Tuesday, December 25, 2012

Sana...




Isa-isa nang namamatay ang mga nagkikislapang mga ilaw. Ang magarbong bihis ay unti-unting nang nahuhubaran. Ang dating masayang tagpo ay unti-unti nang nilalamon ng karimlan. Hanggang sa ang buong entablado ay matakpan ng kulay pulang telon. 

Ang bigat ng aking pakiramdam. Hindi ko magawang tumayo sa aking kinauupuan hanggang sa ako na lang ang naiwan at ang lahat sa aking paligid ay mistulang pader na walang kulay. Ilang minuto pa... baka sakaling dumating ka... yan ang aking bulong sa kawalan...

11:30, 11:45, 12:00 at opisyal na tapos na ang araw ng Pasko. 

Dahan-dahan na akong tumayo. Alam ko, hindi ito ang Pasko para sa ating dalawa. May darating pa naman na isang Pasko... isang panibagong paghihintay na kainip-inip... panibagong pag-asam na sana... dumating ka na. 

Muli akong maghihintay sa iyong pagdating.... 

SANA, sa susunod na Pasko na. 



Unplog's note:

Ang post na ito ay dedicated sa lahat ng may hinihintay at may pinaghihintay, sa mga umaasa at mga nagpapa-asa. 

See you next year... Maligayang Pasko sa lahat!

62 comments:

  1. Ang lungkot naman ng mensahe nitong iyong akda, damang-dama ng kahit sinong makakabasa. Ngunit ganito nga ang iba't ibang mukha ng Pasko, may napakasaya, may tamang masaya pero sa kabilang banda meron ding sobrang lungkot at may katamtamang nalulungkot din. Pero ano pa't may Diyos at buhay tayo, kaya dapat nandyan ang pag-asa. Ang pag-asang lumigaya mula sa kalungkutan, ang ngumiti mula sa pagtangis, ang matuwa mula sa pagkakabagot. At mula dito sa iyong mga hinaing ay mukhang handang-handa kana sa pagdating nya, ang hiling ko sana ay mabasa nya ito at sana di kana pahirapan pa. Maligayang Linggo ng Wika, este Maligayang Pasko idolo ko!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sabi ko na may punch line etong si Gracie eh, paiyak na sana ako binasag na naman ang drama ko lolz.

      Delete
    2. @ Gracie -Tama naman ang iyong tinuran. San ba akong kategorya pasok sa mga sinabi mo? napakasaya, tamang masaya, sobrang lungkot o katamtamang lungkot? Palagay ko, all of the above, kasi ganon talaga buhay, minsan masaya, minsan malungkot. Tamang tama sa Linggo ng Wika haha

      Delete
    3. @ Balut - alam na alam mo ha, na may darating na punchline si Gracie haha... a

      Delete
  2. Awts sa lungkot. Nadamang dama ko to.

    Bakit kasi taong-taon nalang di dumadating si Santa Claus. Yan tuloy ang lungkot ni Super M. dyuk! Pinapatawa lang kita ah.

    Para eto sa mga naghihintay sa mga taong kanilang inaasahan o umaasa. Ganun paman Maligayng pasko sayo Super M. :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Hindi ako malungkot ah! ang saya saya ko nga dahil dami kong regalo from Santa hahaha

      Delete
    2. Ambitter ng sagot neto. haha!

      Delete
    3. Sinong bitter? Lingon sa kanan at kaliwa hahaha

      Delete
  3. kumbaga hindi dumating ang hinihintay ngayon'g kapaskuhan. pero may bagong taon pa at may mga susunod pang pasko. antay lang .

    ReplyDelete
  4. May pinaghuhugutan?
    Tara kape na lang tayo :)

    ReplyDelete
  5. Sad . Dont worry darating din yan kung sino man yang hinihintay mo. Meri xmas mar :-)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Merry Christmas Earl! Yeah, na traffic lang siguro

      Delete
  6. ehem.. lalim ng pinaghugutan mo nito ah! HAHAHA!

    ReplyDelete
  7. Ouch lalim!

    Belated maligayang pasko at HAPPY NEW YEAR! :)

    ReplyDelete
  8. ang sakit naman sa bangs ng post na ito
    dame makakarelate dito for sure

    di ko tuloy alam kung proper na batiin ka pa ng merry christmas

    but anyways cheer up na lng parekoy

    ReplyDelete
  9. Di bale Sir Mar, 365 days na lang, Pasko na ulit :))) Antay-antay lang siguro at baka may tamang panahon ang bagay na hinihintay, kung ano man po iyon. Regalo ba iyan ni Inong na ang tagal bumagsak? :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Marami akong inaantay, kasama na regalo ni Inong na ang tagal bumagsak haha

      Delete
  10. lalim yata ang pinahugutan ah...

    may new year pa naman.... hehehe enjoy enjoy lang.... Happy Happy New year!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo nga, may new year pa, baka dumating na sa new year!

      Happy New Year din sayo!

      Delete
  11. Ganyan din naramdaman ko nung 24th, kakaintay kay Santa. Lagi nya akong pinapaasa..haist! :) Anyways, tapos man ang Christmas, marami pang araw sa buhay natin, maaaring dumating ang ating iniintay, sa sandaling hindi natin inaaasahan :)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Seryoso? Inantay mo si Santa? haha

      Oo nga, araw-araw ay may posibilidad na dumating ang ating hinihintay...

      Delete
  12. ang sabeh!! bakit ganun.... kakatapos lang ng pasko malungkot itong iyong likha.. pero ayos lang yan ika nga nila sa bawat lungkot ng isang tao may katumbas itong kasiyahan sa takdang panahon....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Parang si Big Bro lang ah... Sa takdang panahon hehe

      Delete
  13. Ai naku sir mar, makaka relate ako sa mga ganyang emo...hindi dumarating or hindi ibinibigay yung mga gifts na talagang gusto natin...life must go on....so cheer up! Maraming reasons bakit dapat masaya ang pasko...:0)


    xx1

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yes maam! Life must go on, let's celebrate! And drink to that! Kape lang haha

      Delete
  14. Kala ko ikaw, yong pala kami:) yay! Sa susunod na Pasko, i hope my hubby will be home. Anyway, Gid is our light at ang ilaw nya ay di namamatay. Happy New year to you:)

    ReplyDelete
  15. Sana tinext mo ko, darating naman ako e! :p

    Ang lungkot naman talaga ng post mo, short but full of emotions.. Ako naman e naniniwala na kung ano man ang hinihiling at hinihintay naten ay darating in God's perfect time!

    San na kape ko?? Kala ko ipadala mo?

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ang tagal kitang hinintay... (title ng movie haha)

      Yes! In God's perfect time, agree ako dyan.

      Sa PBO gathering, libre kita kape para mainit haha

      Delete
  16. kaka-sad ang post na ito bro...I feel you...

    Basta huwag lang tayong maapagod maghintay at umasa...

    Cheer up... Happy Holidays!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Tama! Wag mapapagod at wag bibitaw...

      Happy Holidays Senyor!

      Delete
  17. Sabay tayong maghintay. Di bale, hindi naman nauubos ang Pasko diba? Merry Christmas!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Araw-araw ay Pasko kaya walang ubos hehe

      Merry Christmas Sey!

      Delete
  18. Eto tissue haha! Kailangan na ngang dumating si Wonder M.

    ReplyDelete
    Replies
    1. Si Maria pala, kala ko si Bea :D lol

      Delete
    2. WOW! WOW ulet! Bakit may Wonder Maria dito? Hindi ko matanggap! Hahaha!

      Delete
    3. dami mong WOW! hahaha hindi ba katanggap-tanggap? Tanggapin mo na hahaha

      Delete
  19. naka-relate ako sa post. grrr! :D

    Merry Christmas and happy new year mar!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Merry Christmas & Happy New Year Empie!

      Delete
  20. nag swimming ako sa lalim kuya ah..,gusto mo pag kape tayo at para mag explain mo ng bongga bongga...lol

    but anyway kahit sad ang story I'm still going to wish you a smashing new year! more blessing!

    ReplyDelete
    Replies
    1. hahaha, natawa naman ako at napa swimming ka sa lalim. Tara, gusto kong magpakalaseng sa kape hahaha

      Salamat! I will smash something really hard this new year! jok! Thanks! Happy New year sayo!

      Delete
  21. tumayo mga balahibo ko nito ibig sabihin relate much!! hahaha ang daming ilaw sa bahay pero isang main na ilaw ang nawala sa amin ng mamatay ang nanay ko, kahit anong pilit na puno ang ginagawa ko, kulang pa rin at habang buhay maging kulang ang pasko namin. nakakahawa ka! hahahaha merry christmas koyah and happy paputok night sa new year!!! hihihi

    ReplyDelete
    Replies
    1. Merry Christmas din and Happy New Year! Iwas paputok para di maputukan haha

      Delete
  22. ok lang yan..darating din sya kuya Mar.. tyaga tyaga lang.. Happy New Year :)

    ReplyDelete
  23. may malalim na pinaghuhugutan ah..

    pasasaan ba't darating din yang hinihintay mo.

    basta pag kinasal ka, abay kaming Ube Jam boys..

    may idea ka na siguro kung sino ang napipisil naming mapangasawa mo. LOL!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Wag naman yon! hahaha Di bale nang single forever wag lang sa kanya hahaha

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...