May mga bagay na nangyayari sa buhay natin na mahirap ipaliwanag... karanasan na di kayang ipahayag at isa tinig at nanatiling naka kubli...
Kailangan mo ba ng masisilungan? Halika...
Sa bayan ng Sta. Inez ay may isang liblib na baryo na hindi kilala at mahirap puntahan. Sa kadahilanang ang daan dito ay hindi pa sementado kaya walang sasakyan ang nakakapasok sa lugar na ito. Mahirap ang daan lalo na kung tag-ulan. Lagpas
bukong-bukong ang putik at talaga namang mahihirapan ang sinumang maglalakad sa
may kalalimang malagkit na lupa. Karamihan sa mga taga roon ay nasanay na sa
ganoong sitwasyon. Kaya naman pangkaraniwan na lang sa kanila na tawirin ang
putikan, sapa at ilog at may dalawang kilometrong kagubatan bago marating ang
bahayan. Maging ang teknolohiya ay tila nahihiya at di makarating o makasilip
man lang sa lugar na iyon. Wala pang kuryente at tanging ilaw lamang sa gasera
na ginatungan ng langis ng niyog ang nagsisilbing tanglaw pag-sapit ng gabi.
Sinumang baguhan na dadayo rito ay mahihirapan kung hindi sanay sa ganitong
pamumuhay.
Isa lang ang palatandaan kung nais mong magtungo sa baryong
ito na kung tawagin ay Pulanggi. Ang lumang Waiting Shed… Mula sa town proper
ng Sta. Inez, mahigit isang oras
maglalakbay ang dyip na iyong sasakyan. Tandaan mo, hindi ka dapat abutan ng
dilim sa kagubatan.
Concepcion, Concepcion! Lima na lang! Paalis na!! Napukaw ng
barker ang aking pagmumuni-muni. Marahil ito na yong dyip na sasakyan ko.
Manong, dadaan ba yan sa bukana ng Baryo Pulanggi? Hindi agad ako sinagot ng
Barker. Kung kani-kanina lang ay panay ang ratsada ng bunganga nito, ngayon
naman ay biglang nanahimik at tiningnan ako mula ulo hanggang paa. Animo
sinusuri kung nasa tamang katinuan ang nasa kanyang harapan. Sakay!! Ang may
diin nyang tugon… Agad akong umakyat sa dyip. Nakiraan sa mga pasaherong andon
na halos ayaw patinag o umusog man lang. Idagdag pa ang mga bagahe nilang
kalakal na nakakapag-pasikip ng maliit na ngang espasyo sa loob. Ilang sandali pa,
puno na ang dyip. Maging ang bubungan ay ginawa na ring upuan
ng mga pasahero. Kinabahan ako kung kakayanin ba ng medyo may kalumaang
sasakyan ang bulto ng dami ng pasaherong kasakay ko ngayon. Nang magsimula ng
umandar, napuno ng maitim na usok ng tambutso ang terminal… at ilang bomba pa
ng selinyador… umusad na ng dahan-dahan ang pampasaherong dyip. Sa umpisa,
akala mo mauubusan ng hininga ang tunog ng makina ng kaawa-awang dyipni. Nang
tumagal, humaharurot na ito sa kalsadang aming tinatahak.
Naaliw ako sa mga magagandang tanawin. Ako lang yata ang
halos mabali na ang leeg sa kakatanaw sa mga nakikita kong una sa aking
paningin. Gusto ko mang kumuha ng mga larawan, hindi ko mailabas ang aking
kamera dahil sa siksikan sa loob ng dyip. Pinagsawa ko na lang ang aking mga
mata sa ganda ng lugar na aming nadaraanan. Nanakit na ang aking leeg sa pagmamasid
sa labas kaya naman napagtuunan ko ng pansin ang aking mga kasakay… kagaya ng
barker sa terminal ng dyip… nahuli ko ang ilan sa kanilang nakatingin sa akin… Baka
ngayon lang sila nakakita ng Manilenyo… ang naisip ko na lang na palusot kahit
ang totoo ay kinakabahan ako. Hindi ako nagpahalata at umayos ng upo. Dahil sa
mahabang byahe, nakaramdam ako ng pagod at antok. Idag-dag pa ang sariwang hangin
na sa probinsya mo lamang malalanghap. Isinubsob ko ang aking mukha sa kalong
kong backpack, at tuluyan na akong nilamon ng pagod at antok…
Naramdaman kong tumigil ang sinasakyan naming dyip. Agad akong
nagmulat at luminga-linga. Napasarap yata ang aking tulog… Asan na ba ako sa
isip-isip ko lang. Pulanggi na!! Yong bababa patungong Pulanggi dito na lang!!
Sigaw ng driver sa tonong galit at nagmamadali… Pakibilisan lang ho at baka
abutin tayo ng dilim dito!! Atubili
akong bumaba dahil walang bahayan akong nakikita sa paligid. Habang bumababa
ako, nagbubulungan ang aking mga kasakay. Di ko maunawaan at sigurado akong
ibang lenggwahe ang kanilang binibigkas. Pagkababang-pagkababa ko ay humarurot
muli ang sinakyan kong dyip habang nanunuri ang tingin ng mga kasakay ko habang
palayo ang sasakyan. Tingin na parang may kinatatakutan.
Naiwan akong nakatayo
sa gitna ng rough road… Tanging tunog ng kuliglig ang aking naririnig. Iginala
ko ang aking paningin at hinanap ko ang waiting shed na tanging
palatandaan ko upang makarating sa pinaka-pusod ng baryo. Di naman ako
nahirapang maghanap dahil sa di kalayuan ay natanaw ko ang isang lumang waiting
shed. Dagli akong lumapit dito.
Isang tipikal na bahay silungan ang aking
nadatnan. Walang dingding ang paligid nito. Tanging dalawang malaking troso ng
punong kahoy ang pinagdikit at itinali ang dalawang dulo nito paakap sa
magkatapatang posteng kahoy upang gawing upuan. Maagiw at may mangilan-ngilang
butas sa bubungang gawa sa dahon ng niyog. Kapansin-pansin ang isang pares ng bakas ng paa na maaninag sa maalikabok na lupa. Paharap sa kalsadang aking pinanggalingan ang bakas. Kung iisipin, parang may hinihintay ang taong may ari niyon. At nakadagdag pa na walang ibang bakas o palatandaan na natinag man lang sa kanyang kinatatayuan. Weird! Hindi kaya dumating ang kanyang hinihintay? Hmmm. pwede rin! Ang galing ko talagang mag-bigay ng kahulugan sa mga bagay-bagay sa paligid ko. Ito marahil ang dahilan kaya andito ako ngayon. Napatawa ako ng mahina sa isiping iyon...
Karatig ng waiting shed ay ang daang halos
natatakpan na ng mga damong ligaw. Ito siguro ang daan patungo sa pusod ng gubat kung nasaan ang Pulanggi. Naala kong muli ang bilin... “wag kang magpapaabot ng dilim sa kagubatan”…
Isang malalim na buntong hininga ang aking pinakawalan… Ngayon pa ba ako dadagain? Ang layo na nang aking narating, ngayon pa ba ako matatakot? Lumingon ako sa kalsadang aking pinanggalingan... kung babalik ako, wala naman yata akong masasakyan pauwi o matatagalan akong maghintay sa susunod na sasakyan. Wala naman akong ibang pagpipilian kaya sige, Kaya ko to!
Ito na yon… wala ng atrasan! At nagsimula na akong humakbang...
Itutuloy (pag sinipag magsulat)
Nakaka suspense naman... iniisip ko kung ano na ang susunod na mangyayari... iniisip ko kung anong kababalaghan ang magaganap
ReplyDeleteNice ^_^
salamat sa pagti-tyagang magbasa... ^_^
DeleteLarawan ang bayan ng Sta. Inez sa napakaraming lugar dito sa Pilipinas, mas maayos siguro na imbes na sanayin sila sa ganoong pamumuhay ay iparanas sa kanila ang mga pangunahing pangangailangan na nararapat lamang sa kanila.
ReplyDeleteNanyayari nga na may gusto kang kuhanan pero tila ayaw pakuha ng gusto mong "picturan", nakakalungkot man at nakakadismaya tanggapin nalang natin siguro na may mga bagay na pang-mata lamang.
kabanapanabik ang susunod na mangyayari, ano kayang mangyayari sa pagsuyod sa kagubatan.
Tama ka dyan, at sa darating na eleksyon, magpapabango na naman ang mga politiko at sana maambunan man lang ang mga lugar gaya ng Sta. Inez...
DeleteTama ka na naman uli... may mga bagay na sadyang pang mata lang "for your eyes only" at kahit anong gawin mong kodak ay di tinatalaban
Ano nga ba gagawin nya sa gubat at anong meron doon? Ewan ko lang...
sana huwag lang ambon ang makarating sa Sta.Inez kung kaya ulan ang kailangan!
Deletenaaalala ko tuloy ang naranasan namin sa bundok ng Makiling, nakakakilabot nangyari sa mga dalang Camera namin
haha dapat alam mo na haha
pwede ring bagyo haha
Deletebakit? anong nangyari? walang imaheng lumabas o may nakunan kayong kakaiba
hahaha oo nga naman dapat alam ko na... alam ko nga ba? haha
blurred lahat, tapos pagdating sa bandang mga mukha namin wala talagang lumilitaw pero nung nasa hotel na kami ayos naman yung mga dala naming camera, nakakakilabot nga e. pati phone ko nun nasira pagdating namin sa taas. Sabi naman ng mga taga doon, natural lang daw yun dapat daw nag-offer man lang kami ng kahit ano sa bundok. Sayang ang ganda pa naman lalo na sa taas at yung parang liblib na forest na sinuyod namin.
Deleteoo a, kaya dapat may katuloy haha
Exciting naman yan... Parang ganyan din yong nangyari sa mga classmates ko nong college, umakyat din sila ng Makiling... since di ako nakasama dahil umuwi ako ng probinsiya namin, excited sila na inggitin ako sa mga pictures nila... ayon wala kahit isa nabuo, kaya tawa ako ng tawa sa kanila... wala silang pang-inggit sa kin...
Deletewala naman nagbabasa kaya di ko na ituloy haha
sabi ko na sayo may sa hiwaga ang Makiling. Tara punta tayo!
Deletetuloy na yan!
Mahiwaga nga... Pero kakayanin kaya ng powers ng Cam ko? Gusto ko subukan... Tara!
DeleteItutuloy haha
Ako kayang mangyayari sa kanya. Kinukutuban ako na nakakatakot ito. haha. Katakot yung paa. Buti at pinutol mo muna. lol Gabi pa naman dito habang binabasa ko to. Kelan ang kasunod? Nagtagal ako sa blog mo dahil pinakain ko pa yung mga isda mo. lol
ReplyDeletehindi yana nakakatakot haha..
ReplyDeleteSalamat naman at pinakain mo mga isda ko, ilang araw ng hindi pinapakain yan haha
at natakot daw akong bigla...dahil sta.ines ang pangalan ng next barangay after nng sa amin...hehe.
ReplyDeletenaku! Malapit ka lang hehehe... kabilang barangay kamo?
DeleteOist bilisan mo yung kasunod Mr. 44th floor! Pasko na nangho-horror ka na naman. Pagbalik ko dito at wala pang Part 2 nyan I'll over feed your fishes mai-impatso yan ha ha ha :P
ReplyDeletehahaha... Christmas Story kaya sa Pasko na ang kasunod haha
Deletemichael kors outlet online
ReplyDeletegucci
michael kors outlet online
nike trainers
louis vuitton outlet
nike air jordan
kate spade
longchamp handbags
ralph lauren outlet
air jordans
michael kors outlet
fitflops
cheap jordans
lebron 12
canada goose jackets
louis vuitton outlet
ray ban sunglasses
kevin durant shoes 8
michael kors handbags
louis vuitton outlet
coach outlet store online
louis vuitton
rolex watches
gucci outlet
cheap uggs
coach factory
michael kors outlet
pandora jewelry
true religion jeans
oakley sunglasses
louis vuitton outlet
ugg slippers
timberland boots
toms shoes
coach outlet
jordan concords
michael kors outlet
2016314yuanyuan
chenlili20160614
ReplyDeletefitflops shoes
kobe 9
burberry outlet
ray ban sunglasses
toms wedges
coach factory outlet
kobe 11
oakley sunglasses
louis vuitton outlet online
christian louboutin
coach factory outlet
coach factory outlet
michael kors outlet online
louis vuitton outlet
true religion jeans
gucci outlet
air max 90
coach outlet store online
ghd hair straighteners
coach factory outlet online
toms outlet
jordan retro 13
jordan 3 retro
nike air force 1
michael kors handbags
michael kors outlet online
nfl jerseys wholesale
giuseppe zanotti
michael kors outlet online
toms shoes
longchamp outlet
asics shoes
louis vuitton outlet
hollister clothing store
ReplyDeletemichael kors outlet stores
birkenstocks
valentino outlet
nike air max 90
chi flat iron
louis vuitton outlet online
adidas nmd white
cheap jordans
north face jackets
ray bans
coach factory outlet online
uggs outlet
cheap jordans
michael kors outlet online
adidas superstar
louis vuitton outlet online
lacoste outlet
true religion jeans outlet
hollister kids
yeezy boost 350
discount oakley sunglasses
rolex submariner
christian louboutin outlet
canada goose outlet
michael kors outlet
ray bans
versace sunglasses
supra for sale
basketball shoes
skechers shoes
ugg outlet
canada goose sale
nike roshe run women
the north face outlet
coach factory outlet
bottega veneta handbags
2016713yuanyuan
nike huarache
ReplyDeleteair jordan retro
chrome hearts
kobe shoes
ray ban sunglasses outlet
chrome hearts online
christian louboutin outlet
kobe shoes
yeezy boost
air jordans,cheap air jordans,air jordan shoes,air jordan 11,air jordan 13,air jordan 6,air jordan 4
kobe byrant shoes
tiffany and co outlet
michael kors outlet store
oakley sunglasses
nike huarache
yeezy boost 350
http://www.outlettiffanyand.co
michael kors handbags
chiefs jersey
ReplyDeletecoach outlet
new balance shoes
christian louboutin sale
ugg outlet
denver broncos jerseys
gucci sito ufficiale
atlanta falcons jersey
louis vuitton outlet online
gucci handbags
longchamp bags
ReplyDeletemlb jerseys
coach outlet online
asics shoes
coach outlet
salomon boots
michael kors handbags sale
cowboys jerseys
vikings jerseys
golden state warriors jerseys
20170417alice0589
adidas neo
ReplyDeletecheap jordans
michael kors purses
timberland shoes
stephen curry shoes
longchamp outlet
adidas tubular shadow
chrome hearts online
adidas gazelle
pandora bracelet
wood storage sheds, bicycle sheds, household storage sheds, garden sheds, lawn sheds, grain sheds, a combination storage shed and playhouse. build shed plans
ReplyDelete