala sa atin, bilang Kristiyano, that Jesus paid the price for our sins. This is the symbol of victory, that no matter how hard our life is, there's always God who will never leave us, nor forsake us. 









8. Putikan... Nakakatawa ang kalabaw na ito... nang kodakan ko sya, bigla ba namang lumapit at pinagpag ang mga putik na nakadikit sa kanyang katawan. Napatakbo tuloy ako ng di oras hahaha. Noon, di ako takot maputikan. Isang laro namin noon ang magbatuhan ng putik pagkagaling sa eskwela. Kaya pag-uwi ng bahay, sermon ni nanay ang umaalingawngaw sa buong baranggay. Naranasan ko rin na sumakay sa kalabaw na may hilang paragos. O kahit simpleng pamamasyal lang sa bukid. For me, this is life in it's simplest form. Away from the complicated life of the city.



Hindi man ito ang ideal o yong inaasahan ko na bakasyon, masasabing kong na-enjoy ko kahit papaano ang byahe na to. Nakapag balik tanaw ako sa aking kinalakhan. Dahil naniniwala ako na "Ang hindi lumingon sa pinaggalingan, di makakarating sa paroroonan." 

Maiksi mang maituturing, pero masasabi kong quality time naman. Hindi kasi sa tagal o sandaling pamamalagi nasusukat ang tinatawag nating quality time, but how we spent it. At yon ang dapat nating gawin.  

TIME... SPEND IT WISELY!


Friday, April 6, 2012

Journey Back Home! The Other Half...

Unplog's Journey
Run! .... Mario... Run!

This is the problem if the airport is too big... and the boarding gate is too far that you need to run to be able to catch the boarding time. I still have 1 hour left after I pass the immigration x-ray. Walkalator seems to be a bad idea... people stuck up like they are watching a tourist attractions, leaving no room to overtake. Need a way out and to be back on solid ground to be able to make it on time. I take the turn at the site of the first exit sign. There, I am back on track! Run!!!

Why the rush? It's about the last minute shopping on Dubai Duty Free. Having done it a couple of times, being away from home, you need to have something to bring with you, specially the so called "Food for the gods." It took me almost 15 minutes to reach the boarding gate #125 (FYI... I came from gate #222). 

This is going to be really fast... at the back of my mind is the imaginary list of what I'm going to buy. Wala ng esep-esep... grab anything na pasok sa imaginary list ko. Pagdating sa counter, "Sir, Dirhams or dollars?" I choose US dollars, the only currency I have in my wallet. But when the cash registers do its counting, patay na kulang ang pera ko. Napasobra yata bili ko at grab dito, grab doon ay hindi magandang paraan. Nahiya naman ako magsoli ng mga binili ko, kaya pasensyahan tayo "plastic card", magagasgasan ka na naman!

Paglabas ko ng duty free area, wala ng lingon sa left or right. Baka may magustuhan na naman ako eh mahirap na. Kaya stiff neck mode muna tayo. Deretso lang! Nang makalayo na, "Finally! Free at last sa duty free!"

Ayun na! tamang-tama, nagpapapasok na sa holding area. Di pa boarding so I have time to sit and relax while waiting for the boarding announcement. Since it's a free wi-fi zone, (unlike Morocco airport- maduga, may bayad ang net connection) I manage to check my emails and of course Unplog na rin. Nakapag comments pa ko bago ko narinig ang pamilyar na accent ng Pinoy sa PA system. Napangiti ako, malapit na talaga ako sa Pinas.

Nang magtayuan na para pumila, napa wow ako! This is going to be a full pack trip with all the balikbayans. Ang dami naming pauwi! It's mixed emotions I saw in their faces. Yong iba excitement, pero may ilan na palagay ko ay uuwing luhaan. Alam naman natin na hindi lahat na nagtatrabaho sa ibang bansa ay pinapalad. Kahit hindi ko tanungin, I can feel there's something wrong with them. The lonely face says it all!

39D...


39D, yan ang seat number ko. Isa sa mga pangarap ko ang makapag travel na nasa business class. Pangarap lang naman... kaya for the meantime, 39D is more than enough. Saan nga ba tong 39D? Let's put it this way. Kung sa bus papuntang malalayong probinsya, 39D is at the far end of the bus with the chicken hehehe... ang pagkakaiba lang, walang chicken sa eroplano. Gets nyo?

After a long and winding road, narating ko ang 39D. Aba, kabayan pala ang aking katabi. At malas pa rin, kasi kasama boyfriend nya na foreigner. Kala ko pa naman may makakausap ako sa byahe. Na  miss ko bigla si lola na umiinom ng Budweiser...

Umpisa pa lang, nagsimula na ang kamustahan ng mga kapwa balikbayans! Naaliw ako sa pakikinig... talaga naman, namiss ko ang usapang Pinoy. Hindi lang yon, panay panay ang kislapan ng mga flashes! Parang may paparazzi tuloy sa loob ng eroplane. Picture dito, picture doon... ang nakakatuwa, pati foreigner, game din! They don't mind striking a pose together with our kababayan... may nagpapapicture nga sa tabi ko, sabi ko hindi po ako foreigner, Pinoy po ako hahaha (joke yon?) Oo, wag ka na komontra! Likas na sa ating mga Pinoy ang pagiging masayahin, at ang pagka-inip ay nagagawan natin ng paraan na aliwin ang ating sarili at ang kapwa mismo natin. This is going to be an exciting trip!

Wake up!.. Mario...Wake up!

Yes! Ginising ako ni kabayan stewardess para sa meal at may extra hot noodle soup pa (upon request lang daw ito). This is to balance the meal. Mga cold cuts lang kasi madalas mga appetizer so pag may hot noodle soup ka, ayos ang buto-buto. Pampagising!. Salamat din at hindi nalaglag si sticker sa may ulunan ko. Natigil na rin ang huntahan ng mga kabayans, kanya-kanyang kainan muna. Pero ang dalawang Pinay na kabayan sa aking kaliwa ay hind makakain. Malayo ang tingin sa kawalan. Tila may hinahanap sa mga ulap na makikita sa labas ng bintana. Ang pagkaing inilapag ni kabayan stewardess ay hindi ginagalaw. At palihim na nagpupunas ng mata.

Bakit ang tingin ng mga tao pag nakapag-abroad ka, ang yaman mo na at ang dami mong pera? Hindi lahat ay may magandang kapalaran sa paninilbihan sa ibang bansa. Kailangan mong mag pa-alila sa ibang lahi para kumita lang. Ang iwanan ang pamilya para kumita ng higit sa kinikita sa Pinas. Oo, alam ko na ang lahat ng ito. Narinig ko na to sa iba't ibang tao at iba't-ibang programa sa tv. Pero ngayon lang, ngayon lang nag sink in sa kin ang realidad na nakikita ko sa dalawa nating kabayan. It's different when you encounter it personally, not just watching from a distance. Hindi ko man alam ang pinag-dadaanan nila, ang hiling ko lang, sana maintindihan at intindihin sila ng lipunan.    

Naputol ang pagmumuni-muni ko ng dumaan si kabayan stewardess at mag-alok ng kape... nakakahalata na ko ah. hmmm. Maya-maya pa, dumaan uli si kabayan stewardess, may iniabot na papel, sabi ko na nga ba trip ako nito, pustahan, contact number nya nakasulat dito! Dahan-dahang bigla kong binuksan ang papel...Dyaraannn!!!!!!!

Itinuon ko ang tingin ko sa overhead monitor. Malapit na pala sa Manila... In-flight simulation ng travel says that we are approaching Manila and started to descend. Ngayon ko lang napansin ang madadaanan palang bayan ay Nueva Ecija, Tarlac, Pangasinan, bago pumasok ng kamaynilaan. Malapit na naman ang kalbaryo ko... ang nakakabinging sakit ng tainga due to air pressure during landing... haisst!

Pero hindi lang yon ang inaabangan ko. May isang highlight pa ang paglanding ng eroplano sa NAIA. In a few minutes, eto na ang inaabangan ko. Pero hindi nangyari. Naka-landing na kami, pero wala ang palakpakan na ginagawa ng mga Pinoy OFW na nakakasabay ko noon last year. Wala na ba ang enthusiasm ng pag-uwi sa sariling bayan? Ako na lang yata excited bumalik ng Pinas. Nilingon ko uli ang dalawang kabayan sa kaliwa ko, ngayon, takot at pangamba ang nakikita ko sa mukha nila.

Sa aking paglalakad patungong immigration, sumalubong sa kin ang mga nag-aalok ng alak, chocolates, at kung ano-anong klaseng pasalubong items. Since I already done my shopping, wala lang sa kin yon. Deretso na ko sa counter, sabay abot ng papel na ibinigay ni kabayan stewardess sa kin kanina, ang disembarkment form! Sa pagtatak ng immigration Officer ng arrival stamped sa passport ko, para na ring senelyohan ang katapusan ng aking paglalakbay.

I know this is not the end.... Life is a journey and I will constantly walking, running, or flying... along the way, I just hope makasalubong ko kayo at makasalamuha, kahit sandali lang.....

Hanggang sa susunod na paglalakbay ng Unplog... Mekitiks!


Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...