Wednesday, December 5, 2012

Taxi



Kapansin-pansin ang biglaang dagsa ng mga tao sa isang area ng Makati, malapit sa Coffee shop na aking tinatambayan ngayon. Hindi na bago ang ganitong scenario dito, baka may celebrity lang o basketball player na namataan at pinagkakaguluhan ng mga tao...

Ibinaling kong muli ang aking atensyon sa laptop ko . Chapter 23 na at isang paragraph na lang, tapos na ang aking nobela. Maipapasa ko na to sa makalawa pag natapos ko ngayon o bukas. Dahil sa pagka-agaw ng atensyon ko sa kaguluhan kanina, nawala ang momentum ko sa pagsusulat. Isa-isang iniligpit ko ang mga gadget sa aking harapan. Sayang at hindi ko natapos... isinukbit ko na ang aking backpack at wala sa loob na uminom ako ng kape sa tasang kanina pa nakatitig sa kin at tila ba nagsasabing... malamig na ako! Isang lagok... dalawa... pangatlo... biglang may sumabit sa bibig ko na magaspang na bagay.... dali-dali ko itong iniluwa at laking gulat ko dahil paa ang nakita ko... Oo nga, paa ng ipis! Hindi ko alam kong anong uunahin ko, ang sumuka o ang magreklamo. 

Nanaig ang tawag ng aking sikmura, na hindi maatim na nainom ko ang kapeng ginawang swimming pool ng ipis! Takbo sa CR at doon nagtawag ng uwak! Matapos maubos ang laman ng aking tiyan, balik ako sa table ko. Ang masaklap, wala na kong babalikan... malinis na ang lamesa na aking pwesto kanina. Ang magaling na crew ay nailigpit agad ang aking iniinom na kape sa pag-aakalang tapos na ko.

Walang nangyari... nakuha ang ebidensya ko kaya pasensya na lang, goodbye reklamo! Talunan akong lumabas ng Coffee Shop... Saktong may tumigil na Taxi sa aking harapan. Akala ko may bababa ngunit walang laman ang taxi kaya dagli akong sumakay para makauwi na... nanghina akong bigla sa aking mga naisuka.

Kapansin-pansin lang si Manong Taxi Driver... Naka uniform! Bigatin siguro may ari ng taxi na ito at paunipormado ang mga driver nila. Binati ko si manong na magara ang kanyang uniporme, ngunit di ako nito nilingon... sa halip binuhay ang stereo at pumailanlang ang boses ng isang nagku-kwento. Sinasabayan ito ng instrumental na tunog na mistulang pampatulog...

Ito ang parte ng pagsasalaysay ng DJ na bumungad sa aking pandinig (sa tono ng boses na halatang pinalalim):

"Hindi pinansin ni Jessa ang pasaring ng kanyang mga kamag-aaral... sa halip isa-isa nyang inayos ang mga dalang damit sa tokador. Mag-aala singko na ng hapon... isang oras na lang at mag-uumpisa na ang kanilang retreat. Minabuti nyang mahiga muna sa kamang nakalaan para sa mga dadalo sa pagtitipon. May isang oras pa sya para umidlip. Pero sa halip na makatulog, hindi sya dalawin ng antok. Pagod ang kanyang katawan at parang may nakadagan na mabigat na bagay sa kanyang dibdib, ngunit ang kanyang isipan ay gising na gising. Minabuti nyang tumayo na lang at ihanda ang sarili. Pagkatapos magpalit ng damit, humarap sya sa salamin at nagsuklay ng buhok. Ngunit kinilabutan sya dahil sa kamay na nakakapit sa kanyang balikat... nilingon nya ang kanyang balikat ngunit wala namang kamay... pagharap nya sa salamin, andon pa rin ang kamay, nakakapit ng mahigpit at tila ayaw bumitaw..."

Alam ko kung saan hahantong ito... puro katatakutan naman ang station na gustong pakinggan ni Manong Driver. Nag-request ako na palitan na lang ang station ngunit hindi pa rin ako pinansin o tinapunan ng tingin man lang. Parang wala lang sa kanya... Ang ginawa pa eh mas lalong pinalakasan ang volume. Nananadya yata!!!

Hindi na lang ako kumibo at nanahimik na lang... para hindi ako masyadong mabahala sa kwento ng DJ, sa bintana, sa labas na lang ako tumingin. Nagsisimula ng umambon... ang masinsing patak ng ulan na tumatama sa salamin ng taxi ang nagsilbing pang-aliw ko at ng maiwaksi ko ang aking atensyon sa kwento ng DJ. 

Sa wakas, tapos na ang kwento na hindi ko naintindihan kung paano nagwakas...Matapos ang salaysay, isang awitin naman ang isinalang ng DJ... ang title ng awitin ay "Hamburger Lady", ito ay patungkol sa pinaslang na babae na nagtatrabaho sa Hambruger stand. At ayon pa sa explanation ng DJ, ang awiting ito ay halos instrumento lamang ang maririnig at walang gaanong lyrics. Sumasabay dito ang isang boses ng lalake na hindi pakanta kundi pabigkas nyang ikinukwento ang nangyaring pagpaslang sa kaawa-awang biktima... Nagsimula ang instrumento sa mabagal at mahinang tunog... unti-unting lumalakas hanggang sa muling maging banayad... maya-maya pa ay maririnig na ang boses na hindi pakanta. Mas tama pang sabihin na ito ay isang "chant." Mistulang nakakahipnotismo ang tunog... para akong pinaghehele na kinikilabutan. Nakadagdag pa ang lamig ng aircon na masuyong bumubuga sa aking balat.

Kampante lang si Manong Driver. Di kakikitaan ng pagmamadali o pagka-irita sa pagmamaneho kahit may kalakasan na ang ulan. Tutok lang ang mata nya sa daan, na manaka-nakang pinupunasan ang windshield ng kanyang taxi. Kahit ang galaw ng wiper sa kanyang harapan ay di nya alintana.

Maya-maya pa, huminto kami sa isang gusali. Bakit kaya? Hindi pa ito ang bahay namin... Andito na tayo! May diing wika ng Driver... na sa wakas ay nagsalita din. Wala akong nagawa kundi ang bumaba... hindi ko mapaglabanan ang pwersang humahatak sa akin sa loob ng gusaling aking tinutumbok. Habang papalapiit, nagiging malinaw na sa akin ang lahat...

Maraming tao sa loob ng gusali. Andon ang nanay ko... umiiyak, inaalo ng mga kapatid ko. Habang ang aking ama ay walang kibo at tahimik na nakatayo sa isang sulok ng bulwagan. Maraming bulaklak, may kandila at ang aking larawan na nakangiti. Sa wakas... matatahimik na ko....

Sa labas ng gusali, muling umarangkada ang taxi ni Manong Driver... marami-rami pa syang susunduin at ihahatid na mga naliligaw...


*Unplog's note: This is a fiction... ngunit ang inspirasyon dito ay totoong nangyari sa loob ng taxi kung saan ang kwento ni Jessa at hamburger lady song ay aking napakinggan...



47 comments:

  1. Nakakatakot namang sumakay sa taxi ni Manong driver. Nice story. Patay na pala sya. Masspoil ang makakabasa ng comment ko. lol

    Ui bakit mo inaapi ang ipis? may karapatan din naman silang magkape. dyuk!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sakay ka na ng taxi ni Manong... may libreng hamburger lol

      Para hindi mo na gawing pet ang mga ipis! haha

      Delete
  2. Anlungkot naman ng twist.. pero ang galing ng pagkakahibla ng istorya.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Salamat... lungkot lungkutan lang muna hehe

      Delete
  3. ewan ko sa yo! ang hilig mo sa horror! madaling araw ko pa binasa at natakot ako ! pero maganda ang kwento hehee

    ReplyDelete
    Replies
    1. hehehe Nood na lang tayo ng horror movie!

      Delete
  4. E yung tungkol sa kape na may ipis, fiction din ba? Kasi na-experience ko yun sa office, sa sobrang pagkaasar ko muntik na ko maiyak, at hindi ko nagreklamo kasi baka masaktan ko yun ateng bantay na laging tulog, hehe..

    Naman oh, magpapasko na, horror pa din?? Di ba pwedeng yung happy stories naman.. ini-skip read ko nga lahat ng horror posts nun halloween e, haha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi yong fiction, nangyari yon one time sa isang coffee shop... pero ang kaibahan lang, mukhang pineperahan lang nong mama yong coffee shop... parang lumalabas na sya lang mismo naglagay nong ipis sa kape nya.

      Happy Stories? Ano yon? Me ganon ba? Di ako naniniwala sa happy ending eh kaya di ko maisulat haha! dyuk!

      Delete
  5. Ayayayyy... patay na pala siya. Hindi kaya siya yung pinagkakaguluhan ng mga tao sa simula pa lang. Nasagasaan or ano. Ginoogle ko ang "Hamburger Lady" at nahintakutan naman ako sa mga lyrics na yon. Nakakataas ng balahibo at parang may kung anong salita na hindi ko maintindihan. Parang demonyo na ewan. Hindi ko na tinapos kasi parang orasyon yung sinasabi, para akong sinasaniban ng kung espirito.

    Hindi allowed ang ipis na mag swimming sa kape. :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Kaya ako, ayaw ko nang kumain ng hamburger haha... at talagang ginoogle mo pa... kakaiba yong lyrics no?

      Si Archieviner lang pumapayag na mag swimming ang ipis sa kape haha

      Delete
    2. maka ipis yan si Archie, gagawin niya daw pet. ahaha, kung pwede sana talian ng sinulid yung ipis tapos papaikot ikutin gaya ng salagubang :D

      nakakatakot yung hamburger lady.

      Delete
    3. at kung pwede rin sanang pag awayin ang ipis katulad ng gagamba eh di ayos sana! :D

      Delete
    4. Ui, nilalaspatangan nyo ang ipis. dyuk! May damdamin din sila at nasasaktan :(

      Delete
    5. hindi kaya dehado ang ipis kasi walo ang kamay ng gagamba kapag naglaban sila? ilan ba yung sa ipis? advantage din ng ipis kasi nakakalipad... close fight...

      Delete
    6. @Archieviner; hindi naman, hinahanapan namin ng justification yong idea mo na gawing pet ang ipis haha

      @Anthony; Palagay ko din close fight. Lumilipad man ang ipis, pwede syang ma trap sa sapot ng gagamba. Saka ang ipis, pag napahiga, di na makabangon hahaha

      Delete
  6. Good luck kng masasama m si bino ,anuod ng horror, sapilitan q lang xa napapayag nuong nng nsa alabang kme hehe

    Ou nga an hilig m s horror, grbe u! Christmas na! Sbgay aq nga eh maemopa rn ang mga love stories na gnagwa q, haha
    Chos!

    Oh xa kita kits sa g-belt! :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. haha pilitin ulit natin si Bino na manood

      Nabasa ko nga, lumalablayf ka na haha

      See you sa greenbelt..wag ka maliligaw ah!

      Delete
  7. buti nalang tanghali ko na nabasa ito haha.

    magaling ang daloy ng kwento, kakabilib!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Basahin mo uli mamayang hatinggabi hahaha

      Salamat Inong! Musta si Pines? haha

      Delete
  8. okay ang pagkakakwento... di ko expect na iyon ang ending.... nakaka takot nga pag totoong nangyari....

    sana marami pang maihatid si manong driver... baka dami pang naliligaw

    ReplyDelete
    Replies
    1. Nong pinapakinggan ko yong Hamburger Lady, nanlamig pakiramdam ko... may something talaga sa music na yan...

      Wag nyo nang pakinggan

      Delete
  9. Umatake na naman ang malikot na imahinasyon ni Super Mario ha ha!

    Thumbs up! I like it kahit pasko eh horror ka pa rin lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. Huli na yan for this year hahaha next year naman ang katatakutan... Sa January 1 haha

      Salamat sa suporta Ms B.

      Delete
  10. tanghali ko to nabasa..di ako natakot.. kinilabutan lang.. at buti paa lang sumabit hindi buong katawan ng ipis eeeewness...

    ReplyDelete
    Replies
    1. Buong katawan, tapos makakagat mo pa, at may katas-katas hahaha

      Delete
  11. Replies
    1. Salamat ser sa pagdalaw dito sa blog... unang dalaw mo natakot ka agad... wag kayo madadala haha

      Delete
  12. Oist, haha, may oist talaga eh. Totoo ba talaga na sa taxi mo narinig yun kwento at kanta? Ano taxi yun? Ano pangalan at plaka para maiwasan? May gulay! Bababa kagad ako kung ganyan ang marinig ko sa taxi. At salamat sa payo mo na wag na hanapin at pakinggan, at least di na ko mati-tempt. ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo, pagkalabas ko ng madaling araw sa office... pagsakay ko pa lang yon ang pinakikinggan ni Manong driver... I think AM station yon.

      Yon lang... di ko natandaan plaka nya at pangalan ng taxi. Seriously, hindi magandang pakinggan ang ganong klase ng musika... negatibo sa pakiramdam at para ngang may something evil na nakapaloob don...

      Delete
  13. Una tawa ako ng tawa, tapos natakot. Kala ko true story na nangyari sa yo.
    Pero nag enjoy ako sa mga comnents. Pati hubby ko natawa nong sinabi ko ang ipis na lumangoy sa kape.
    Oo nga naman. Tama archie, may karapatan din sila uminom coffee. Lol

    ReplyDelete
    Replies
    1. salamat naman at napatawa si hubby nyo Ms Joy...lol

      Delete
  14. wah! katakot! pinaka nakakatakot na part ang may paa ng ipis haha!

    hanapin ko nga pala ang entry mo about the elevator! :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. at sa part ng ipis ka natakot hahaha

      hahanapin pa talaga, wag na hahaha

      Delete
  15. wahhhh akala ko ikaw yun. hindi talaga ako huminga. akala ko experience mo sa taxi tapos muntikan kanang nahold up or ano. xet! super kakakilabot naman.

    ReplyDelete
    Replies
    1. iba pala inaabangan mong mangyari, ang maholdap ang bida haha...

      Delete
  16. kala ko naman true experience na naman.. Ganda ng twist ha.. Kinilabutan ako e. haha!

    ReplyDelete
  17. ang totoo,, membro ka ba ng verum est ang hilig mo na sa horror ha...
    teka ang book yung binabasa mo?

    ReplyDelete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...