Saturday, December 8, 2012

All I want For Christmas is?? Not my two front teeth...

Kung tao lang itong Christmas Tree na ito, malamang pagod na pagod na to kakalipat sa iba-ibang blog. Masasabi kong marami-rami na ring tahanan ang narating nito at malayo-layo na rin ang mga lugar na narating.  

At ngayong andito na to sa aking lungga, di ko na to paalisin pa! Para may Christmas Tree na ako! Dyuk! (Nakakahawa talaga tong Dyuk! ni Archieviner - how do you pronounce it? lol) 

At tama ka Jessica , nagulat ako sa tag mo... at dahil dyan ito na ang mga kahilingan ko ngayong Pasko.



Ang tagal kong pinag-isipan to kaya ngayon ko lang nai-post. Kala ko kasi, wala na kong mahihiling pa ngayong pasko... Meron pa pala!



1. Alarm Clock: Lagi kasi akong puyat at madalas may na mi-miss akong importanteng event dahil hindi ako nagigising sa tamang oras. Ehem… hindi ako nagpaparinig Gracie ha! Dyuk! 

Unplog’s Tip para sa mga gumagamit ng Alarm Clock: 

- I pwesto ang alarm clock na malayo sayo. Yong kailangan mo pang tumayo sa higaan mo para lang patayin. Kasi kadalasan, aabutin mo lang ng kamay para patayin at yon na, tulog ka uli. (Gawain ko yan)… Kaya dapat daw eh malayo sayo para pagtayo mo, deretso gising ka na. O baka naman bumalik ka pa sa higaan uli para matulog, eh ibang usapan na yon. 

2. Matupad ang kahit isang lugar sa listahan ng mga nais puntahan ng Unplog: Natupad na ang isa! Abangan ang detalye ng byahe ni Super Mario sa SAGADA! 

3. Maranasan ang Paskong Pinoy ngayong taon: Last year kasi wala ako dito sa Pinas. Kasalukuyang naghahalo ako ng semento sa Morocco noon. Malungkot kasi hindi uso ang Pasko doon. Gusto ko mang umuwi eh hindi pwede. Lahat ng mga kapatid ko eh nagsiuwian to Celebrate Christmas sa Pinas at syempre ako lang ang absent. Pero nakapag celebrate naman ako ng Pasko kasama sila, thru webcam via skype. Mangiyak-ngiyak ako nong bigayan portion na ng regalo. Hindi sa wala akong natanggap, or nalulungkot ako, kundi dahil nakikita ko na pinaghahatian na nila padala kong pera waaahhhh! Dyuk! – Answered Prayer to! Hindi tuloy ang lipad ko papuntang UAE, baka January na next year, although dumating na VISA ko. 

4. Secretary: Oo, gusto kong magkaroon ng secretary… Blogger’s Secretary. Para yong mga entry ko sa blog eh may mag-encode. At taga timpla ko ng kape kapag nagpupuyat at taga masahe na rin at ….. (dyuk?) 

WANTED: BLOGGER’S SECRETARY

Qualification: Basta marunong tumipa!

5. A Voice Recorder: Gusto ko nito for blogging purposes din. Para hindi rin mahirapan si secretary na mag take ng minutes ng mga meeting naming (Executive ang dating!) (Na-i-share ko tong voice recorder sa EB namin last Monday)

Seriously, gagamitin ko yan para hindi makawala ang ideyang biglang lumitaw sa utak na sabaw. 

6. Kotse! – Pero dapat, mag enroll muna ko sa driving school. Meron na kong application form para sa student permit. Isang byahe na lang sa LTO at pwede na kong mag start ng formal driving lessons. Kaya dapat, may kotse na ko pagkatapos kong mag-aral. 

Simple lang naman mga hinihiling ko diba? Kaya naman sana ay matupad kahit yong number 6 lang lol! At hindi rin ako pihikan, kahit yan lang larawang nasa ibaba, pwede na sa kin.




Hindi na ko mag-ta tag... halos lahat ng mga kilala kong bloggers eh meron na nito. Ako lang yata wala haha.

At kung wala ka pa... feel free na gawin din ito. 



Project Piso Update:

Kakatapos ko lang balutin ng scotch tape ang mga naipon kong piso sa tig-sa-sampu.Nakakahiya naman kay Ms Teller para hindi na sya mahirapang magbilang (baka pagalitan ako sa mga baryang ito). Ngayon ay expert na kong mag-balot ng barya. Nakakalaki pala ng maskel sa daliri. And the total amount is!!!!!!!!!!!!

P730.00  

Kala nyo isang milyong piso na no? Exaggerated maka-announce lol! Sayang... di umabot sa target ko na P1,000. Di bale, may pang Noche Buena na kahit papano ang mabibigyan nyan!

Merry Christmas sa lahat!



44 comments:

  1. I was touched dito sa post mo at tawa lo ng tawa. Buti na lang magisa ko sa sala. Dont wori, bigyan kita nong wish mo number 6. Dalawa pa :) dyuk lang hi hi. Puede pictures?
    Merry christmas din sa yo. By the way may mga piso ko dito, kaya lang hirap ipadala dyan;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Yey! Bibigyan ako ni Ms Joy ng number 6! Dalawa pa! At Pictures lang pala haha Marunong na rin kayo ng dyuk ni Archieviner? Haha Wow! May piso din kayo? Sayang haha

      Delete
  2. Ramdam ko ang emosyon sa number 3.... ung feeling na sa cam mo lang sila nakikita to celebrate Christmas.... masaya na nakakalungkot un.... at nakaka iyak talaga...

    Okay yang tip mo sa alarm clock... gawain ko ung patayin saka tulog ulit hehehe.....

    Goodluck sa mga wish.....

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ganon talaga buhay OFW eh, you sacrificed a portion of your life para mabuhay kahit papano ng maalwan ang pamilya natin

      Sarap kasi matulog eh... yong tipong tatawad ka, 5 minutes na lang... nagiging 30 minutes hehe

      Salamat Ser at Merry Christmas!

      Delete
  3. Pasikatin ba talaga ako. whahaha Dyuk!

    1. Hindi na namin problema ang Alarm clock for sure naman tutuparin nayan ni Gracie. Dyuk.

    Meron bang alam clock na na ngunguryente para gising ka talaga agad. Hwag lang yung nakakamatay ah. dyuk! Yung piso mo kaya gawin mong alarm clock. Yung tipong isasabit mo sa taas ng higaan mo. Tapos pag gigisingin kana saktong babagsak sa mukha mo. whahahaha. Dyuk lang :P

    2. Sayang punta sana tayo sa Coron o ilocos pag-uwi ko. Kaya lang di na pala tayo magkikita. :( mag OFW kana ulit :P

    3. Natawa ako sa paghahati ng pera. whahaha. nakakaiyak nga yun. Ganyan din ang pasko namin. Sayang di ko mararanasan ngayong taon. huhuhuu T.T OFW pala si ser Mar. Yey! kita kits sa OFW world :P

    4.Ako nalang ser. ahihihi. dyuk! Sa tingin ko asawa ang kailangan mo. Kasi dapat kasama mo sya lagi 24/7 para makarelate sya sa isusulat. Tsaka yung time na gusto mo magsulat sa blog diba minsan walang pinipiling oras yun. Pano kung wala si secretary? pano ka susulat. Kaya dapat ser mag jowa for sure naman matutuwa si girl in sukob nyun at pagkumuha ka ng jowa dapat yung magaling tumipa. ahihi :P

    5. Yung voice recoder na karaoke para masaya. huwaw laki. dyuk!

    6. Gusto ko din magkakotse. T.T Dream stealer daw ako. dyuk!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Pag yong piso ang ginawa kong alarm clock, knock out ang aabutin ko! Panigurado tulog ang mabagsakan non haha

      Uwi ka na agad, para makapunta tayo ng Coron o Ilocos ( hindi ito dyuk!)

      At ang galing na analization mo sa secretary ah! Ayaw ko ng recorder na kasing laki ng karaoke... hirap bitbitin haha

      Delete
    2. Feb pa uwi ko. Hintayin mo ko makauwi (hindi rin dyuk!)

      Delete
    3. Tingnan natin, pero malabo yata hehe

      Delete
  4. Ayan, si Mareng Gracie pala tutupad ng alam clock mo e, gow!

    Wow, wish ko rin makarating ng sagada e!

    Congrats matupad naman ang wish mo na mag-Pasko dito ngayon, I'm happy for you! At masasaksihan mo pa ng live ang paghahati hati nila sa pera mo! Saya di ba?

    Pwedeng mag-apply na secretary ng CEO ng blog na ito?? Sana walang height requirement, haha! Kahit 24/7 oncall pa, basta doble sweldo ko ah, at may night diff at haggard pay, haha!

    Na-try mo na bang mapakinggan ang recorded voice mo? Ayoko yung saken e, kakatawa! High pitched!

    Pang-mayaman ang karu! Ikaw na!

    :D

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo si Ninang Gracie, bibigyan daw nya ko ng Alarm Clock haha (walang kamalay malay)

      Oo, sa wakas eh masasaksihan ko ang mga kaganapan ng Paskong Pinoy hehe

      Di ko kaya rate mo! Masyado kang high maintenance hahaha may haggard pay pa!

      Oo, ang lamig ng boses ko sa recorded, parang multo lang haha

      Joy ride tayo pag naka kotse ako!

      Delete
  5. parang di alarm clock ang kelangan mo kuya, kundi matinding taga gising..hehehe... ang sosyal naman ng wish list mo na Car.. wala ako masabi... hehehe...

    atleast natupad ang wish mo na dito ka magpasko sa pinas.. =)

    ReplyDelete
    Replies
    1. oo nga, dapat pala taga gising ang aking hiniling haha

      The best talaga pasko nating mga pinoy...

      Delete
  6. Replies
    1. Nge! Kala ko naman ako na pinaka huli... Ikaw pala di pa nakakagawa haha

      Delete
  7. 1haha well ang alarm clock ko ee mom ko haha

    2haha ako wa kong alam puntahan pero madame akong gusting mapuntahan haha

    3 walang katulad ang pasko ng pinoy nu

    4 haha aba boss na boss dating mo nun


    5 haha want ko yan para marinig ko boses ko haha
    kahit di marunong kumanata


    6 mejo marunong na ko may license na kotse na lng kulnag hahaha

    ReplyDelete
    Replies
    1. Astig naman alarm clock mo, sana kasama ko din nanay ko dito sa Manila, panigurado, sya din taga gising ko haha

      Sama ka sa min ni Archieviner... Gala tayo!

      Sinabi mo pa! Ibang klase ang Christmas Pinoy Style

      Bili na rin ng voice recorder... tapos iregalo mo sa kin hahaha

      Buti ka pa marunong na... paturo na lang haha

      Delete
  8. seryoso ka pala talaga sa voice recorder hehehe..maganda sana kung may naisip ka na gusto mo i-blog eh derecho na post agad hindi na kelangan maghintay na makauwi ng bahay.. kelangan ko rin ng secretary kasi madalas akong tamarin mag-type ano kaya voice blog na lang gawin naten para mas masaya diba..kuhang kuha yung expressions at di na kelangan ng secretary hahaha!

    wow! ferrari ba yan..astig! may pink ba nyan?

    sa march kayo mag-coron kita kits tayo dun ;)

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo seryoso ako don hehehe.... sana nga no? automatic na derecho psoting na agad... gawin mo na kayang Vlog para mas exciting... kita lahat pati expression ng mukha haha

      Wala na ko dito sa Pinas sa March eh

      Delete
  9. ang sosyal ng wish list! goodluck!

    ReplyDelete
  10. pwede ko'ng male secretary hahha. 80per hour lang. o murang mura na ha. lol.

    at least dito ka magpapasko. godd jab!

    ReplyDelete
    Replies
    1. eh nakakailang words ka ba nata type sa isang oras? baka lugi ako sa 80 per hour, hahaha binarat!

      Oo kaya sana masaya ang pasko ko this year!

      Delete
  11. Haha, nagwanted talaga? Aba'y willing pala si marj o (mareng Joanne), go for MarJo na! Angelica, wag na kasi magpabayad ano kaba mukhang ayaw ni JL ng ganyan, hahaha peace sa inyo!

    Kala ko nakalimutan mo na yung tungkol sa alarm clock huhu.. Na-pressure tuloy ako, diko kasi alam san hahagilapin yun :P May suggestion pa naman ako if anong klaseng alarm clock babagay sayo - dumbbell alarm clock kasi nahihilig ka magwork out o di kaya ay coffee time alarm clock, may taga gising kana may tagatimpla ka pa ng kape mo o diba musta naman yun?!

    Binigyan moko ng idea about sa voice recorder ah pero may iPad ka naman diba, hanap ka nalang ng app tas yun na gawin mong voice recorder mo, pwede ring voice to text software download ka naman sa PC windows gamit mo.

    Oi dami pala nung naipon mong piso, thumbs up! Ano tutuloy pa ba natin yung plan dipa kasi tayo nag uusap haha aabutin na tayo ng bagong taon. But kidding aside, gusto kita i-DM bout dun reply ka idol ha?

    Feeling ko yung car yakang-yaka mo makuha yan, kasi dika magkakainteres magdrive kung wala kang datung hmmm.. sensya haba na nitong comment ko, at hangtagal kong nagtambay dito inabutan pako ng brownout hello?!

    ReplyDelete
    Replies
    1. At talagang fan ka na ng MarJo love team hahaha

      Binigyan mo ng idea sa alarm clock, magandang design nga yan ahaha

      Nalalakihan ako sa ipad haha, gusto ko maliit lang na voice recorder para di halata. Talaga> may ganong software, voice to text!

      Regarding sa Piso, may nakausap akong isang blogger na may charity works na project din. Mga bata sa Baseco Tondo, may nareceived silang letter na may isang bata don na wish nya ay pamasahe at baon sa school. Para makapagpatuloy sya ng schooling. This is one option. Sige antay ko DM mo.

      Uy di ko kaya pang bumili ng car! Dream come true pag nagkatotoo yan haha

      Delete
    2. haha oo naman dati pa before kayo nagmet, sa kulitan palang sa twitter haha.

      oo meron, voice to text software para sa windows, just google it pati pala yung designs ng alarm clock search mo na rin meron talaga yun haha.

      oo i think nabasa ko yan dati kay ms. hartlesschiq about sa Baseco Tondo project, ayt? maganda nga yan.

      Delete
  12. lols. ayos sa mga wishes. pwedeng mag apply na secretary? lols.

    ReplyDelete
  13. Ako rin hindi pa gumagawa neto 2x na tag ko :( lam mo na... may reason.. humuhugot pa ng lakas ng loob...

    Haist! moment mo to kaya heto ang komento ko sa mga hiling mo..
    1. Tumpak! si Gracie talaga bahala dyan.
    2. Congrats sa 2 and 3 at mukang on going naman yey blow-out :P
    3. Si Juana nang bahala dyan :P
    4. Nice idea. Wag mo lang record boses ko neh at upakan kita lol :P
    5. Pasakay ha? kelangan may kasamang kape :P

    ReplyDelete
    Replies
    1. Take your time... pag ready ka na, magagawa mo rin!

      Bakit ayaw mo marecord boses mo? I record ko pa naman conversation natin pag nag eb tayo habang nagkakape hahaha

      Bawal magkape sa kotse baka matapon haha

      Delete
  14. 1. Ganun pala ang tamang teknik sa paggamit ng alarm clock. Celphone ko ang gamit kong alarm, eh nasa tabi ko rin kaya fail din :/ May sumagot na po pala ng alarm clock niyo sir :D
    2. Goodluck sa SAGADA trip at nawa'y mapagmasdan ninyo ang pamosong sunrise sa SAGADA. Epic daw yun!
    3. Ahaha, nakakaiyak nga yan sir. Ibang iyak naman yan, na may kahalong saya din kahit konti :
    4. Andami ng nag-apply sir ng secretary. Ako na magbo volunteer na isa sa screening committee ng "Search for the future secretary of Mar Verdan" :D
    5. Ang iba eh maliit na notebook pero nice ngang idea ang recorder. :))
    6. Wow, mahilig din ako sa mga kotse. :D magkakasundo tayo sa ganyan. Tska feeling ko makakabili ka na niyan :))

    ReplyDelete
    Replies
    1. Oo, ganyan ang tamang pag gamit ng alarm clock. Pwede pa naman, baka gusto mong sagutin din ang alarm clock, ok lang sa kin dalawa haha

      Galing na ko sa Sagada... at tama ka ang ganda ng sunrise doon. Abangan mo na lang mga photos pag naupload ko na

      Oo masaya na malungkot ang ganong pasko haha... buti na lang dito ako magpapasko ngayon!

      Dami nga! Kala ko mag-aaply ka rin eh, iba pala aaplayan mo haha

      Di ko pa kaya bumili ng kotse hehe Sana nga!

      Delete
  15. ako na lang secretary pero lalaki hahahaha.. tara aral tayo magdrive master m!!!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Sige, aral ka na din! Mauna ka muna haha

      Delete
  16. Hmmm, wanted secretary talaga!? 60wpm, pwede na ba? Pero dahil MarJo supporter (ang balimbing ko talaga...haha) din ako, 6wpm lang pala speed ko, hehe. Pa-ride din sa car ha, baon ka ice cream, di matatapon yun. ;P

    ReplyDelete
  17. Aba may ganto ka rin pala. Ge bigyan kita ng kotse. Hahaha!

    ReplyDelete
    Replies
    1. Ge, aantayin ko kotse na yan! hahaha

      Delete

Related Posts Plugin for WordPress, Blogger...